Crown 2: Fall Into Me

By RoviMochizuki

115K 3.6K 154

Highest achievement: Rank #189 in Romance Category (CROWN - Book 2) Scholarship, iyon lang talaga ang habol n... More

Fall Into Me
Chapter One √
Chapter Two √
Chapter Three √
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
A Minute For Silence
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty (Finale)
Mochi's Note

Chapter Six

4.1K 136 1
By RoviMochizuki

NAGING masaya naman ang gala namin ni Trevor minus the pangti-trip part niya sa dalawang babae na nadamay lang naman ang inosenteng si Ako. Aba! Nakakasakit siya ng hindi niya namamalayan. He should be more sensitive, especially to other's feelings.

Wow! Parang alam niya iyong tungkol sa nararamdaman mo a? Try mong umamin, sabat ng magulo kong utak.

Oo nga naman. Alam ba niya na nasaktan ako sa sinabi at ginawa niya? Stupid me. Hindi pa nga ako naami--

Wait! Ano namang aaminin ko?! Ito talaga ang nangyayari kapag maraming iniisip e, kung anu-ano na lang napasok sa utak. Ma-try nga minsan huwag mag-isip.

Mamaya pa'y dumating na ang nakasimangot na si Horen. May dala itong bagpack kaya alam kong hindi pa ito nakakabalik sa kwarto nila ni Mikel mula sa bahay nito. Monday na kasi ngayon. Hindi ko nakita si Horen for two days dahil umuwi ito sa bahay nila.

"Hey," bati ko dito. "Kumusta?" tanong ko pa rin kahit alam kong hindi ito okay. Sa pagkakaalam ko ay magka-away pa rin sila ni Mikel.

"Not okay, Jhay." Patalikod nitong binagsak ang katawan sa kama ko. "Ayokong pumunta sa kwarto ko."

Napabuntong-hininga ako at naupo sa tabi nito. "Hindi ka makakaiwas ng matagal kay Mikel. Mabuti pa ay pag-usapan niyo na iyan."

Tumayo ito sa pagkakahiga pero nanatili lang itong nakayuko. "Hayaan mo siya. Nakakainis na kasi e. He's so annoying. He can tell it straight to my face, kaya bakit kailangan pa niyang magparinig sa akin? Just because we didn't go to arcade, he'll act like a brat?" hindi nito makapaniwalang komento. "That's childish!"

"Wow!" react ko sa sinabi nito. "Is it seriously coming from you?" asar ko dito.

Inis na tiningnan ako nito. I just rolled my eyes on him.

"You know what, parehas kayong may problema dito," panimula ko. "I mean you two both acted childish. Imbis na mag-sorry ang isa ay nagpataasan pa kayo ng pride. Don't you think that's childish?" Napayuko ito sa sinabi ko. "Now, go and fix things."

"No way!" mariing tutol nito sa sinabi ko. "Siya dapat ang unang kumausap sa akin!"

"Ren, there's nothing wrong on swallowing your pride once in a while if it will fix things. Kung maghihintayan lang kayong dalawa, walang mangyayari. Wala ring masama kung ikaw ang unang kakausap." Unti-unti na itong napangiti sa mga sinabi ko. "Saka kaya mo bang tiisin ang taong mahal mo?"

Biglang nanlaki ang mga mata nito, shock is written on his face. "How did you..."

Napangisi ako rito. "Fake clairvoyance. I actually don't know that you love Mikel."

Namula naman ito sa sinabi ko. Taranta itong tumayo. "Puntahan ko na si Mikel." Agad itong humangos palabas ng kwarto ko. Tumawa naman ako ng malakas. Tumayo na rin ako at lumapit sa pinto para isara ito. Note to self: always lock the door. Lakas mangbulabog ni Horen e.

KASALUKUYAN kaming nasa klase ni Horen at bagot na nakatingin sa teacher naming anak ni Jigglypuff. Seriously, she's boring. Nagsusulat ito ng kung anu-ano sa pisara habang nagsasalita. Sino ba talaga ang estudyante nito: kami o iyong blackboard?

"Ok, class." At ayon, hinarap na rin kami nito. Akala ko'y hindi na kami nag-e-exist para sa kanya e. "I'll group you by four for your project. Madali lang naman ang project natin. Since our topic by next grading is Greek mythology, I want you to make a portfolio about different Olympian gods and goddesses."

Naging kagrupo ko naman si Horen. Tapos iyong dalawa naming naging kagrupo ay isang miyembro ng Red Hearts na si Max at ang mismong ace ng Hearts na si Ronald Ong, na siya ring sinupladuhan ako one time.

Nag-usap kami kung ano ang gagawin namin sa portfolio namin. Nalaman ko rin na hindi naman pala talaga suplado si Ronald, mahiyain nga ito e. Nag-sorry pa nga sa akin kung nabastos niya raw ako, hindi niya lang daw kung paano magre-react kaya tumalikod na lang daw siya.

Marami pa kaming pinag-usapan until we came with an idea na lumabas ng school para bumili ng materials. Hindi naman naging madali ang pakikipag-usap namin sa mga guard na palabasin kami. Kulang na nga lang ay lumuhod kami para lang palabasin kami e. Buti na lang pumayag na ang mga ito matapos ang isang oras na negosasyon. Basta raw ay bumalik agad kami bago mag-alas diyes.

Mabilis naman kaming nagtungo sa mall para mamili ng gamit. Nakakatuwa nga na kahit paano ay nakakatawanan namin sina Max at Ronald kahit na magkaiba kami ng dorms. Common kasi na magkakaaway ang mga dorm.

Namili kami sa National Bookstore ng materials namin na parang naglalaro lang. Pagkatapos namin mamili ay naisipan naming maglakad na lang pabalik ng Crown. Hindi pa rin kami natigil sa pagkukulitan nang may mapansin si Horen.

"Perya iyan, 'di ba?" tanong nito habang nakaturo sa isang mataong lugar na kahit papaano ay may rides.

Tumango kami. Agad naman itong tumakbo papunta rito. Wala na kaming choice kung hindi sundan na lang ito. Eventually ay na-enjoy na rin namin ang peryang ito kahit na caterpillar at ferris wheel lang ang rides dito.

Naglalakad kami habang nakain ng banana que nang may mapansin na naman si Horen. Isang tolda ito na kulay violet at may malaking karatula na may nakasulat na 'Madame Elvira the Psychic'. Agad na lumapit si Horen dito and the next thing we know e, sinisita nito ang lalaking naka-costume na genie na nagsisilbing bantay ng tolda.

"Hindi ka ba nilalamig sa ayos mo, Kuya?" inosenteng tanong nito habang kunot ang noo. "Mahamog na kaya, Kuya."

Nanatili lang namang tikom ang bibig ng lalaki.

"Ano ka ba, Horen?" sita naman dito ni Max. "Trabaho kaya niya iyan."

Naaawang tumingin si Horen sa lalaki. "Tara at magpahula tayo sa loob. Para naman may kita rin si Kuya. Nakakaawa. Nilalamig na siya e."

Para mapagbigyan ang isip batang si Horen ay pumasok kami sa loob ng tolda kahit labag sa amin. Binigyan pa nito ang lalaki ng isandaang piso para daw sa kape nito mamaya para hindi magkasakit. Baliw talaga.

"Umupo kayo," bungad sa amin ng babaeng nakasuot ng pulang damit. She actually looks funny.

"Walang nakakatuwa, Arjhay," sabi nito sabay tingin sa akin. Nagulat naman ako. Paano niya nalaman ang pangalan ko?!

"I'm a psychic," sabi uli nito na sa akin pa rin nakatingin. Parang sinasagot nito ang mga tanong sa utak ko.

Hindi na ako nagsalita. Naupo na lamang kami sa upuan sa tapat nito. Like a typical psychic you've seen, inikot-ikot nito ang kamay sa isang bolang kristal habang nakapikit. Maya- maya ay nagsalita na rin ito.

"Umpisahan natin kay Max," panimula nito na ikinatingin namin saglit sa napalunok na si Max. "You'll take up a course in your college years na agad mo ring tatalikuran para mag-aral sa New York."

Kita naman sa mukha ni Max na naguluhan ito sa sinabi ng matanda. "Ano pong ibig niyong sabihin? Na tatalikuran ko ang Fine Arts?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Oo," sagot ni Madame Elvira. "Huwag ring agad magtitiwala sa mga taong laging nakakasama. Sila ang magiging dahilan ng pagdurusa mo, ng mga sakit na halos hindi mo na kayanin." Lumiyad ito at saka nag-lean din agad paharap sa bolang kristal. "At may nakikita akong pangalan na magiging malaki ang gagampanan sa iyong buhay. Ang pangalan ay... Sam."

"Sam?" tanong ni Max na parang naguguluhan.

"Oo, Sam..." Bigla nitong nilapit ang mukha sa bolang kristal. "Sam Martinez."

"Sam Martinez," tulalang ulit ni Max sa pangalan.

"At ikaw, Horen."

Biglang napaupo ng tuwid si Horen. Halatang kinakabahan ito.

"Huwag mong hayaang lumipas ang linggong ito na hindi pa kayo nagkakabati ng taong mahalaga sa iyo. Dahil magiging dahilan ito ng isang malaking gap sa pagitan niyo."

Nanlaki ang mga mata ni Horen. Hindi naman kasi sila ayos ni Mikel kaya hindi nito inaasahan na ito ang unang makikita ng matanda. Hindi ko tuloy alam kng maniniwala na ba ako o ano.

"At maging makilatis sa mga taong lumalapit sa iyo. Iba kasi ang habol nila sa iyo. Iwasan mo sila hangga't maaga pa bago ito ang maging dahilan ng sakit sa iyo."

Nagkatinginan naman kami ni Horen. Kita ko sa mata nito na hindi ito masaya sa sinabi ng matanda.

"At para kay Ronald," biglang salita uli nito. "Matuto kang maghintay. Huwag mainip dahil ito ang magiging dahilan ng isang pagkakamali na pagsisihan mo habang buhay na sana hindi mo na lang ginawa."

Natigilan naman kaming lahat dahil sa sinabi nito kay Ronald.

"Para kay Arjhay," sabi nito na kinakabog ng dibdib ko. "Makakaranas ka ng isang sakit na hindi mo akalaing mararamdaman mo."

Lalong tumambol ang puso ko. Hindi ko alam kung ano ba ang iisipin ko. Ayokong maniwala rito pero may isang parte ng utak ko na nagsasabing dapat maniwala ako rito.

"Pero masaktan ka man ay makakaranas ka naman ng isang saya na matagal mo nang hinahangad."

Naramdaman kong napangiti ako dahil sa sinabi nito

Continue Reading

You'll Also Like

21.4K 1.2K 30
Miguel and Felix, the best of friends who share everything from laughter to dreams. Yet, in the midst of their everyday moments, Miguel realizes his...
1.4K 132 9
Countryside Romance [BXB] Written by IthinkJaimenlove Status: ON GOING Date Started: 12 | 23 | 2023 Date Finish: 00 | 00 | 0000 Countryside Romance (...
869 51 29
August received a love letter confession without knowing who it was from or its name. Because of curiosity, he sets out to find his anonymous admire...
200K 7.9K 27
In order to take revenge from those who bullied him during his junior days, Lexus Ethan Alvarez must live with his moody, mysterous and alluring hous...