Lovely : 11

19 0 0
                                    

( 11:48 p.m - Abril 08, 2010) 

(Nakarating kami sa bahay nila Jake)

Gusto na niya sana akong ihatid diretso sa bahay eh kaya lang naisip ko na baka gising pa yung dragon at kung ano nanaman ang sermon na maabutan ko. 

Nakakahiya naman kung masasaksihan pa yon ni Jake diba?

Tsaka isa pa ay hindi ko pa din naibibigay ang pinagpaguran kong regalo kay Jake kaya di pa tapos ang misyon ko.

Inalalayan ako ni jake pagbaba sa kotse, haay, grabe prinsesa na talaga siguro ako. 

May kasabihan nga na "choose a guy who will treat you like a princess not a playtoy"

O diba? karamihan kasi ng lalake ganyan eh, yung paglalaruan ka lang tapos papaasahin, iiwan nga nalang ng nakatiwang wang sa ere matapos kang pagsawaan.

Pero di ko nilalahat ah, tignan mo to si Jake, isa sa mga namumukod tangi at marunong magpahalaga sa pagmamahal.

Di naman kasi biro ang magmahal friend, madaming sakripisyo yan, madaming oras na inilalaan at mga breath taking choices sa buhay.

"kung pwede lang sana na dito ka nalang matulog sa bahay eh, wala pa naman akong kasama" sabi ni Jake na tila nanunukso pa, iba yung ngiti eh, may pagka pilyo.
 

Wag mong sabihin na nabitin pa siya ha?

"gusto ko din sana kaya lang ay hindi ako nakapagpaalam sa bahay namin, baka petsa de peligro ang abutin ko sa bahay pag nagkataon" tugon ko kay Jake kahit pa gustuhin ko. 

Papakipot pa ba ako?

"pwede pa naman siguro ang isang round? bago ka umuwi?" sabi ni jake na nagbitiw pa ng mas pinapilyo pa niyang ngiti. 

Ane be Jake, gusto mo ba talagang ma-ospital ako?

"ano?! Ikaw talaga, may bukas pa naman eh, tsaka hindi ka pa ba napagod? Biruin mo nagdrive ka pa?" pakipot ko kay Jake. 

Baka pagtapos ng one round na yan eh hindi na ako makalakad pauwi ng bahay.

"eh ikaw naman ang gagawa eh, kaya hindi ako mapapagod" pagbibiro ni jake sabay pisil sa aking pisngi habang natatawa.

"hmph! puro ka kalokohan, i-reserve mo nalang iyang lakas mo, baka mapalaban ka sa akin sa ibang araw at di mo kayanin" pagkapilyong tugon ko kay Jake na ikinatawa niya sabay haplos ko din sa kanyang mukha. 

Nagtawanan lang kami ni Jake at kasabay noon ay naisipan ko ng ibigay ang regalo ko para sa kanya, para malihis na din yung topic niya tungkol sa isa pang round na yan.

Pinapikit ko siya at isinuot sa kanya ang silver bracelet na pinagpaguran ko.

Sabi ni Pinky ay hindi kinakalawang ang mga materyales na ginamit ko kahit mabasa pa ito ng ulan o kaya naman ay pawis, pang long lasting talaga.

"wow! Nag-abala ka pa talaga ah, ganda naman nito" pagkamanghang sabi ni jake na sinipat sipat pa ang bawat detalye ng bracelet. 

"ako gumawa niyan, masaya ako at nagustuhan mo" masayang sabi ko kay Jake. 

"galing ah! Dahil diyan bibigyan kita ng pinaka mahigpit kong yakap at pinaka matamis at mainit init kong halik na may kasama pang dila" tugon ni Jake sabay yakap sa akin ng mahigpit at halik na ubod ng tamis. 

Ang Cherep nemen poe, kaya lang bakit kailangan may dila pang kasama? Baka kung saan nanaman kami mapunta nito eh.

Pagkatapos ng ilang tawanan ay napagpasyahan kong umuwi at lumalalim na din ang gabi, buti nalang at napigilan namin na umakyat sa kwarto niya, hahaha, charot lang!

Lovely Days (Completed)Where stories live. Discover now