Lovely : 09

21 0 0
                                    

07:50 p.m (Abril 07, 2010)

Halos tapos ko na ang mga gawaing bahay at ready na ako para sa pagkikita namin mamaya ni Jake.

Grabe so much kilig to the bones.

Napapa english na ako ng kung anu ano dahil sa excitement!

Nagsuot na lang ako ng sleeveless na black shirt na may neckline at stripes na puti at black na cotton shorts at siyempre may wisik ng pabango na umaapaw sa halimuyak.

Di ko din kinalimutang suotin ang aking Victoria's chiclet na red na bulaklaking panty, para kung sakaling mapalaban eh di may pa-surprise diba? hahaha chareng!

Agad akong nagpaalam sa aking lola at siyempre nagmadali akong nagpunta sa tindahan na iyon, ayaw ko din naman siyang paghintayin.

Mahirap na, baka maudlot pa ang moment kong ito.

Habang tinatahak ko ang daan papunta doon ay hindi ko maiwasan na kiligin, para bang may kumikiliti sa lahat ng parte sa katawan ko.

Haay.. pag-ibig nga naman.

Pagkarating ko ay nakita ko agad si Jake.

Sa dati niyang pwesto at kaaaninagan ng pagkalungkot ang kanyang mukha gaya ng dati.

Nilapitan ko agad siya at sinalubong ng masaganang ngiti.

“aga mo ah... kamusta ka na?” pambungad ko kay Jake.

Napangiti naman si Jake at hinila ako paupo sa tabi niya.

O diba? hinila talaga ako, kala mo nasa higaan lang kami eh, Sana nagkunwari pala akong na out of balance para napasubsob ako sa anek niya, ang harot!!

“mabuti naman, lalo na nung dumating ka, kala ko di mo ako sisiputin, di ka kasi nagreply, tsaka malapit lang din kasi ang bahay namin dito” tugon naman ni Jake habang sobrang titig na titig sa mga mata ko.

Oo nga no, nakalimutan kong mag reply kanina, na expired na kasi yung unli text ko, bwiset nga eh.

Pero, Nakakatunaw naman talaga ang ang mga tingin niya, hindi ko maiwasang mamula, parang automatic na nahuhubad ang damit ko eh.

“bolero ka ha? (with matching pabebeng hampas sa balikat niya para maka tsansing sa muscle niya, infairness, matigas siya) Hahahaha... oo nga pala, ba’t mo nga pala naisipang ayain ako dito?” tanong ko sa kanya.

Yan ang tinatawag na pabebe effect, para hindi halata na excited ako.

Hinawakan ni Jake ang aking kamay at lalong nagbitiw ito ng nakakatunaw na titig sa mga mata ko.

Yung totoo? hinihypnotize mo ba ako Jake?

Para bang kakaiba ang dating ng mga titig na iyon sa akin, nang aakit ba siya?

"Gusto ko kasi ng may makakasama, lalo na ikaw, para kasing ang gaan ng pakiramdam ko kapag kasama kita, sumaya ang malungkot kong mundo, dahil sayo ay nakakatawa akong muli” paliwanag ni Jake.

Ay wag ganun, marupok ako Jake, as in.

Tsaka di mo naman agad sinabi, dati akong clown, ka-tropa ko nga si Pennywise eh, kaya talagang mamatay ka sa kakatawa sakin.

Infairness naman mga ateng! Napakasayang pakinggan ang bawat linyang binitiwan ni Jake, parang nanunuyo na ewan.

Di ko na lamang binagabag pa ang aking isipan sa mga lamok na kumakagat sakin dahil ang mas importante ay ang magkasama kami ngayon.

Lovely Days (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant