Lovely : 10

17 0 0
                                    

( 3:00 p.m ; Abril 08, 2011 )

Hindi maalis ang mga mata ko sa cellphone ni Jake sa labis na pagkagulat.

Walang nakaregister na pangalan ang nagpadala ng mensahe na tanging numero lang ang nakalagay.

Hindi ko tuloy alam kung ano ang dapat na magiging reaksyon ko.

Ayoko namang maghisterical at maging over reacting tulad ng mga napapanood ko sa pelikula o telenobela sa mga ganitong eksena.

Dahil una sa lahat ay wala akong karapatan, di naman kami ni Jake eh, wala kaming malinaw na relasyon kung ano ba talaga kami.

Iniisip ko nalang na baka parte na ng nakaraan ni Jake ang sa kung sinuman ang nagtext na iyon.

Pero parang nag dala ang mensaheng iyon ng kirot sa aking dibdib.

Nagkaroon ako ng takot at pangamba na baka panandalian lang ang kasiyahang nararamdaman ko o di kaya ay nag iilusyon lamang ako sa mga nangyayari.

Di ko namalayan na tinatawag pala ako ni Jake sa lalim ng aking iniisip, kaya naman agad na umahon ito sa pool.

Grabe tila nawala naman lahat ng agam agam ko ng makita si Jake papaahon ng pool.

Eto yung masasabi kong tulo laway ang peg.

Parang slow motion siyang nagreregister sa utak ko papaahon sa tubig.

Mula sa basa niyang buhok papunta sa kanyang nakakaakit na mukha hanggang sa leeg pababa sa matipuno niyang dibdib na nagpatuloy hanggang sa mgandang pigura ng kanyang abs na tumuloy pa sa baba ng basang shorts niya.

Para siyang nasa isang photo shoot ng isang magazine ng mga hunk models.

Halos pasukan na nga ng langaw ang bibig ko mga friend sa sobrang pagkahumaling sa kanya.

“Remy? Ayan ka nanaman, ganoon ba kalakas ang appeal ko para tumulo ang laway mo ng ganyan?” pagpuna ni Jake sabay tawa ng malakas.

“hmph! Asa ka noh!” pagpapabebe ko na patagong nagpunas ng aking tumulong laway, sobrang kahiya naman, nakita pala niya, may kasama pang juice yun.

Tumabi siya sa akin at bigla na lang akong hinalikan sa pisngi sabay kuha sa kanyang cellphone para tignan ito.

Halos nawala naman sa isip ko ang mensahe na nabasa ko.

Lakas maka distract nitong si Jake eh.


Muli ko lang itong naalala ng mapagmasdan ang lungkot na bumalot sa kaniyang mukha.

Tama ang kutob ko, na baka iyon nga yung girlfriend dati ni Jake na naikwento ni kuya Alex.

Pinili ko na lang na huwag itanong sa kaniya ang tungkol dito dahil baka madagdagan ko pa ang lungkot na nararamdaman niya.

Isa pa ay kailangan na masaya siya dahil birthday niya ngayon diba? dapat good vibes lang.

Sa lalim ng iniisip ko, nagulat na lang ako ng biglang buhatin ako ni Jake at bigla siyang tumalon sa swimming pool karga ako.

Para akong malulunod sa ginawa niya, nakainom pa nga ako ng tubig na may chlorine sa pool eh, buti hindi ko nasinghot, hapdi sa ilong nun kung sakali.

Buti na lang at nakaahon agad kami habang inaalalayan niya ako.

Para kaming mga batang naghaharutan sa pool, yung may basaan ng tubig tapos bigla nalang papasok sa tenga mo, bakit kaya di nalang sabihin ni Jake kung gusto lang niya akong lunurin?

Lovely Days (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz