Lovely : 13

25 0 0
                                    


( 08:00 p.m - Abril 09, 2010 )

Labis na nakagulo sa aking isipan kung sino ba ang nagtext sa akin ng mensaheng iyon.

Wala naman akong magagawa dahil mas mauuna kong madaanan ang burger shop na iyon kaysa sa bahay nila Jake.

Nakakatakot din naman makipagkita basta basta sa taong hindi mo kilala.

Baka mamaya ay may tangka lang pala iyon na masama sa akin o baka nga mamaya reyp lang pala ang pakay sa akin noon.

O diba, ang feelingera ko?

Kung pera lang ang habol sa akin noon ay wala din naman syang mapapala dahil hindi naman kami mayaman kaya no choice siya kundi katawan ko na lang talaga. 😜

Kung tutuusin iisa lang naman ang may posibilidad na maaaring magtext ng ganoon sa akin.

Ang nakapagtataka lang ay kung paano niya nakuha ang cellphone number ko?

Habang papalapit ako sa burger shop ay labis na kaba ang aking nararamdaman na baka nga magkatotoo ang mga iniisip ko kanina lang.

Pero ilang saglit pa ay hindi nga ako nagkamali sa huli kong kutob.

Si Lorraine nga ang nagtext at nais makipagkita sa akin.

Kapal talaga ng mukha niya! Aba nagawa pa nyang makipagkita sa akin pagkatapos ng ginawa niya pagtulak sakin?! 😠

Sana pala dinala ko yung asido namin sa bahay at isinaboy ko bigla sa mukha niya bilang pagbati (echos lang! Di naman ako ganon kasama) 😇

O kaya naman ay nagdala na lang sana ako ng bawang pananggalang sa kanya ( ahaha, mas bet ko pa ) 😎

Nang makalapit ako ay agad niya akong pinaupo at umorder daw ako ng gusto ko.

wow! manlilibre ang bruha, hindi ako makukuha sa paganyan ganyan ano.

Buti sana kung sa mamahaling restaurant niya ako dinala para sosyal man lang, hmph! 😒

"no thanks, kakatapos ko lang kumain, tsaka hindi din ako magtatagal dito, besides i have some appointments to take care of" tugon ko kay Lorraine na medyo may pagkataray.

Kala niya siya lang ang marunong mag english ha?

"appontments? Well, lets get to the point, i know na nagtataka ka kung saan ko nakuha ang number mo, i got your number from Jeremy, at i think na you are bothered kung bakit ako nakipagkita sa iyo, well i guess you already know the answer" tugon ni Lorraine na may halong pagtataray din.

Mukhang may pagkalahi pala ng manghuhula ang isang ito eh, makapagpahula nga ng future namin ni Jake.🤭

"i think its about Jake right? Kung yun din lang ang pag-uusapan, i guess nasabi na niya ang lahat ng 'malinaw', kaya wala na akong maidudugtong pa sa usapin na iyon" paliwanag ko sa kanya with matching pag-irap epek pa.

Di ako papakabog sa pagtataray niya ano. 🤨

"gusto ko lang sabihin sa iyo na tigilan mo na si Jake, he's not that type of guy that will suddenly fall in love with someone like you! Wala ka sa level ng mga nagugustuhan ni Jake! Your just wasting your time, pinapasakay ka lang niya to ease the pain that he was going through" pagtataray na tugon nito.

Aba! Aba! Sumosobra na ang babaeng ito ah, mukhang hindi na maganda ang tabas ng dila niya. 🤬

"Lorraine, dapat siguro ay humarap ka sa salamin at sa sarili mo iyan sabihin, besides, wala ka naman nang magagawa kung matutunan man akong mahalin ni Jake, Hindi porket babae ka ay ikaw na ang mas pipiliin niya sa bigla mong pagdating, Hindi tulad si jake ng ibang lalake na kilala mo at tinutukoy mo" tugon ko sa kanya na ni level up ko ang aking sarili sa pagtataray.

Lovely Days (Completed)Where stories live. Discover now