Lovely : 16

22 0 0
                                    

Tila hindi ko lubos maintindihan ang katagang binitiwan ng mama ni jake.

'nais niyang kalimutan ko na si jake? Bakit?'

gayon na alam naman niya kung gaano namin kamahal ang isa't isa ni jake.

Na alam naman niya kung paano ipaglaban ni Jake ang pagmamahalan namin, tapos sasabihin niya na kalimutan ko na yung anak niya ng ganun ganun nalang?

"Remy, pinapahirapan mo lang ang sarili mo, para sa kapakanan mo lang din naman ang iniisip ko, ayokong maging kontrabida o hadlang sa inyo pero Remy, i'm giving you a chance, kaya hangga't kaya mo pa, layuan mo na si jake" pakiusap sa akin ng mama ni jake.

Hinawakan ng mama ni jake ng mahigpit ang aking mga kamay na tila nagpapahiwatig ng labis na pang unawa.

"magagawa mo pa bang kayanin na magmahal kung alam mo naman na hindi na ito magtatagal? Malala na ang sakit ni jake, yun ang totoo, tinaningan na ng doktor ang buhay niya, pero bilang ina, gagawin ko pa din ang makakaya ko para gumaling ang aking anak, handa akong magbayad ng malaking halaga madugtungan lang ang buhay ng anak ko, pero sabi ng doktor, kung sakali man na magtagumpay ang operasyon na maaaring gawin kay Jake, alam mo ba kung ano ang posibilidad na mangyari? Maaaring mawala lahat ng ala-ala niya, kahit ako ay maaaring di na nya makilala. Maging ikaw, Makakaya mo pa ba siyang mahalin sa ganong kalagayan?" paliwanag mabuti ng mama ni Jake na mas lalong nagpatindi sa kanyang pag-iyak.

Di ko na din mapigilan ang pag-agos ng aking luha, Labis na naging magulo ang aking isip, na ganon pala ka-komplikado ang maaaring mangyari sa pag-iibigan namin ni Jake.

Inaamin ko na labis akong natatakot na mawala si Jake sa buhay ko, at mas lalo na akong natatakot na hindi na niya ako magawang makilala pa kung sakali man na maging matagumpay ang operasyon na gagawin sa kanya.

Gusto ko nalang talagang isipin na panaginip ang lahat, na kailangan kong magising mula sa bangungot na ito.

Gusto ko lang naman makita at makasama si Jake, hinangad ko lang naman na maging masaya, na makilala ang taong magagawa akong mahalin at tanggapin kung ano man ako.

Nahanap ko nga siya pero bakit parang ang bilis naman siyang babawiin sa akin? Wala ba akong karapatan sumaya? Lumigaya?

Humugot ako ng napakalalim na paghinga upang mabigyan ko pa ng katatagan ang aking kalooban.

Muli kong sinariwa ang mga ala-ala namin ni Jake, yung mga panahon na masaya kaming magkasama, ang sumpaan na binitiwan namin sa isa't isa dito mismo sa lugar na ito na naging piping saksi ang araw, mga ulap at karagatan.

Kailangan kong magpakatatag.

Ako na din mismo ang nagsabi diba? na kahit anong mangyari ay hindi ko siya iiwan, na patuloy ko siyang mamahalin sa abot ng aking makakaya.

"kakayanin ko po lahat, ipaparamdam ko po kay Jake ang pagmamahal ko hanggang sa huli, mananatili po akong nagmamahal sa kanya, hindi lang po dahil sa pangakong binitawan ko sa kanya, dahil na din sa ito po ang nais gawin ng aking puso, tatanggapin ko ang lahat ng mga posibilidad na maaaring mangyari" paliwanag ko at tuluyan na akong napahagulgol sa sobrang sakit ng aking nararamdaman.

Naramdaman kong niyakap ako ng mahigpit ng mama ni jake, isang yakap ng isang ina na hindi ko naramdaman noon pa man.

"im sorry remy, marahil ay labis akong naging makasarili, napakalaki ng pagkakamali ko bilang ina, mas pinakinggan po ang ibang tao kaysa sa nararamdaman ng aking anak, (iniharap ng mama ni Jake ang mukha ko sa kanya) Jake is in the hospital, he fainted suddenly kaninang umaga habang nag-uusap kaming tatlo nila Lorraine, talagang ikaw ang ipinaglalaban niya Remy, i think the blame must be given to me dahil pinipilit ko pa na magkakaayos sila ni Lorraine, na akala ko na iyon ang mas makabubuti sa kanya. But i was wrong, so wrong! paggising nga niya ay ikaw agad ang hinahanap niya, Jake really wants to see you so badly" paliwanag ng mama na jake habang hinahaplos niya ang aking buhok.

Lovely Days (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora