Lovely Days (Completed)

By Iam_Sorowenpein

454 4 1

Ito ang kwento ng bakasyon ni Remy. Simula pa nung bata ay wala pang karanasan si Remy tungkol sa pag-ibig la... More

Lovely : 01
Lovely : 02
Lovely : 03
Lovely : 04
Lovely : 05
Lovely : 06
Lovely : 07
Lovely : 08
Lovely : 09
Lovely : 10
Lovely : 11
Lovely : 12
Lovely : 13
Lovely : 14
Lovely : 16
Final day

Lovely : 15

15 1 0
By Iam_Sorowenpein

Tila naman ako kinakabahan sa mga susunod na sasabihin nitong si Lorraine, tapos ay tungkol kay Jake pa ang pinag uusapan namin.

Ayaw ko ngang paniwalaan ang sinasabi ng babaeng to dahil baka paraan niya lang yan para ako mismo ang sumuko kay Jake at para siya ang magtagumpay, pwedeng ganon diba?

"ano ba kasi iyon? Ano ba iyang health condition ni jake na pinagsasabi mo? Bakit may sakit ba siya o ano?" tanong ko kay Lorraine na labis akong nananabik sa mga kasagutan.

"bago ko sabihin iyon, i wanna tell you something.. " Pambitin nitong si Lorraine.

Ano pa nga ba, magkwekwento muna siya ng back story niya.🙄

Ganyan naman sa mga telenovela, di nawawala ang pagbabalik tanaw na pambitin at pampahaba ng kwento para maraming advertisements ang maisingit.

"Nasabi ko na sa iyo na we've been together for 5 years and also na muntik na kaming magkaanak ni Jake.." Pagpatuloy ni Lorraine na natigilan dahil sa nangingilid niyang luha.

Kadramahan ng babaeng to eh, tulad din siguro to ng lola ko na kung anu-anong teleserye ang pinapanood.

Di pa nga lumagpas sa three sentences yung sinabi niya, naiyak na? bravo! 👏👏👏

"Jake loves me so much, masaya kaming nagsasama noon lalo pa nang malaman niya na nabuntis ako at magiging ama na siya, pero isang araw, habang nasa trabaho siya, may tumawag sa akin na kasamahan niya at dinala daw siya sa ospital" pagpatuloy ni Lorraine na naputol ulit dahil sa pagpatak ng kanyang luha.

Okay fine! kada patak ng luha niya ay titigil siyang magsalita, kaimbyerna ha.

Habang palalim ng palalim ang kwento ni Lorraine ay di ko din maiwasan ang masaktan lalo na kung iisipin ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa noon.

Dapat nga hindi ko na pinapakinggan pa ang backstory nila, parang pinapamukha niya lang sakin kung gaano sila kasaya at sila ang nararapat sa isa't isa.

"anong nangyari sa kanya noon? Bakit siya nadala sa hospital?" tanong ko kay Lorraine.

Siyempre, si Jake ang pinag uusapan kaya kailangan ko itong malaman.

"sabi nung mga kasamahan niya ay bigla nalang daw itong nahilo at bumagsak, akala namin noon ay wala lang talaga ang sakit na iyon, na simpleng hilo lang, pero habang tumatagal, medyo hindi na ito nagiging maganda, halos napapadalas na ang pananakit ng kanyang ulo, hanggang sa magpatingin na siya sa duktor, Nung malaman ko ang bagay na iyon ay pinangunahan ako ng takot, lalo na para sa dinadala ko, pinanghinaan ako ng loob, mas pinakinggan ko ang aking ama kaysa sa pintig ng puso ko, kinalimutan ko ang pangako ko kay Jake na hindi ko siya iiwan" pagtuloy ni Lorraine na naging sanhi upang mag crack ang kanyang boses.

"a-ano ba ang i-ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong kay Lorraine kahit pa nagkakaroon na ako ng ideya kung ano nga ba ang nangyayari kay Jake.

"nagawa kong ipalaglag ang bata nung tatlong buwan palang ito sa sinapupunan ko, nagpadaig ako sa takot na walang kikilalanin na ama ang magiging anak namin, Ayaw kong maranasan ng magiging anak ko ang naranasan ko na hindi buo ang pamilya, sobrang natakot ako sa posibilidad na mawawala si Jake, Inilayo ako ng aking ama ngunit hindi naman naging lingid sa kaalaman ko ang paghahanap ni Jake sa akin, pero mas pinili kong hindi magpakita sa kanya at sundin ang kagustuhan ng aking ama, pero nagsisi ako, na kahit anong iwas ang gawin ko ay siya pa din ang nasa puso ko, na Dapat pala ay hindi ako umalis sa tabi niya, na dapat ay mas inalagaan ko pa siya, labis akong nagsisisi kung bakit ako nagpadaig sa takot na iyon, napakalaki ng kasalanan ko kay Jake" pagpatuloy ni Lorraine at natigilan dahil sa paghagulgol nito.

Parang ayaw ko nang paniwalaan pa ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Lorraine, napaka imposible dahil parang maganda naman ang kundisyon ng katawan ni Jake kahit may kapansin pansin sa kanya na pagpayat at parang stressed.

Pero hindi kaya iyon din ang dahilan ng kanyang labis na kalungkutan?

Maliban dun sa nangyari sa kanila ni lorraine?

Dahil ang karamdaman na iyon ang bumabagabag sa kanya?

"tell me Lorraine! Anu bang sakit ang meron si Jake!?" may kataasang tono kong tanong sa kanya na nag uumpisa nang mangilid ang aking mga luha.

"Jake.... Has... A.... Brain tumor" sagot ni Lorraine na mas lalo pang nagpatindi sa kanyang paghikbi.

Labis ang pagkabigla ko sa mga narinig ko sa kanya.

Parang gusto ko nalang isipin na panaginip lang lahat ng mga sinasabi ni Lorraine.

Mas gugustuhin ko pa na malamang kunwari lang ang sinasabi niya at ginagamit niya lang ito para panghinaan ako ng loob at para layuan na si Jake.

Tuluyan nang umagos ang mga luha ko na kanina ko pa iniipon sa aking mga mata.

Labis na nagsulputan ang mga tanong sa aking isip, na kung bakit hindi nagawa ni jake na sabihin sa akin ang tungkol dito? bakit naglihim siya? Ako lang ba ang hindi nakakaalam nito?

"NOOO!!! Your just ruining my mind!! Nililito mo lamang ako!! Sinasabi mo lang ito para layuan ko siya hindi ba? Para gawin ko ang ginawa mo? Your being selfish!! Tigilan mo na ang pag iimbento mo! Nagmamahalan kami ni Jake!! Lorraine cant you see? wala ka nang lugar pa sa buhay niya!" bulyaw ko kay Lorraine na hindi ko pinaniniwalaan ang sinabi niya.

"Remy, sana nga ay nagbibiro lamang ako, di ko nanaman na gustong guluhin pa kayo ni Jake eh, pero naisip ko na mas kailangan ako ni Jake lalo na sa panahong ito, na kailangan kong itama ang mga mali ko, i want to stay by his side kahit sa huling sandali, malala na ang kundisyon niya Remy, di lang iyon halata dahil lumalaban pa din siya sa buhay at alam ko naman na dahil yun sayo" paliwanag sa akin ni lorraine.

"bakit ako Lorraine? Hindi ko ba gusto na ako ang nasa tabi niya? Na ako ang mag aalaga sa kanya hanggang sa abot ng makakaya ko? Nagkaroon kami ng sumpaan! that i will never leave his side no matter what!! that i will love him forever! tapos na yung chance mo eh, sinayang mo na, dapat di ka na nang gulo pa, Ngayon na mas alam kong kailangan ako ni Jake, mas lalo akong hindi aalis sa tabi niya! Hindi ko gagawin ang ginawa mong pag-iwan sa kanya! isaksak mo yan sa kokote mo!" tugon ko kay Lorraine at dali-dali akong tumayo at umalis sa lugar na yon.

Hindi ko na pinakinggan pa ang ibang mga sinasabi ni Lorraine.

Iniwan ko na lang siyang walang patid sa pag iyak.

02:50 p.m ( abril 10, 2010 )

Hindi ko na alam ang gagawin ko, lakad ako ng lakad habang patuloy sa pag-agos ang aking mga luha.

Ang tanging gusto ko lang sa ngayon ay makita si Jake, makasama siya, kumpirmahin ang katotohanan at kung totoo man ang lahat ng iyon ay gagawin ko lahat para sa kanya.

Hinding hindi ko siya iiwanan.

************

Nakarating ako sa bahay nila Jake.

Mukhang nakisabay din ang panahon dahil nagsisimula na din ang pagbuhos ng ulan.

Hindi ko na ininda pa na mabasa sa ulan, dahil ang importante ay makita ko si Jake.

Nakailang tawag at katok din ako sa labas ng bahay nila, kulang na nga lang ay mawalan na ako ng boses sa kakatawag subalit nabigo ako na may lalabas pa sa bahay na iyon.

Sinubukan kong itext siya ngunit walang reply, tawagan siya ngunit walang sumasagot.

Hindi ko na alam kung ano pa ang aking gagawin.

Wala na akong ibang alam kung saan ko pa siya mahahanap.

Hindi ko alam pero biglang sumagi sa isip ko ang pumunta sa resort kung saan pinagsaluhan namin ni Jake ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay namin, mga matatamis na halik at maiinit na yakap.

Dali dali ako sa pagsakay ng sasakyan papunta doon.

Bahala na kung ano ang kahinatnan nito, basta ang importante ay makita ko siya

Habang papalapit ako ng papalapit sa aking tinatahak na lugar ay sinasabayan naman ito ng papalakas na papalakas na ulan.

04:40 p.m ( abril 10, 2010 )

Nakarating ako sa resort na punong puno ng kaba sa dibdib.

Hindi maialis sa isipan ko na kung paano pag wala dito si Jake? Saan ko pa siya hahanapin?

Medyo nahihirapan na din akong tahakin ang daan papunta sa gate ng resort dahil lagpas sakong na ang baha dito at talaga namang ramdam ko na ang lamig dahil sa pagkabasa ko sa ulan.

Sa bungad pa lang ng gate ay nakita na agad ako ng guard.

"master Remy? Napasugod kayo? Nako at basang basa pa kayo ng ulan, pasok po kayo" pag aya sa akin ng gwardiya.

Hindi na ako nagdalawang isip pa na pumasok at dali daling nilibot ang aking mga mata, nagbabakasakaling matatanaw ko si Jake.

"u-um, nandito ba ang master Jake niyo? Kailangan ko kasi siyang makita eh" pagmamakaawa ko sa guard.

"si master Jake poh? Nako kasi --- " sabi ng guard na naudlot dahil sa bigla na lang akong tumakbo papunta sa rest house ng maaninag ko ang mama ni jake at si mang efren na nag uusap sa terrace.

Agad akong nabuhayan ng loob na makita dito si Jake.

"sige po manong guard! Salamat!" tugon ko na lang sa guard habang kumakaripas ng takbo.

Nang makarating ako sa pinto ay dahan dahan akong pumasok sa loob dala ng kaba.

Hindi ko na din inisip pa ang mga tulo ng aking basang basang damit sa sahig.

Natigilan nalang ako ng makasalubong ko sina mang Efren at mama ni Jake.

"diyos ko po! Master Remy! Anong nangyari sa iyo? Basang basa ka? Naku sandali at ikukuha kita ng pamalit" alalang wika ni mang Efren na dali daling kumuha ng damit.

Tila naman gulat na gulat ang mama ni Jake ng makita ako.

"Remy? What are you doing here?" tanging nasabi ng mama ni Jake.

"tita... (lumuhod ako sa mama ni Jake para magmakaawa) Parang awa niyo na po... I need to see Jake.. I wanna talk to him" pagmamakaawa ko sa mama ni jake at di ko na napigilan pa ang maluha.

"Remy, tumayo ka nga diyan, sinasaktan mo lang ang sarili mo hija alam mo ba yun? pero nandito ka na din lang ay kakausapin na din kita, magpalit ka na muna ng damit, and sorry to disappoint you but Jake was not here" paliwanag ng mama ni Jake.

Tila naman gumuho ang lahat sa akin sa mga narinig ko mula sa mama ni Jake.

Hindi ko mawari kung nasaan ba si Jake.

Bakit ba parang itinatago nila siya sa akin?

05:50 p.m ( abril 10, 2010 )

Pagkatapos kong magbihis ay agad akong nagtungo sa terrace kung saan namin pinagmasdan ni Jake ang paglubog ng araw noong birthday niya.

Kung anong ganda ang tanawin na nasaksihan ko noon dito na nagdulot sa amin ng kasiyahan, na naging saksi ng aming pagmamahalan ay siya naman ang kabaligtaran, ngayon ay makikita dito ang walang humpay na pagbuhos ng malakas na ulan na nagpapadagdag naman sa aking lungkot na nararamdaman.

Lumapit ako sa kinaroroonan ng mama ni Jake at naupo sa tabi nito.

Sa bench kung saan din kami dating naupo ni Jake upang pagmasdan ang ganda ng paglubog ng araw.

"sayang, hindi natin makikita ang magandang tanawin dito, natatakpan kasi ito ng mga ulap, alam mo ba na ito ang pinaka paboritong lugar ni Jake sa buong rest house? Halos araw-araw ay parati siyang nandito para lang panoorin ang paglubog ng araw, mahilig din siyang magsama dito ng taong mahalaga sa kanya, Una ay ako nung maliit pa siya, pangalawa si lorraine at ngayon ay ikaw" sambit ng mama ni Jake na nagsisimula nang mangilid ang kanyang mga luha.

Ako naman ay tahimik lang na nakikinig kahit na gustong gusto ko nang malaman ang kinaroroonan ng kanyang anak.

"lumuwas kami ng probinsya dahil na din sa kagustuhang makalimot ni Jake dahil sa nangyari sa kanila ni Lorraine, di ko din maikakaila ang galit na naramdaman ko sa ginawa ng babaeng yun, Na halos isumpa ko na a
siya dahil ipinagkatiwala ko ang pagmamahal ng anak ko sa kanya, tapos ganun lang pala ang gagawin niya? dahil sa kanya ay naging malungkutin si Jake, palainom, puro gimik at barkada, Ginawa ni Jake ang lahat ng ito sa pagbabaka sakaling sumaya siya ulit, para makalimot, di na niya inisip pa kung makakaapekto ito sa kanyang sakit" pagpatuloy ng mama ni Jake na hindi na napigilan pang lumuha.

Nakaramdam naman ako ng labis na kirot sa mga bagay na pinagdaanan ni Jake.

Di ko alam na ganun pala ang nangyari sa kanya.

Na parang wala siyang tao na makapitan man lang para maibsan ang lungkot na kanyang nadarama.

"sa kabila ng lahat ng iyon? hindi pa rin siya naging masaya, labis pa din siyang naging malungkutin, pero alam mo ba noong makita ko kayong magkasama?doon ko lang ulit napagmasdan ang dating Jake na masiyahin, puno ng pag-asa at pagmamahal, Mahirap man tanggapin para sa isang ina, pero ikaw ang dahilan ng pagbabago ni Jake, ikaw ang naging dahilan ng panibagong pag-asa sa kanya para lumaban sa buhay, ramdam ko kung gaano ka niya pinapahalagahan at minamahal at alam ko naman na ganon ka din sa kanya" pagpatuloy muli ng mama ni Jake at lalong nagpatindi ng kanyang paghikbi.

"kaya nga po kailangan ko pong makita si Jake, kailangan ko po siyang makausap, nagsumpaan po kami, sumumpa po ako sa kanya na hinding hindi ko siya iiwan, na sasamahan ko po siya" tanging nasabi ko nalang at hindi ko na din napigilan ang maiyak.

"Remy, mas makabubuti siguro sa iyo kung kakalimutan mo na lang ang anak ko...."

😢

ITUTULOY.....

Continue Reading

You'll Also Like

3.6K 314 18
Zyron Umuziyaki is a freshman student in Revlon College. He is introvert, shy and the top of that, lack of confidence. Bukod sa pagiging pandak, isa...
3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
362K 13.1K 44
Rival Series 1 -Completed-
507K 779 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞