CLASSROOM OF THIS SPOILD MALD...

By gimaten

20.1K 948 209

Alexis "Alec" Sandoval, is the princess of sandoval family, Nasa kanya na ang lahat at tila para na nga siyan... More

Author note
Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
AUTHOR NOTE
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
Chapter 22
Chapter 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
Author note
CHAPTER 31
CHAPTER 32
Chapter 33
34
35
36
37
38
39
40
41
AUTHOR NOTE

CHAPTER 14

326 17 2
By gimaten

ROLEPLAY

ALEC POV

Kinabukasan pag pasok ko ay medyo napaaga ako dahil kailangan akong gawin ngayon. Ang alamin ang sinasabi ng matalinong anak ng glutathione na my kakaiba kay mr. Tom

Di naman sa nag aalala ako dahil wala akong pake sa letchwegas na teacher nayon. Ang inaalala ko ay kung ano na naman ang gagawin ni alaisa. Pagkatapos ng suhol na pagkain ano naman kaya ang sunod. At yon ang concern ko.

Pagdating ko sa old campus ay nandito ang president na si trone. Naalala ko ang pangalan niya dahil lagi siya ang nag lelead kapag wala ang letchwegas na teacher. Kaya din siya maaga ay siya ang nagbubukas ng room

"Palamura nandito kana pala" nakangiting sabi nito ng makita ako
"Wala pako kaya wag mo alalahanin" pabara na sabi ko.

"Bat napaaga ka ata?"tanong niya

"Wala pa nga ako diba. wag kana mag tanong tch" sita ko sa kanya pero inismiran niya na lang din ako.

Pumasok ako sa classroom ng buksan na niya ang pinto. Pumunta agad ako sa bawat sulok ng classroom para alamin kung my mali ba. Baka kasi nanira ng gamit si alaisa pero masyado naman immature nun pero di imposible na gawin niya dahil masyado desperada ang babaeng yon.

"My problema ka?"tanong ni trone.

"Kayong end class."sagot ko saka pinagpatuloy ang ginagawa ko. "Ay nga pala. Sino ang pinakamatalino sa inyo?"tanong ko sa kanya at medyo naguluhan siya sa tanong ko

" si steal ba ang tinutukoy mo?" Tanong niya. Ayunn oo nga pala steal ang pangalan niya. Nasa dulo na ng dila ko kagabi diko lang masabi.

"Ahh  matalino ba yun. Muka namang hindi" ani kong pakunwari "pero ikaw ano nman ang papel mo sa end class?" Tanong ko pa

"President "simpleng sagot niya

"Yun lang ang ambag mo sa mundo?ang liit naman" pakunwari ay sabi ko at natawa naman siya

"Alam mo nakakainis ka parati pero at the same time ay gusto ko ang ganyang ugali mo. Naalala ko sayo ate ko ee" ani nito at napairap ako sa hangin

"Wow haa. Masyado akong perpekto para lang maalala mo ang ate mo sakin tch" maarteng sabi ko habang nakataas ang ibabaw ng labi ko at napatawa naman siya.

"Wag kang aalis sa end class. Marami kapang malalaman at magiging malaking tulong ka kapag nalaman mo na"misteryoso niyang sabi kaya nangunot ang noo ko

Anong ibig niyang sabihin?

"Wala akong pake"kunwari ay walang interes na sabi ko

Unti unti ay nagdatingan ang iba pa. P. E kami ngayong huwebes kaya naman medyo magaan ang pakiramdam ko dahil naka jogging pants ako. Wala parin puma pansin sakin. Mukang tuloy parin sila sa ginagawa nila aishh.

Nag umpisa ang klase at gaya ng inaasahan ko nandito na naman ang bitch na desperada. Kasama pa siya ng hangal na guro. Pede na silang ridding in tandem.

Naiinis talaga ako sa presensya ng babaeng yon pero kinakalma ko ang sarili ko. Kelangan ko ng asahan na my maaring masasamang mangyari dahil sa presensya niya kapatid niya kasi si satanas kaya delikado na. Nang mag break na ay nanulsol na naman siya. Burger ang spaghetti naman ang dala niya.

At ang nakakainis pa mukang tuwang tuwa ang lahat maging si mr. Tom.  Matapos ang break ay lumabas ako sa room at nag pangap na iihi. Tiningan ko ang tatlong lalaking body guard ni bruha. Habang nakatitig ako ay nangunot ang noo ko. Bakit kailangan niya pa mag dala ng body guard. Ganon na lang ba siya katakot?

Ng makabalik ako sa room ay  sobra na talaga ang iniisip ko. At diko alam ang uunahin ko pero pakiramdam ko ay ako na lang ang walang alam. Konektado kaya ang end class bat ako napunta dito?.

Aishh. Ayoko pag isipan ng masama ang end class pero para maintindihan ay kailangan kong pag hinalaan ang dalawang panig.

"Hoy palamura"nagulat ako ng lumapit sakin si steal. Yung matalinong hamog.

"Ano ba. Bakit nang gugulat ka." Inis na sabi ko

"Mukang my iniisip ka"ani nito at umiling lang ako sa kanya

"Bakit kaba nakatayo dyan?nasa gitna tayo ng klase"tanong ko sa kanya kaya naman tumingin ako sa paligid at narealize ko na nagtatayuan ang lahat

"My groupings. Tatluhan. Ako ikaw at si trone ang dapat na mag kakampi"ani niya kaya nangunot ang noo ko. Bakit ba diko maisip na kung myrong utak ang end class ay meron din itong pinuno para mapasunod ang lahat. Oo nga

"Bakit?"tanong ko tas tumingin sa paligid

"Sumunod kana lang"ani nito at ganun na nga ang ginawa namin. Ang groupings namin ay roleplay ng love triangle. Dahil sa lalim ng iniisip ko diko alam kung bakit ganto ang ginagawa namin at kung para saan

"Ok 10 minutes for discussion. Lalabas lang kami ni ms pelenopy "ani ni mr tom

"Yes mr."sabay sabay naming sabi

Tumingin naman ako sa dalawang nasa harap ko. "Ano sa tingin mo ang pag uusapan natin?"tanong sakin ni trone

"Aba edi roleplay " maang maangan na ani ko at napa iling naman ang dalawa. Nagtaasan ang kilay ko ng ngumiti sila at nanlaki ang mata ko ng malaman ko ang rason

*********
Nag umpisa na ang pag perform ng roleplay. Kaya naman tinitingan ko ng maiigi ang target ko na sinasabi ng dalawa kanina. Na eexite ako sa sinasabi nila dahil para kaming mga action star. Kasi sabi nila mamayang gabi gantong oras kailangan ay nandito kami at my kilalaman ang gagawin ko para sa magiging plano namin mamayang gabi.

Bakit kaya ganto na ka paligoy ligoy ang isip at kilos ng tao dito. Ehh 4th year highschool lang naman sila. Sweet 16 palang naman sila ee. Dala na nga lang ata siguro ng hirap.

Kami ang pang huling mag peperform. Kaya naman mas lalo akong na eexite at kinakabahan at the same time.

Maganda ang naging performance ng lahat at nung kami na ay agad naman akong nagpunta sa unahan. Inurong kasi namin ang mga upuan sa likuran

"GOOD MORNING EVERYONE IM ALEXIS SANDOVAL"
"IM TRONE BAYLON"
"AND IM STEAL NEGLES"

"We named our group as the ilegal man and woman" ani ko saka pumwesto sa view na makikita ko ang bag ni alaisa na naglalaman ng selpon niya

---
"Malalaman natin ang plano niya sa mga personal na gamit niya" saad ni steal
"Ano bang personal na gamit ang laging pinaglalagyan ng sicreto" ani naman ni trone
---

Walang iba kundi ang cellphone.

"Sa isang malaking mansion my isang dalaga na ubod ng sama. Maarte na ay maldita pa" pag kukuwento ni trone at napatingin ako sa kanya. Out of script na yung maldita at maarte ahh sapukin kaya kita

"My isa siyang balak ang hiwalayan ang asawa niya dahil ako ang mahal niya" tuloy  pa nito saka lumapit sa akin.

"Mahal. Pinag tiisan kita dahil mahal kita bakit mo naman tatapusin na lang ito sa ganto?" Emosyonal na sabi ni trone. Aba actress ahh di ako papatalo

"Masakit sa dibdib pero kailangan mong tangapin na wala na. Wala nakong magagawa. Masyado kang mababa para sa aking perpektong pag katao"mayabang na sabi ko kahit out of script na naman ang iba

"Paanong sa akin ay nagagawa mo ito?" Ani niya at napangibit ako ng hatakin niya ang kamay ko

"Aba malay ko sayo. Tanong mo sa presidente wag sakin. Aishh aalis na nga ako" ani ako. Tumawa ang iba dahil yon talaga ang plano na mawala sa ka alistuhan ang lahat. umalis nako sa scene. Ito naman na ang sign na pag gawa saking mission

Nakapatong sa upuan ni mr. Tom ang bag ni alaisa. Na kasama sa mga inusog na upuan. Kaya pasimple akong nag tungo rito at kinapa ang bag niya.

--
"Crowded ang tao kaya di mapapansin ang kilos mo kung magiging maganda ang performance mo" ani ni steal. Seryoso talaga siya sa buhay

" pano pag nahuli" tanong ko

"Kaya nga ikaw ang gagawa kasi di mahahalata na naghihinala kami eh. ikaw kasi ay kaaway mo na. di na nakakagulat na gagawa ka ng masama sa kanya" saad ni trone.

--

Success ang pag kuha ko sa cellphone kaso diko alam san ko ilalagay kasi naka p.e ako maliit ang bulsa sa likod at makikita niya kapag nilagay ko.

Pero my nakita akong isang libro. Kaya agad ko naman sinipit ang cellphone. History ang libro at ang book number ay 267og.

Nang kinakailangan ko ng bumalik sa scene ay unti unti akong bumalik sa kinauupuan ko at nag kunwari na walang nangyayari kasi nakikitawa ako para di mahalata.

---
"Kapag nagawa mo na ang plano itaas ko ang hinliliit mo habang tumatawa ka" anang ni steal
----

Agad ko naman ginawa ang signal at ang pag bubulyawan ng dalawa sa unahan ay natapos at pinasok nako sa eksena nila. Naging ayos ang roleplay.

"Mukang masaya nga kayo dahil don ay makakasama nyo pako ng isang linngo " ng maayos ang upuan ay agad yung sinabi ni alaisa na kinalaki ng mata ko at nagkatinginan kami ni steal. At trone.

Anak ng di ka welkam dito. Feel at home ang tangina.

Ano ba talaga ang plano nito.aisshh
***

Natapos ang klase at gaya ng pinag usapan namin pagsapit ng 7 ng gabi ay babalik kami sa old campus para kalikutin ang cellphone. Pagdating ko ay nandun nga sina trone at steal kaya naman na eexite talaga ako feeling ko kasi ang cool

" nasan ang cellphone?"tanong ni steal na kinalaki ng mata ko. Hala nalimutan ko ang pinaka mahalagang bagay.

"Ah eh ano.. nasa libro"saad ko at napailing sila tila ba dissapointed

"Ahh ehh teka saglit lang. alam ko naman kung nasan ang libro. Teka hahanapin ko haa saglit lang. Teka haa" ani ko diko alam bakit kinakabahan ako. Dala na siguro ng malamig na hangin kapag gabi.

Agad akong tumalikod sa kanila at yumuko sa mga patong patong na  libro  kasi ang tahimik nila nasan naba ang plano namin.
Desperado kong hinanap ang libro at nanginginig ako dahil kakaiba ang kutob ko

" bakit mo pa hahanapin. Syempre nasa my ari yon. Hanggang ngayon napakadali mo paring mauto" isang tinig ang nakapag patigil sakin. Boses iyon ni alaisa.

"So pathetic princess. Sa tingin mo bang mas kakampihan ka nila?. Kawawa ka naman"ani pa niya at humarap ako sa kanila. My hawak na pera si steal at trone. Nakangiti pa sila at tila tuwang tuwa sila sa reaction na nakikita nila sa aking muka. Tuluyan ng nanlamig ang katawan ko.

"Hayy kawawa ka naman. Sarili mong kaklase niloko ka at mas kinampihan ako. Alam mo ang advice ko na lang sayo ay magpakamatay ka. Unang una walang nagmamahal sayo. Bf mo nga niloko ka. Bestfriend at kahit sino niloloko ka. Maging mommy at daddy mo ay dinala ka rito. Sa tingin mo ba ay my nagmamahal pa sayo?" Ani ni alaisa at lumapit sa akin  at nilagay sang kamay sa ulo ko na para bang ginagawa akong aso. Di ako nakapagsalita dahil lahat ng sakit na pilit kong kinalilimutan na kagagawan niya ay na uungkat na naman at gumagawa pa siya ng panibago

"Napaka galing naman ng role play nato napaniwala ako ng genius na hamog at ng walang kwentang presidente." Ani ko saka inalis ang kamay ni alaisa na nasa ulo ko at tinapon iyon ng padabog. pinilit kong wag lumabas ang luha sa mga mata ko. At naging matapang naman ako dahil nagawa ko pero kung tutuusin ay mabigat sa dibdib itong pinagagawa ng mundo sa akin.

********
CLASSROOM OF THIS SPOILD MALDITA

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...