RBW II: THE EVIL HALF(Under t...

By Misa_Crayola

238K 10K 3.3K

Raised By Wolves Book 1 on my Main Acct: MisaCrayola " Who is the evil half? " Cover by: MysteriousMilkShake... More

BEGINNING
Prologo:
RBW II: Beginning
RBW II: TWIN
RBW II: Impostor
RBW II: Red-Eye
RBW II: Lies.Greed.Misery
RBW II: BABY?
RBW II: Crossing Field
Chapter 8:Daddy!
RBW II : HAPPINESS
RBW II: Disappointment
RBW II:
RBW II: The Good and the Evil
RBW II: Fortune Teller
RBW II: Crescent's Voice
RBW : CRESLIGHT
RBW II: Born To Lead
RBW II: his decision, her tears
RBW II: Offspring
RBW II: New Life
RBW II: Fear
RBW II: Heartbeat
RBW II: Split-Identity
RBW II: Bloody message
RBW II: Lovers Quarrel
RBW II: The Evil Half
RBW II: Crescent's DEATH
RBW II: Broken
RBW II: Bear My Child
RBW II: Invitation
RBW II: Her Memories
RBW II: Secret base
RBW II: The son of Evil
RBW II: Parallel hearts
RBW II: REVELATION/ Crescent's POV
Must Read ( Misa's Note )
RBW II: Her Weakness
RBW II: Obsession
RBW II: Another
RBW II: Dark Scheme
RBW II: Who are you?
RBW II: Angels and Demon
RBW II: Heartache
RBW II: MADE UP HER MIND?
RBW II: Together
RBW II: Saving Grace
RBW II: My Daughter
RBW II: Star
RBW II: Unexpected
RBW II: Angel, Prince, Love(Ending)
Crescent's Message for you
EPILOGUE

RBW II:

4K 184 51
By Misa_Crayola

* Dedicated sayo! *u* yieee.. ayan kana ! hahaha ayiee matuwa ka pleaseeeeee..... hahahaha! kaso kapata-patay ang character mo hahahaha! Don't cha worry gurl, isa ka sa may pinakamalaking part nito. *u*

ON GOING ko, 3 stories soon magiging 4 sila so may votes requirements ako bago mag update para naman di ako mapraning kakaisip ano ang uunahin iudate hahaha! 

My Devil Crush -- 50 Votes,

RBW II: 40 votes ,

ABTVAMPIREKING: 30 votes ! ;>  o diba? hahahahaha! 

                                                               RAISED BY WOLVES

                                                                        " NEW "

ROZEN'S VOICE.

         Simula ng umalis si Light bawat sulok ng lugar na'to naalala ko siya, nagpaalam na siyang aalis dahil magsasama na sila ni Crescent. Sino ako para pigilan siya? sino ako para bigyan siya ng pagtutol kung alam ko na napakasaya na nakasama niya uli si Crescent.

Umalis ako ng Snow Island para magtungo sa City ngunit ang totoo gusto ko lang itago sa lahat na nasasaktan ako. Sa bahay na'to may alaala din si Light, ang pagkatuklas niya sa larawan ni Lyra na kamukha ni Ceres nakakatuwang isipin na iisang mukha lang ang gusto nila.

Mula sa mga labi ni Light sinabi niya ang mga katagang " Ngayon na nahahawakan ko na siya hindi ko na siya kaylanman bibitiwan, minsan kong sinakripisyo ang sarili ko sa pagiging makasarili ko at naiwanan ko siya pero ngayon sabay kaming mabubuhay at maglalaho sa mundong ito " ang mga ngiti niya non at ang katotohanan sa mga sinabi niya ay nasa mga mata niya.

3RD PERSON

ZORDICK MANSION/ VAMPIRE COMMUNITY

 " Kapag lumagpas ka , tapos narin ang ugnayan nating dalawa "  si Vlad kay Crescent, magkatalikuran na sila. Si Emerald at Rain ay nakatanaw lang mula sa malayo at matamlay ang mga mata .

Mula sa isang kuwarto sa ikalawang palapag, naroon ang magkapatid na Vincent at Jasmine tinatanaw ang ama at si Crescent na nasa baba.

" Isa na siyang kalaban " si Vincent kay Jasmine.

" Hindi sila dapat maging magkalaban, malapit silang magkaybigan " protesta ni Jasmine na nakatingin lang mula sa ikalawang palapag na kinalalagyan ng kuwarto, kung saan natatanaw nila ang dalawa.

" Sinabi ko naman sayo kalaban siya! Isa siyang wolf kaya ..."

" Tahimik ang ingay mo! "

**

" Bakit ginawa mo sa sarili mong anak ang bagay na yon " si Vlad na tiim-bagang

" Hindi ko gustong mawala siya, siya lang ang tanging alaala namin ni Lyra,ngunit hindi ko kayang maging ama sakanya " si Crescent na ngumiti sa kawalan, hindi nila nakikita ang reaksyon ng isa't-isa ngunit dama nila ang emosyong nakalakip sa mga iyon.

" Sasama ka na sakanya . . " si Vlad.

Ilang patlang ang pumagitan bago tinugon ni Crescent si Vlad " Hindi ko rin siya kayang pabayaan.. Sa pag alis ko wala narin tayong kahit anong ugnayan , wala ka naring dahilan para tuparin lahat nang napag usapan natin at darating ang oras na tayong dalawa ay magiging magkalaban kung hindi magagawa ni Lyra na patayin ako maari bang ikaw ang gumawa non  "  Si Crescent na nilingon si Vlad na awtomatiko din napalingon , kahit si Rain at Emerald narinig ang mga salitang iyon kaya nagkatinginan sila ng may pagkabigla.

"Ikaw ang nakasama ko ng matagal , kung mamamatay ako gusto kong sa kamay mo dahil mahalaga ka rin sakin " ngiti ni Crescent , tumalikod na si Crescent at naglakad palayo.

"  Si Lyra, hayaan niyo siyang magkaroon ng panibagong pamilya. " May sakit ngunit desididong wika ni Crescent. 

Si Emerald at Rain mabilis ang naging pagbagsak ng luha, alam nila na kahit madalas magkaaway ang dalawa hindi matatawaran ang pagsasama ng mga ito. Umaalis si Crescent at pinuputol ang ugnayan nito sakanilang lahat dahil sa New Moon Drop.

" Ipapakasal ko ang mga anak natin sa tamang panahon " si Vlad.

Ngumiti naman si Crescent ng lingunin ito at halos bulong nalang na sinabi ang " Salamat " malaki ang paniniwala ni Crescent na ang mga Pureblood ay hindi mapapabagsak ng kahit sino, kung magiging parte nito ang anak niya magiging ligtas ito at mas malakas.

        Nang maglaho si Crescent mabilis na lumapit si Rain kay Vlad at niyakap ito. " Bakit kayo naghiwalay ? ibig bang sabihin magiging magkalaban kayo? " si Rain na sunod-sunod ang patak ng luha, alam niya ang naging pagaalis ng ala-ala ni Lyra tumutol siya ngunit mabilis na napakiusapan ni Crescent si Vlad at wala siyang laban dito minsan ang pagiging babae sa Imperyong kinabibilangan niya ay wala paring kakayahang tutulan ang desisyon ng asawang lalaki, ika nga " Vampire community is a man's world" 

" Kailangan , may pinahahalagahan tayong tungkulin at sa pagsibol ng mundong ninanais niya maraming buhay ang maaring makitil. Darating din ang oras na hindi na siya makakaalala pa kaya wala naring silbi ang mga pinahahalagahan niya ngayon " pilit pinapatatag ni Vlad ang boses, alam niya na darating din ang oras na maghihiwalay sila ng landas.

        Samantala, Nakatayo si Light sa gitna ng mga nilalang na lugmok at duguan ang kamay nito ay puno ng dugo na pumapatak sa damuhan, nakatingin lang siya sa papasikat na araw na nagpapaabo sa mga Vampires na nasa paligid niya.

" Hindi ko na siya bibitiwan , mananatili siya sakin hanggang huli. Hindi ko mapapatawad ang mga nasa likod ng kalungkutan niya, ngayon na nahahawakan ko na siya wala ng makakakuha sakanya .. " bulong niya walang ngiti sa mga labi niya. Maging sinoman ang nilalang na magtangka sa buhay ni Crescent ay sisiguruhin niyang papatayin niya ng walang awa.

Iniharang niya ang braso ng tuluyan ng sumikat ang araw, nasisilaw siya pero agad ding napawi iyon ng tila may tumakip sa araw at nakita niya na nakatayo na si Crescent sa harapan niya, nginitian niya to.

"Nakita mo? hindi na ko magiging pabigat sa'yo " ngiti ni Light ng lapitan siya ni Crescent ng tuluyan ng maglaho ang mga wala ng buhay na Vampires.

" Wag mo ng uulitin ang ginawa mo " Walang bahid ng tuwa ang boses ni Crescent kaya tumingin nalang sa ibang direksyon si Light, hindi niya gusto ang sinagot nito pero wala naman siyang balak sumagot dahil matatalo lang siya dito lagi niya kasing itinatatak sa sarili na mas matalino, mas magaling si Crescent sakanya.

Naramdaman niya na hinawakan ni Crescent ang kamay niya na ginamit niya sa pagpaslang, nangiti siya ng punasan nito iyon ng puting panyo. " Hindi ko na gagawin uli to dahil baka magalit ka, umm sa susunod nalang kapag may nanakit sayo " ngiti pa ni Light , tinignan ito ni Crescent ng nakakunot ang noo at ngumiti narin.

"Aalis na ba tayo? umm .. sinong kasama natin? ako, ikaw at sino? " si Light na sumunod na kay Crescent ng magsimula itong maglakad.

" Wala tayong kasama, walang dapat makaalam na hindi tayo iisa " si Crescent.

" Umm.. sasabihin ko pa naman kakambal kita " --Light.

Natigilan si Crescent at dumilim ang anyo pero hindi nito iyon pinahalata kay Light.

" Wag kang masyadong magkukulit kailangan kong magpahinga pagdating natin sa lugar na'yon " si Crescent na ikinasimangot ni Light.

" Gusto lang naman kitang kausap , gusto ko lang naririnig kang nagsasalita at nakikita kita sa harapan ko " asar na wika ni Light.

" Magpapahinga nga ako .. " - Crescent

"Oo na! Ipagluluto kita, magaling si Rozen marami siyang naituro sakin ang ganda niya no sayang nagmamadre siya " si Light na ikinalingon ni Crescent dito ng may ngisi " May gusto ka sakanya? "- Crescent.

" Wala, ayoko ng magkagusto sa iba, baka mabaliw ako katulad mo " - Light.

" Hindi yun --- "

"Tumigil ka na! Hindi naman siya maganda " -- Light

" Mas maganda siya kay Ceres " asar na wika ni Crescent.

"Hindi no, maliit lang yung sayo hindi pa mganda, hindi nga siya makakapantay kahit katiting kay Ceres " si Light na ngumisi.

" Ano?! " -Crescent

" Hmp! Wala .. oo na maganda na! " si Light na hinawakan sa kamay si Crescent na ikinabigla naman nito. " Ang init na ng kamay mo, isa pa pwede na kitang hawakan nakakatuwa " ngiting-ngiti si Light na ikinailing ni Crescent,hindi niya tuloy alam kung makakapagpahinga nga siya pag ito ang kasama niya.

        Samantala,  tuluyan ng natunaw ang yelo na kinalalagyan ng Children of Misfortune na si Akariah sa loob ng Abyss , dinig na dinig niya ang mga hinaing ng nasa loob ng Abyss ang kalayaan na hinahangad niya din.

Iminulat ni Akariah ang mga mata na kulay purple, may matangos na ilong at mapulang labi na binagayan ng mamula-mulang pisngi. Napakaganda niya at mukhang maamo ngunit sa katotohanan isa siyang walang awang nilalang.

Nakagapos parin ang mga kamay at paa niya, kahit saan siya tumingin wala siyang makita kundi kadiliman at ang nakakabinging katahimikan at nakakatakot na patak ng  tubig.

Ang  Akariah ay pangalan lamang ng Royal blood family na kinabibilangan niya, isa siyang Vampire at ang kauna-unahang Children of Misfortune na nabuhay ng wala pang Pureblood na mataas kundi mga Royal blood pa lamang noon. Si Aleissa Akariah ay sabay na isinilang ni Vlad at Haruka , itinago ng pamilya sa isang laboratoryo para pagaralan.

" Vlad .. Magbabalik na'ko .. Kaunti nalang .. may mas malakas na ba sayo? may mas matindi na ba ang galit at panibugho sayo? umiibig kaparin ba sa kakambal mo? .. nararamdaman ko buhay kana " hinawakan niya ang dibdib at dinama ang tibok ng puso niya at agad tumalim ang mga mata.

" Paano ako makakalabas dito, dudurugin ko sa kamay ko ang mga Nightray na nagkulong sakin dito dahil sakanila hindi kita nakita! " galit na tinatanggal niya ang gapos ng Abyss pero hindi niya magawa, kailangan  niya ng kontrata para makalabas ngunit hindi niya gustong inuutusan kaya papatayin niya ang Contractor niya.

Nakarinig siya ng mga tawa na nakakaloko iba't-ibang boses pero wala siyang makita.

"Kawawa naman siya, hindi siya makaalis " 

" Oo nga! Isipin mo hinahanap niya yung lalaking hindi naman siya kilala"

"Nababaliw na siya "

" May asawa na yung lalaking hinahanap niya, may mga anak na at masayang masaya na "

Ang mga salitang iyon ay sanay na si Aleissa, iyon ang mga laman ng Abyss na nagtatanim ng galit sa mga binubulungan nito para maging malakas ang mga ito kumbaga pagkain ng mga ito ang galit.

Ngumiti lang si Aleissa " Ah, may nauna na pala sakin .. umm wag kayong magalala ang katulad kong malakas ay para lang sa katulad niyang malakas hindi katulad niyo mga insekto! " tumawa siya at kinagat ang dulo ng daliri.

" Umm .. ano kaya ang pakiramdam ng maging Ina ng mga anak niya, umm magiging mabait kaya ako ohhh isang evil step mother? " ngiting-ngiti siya ng ibulong yun sa kawalan.

" Hintayin mo ko , magsasama narin tayo mahal ko " ngiti niya, tila ba siguradong-sigurado siya na makakalabas siya ng Abyss.

**

" Crescent! " Si Light na mabilis na lumapit sa kama ni Crescent , naroon sila sa lugar ng mga mortal sa naging tahanan nila ni Lyra noong nagaaral pa ito. Tila may sakit ito na hindi normal kaya kinabahan siya ng husto , hindi kaya dahil nasa malapit siya kaya nagkakaganoon si Crescent?

"Leo ! " malakas na sigaw niya, si Leo na nasa hardin sa katawang asong lobo ay mabilis na umakyat sa kwarto ni Crescent at Lyra noon.

" Dito ka muna, pupuntahan ko si Rozen " si Light, mabilis siyang kumilos para puntahan si Rozen kinakabahan siya dahil baka mawala ang pisikal na katawan nito. Nanatili sa matinding pagiinit si Crescent,  kaya naman hindi mapakali si Leo kung sana naroon si Lyra para alagaan ito pero wala na si Lyra pagmulat ng mga mata nito wala na itong ala-ala at katulad ng bilin ni Crescent sabihin nitong patay na ang asawa nito at anak kaya tinanggal ang ala-ala nito.

** 

KASTILYO NG MGA WOLVES 

" Ano ng nangyayari , para tayong mga manonood na hindi maaring makialam sa nagaganap na palabas. Nasaan na ang anak nating si Crescent! Sinasabi nilang nabuhay ang anak nating si Light pero wala rin Light na nagpapakita satin! " si Wolveus sa galit na tono habang nakatayo ito malapit sa bintana, si Julieth na Ina ni Light man ay nakatungo lang at pumapatak ang mga luha.

" Hindi ko alam, naghiwalay narin sila ni Lyra. Namatay ang anak nila paano kung ano ang maisipang gawin ni Crescent o bumalik na naman siya sa dati ! Nasisiguro ko na marami na naman hahabol para kitilin ang buhay niya! " si Julieth na nanginginig habang sinasabi ang mga iyon.

" Hindi dapat kumalat ang balita na hindi sila iisa, hindi alam ni Break na si si Light at Crescent ay magkaibang nilalang at maging ang buong Kastilyo ay naniniwala na iisa sila. " si Wolveus.

" Paano kung kunin na naman ang isa sakanila ng Abyss, paano kung pareho sila, paano na yung mga anak natin?! Ano bang kasalanan natin para bigyan ng pulang mata ang anak natin! " si Julieth na walang tigil sa pag-iyak ,gusto niyang bigyang suporta si Crescent pero nawawala ito, si Light naman ay hindi niya alam kung nasaan bakit ba kasi niya ikinaila na anak niya to.

" Si Xerxes? " si Wolveus.

" Umalis siya, hindi niya sinabi kung saan siya pupunta. Kailangan na tayo na mismo ang humanap kay Light at Crescent , hindi natin maaring ipahanap sila sa iba. Kung sana narito lang si Xerxes " si Julieth, si Xerxes ang may alam na magkaiba si Light at Crescent.

" Hindi ko na hahayaan na muling mawala ang isa sakanila " si Wolveus, nakagat ni Julieth ang ibabang labi alam niya ang lihim na galit ng asawa sakanya dahil sa nagawa niya noon. 

LYRA SCARLET POV 

        Hindi ko alam kung bakit parang may kinuha sa'king malaking bahagi ng buhay ko, alam ko sa sarili ko na isa akong Vampire at isang Royal blood. Bumalik sa ala-ala ko ang araw na pinapatay ng aking ama ang aking Ina dahil nagtaksil daw ito, tumakbo ako sa kagubatan para iligtas ang buhay ko kasama ang tagasilbi ng aking Ina na namatay din sa pagsugod ng mga Vampires na handang dukutin ako. Umiiyak ako, sugatan , putikan , basang-basa at pagkatapos wala na akong maalalang anuman maliban sa kabataan ko.

Nakahiga ako sa kama at nakatitig sa kisame, hindi na ko limang taong gulang. Dalaga na ko pero bakit wala akong maalala ng iba? Nanakit lang ang ulo ko.

Nakarinig ako ng pagbukas ng pintuan, tumingin ako kung sino iyon at nakita ko ang nagaalalang mukha ni Lolo. Lumaki man ako pero hindi parin nagbabago si Lolo, nangilid yung luha ko dahil alam ko na nasa Mansion parin ako. Nandito parin sa puso ko yung galit para saking ama at ang pag asam na sana buhay ang aking Ina, ngunit alam ko naman na pumanaw na siya.

Sa pagyakap ko sakanya narinig ko ang pagiyak niya, ano ba ang nangyari sakin bakit wala akong maalala? bakit ganito na ang edad ko? 

" Lo, bakit wala akong maalala? " kumalas ako sakanya, panay ang pagbagsak ng luha ko.

" Iha, Scarlet.. Sa ngayon magpalakas ka muna " si Lolo, nasa mata niya yung kabigatan.

" Marami akong tanong " pilit ko sakanya, hinawakan ko ang kamay niya. Oo may ala-ala ako, sapat para malaman ko kung sino ang pamilya ko ngunit may bahagi ako na nawawala ang panahon bago ko marating ang edad na'to.

Isang linggo, nakabawi ako ng lakas dahil sa bagong blood tablet, nalaman ko na may asawa akong namatay na at pinuntahan ko siya pero wala akong maalala tungkol sakanya. Wala siyang kahit anong larawan sa libingan niya maliban sa napapalibutan iyon ng mga rosas na walang tinik at kulay puti. Naupo ako sa damuhan, nakahimlay siya sa bakuran ng Mansion namin.

" CS " bakit ganito lang ang pangalan niya? ganito lang ba talaga kaiksi o iniisip nila na baka maalala ko siya kung idedetalye nila? Sabi ni Lolo pinili kong burahin ang ala-ala ko ng mamatay siya, ang lalaking ngayon ay di ko man lang kilala kahit katiting. Natatakot akong makaalala , kung dumating ako sa punto na gusto kong burahin ang ala-ala ko ibig sabihin lang sobrang ka miserablehan ang nararamdaman ko.

" Aalis na ko, pupunta ako sa malayong lugar para magkaroon ng panibagong buhay " malungkot akong ngumiti sa puntod niya. " Kahit hindi kita matandaan alam ko na minahal kita -- kaya wag kang lalandi masyado kung nasaan kaman! " di ko alam kung bakit bumalong yung luha ko , agad kong pinunasan pero patuloy siya sa pagpatak. Nadarama ko parin siya, kahit wala akong ala-ala sakanya naapektuhan parin niya yung emosyon ko.

Huminga ako ng malalim at tumayo na , naabutan kong nakatayo roon ang sinasabi nilang personal na tagasunod ko, si Yen pero hindi ko siya matandaan. Maganda siya at kimi kumilos katuladng pagsasalita niya.

" Aalis na po ba tayo Lady Scarlet? " ani Yen na hawak ang maleta namin paalis, palayo. Tinignan ko sa huling pagkakataon si CS  at nagpaalam sa isipan ko na sana ay payapa na siya.

****

READ.VOTE.COMMENT ! *u*

ON GOING ko, 3 stories soon magiging 4 sila so may votes requirements ako bago mag update para naman di ako mapraning kakaisip ano ang uunahin iudate hahaha! 

My Devil Crush -- 50 Votes,

RBW II: 40 votes ,

ABTVAMPIREKING: 30 votes ! ;>  o diba? hahahahaha! 

 

Continue Reading

You'll Also Like

14.2K 462 52
(Agent Series 3 ||Part 1||) Started Writing:March 26,2020 Finish Writing:Apr.28,2020 Written By: Shireroseee
752K 17K 74
Annyeong! I'm Eunice Chae Yun (Half Filipino, Half Korean) Ako yung tipo na marunong makontento sa kung ano ang nangyayari sa present at kung ano ang...
65.9K 3.4K 112
EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang kanilang fated mate. Pero papano kung n...
460K 10.8K 46
-- Thank you for the awesome cover @yanariks. A Rogue's Mate Iyon ang iniiwasan ni Yhuna. Kaya mas ginusto niyang mag-imagine na isang Alpha ang...