Lovely : 06

20 0 0
                                    


Ang dalawang ito ay sina Rica, na isang transexual at si Rosa, isang tunay na babae.

Mag bestfriend ang dalawang ito na animo’y hindi mapaghiwalay at talagang suportado nila ang isa't isa.

Nangungupahan sila sa apartment na malapit dito sa tindahan ni aling Lucy.

“Remy, mukhang blooming ka ngayon ah” papuri ni Rosa sabay hithit ng yosi.

“Hindi naman masyado, bakasyon kasi kaya eto, wala masyadong istress” tugon ko na lamang sabay order kay aling Lucy ng soda.

“i’m sure inspired ang lola mo, oh tignan mo naman wiz ang ibang bakla” sabi ni Rica sabay hithit din ng yosi.

Napayuko nalang ako sa papuri ng dalawa pero di ko din naman naiwasan na kamustahin sila.

“eto kahit papano nakadalawang customer ako kagabi, sapat na pangbayad sa upa ng bahay, kuryente at tubig” tugon ni Rosa ng may pagkadismaya sabay hithit ulit ng yosi.

“nako! buti ka nga nakadalawa, samantalang ako nga eh isa lang, hindi pa ako nasiyahan, kulang pa ang binayad para pambili ng groceries at pangangailangan ko” pagmamaktol ni Rica sabay humithit din ng yosi.

“hay nako bakla, buti nga at may pumatol pa sa iyo, sa pekeng pechay at pakwan mong iyan, Kita mo at binayaran ka pa ng intsik na nirekumenda ko sa iyo kahit alam niyang retokada yang katawan mo” pagmamalaking sabi ni Rosa.

“Aba! Hoy! Kahit peke ang mga ito, kung nakita mo lang kung paano ko patirikin ang mga mata ng kuripot na intsik na iyon, halos kapusin na nga siya ng hininga eh” Dagdag ni Rica sabay hithit pa din ng sigarilyo.

Naaaliw lang ako sa pinag-uusapan ng dalawang to, kahit sa pagbebenta ng laman ay magkasama pa rin sila.

Pero hindi ko talaga maiwasan na mapatingin sa dibdib nitong si Rica, parang totoo talaga ang mga iyon, ang perfect tignan eh.

“hay nako Remy, kung ako sa iyo hindi ko na papangarapin pang magpalagay nito kung di naman kailangan, kung di lang dahil sa pagmamahal ko sa Rigor na iyon ay hindi ako magpapalagay ng pekeng dibdib at pechay, Tapos ang walang hiya pagtapos akong pagsawaan iiwan lang din ako?! Lecheng buhay to! halos maubos ang pera na kinita ko sa japan para lang sa kanya!” naluluhang sabi ni Rica na hindi mapigilan ang pagpatak ng luha na agad namang niyakap ni Rosa para aluhin ito.

"bakit ka naman nagdramang bakla ka? kalimutan mo na kasi yang Rigor na yan, ang isipin mo ay kung paano tayo kikita ng mas malaki mamayang gabi" saad naman ni Rosa.

Sa isip-isip ko ay hindi naman kailangan baguhin mo pa ang iyong hitsura o anyo para lang mahalin ka.

Kung mahal ka kasi ng isang tao ay matatanggap ka nito sa kung ano o sino ka man.

Partida nalang siguro yung usaping pagpapa sex change diba? kung gusto talaga ng lalaking kinakasama mo at sure ka naman na nagmamahal sayo.

Naniniwala ako na wala namang pinipili ang pagmamahal kahit ano ka pa: lalaki, babae, bakla, tomboy, silahis, mahirap, mayaman, maganda, pangit, may kapansanan o kahit ano pang label o estado mo sa buhay.

Basta ang importante ay ang pagiging totoo at wagas mo sa pagmamahal.

Yun bang komportable at masaya kayo sa isa't isa, na walang naapakan, nasasaktan o naaagrabyadong ibang tao.

Yun naman yun diba?

Napabuntong hininga na lang ako at may naramdamang awa din para kay Rica.

Biruin mo, halos isugal niya lahat para lang sa pag-ibig.

Kung tutuusin ay parehas lang silang napagkaitan ng pagmamahal ni Rosa kaya siguro ay ganoon na lang ang pagbabalewala nila sa kanilang mga sarili at di na nila iniisip pa na pasukin ang mundo ng pagbibigay aliw para mabuhay.

Lovely Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon