Stay Wild, Moon Child

By alyloony

1.7M 107K 55.6K

Her only goal is to finish the last year of her High School life in peace. But then she met a guy who is so g... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Chapter Sixty Three
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Chapter Sixty Six
Epilogue

Chapter Twenty One

24.6K 1.6K 677
By alyloony

Chapter Twenty One

I feel so drained.

Pakiramdam ko lahat nang energy na meron ako sa katawan, nagamit ko na nung Sabado. My social battery is so low, I can't even response doon sa mga messages nila sa groupchat namin. To be fair, hindi rin naman importante kasi nag s-send lang sila ng mga nakuhanang selfies ng isa't isa.

Nag send si Chichi nung mga selfies nila ni LJ sa Fort Santiago. Meron din yung picture naming tatlo na halatang halata na sapilitan akong isinali sa picture.

MONA: Miss Prez bakit hindi ka naka smile?

Tanong ni Mona sa chatbox. 'Di ko na sinagot. Nag seen lang ako. Nakita ko naman nag chat si Chichi.

CHICHI: Cute pa rin naman si madam prez, hehe.

After that, nag send pa ulit ng mga pictures si Chichi. This time, kasama na sa pictures sina Seb and Harold. May stolen ni Seb doon habang palabas kami ng Fort Santiago, magkasalubong ang kilay. Hindi ko maiwasang matawa kasi caught in act yung pagkainit ng ulo niya. Then meron din selfie si Chichi with Harold. Harold's the one who's holding the camera, tapos si Chichi naman naka peace sign.

I click on the picture at zinoom ko ito sa mukha ni Harold. I felt a different kind of warmth seeing him smile like that. Well, he always gives the warmest of smiles. Yung tipong parang cino-comfort ka? If you're having a bad day, hindi na niya kailangan mag salita, ngumiti lang siya, magiging okay ka na ulit,

Ganoon sa akin si Harold.

He's the source of both my pain and comfort.

Maya maya, nag send na rin ng picture si Mona. Selfie rin nilang dalawa ni Harold. Like Chichi's, Harold is also the one who's holding the cam. And kung kanina, warmth ang naramdaman ko doon sa picture nila ni Chichi, dito naman, pain.

I feel like I'm being stab in the heart again.

Ang bagay nila tignan, ang sarap umiyak.

I'm lying to myself kung sasabihin kong hindi ako naiinggit kay Mona or even kay Chichi na may selfie sila ni Harold. Sa totoo lang, inggit na inggit ako. I want one too. I was waiting for him na siya ang mag offer dahil wala akong lakas ng loob to ask a photo with him. Pero ayun nga, hindi naman kami halos nag usap nun dahil most of the time, sila ni Mona ang magkasama. Nung pauwi na lang kami nagkausap and hindi ko pa magawang tumingin sa kanya ng diretso.

Why am I like this?

I don't want to torture myself anymore that's why I decided to close the chatbox. Pero bago ko pa magawa, nakita kong nag seen si Seb at in-angry react niya yung picture.

CHICHI: Seb?! Nagkamali ka ba ng pindot?!

LJ: Ay may pag angry, lmao.

MONA: Hala bakit po angry?

Seb did not reply. Napairap na naman ako. This guy is being too obvious while Mona is being too oblivious sa mga galawan ni Seb. Kahit nung pauwi na kami galing Intramuros, bigla na lang siya nawala. Nag text na lang siyas a group na nauna na siya. Paano siya makakalamang kay Harold kung ganyan siya umasta? Halatang 'di pa marunong manligaw ang isang 'to.

~*~

I spend my whole Sunday lying on bed doing nothing. I'm not sick but I feel so tired. Alam kong dapat akong mag review para sa test namin sa Monday but I can't even bring myself to open my text book. Nakapag advance study na naman ako dito and medyo confident ako na I'll nail the test, but still, alam kong dapat hindi ako nagpapa kampante.

Pero wala, nanalo ang katamaran ko that day na bihira lang mangyari. Nag mukmok lang ako sa loob ng kwarto. Paulit ulit nag p-play sa isip ko yung mga scenario na nangyari sa Intramuros.

Hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga inasta ni Seb dahil kay Mona. Hindi ko rin in-expect na susuntukin niya nang ganon si Harold. What's surprising is Harold seems unbothered about it. He said its his fault. He crossed the line kaya siya sinuntok ni Seb. He said something to Seb that makes him mad. Pero kahit ganon, Harold said he did not regret telling that to Seb.

Kung ano man ang sinabi niya, I have no freakin idea. Iniisip ko, maybe it has something to do with Mona? Malamang its something to do with Mona. Pero na weirded out lang ako sa reaction ni Harold.

What if Seb is being in denial of his feelings toward Mona at kaya nilalapitan ni Harold si Mona is to make Seb realize na he better make a move or else, mapupunta sa iba yung babaeng gusto niya?

Kung iisipin, nung pinag uusapan namin ni Harold si Mona, he seemed detach to her.

What if... wala nga talagang gusto si Harold kay Mona?

The thought comforted me for a sec. Then I feel bad kasi alam ko eventually, meron at meron pa ring magugustuhan si Harold.

And I'm so sure it's not me. Kasi imposible naman talaga.

Sobrang labo.

~*~

Monday. I woke up late. Hindi ako nagising sa first alarm ko at gusto ko na lang sabunutan ang sarili ko. Ngayon na lang ako ulit nag oversleep ng ganito.

What the hell is happening to me?!

Mabilisan akong naligo at kumain ng breakfast. No, I can't skip meals. Pag ginawa ko yun, baka sakitan ako ng tiyan at mas lalong hindi ako makapag concentrate sa exam.

Buti na lang, nakasakay ako ng bus agad at hindi rin ganoon ka traffic.

Papasok ako ng gate ng school, nakita kong medyo marami rami na rin ang estudyante na parating. I only have fifteen minutes left before the flag ceremony starts kaya naman madaling madali ako sa pag lalakad.

I don't even get to review for our exam! Sabi ko kanina gigising ako nang maaga para makapag review saglit pero hindi ko nagawa. Nakakainis!

Habang nag lalakad ako papasok, I saw Chichi walking in front of me. Mabagal siya mag lakad at parang malalim ang iniisip. People are bumping on her pero wala pa rin siya sa sarili.

"Miss tabi naman!" sabi nung isang estudyante na nagmamadali mag lakad papasok at nabangga si Chichi.

Tinignan lang siya ni Chichi with a dead expression habang yung babae naman, inirapan siya at dire-diretso na nag lakad palayo.

I'm not the type of person to greet someone first lalo na kung pwede kong iwasan. Pero medyo na bother ako sa inaasal ni Chichi. She's always smiling and full of life. And seeing her like this is kinda off.

Lumapit ako sa kanya at tinapik ko siya sa balikat.

"Good morning," sabi ko as she looked at me.

Parang nag loading pa ang isip niya nung makita niya ako. But then eventually, she smiled at me. Yung usual na masayang ngiti niya na palagi niyang ipinapakita sa amin.

But this time, it did not reach her eyes.

"Hi Miss Pres!" bati niya while waving at me.

Sinabayan ko siya mag lakad.

"Tulala ka," sabi ko rito.

"Ay oh?" sabi naman niya with a giggle. "Nag rereview kasi ako sa utak ko nung exam. Pinapaulit ulit ko sa isip ko yung mga na review ko. Alam mo na, mahina memory," tumawa ulit siya.

I look at her. I'm trying to read if she's telling the truth pero hindi ko mabasa. I can feel something is off. It seems like something's bothering her and I badly want to ask if she's okay, pero pinigilan ko ang sarili ko.

Again, I'm in no position para makielam sa business ng ibang tao.

"Good morning!!" dinig kong sigaw ng isang babae from our behind at bigla itong umakbay sa aming dalawa ni Chichi.

Si LJ.

And like always, ang taas ng energy niya.

"Ganda ng araw!" sabi ni L J.

No, I take that back. She's more energetic today than the usual. As if something good happened.

Or baka masarap lang ang breakfast niya.

O baka nagkapalit sila ng kaluluwa ni Chichi? Who knows.

"Ba't parang ang saya mo?" tanong ni Chichi kay LJ.

LJ looks at her innocently, "ha? Masaya naman ako palagi," sagot nito.

Napailing na lang si Chichi pero hindi na rin siya nag tanong.

Then suddenly, we heard a girl from behind us called LJ's name.

"Hi LJ."

Pare-pareho kaming napalingon and I was surprised to see Jen smiling at LJ. Si Jen yung babaeng nakita ko dati na kausap ni LJ kaya ko nalaman na lesbian siya. The same girl na umiwas kay LJ after she confessed to her na may feelings siya para dito.

"Oh, hi Jen," sabi naman ni LJ dito while smiling at her warmly.

Nagtaka ako kasi the last time I check, LJ's mad at her. Masyado siyang nasaktan dahil kay Jen. But now...

"May bibigay lang sana ako," sabi ni Jen. "Pwede mo ba akong samahan sa cafeteria saglit?"

Inalis ni LJ ang pagkakaakbay niya sa amin ni Chichi and lumapit siya kay Jen. "Sure no problem," sabi nito.

Nilingon niya kami. "Una na kayo. Sunod na lang ako sa flag ceremony."

I gave her a firm look. She just gave me a look na parang sinasabi niyang mag e-explain siya later.

"Let's go," sabi ko kay Chichi at nauna na kaming nag lakad.

Nakita ko pa si Jen na humawak sa braso ni LJ. Bahagya naman siyang hinila ni LJ palapit.

Kaya ba masaya siya ngayon?

"Close pala silang dalawa?" Chichi asked innocently. "Samantalang dati parang ang awkward nila with each other nung classmates pa kami."

Hindi na ako umimik.

Gets ko kung bakit hindi makapag out si LJ sa iba, pero hindi ko maintindihan bakit hindi niya masabi kay Chichi ang about doon. Maiintindihan naman siguro ni Chichi and I'm really sure na tatanggapin siya ni Chichi no matter what.

But anyway, again, it's none of my business.

~*~

Flag ceremony. Since it's Monday, we are required to line up sa field para sa flag ceremony.

Nagkataon na katabi ng pila ng section namin ang section nina Harold. Nakita ko siya sa bandang likod nakapwesto dahil ang tangkad niya. At dahil katabi ng pila ng girls yung pila ng boys sa section nila, I can see him talking to Mona na nasa likod din ng pila dahil ang tangkad din niya.

Napahinga ako nang malalim. Ang agang atake naman nito.

"Lapitan mo, sabihin mo bawal nagdadaldalan," dinig kong bulong sa akin ni LJ na ngayon ay nakatingin na rin kay Mona at Harold.

Napailing lang ako sa kanya and I start to make my rounds. Bago mag start ang flag ceremony, kailangan ko i-check isa isa kung kumpleto na ba ang mga kaklase ko. Kailangan ko rin tignan if they are wearing proper uniform. Pag kasi nahuli sila ng head ng guidance and discipline, madadamay ang buong klase.

I started checking them one by one. Wala si LJ and Chichi dahil mag l-lead sila ng flag ceremony. Napansin ko naman na wala pa si Seb.

Late na naman ba ang isang 'yun?!

Tinignan ko ang oras sa wrist watch ko. He only have five minutes to show up kundi yari na naman siya sa adviser namin!

Nung nakarating ako sa may dulo ng pila, nakita ko si Glen, isa sa mga kaklase kong lalaki, na nag c-cellphone. Agad ko naman siyang sinuway.

"Uy, hindi allowed mag dala ng phone sa flag ceremony. Paki iwan muna sa bag sa classroom," sabi ko dito.

He just looked at me na parang sinasabi niya na wala siyang pake.

Napahinga ako nang malalim. As much as possible ayoko na naman nang panibagong gulo lalo na't Harold is just a few feet away from where I am standing.

"Saglit mo lang naman iiwan yung phone mo sa bag, sumunod ka na lang or else---"

"Mag susumbong ka ha?" sabi nito sa akin at medyo nagtataas ang boses niya. "Bakit ba napaka sipsip mo sa mga teachers? Pabida ka na naman 'no? Ginagawa mo ba yan ha para magkaroon ka ng mataas na grades?"

Naramdaman ko ang pag init ng mukha ko. Sa totoo lang, I don't care if they slander me with insults. I'm used to it. Pero ang hindi ko ma-take ay naririnig lahat ni Harold ang sinasabi niya. Napalingon ako sa pwesto nila't nakita kong nakatingin siya sa akin. Iniwas ko agad ang tingin ko. Feeling ko nanliliit ako. Parang gusto kong lumubog sa lupa.

"Yung phone mo," sabi ko na lang ulit while trying to keep my voice steady. Inilahad ko yung kamay ko, "ako na magtatabi."

"Epal talaga!" sabi nito at tinabing niya ang kamay ko. Narinig kong nagtawanan yung iba kong mga kaklase.

"Yaan mo na Miss Pres, hindi naman gagamitin sa flag ceremony eh. Wag mo na lang pakielamanan."

"Oo nga!" pag sangayon nung iba. "Yung sa ibang section nga puro sila may phone, hindi naman sila sinisita. Masyado kang masunurin."

Pakiramdam ko mas lalong nag init ang mukha ko at gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko. Pinagtutulungan na ako ng mga kaklase ko. Hindi nila ako sinusunod. At lahat 'to nawi-witness ni Harold.

I'm so close to running away. Napahinga ako nang malalim at hinarap ko sila.

"Sige tatawagin ko na lang yung adviser natin."

"Epal mo gago!" sigaw ni Glen sa akin and that made me flinch.

Tatalikod na sana ako para tumawag ng teacher at tumakas sa nakakahiyang sitwasyon na 'to nang may bigla akong nabangga na matangkad na lalaki na nakapwesto sa likuran ko.

It's Seb, and he's looking at us seriously. His eyes are cold and he looks so intimidating.

"B-buti hindi ka na late," sabi ko, and as much as I tried not to stutter, hindi ko naiwasan.

Hindi niya pinansin yung sinabi ko, instead, he walk towards Glen at hinablot niya ang phone nito.

"Susunod lang, dami dami pang sinasabi," sabi nito kay Glen at inabot ni Seb sa akin ang phone nito.

"Uy gago epal mo rin eh!" sabi naman ni Glen. "Bakit ka ba nakikielam? Crush mo ba yan ha?!"

Nagulat ako nang biglang itulak ni Seb si Glen kaya bahagya itong napaatras.

"Manahimik ka," he told him and I've never heard his voice as cold as thik.

"Eh wag ka makielam!" sabi naman ni Glen at tinulak niya rin si Seb.

Pumagitna na ako dahil naramdaman kong lalala ang away ng dalawa.

"Uy tama na!" sigaw ko at tinignan ko si Glen. "Sa akin muna yung phone mo. Ibibigay ko na lang after flag ceremony."

"Manahimik ka epal!" sabi nito habang dinuduro ako.

Bago pa ako maka-react, hinawakan ni Seb ang braso ni Glen na nakaduro sa akin and Glen yelps in pain.

"ARAY KO BITIWAN MO KO!"

Tinulak niya si Glen palayo sa akin at napaupo 'to nang malakas sa sa ground.

"Ano bang problema mo?!" sigaw ni Glen sa amin.

Before we can even respond, nakita namin yung guidance counscelor na papalapit sa amin.

"What's happening here?!" sigaw nito at tumingin siya kay Seb, then kay Glen, then sa akin. "Miss President?" tanong ito.

Hindi ko alam kung paano mag rerespond.

Napabuntong hininga siya at tinuro kami. "You three, in my office, NOW!"

Kakasimula pa lang ng araw and I already feel horrible.

To be continued.

Continue Reading

You'll Also Like

31.5K 972 15
THAT SUMMER WITH A GHOST SERIES #3
5.4K 475 60
Katulad ng pamagat, nakikiusap ang manunulat na panatilihin munang lihim ang tipon ng mga tula na ito. Nais muna niyang magulumihanan, sumaya't masa...
364K 24.4K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
5.3K 1.1K 32
Gaia Allegre is an BSEd-English student who is cage by her parents words. She always follow the rules even if it's already crossing the line of her p...