Lovely : 14

16 0 0
                                    


Labis kaming nagulat ni Jake sa pagkakadinig ng boses na iyon.

Akala ko nga ay multo iyon kaya naitulak ko si Jake palayo sa akin.

Naku buti na lang at hindi napalakas ang tulak ko kundi baka nahulog pa si Jake sa terrace.

Nagmula ang boses na iyon sa pintuan ng kwarto ni Jake at galing iyon sa isang babae na may katandaan na ng kaunti, na siguro ay nasa edad 45 na kung titignan, pero bongga naman kung manamit, donyang donya at talaga namang masasabing may class.

"m-m-ma?!" gulat na gulat na reaksyon ni Jake.

What?!! Omg! Mama siya ni Jake? 😳

Nakakahiya naman, nadatnan niya pa kami sa gitna ng sweetnness namin.

Sayang nga lang at di sya nakasali sa kantahan portion, wahehe 🤭

"yes Jake, and as i said what is going on here?!" tugon ng mama ni Jake na may kataasan ng tono.

Grabe! Kung tatay ko ay ang dragon tila ang mama naman ni Jake ang tigre.

Bagay silang gumanap sa sequel ng crouching tiger and hidden dragon keme, hehe toinks! 🐉🐅

"ma, please understand me, this is Re---" tugon ni Jake na biglang natigilan dahil sinapawan ito ng kanyang ina.

"that's enough! Lorraine told me everything! Jake? Ano bang ginagawa mo? Stop your stupidity! Dadagdagan mo lang ang sakit na nararamdaman mo!!!" sermon ng mama ni Jake.

Ano kaya yung sinabi nung bruhang Lorraine na iyon at mukhang siniraan pa ako sa future mother-in-law ko? 🤔

Wala na siguro siyang ibang maisip na paraan para makuha muli si Jake, such a loser siya! 😤

"its not stupidity ma!! Its love what i feel! A real love! ngayon ko lang ulit naramdaman to ma, wag niyo na sanang hadlangan pa" tugon ni Jake na bahagyang tumaas ang tono.

Tila naman nag-alala bigla ang mukha ng kanyang ina, na para bang may inaalala siya na maaaring makasama kay Jake.

"anak, calm down, it will not be good to your health, im not trying to argue with you, i just want you to open your eyes, do you have an idea of what you are doing?" mahinahon na paliwanag ng mama ni Jake.

Tila naman gusto ko nalang manliit o mawala na lang na parang bula nung mga panahon na iyon.

Sabagay sino ba namang mga magulang ang tatanggap sa ganitong relasyon? halos bilang lang ata sa kamay.

Alangan naman mag paparty pa siya sa nakita niya diba?

"i know what i'm doing, my eyes are wide open Ma, even my heart, this gay beside me is the one that i love, the one who makes me happy and the one who filled my empty heart" wika ni Jake na tagus tagusan sa kanyang puso.

Labis akong nakaramdam ng tuwa dahil sa mismong harap ng kanyang ina ay ipinagtatanggol ako ng taong mahal ko at ipinagmamalaki pa niya kung gaano niya ako kamahal.

Ganun dapat ang mga boys, hindi yung pag caught in the act eh wagas kung makapag deny.

"i think wala na akong magagawa, sa ibang araw na lang natin pag usapan ang bagay na ito, its not good for you Jake kung parati kang nagpupuyat, look at yourself, you need some rest son, and for you Remy? You can go now, Gusto mo bang ipahatid pa kita sa driver?" paliwanag ng mama ni Jake.

"um.. Naku hindi na po, malapit lang naman po ang bahay namin, kayang kaya pong lakarin" paliwanag ko kay mama este sa mama pala ni Jake na may halong kaba.

Ayaw kong mag feeling close, baka ma-minus points pa ako eh.

"okay dear, the doors are widely open" maigsing tugon ng mama ni Jake na hindi man lang ako magawang tapunan ng tingin.

Lovely Days (Completed)Where stories live. Discover now