Solar Academy: School for the...

Por suneowara

1.4M 81K 12.2K

GIFTED SERIES #4 Listen to me. Hurry. Seek help. The end is near. The Goddess is here. Genre: Fantasy Languag... Más

Teaser
Author's Note
SELF PUB ANNOUNCEMENT
Prologue
1. The Angel
2. Hell
3. First Commandment
4. Rouge
5. Choice
6. Spiders
7. Her guild
8. The Mission
9. Look out
10. The Sadist
11. Unseen
12. Blood type
13. The Magician
14. Absolute
15. Beast
16. Two headed dogs
17. Big shots
18. Run
19. Her
20. Two of her
20.5 Substitute
21. Her goal
22. Assurance
23. Maybe because
24. His sides
24.5 Chained by blood
25. A secret
26. Violet liquid
27. Blood and Poison
28. 3rd commandment
29. Run or Fight
30. Nyx
31. To follow an order
32. To the Solar Academy
33. Here it goes
34. Solar Academy
35. Theorist
36. What, where, when, and who
37. The Incident
37.5 The first Villain (PART 1)
37.5 The first Villain (PART 2)
38. Information
39. Principal Bora
41. That Sin
42. The Sleeping Sloth
43. Her eyes
44. The Glutton
45. Preperations
46. The Town
47. The Bomb
48. Underground Association
49. Joker
50. Not a hero
51. Escape
52. The Commandments
53. Wrath
53.5 His older brother
54. Red
55. Curse
56. Empty
57. Collision
58. Trust me
59. Part of the plan
60. The God
Epilogue
Author's Note

40. The Plan

16.2K 1K 74
Por suneowara

I was startled, dumbfounded. Sinundan ng mga mata ko ang lalaking kaswal na pumasok sa silid. Napakurap-kurap ako at hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya.

Anong ginagawa niya?

"Red!" muling pagtawag ko nang magawa ko ng matauhan sa mga mangyayari.

He's casually walking with his hands inside his pockets. Kumurba ang labi niya sa isang ngiti nang mapaharap siya sa 'kin.

"Sup," maikli at kalmado niyang sambit.

Mas lalong umawang ang bibig ko sa narinig. Wala sa sarili akong napahakbang papalapit sa kaniya na hindi pa rin makapaniwala.

"A-Anong- Paanong-"

"We thought you were kidnapped!"

Tumaas ang dalawang kilay ni Red sa sinabi ko at walang gana niya 'kong tinignan. Napatingin siya kay Principal Bora na para bang pinapamukha sa akin na walang kwenta ang pinagsasabi ko bago ibalik ulit ang tingin niya sa akin.

"Who said I was kidnapped?" inosente niyang tanong.

I looked at him, dumfounded.

Itinaas ni Red ang dalawang kamay niya at nilibot-libot ang tingin sa paligid. "May nagsabi ba rito na na-kidnap ako?" pagmamang-maangan niya.

Natulala ako ng ilang segundo dahil sa pagkabigla. Mariin akong napakagat sa ibabang labi at natagpuan ko na lang ang sarili kong lumalapit kay Red.

Mabilis ko siyang kinuwelyuhan at seryoso ko siyang tinapunan ng tingin.

"You're fucking kidding me, right?" mariin at may tono kong sambit. Madiin ang pagkakakagat ko sa ngipin. "Everyone was freaking worried about you, Red!" dagdag ko.

Akala ko ba ay parang pamilya na ang turingan sa Spiders?

Sobra niyang pinag-alala ang mga kasama niya! Halos patayin na ni Kartini si Chain dahil sa galit! And even though Acel was acting though, I know he's freaking worried too! Now you're telling me, that Red was casually walking around here in the Solar Academy?!

"Hey Red. . ." mariin kong pagtawag. "I thought you freaking hate liars?"

Nagbago ang ekspresyon ng lalaking kaharap ko sa sinabi ko. Binalik niya ang matalim na tingin sa akin gamit ang wala niyang buhay na mga mata.

Nanatili akong nakakwelyo sa kaniya at imbis na ilayo ang mukha sa akin, walang ekspresyon na inilapit ni Red ang mukha niya.

He looked at me dead in the eye. Kaswal siyang bumulong sa harapan ko.

"There's a difference between lying. . . and keeping a secret, Erks."

I was taken aback by what he said. Mahina ang pagkakasabi niya, pero sapat na para marinig at maintindihan ko.

Parang halo-halo ang emosyon na gusto niyang ipakita.

Akmang ibubuka ko pa lang ang bibig ko para sumagot nang natigilan ako nang makarinig ng pagtikhim. Mabilis na bumalik ang atensyon ko kay Principal Bora na prenteng nakaupo na ngayon sa swiveling chair niya.

"He's here to help you. . . dadalhin niya kayo sa Underground Association," pagpapaliwanag ng principal.

Mariin akong napakagat sa ibabang labi at napaismid. Napaiwas ako ng tingin bago alisin ang pagkakakwelyo ko kay Red.

"Tsk, when did the Academy and a Dark Guild teamed up?" sarkastiko kong tanong.

Kunot noo akong tumingin kay Principal Bora. "I-"

"I really don't understand what's happening."

Napabuntong-hininga ang principal sa sinabi ko. "Everything was already planned. . . all we need to do is to follow the plan," sagot niya.

"Kung gano'n, anong koneksyon ng Spiders? Na isang Dark Guild din?" muli kong tanong.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa silid. . . na para bang nag-iisip ng pwedeng isasagot sa akin.

There's something. . . that they're hiding.

"If it's for the sake of everyone, do we still need to have another reason to team up?" pagbasag ni Red sa katahimikan.

Matalim ko siyang tinignan.

"Well. . . kung rason ang hinahanap mo, kahit marami kaming ibigay sa'yo, paniguradong hindi ka makukuntento," pagsali ni Principal Bora.

"Ang masasabi ko lang. . . para sa lahat 'to, hindi lang para sa'yo," dagdag niya pa.

Hindi ako nakasagot sa mga sinabi nila at nanatili akong tahimik. For some reason, I'm feel uneasy, as if something—or someone is playing me into their hands. May tinatago nga talaga sila sa akin.

They said that EVERYTHING was already planned from the beginning. . .

Kung gano'n, mula saan?

Planado ang pagkuha kay Red?

Ang pagpunta ko sa Academy?

O ang pagtutulungan nila?

Kung ano man 'yon. . . wala silang balak sabihin sa 'kin.

Tsk, kung gano'n. . . ako ang aalam kung ano 'yon.

Malalim akong huminga para pakalmahin ang sarili ko. Nang magawa kong pagaanin ang loob ko ay kaswal ko silang tinapunan ng tingin.

"Kung gano'n, ano ang plano?" tanong ko.

Nagkatinginan ang dalawang lalaking kaharap ko bago magsalita si Principal Bora.

"Dadalhin kayo ni Red sa Underground Association, para kumuha ng impormasyon kay Joker," pangunguna niya na nakakuha ng atensyon ko.

Kumunot ang noo ko at naningkit ang mga mata. "Kami?" pagtataka ko.

Hindi pa nakakasagot si principal at nang saktong pagtapos kong magtanong ay bumukas ang malaking pinto sa likuran ko. Naramdaman ko ang mga presensya nila sa loob ng silid.

"Another mission," maikling sambit ni Nyx.

"Hehe, nice," kumento ni Kris, the Lust.

"I'm ready!" dagdag ni Drine, the Pride.

Napasinghap ako nang makaramdam ng paghawak sa bewang ko. Hindi ko pa nagagawang makapag-react ay nakarinig na 'ko ng pagsasalita sa kabilang gilid ko at malapit sa tenga ko.

"Woi, of course I'll come with you, kit-ten," malambing na bulong ng lalaking katabi ko. Chain, the Greed.

Napaismid ako sa sinabi niya at akmang sasagot nang makuha ng pansin ko si Red na nakatingin sa amin. Nagbago ang ekspresyon ko nang matandaan ko kung ano ang koneksyon niya kay Chain.

They're brothers. . .

Masyadong naagaw ng atensyon ko ang tungkol sa kanila nang may nagsalitang isa pang boses.

"Oi, oi. Hindi ba dapat muna natin 'to sabihin kay Helena?" biglaang pagsali ni Law na nakakuha ng atensyon ng lahat. "I mean, I'm one of her students and I'm coming with you-"

"You're not coming, Law," mabilis na pagsingit ni Principal Bora na kinatigil niya. Tumaas ang dalawang kilay ni Law sa narinig at nabiglang napatingin sa principal.

Kunot noong lumapit kay principal si Law. "Huh? Anong ibig mong sabihin? Kailangan ako-"

"I can't risk bringing them an Heir of Cronus," pagputol ng principal.

Pare-pareho kaming natigilan sa sinabi niya. Doon ko naalala na alam niya ang pinag-usapan namin ni Alejo. . . ang tungkol sa nangyari no'ng isang taon at kalahati nang nakalipas.

Heir and Heiress of Cronus have connections to the God that UA wants to summon. . . the God inside me.

"You'll stay here, Law," muling sambit ni Principal Bora. Nalipat ang tingin niya kina Nyx.

"All of the Sins will join this mission," ma-awtoridad na sambit niya.

On a snap, there was a sudden silence. Tila nagkaroon bigla ng katahimikan sa hindi ko malamang dahilan.

Napakurap-kurap ako bago mapatingin sa paligid. Doon ko nakita ang pagbabago ng mga ekspresyon ng mga kasama ko.

Kita ko ang paglunok nang malalim ni Chain na nasa tabi ko at bakas sa mukha ang kaba.

"H-Hehe, I think I misheard you, principal. Pwede niyo po bang ulitin?" pagpapaulit ni Kris na bakas sa mukha ang kaba.

Huminga nang malalim si Principal Bora bago ulitin ang mga salitang binitawan niya. Sa muling pagkakataon, seryoso niya kaming tinapunan ng tingin.

"All of the Sins will join this mission. . ."

"And when I say all. . . It means, that Sin will come too."



Seguir leyendo

También te gustarán

61.6K 3.2K 39
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
1.1M 53.5K 50
COMPLETED | Aerilon Academy unlocks the element within. Lucianna Sariel Rofocale is a mystery. Ang kapangyarihan niya ay kakaiba, at hindi nabibilang...
CASTAWAY Por Geka Lockser

Ciencia Ficción

3.2K 166 4
After the apocalypse, Amira and her friends faced the consequence of messing with life and death. And as the gates of hell leisurely open, they found...
175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...