Lovely Days (Completed)

By Iam_Sorowenpein

454 4 1

Ito ang kwento ng bakasyon ni Remy. Simula pa nung bata ay wala pang karanasan si Remy tungkol sa pag-ibig la... More

Lovely : 01
Lovely : 02
Lovely : 03
Lovely : 04
Lovely : 05
Lovely : 06
Lovely : 07
Lovely : 08
Lovely : 09
Lovely : 10
Lovely : 11
Lovely : 12
Lovely : 14
Lovely : 15
Lovely : 16
Final day

Lovely : 13

26 0 0
By Iam_Sorowenpein


( 08:00 p.m - Abril 09, 2010 )

Labis na nakagulo sa aking isipan kung sino ba ang nagtext sa akin ng mensaheng iyon.

Wala naman akong magagawa dahil mas mauuna kong madaanan ang burger shop na iyon kaysa sa bahay nila Jake.

Nakakatakot din naman makipagkita basta basta sa taong hindi mo kilala.

Baka mamaya ay may tangka lang pala iyon na masama sa akin o baka nga mamaya reyp lang pala ang pakay sa akin noon.

O diba, ang feelingera ko?

Kung pera lang ang habol sa akin noon ay wala din naman syang mapapala dahil hindi naman kami mayaman kaya no choice siya kundi katawan ko na lang talaga. 😜

Kung tutuusin iisa lang naman ang may posibilidad na maaaring magtext ng ganoon sa akin.

Ang nakapagtataka lang ay kung paano niya nakuha ang cellphone number ko?

Habang papalapit ako sa burger shop ay labis na kaba ang aking nararamdaman na baka nga magkatotoo ang mga iniisip ko kanina lang.

Pero ilang saglit pa ay hindi nga ako nagkamali sa huli kong kutob.

Si Lorraine nga ang nagtext at nais makipagkita sa akin.

Kapal talaga ng mukha niya! Aba nagawa pa nyang makipagkita sa akin pagkatapos ng ginawa niya pagtulak sakin?! 😠

Sana pala dinala ko yung asido namin sa bahay at isinaboy ko bigla sa mukha niya bilang pagbati (echos lang! Di naman ako ganon kasama) 😇

O kaya naman ay nagdala na lang sana ako ng bawang pananggalang sa kanya ( ahaha, mas bet ko pa ) 😎

Nang makalapit ako ay agad niya akong pinaupo at umorder daw ako ng gusto ko.

wow! manlilibre ang bruha, hindi ako makukuha sa paganyan ganyan ano.

Buti sana kung sa mamahaling restaurant niya ako dinala para sosyal man lang, hmph! 😒

"no thanks, kakatapos ko lang kumain, tsaka hindi din ako magtatagal dito, besides i have some appointments to take care of" tugon ko kay Lorraine na medyo may pagkataray.

Kala niya siya lang ang marunong mag english ha?

"appontments? Well, lets get to the point, i know na nagtataka ka kung saan ko nakuha ang number mo, i got your number from Jeremy, at i think na you are bothered kung bakit ako nakipagkita sa iyo, well i guess you already know the answer" tugon ni Lorraine na may halong pagtataray din.

Mukhang may pagkalahi pala ng manghuhula ang isang ito eh, makapagpahula nga ng future namin ni Jake.🤭

"i think its about Jake right? Kung yun din lang ang pag-uusapan, i guess nasabi na niya ang lahat ng 'malinaw', kaya wala na akong maidudugtong pa sa usapin na iyon" paliwanag ko sa kanya with matching pag-irap epek pa.

Di ako papakabog sa pagtataray niya ano. 🤨

"gusto ko lang sabihin sa iyo na tigilan mo na si Jake, he's not that type of guy that will suddenly fall in love with someone like you! Wala ka sa level ng mga nagugustuhan ni Jake! Your just wasting your time, pinapasakay ka lang niya to ease the pain that he was going through" pagtataray na tugon nito.

Aba! Aba! Sumosobra na ang babaeng ito ah, mukhang hindi na maganda ang tabas ng dila niya. 🤬

"Lorraine, dapat siguro ay humarap ka sa salamin at sa sarili mo iyan sabihin, besides, wala ka naman nang magagawa kung matutunan man akong mahalin ni Jake, Hindi porket babae ka ay ikaw na ang mas pipiliin niya sa bigla mong pagdating, Hindi tulad si jake ng ibang lalake na kilala mo at tinutukoy mo" tugon ko sa kanya na ni level up ko ang aking sarili sa pagtataray.

"wala kang alam sa pinagdaanan namin ni Jake! your just a stranger between us! At mas lalong wala ka ding alam sa pinagdadaanan niya ngayon! I've been with him for 5 years! kaya mas kilala ko siya kaysa sayo!" may kataasan na tono ni Lorraine na halatang nagtitimpi lang ng galit.

"wala ka din naman alam sa pinagdadaanan namin right? Tsaka wala sa tagal ng pinagsamahan yan Lorraine, nasa lalim ito ng pinagsamahan  at sa kung paano kayo nagkakaintindihan sa isa't isa, Ikaw na din mismo ang nagbigay sa akin ng daan para makilala siya diba? Sa ginawa mong pag iwan sa kanya, kaya kahit gaano mo pa ipamukha sa akin kung gaano kayo katagal ay wala din naman magbabago, because its all in the past now!" tugon ko kay Lorraine na tinaasan ko din ang tono ng pananalita ko.

Palaban yata tong kinaharap niya. 😤

Tila hindi naman maalis sa paningin ko ang echuserang nagtitinda ng burger na seryosong nakatingin sa bangayan namin na parang sobrang enjoy pa siya sa pinapanood niya.

Ano kami? Live drama? teleserye ganun?

"mas kailangan ako ni Jake! And i will prove to him na kaya kong itama ang mga mali kong nagawa! i want to be by his side, i want to take care of him, meron siyang ---" natigilan ang pagsasalita ni Lorraine ng biglang sumigaw sa di kalayuan ang boses na pagmamay ari ng nagpapatibok sa aking puso.

Na walang iba kundi si Jake. 😍

"Remy!!"

Tila nabuhusan ng malamig na tubig si Lorraine at napako lang sa pagkakaupo sa pagkakita kay Jake at tila ganun din naman ang naging reaksyon ni Jake ng makita naman si lorraine na kausap ako.

"Lorraine? What are you doing here? Di ba sinabi ko na tigilan mo na kami?!" bulyaw ni Jake sabay hawak sa kamay ko at ng akmang hahatakin na ako ni Jake palayo ay pinigilan kami ni Lorraine.

"no Jake! Hindi kita isusuko! Please! Give me a chance!!" pagmamakaawa ni Lorraine na nagsisimula nang bumuhos ang kanyang luha.

Maglulupasay sana siya sa sahig eh, pero naisip niya siguro na madudumihan yung mamahalin niyang damit kapag ginawa niya yun kaya di niya tinuloy.

"sorry Lorraine, Matagal ng tapos ang kung anuman ang namamagitan sa atin,  just accept it, its too late, kaya kung pwede?! Tigilan mo na!" bulyaw ni Jake at tuluyan na niya akong kinaladkad patungo sa kanilang bahay.

Nilingon ko si Lorraine at tila siya na estatwa sa kinatatayuan niya na walang patid sa paghagulgol.

Infairness, nakaramdam din ako ng awa sa kanya kahit kaunti pero parang mas kelangan kong maawa sa sarili ko dahil sa sakit ng pagkakahatak sa akin ni Jake. 😫

09:30 p.m ( abril 09, 2010 )

Kaladkad pa din ako ni jake ng makarating kami sa kanilang bahay at hanggang sa makapasok.

Nagulat ako ng ihagis niya ako sa sofa at napaupo dito.

Grabe nakakatakot, mababakas talaga sa kanyang mukha, lalo na sa kanyang mga mata ang galit at panlilisik ng mga mata nito na nakatitig pa sa akin. 😱

Ngayon ko lang nakita siyang ganoon kaya hindi na lang ako umangal pa.

Baka mamaya mahipan siya ng hangin at sakin niya ibunton ang galit niya eh.

Baka mapasubo nanaman po ako ng wala sa oras.. hahaha charot!

"bakit ka ba nakipagkita sa babaeng iyon ha?!!" bulyaw ni Jake na nanlilisik ang mga matang patuloy na nakatitig sa akin.

Tila hindi naman ako makaimik sa kilabot na nararamdamaman ko, pero pinilit ko pa din makapagsalita kahit papaano. 

"e-e-eh, h-hindi ko k-kasi a-alam n-na siya y-yun e-eh" nauutal at kinakabahan kong tugon kay Jake.

Napasuntok naman si Jake sa kahoy niyang lamesa na ikinagulat ko. 😲

"paano na lang pala kung ibang tao iyon ha?! At gusto ka lang i-set up? O patayin?!!" tugon ni Jake na may kataasan pa din ang boses at nakahawak ng mahigpit sa magkabilang balikat ko.

Ewan ko ba bigla na lang tumulo ang luha ko, idagdag pa yung nakaka tense na sagutan namin ng Lorraine na yun kanina.

Kaya iniyuko ko na lamang ang ulo ko para di gaanong mapansin ni jake ang pagluha ko pero tingin ko ay nahalata naman niya.

Niyakap ako ng mahigpit ni Jake sa kaba ng makita niya akong lumuha.

Pero sa pagkakayakap niyang iyon ay mas lalong hindi ko na napigilan pa ang mga luhang umagos sa aking mga mata. 😭

"pasensya ka na ha?.. natatakot kasi ako eh... Na baka makumbinse ka ni Lorraine na layuan ako, ayokong mangyari yun Remy" malungkot na pagkakasabi ni Jake na medyo nagcrack ang boses at mas niyakap pa ako ng sobrang higpit.

Naintindihan ko naman ang gusto niyang iparating sa akin.

"inaamin ko jake, naguguluhan din ako, as in sobra, lalo pa sa mga bagay na sinabi ni Lorraine, pero pinangako ko sa iyo di ba? Hindi kita basta basta iiwan, mahal na mahal kita" tugon ko na lamang sa kanya habang naiiyak pa din.

Hindi na siya tumugon pa at isang mainit na halik lang ang isinukli niya hanggang sa parehas na kaming nakaramdam ng init sa bawat isa.  👨‍❤️‍💋‍👨

Dali dali kaming umakyat sa kwarto niya at pinagsaluhan namin ang init na aming nadarama.

Sabi ko na nga ba, dito mauuwi ang eksenang to, ihanda ang wheelchair.

11:00 p.m ( abril 09, 2010 )

Pagkatapos naming pagsaluhan ang saya ay ninamnam namin ang mga sandali na kapiling namin ang isa't isa.

Nakahiga ako sa matipunong dibdib ni Jake habang nilalaro laro ko ito, Hinahanap ko kasi yung kiliti niya pero mukhang wala ata.

"mahal kita Remy, di ko alam kung paano nangyari pero sana ay hanggang wakas na ito, gusto kong sabay nating harapin ang ngayon, bukas at magpakailanman" pabulong na wika ni Jake habang hinihimas ang aking buhok.

Tita Mel Tiangco ikaw ba yan? mga linyahan nito ni Jake eh no.

Napatingin ako sa kanyang mga mata at binigyan ko siya ng mainit na halik sabay sabing...

"mahal na mahal din kita Jake, di kita iiwan, pangako yan"

Tumayo si Jake at agad isinuot ang kanyang boxer shorts, lumabas siya papuntang terrace ng kanyang kwarto.

Agad din naman akong tumayo at nagbihis.

Nagtataka man ako ay sinundan ko nalang siya.

"halika dito sa tabi ko" pagtawag ni Jake sa akin.

Tumabi ako sa kanya at tumukod sa terrace habang siya ay pumunta at niyakap ako mula sa likod.

Nagulat na lang ako dahil may tunog na biglang lumitaw sa aming pandinig sa kung saan at bigla na lamang kumanta si Jake.

🎵Dahil mahal kita by: ogie alcasid

🎤Jake:

Anuman ang sabihin nila, ika'y patuloy kong mamahalin

Maging sino ka man, di na magbabago ang pag-ibig ko

Dahil minamahal kita, walang makakapigil sa aking damdamin

Upang ikaw ay ibigin ko ng lubos, sasambahin lagi

Dahil mahal kita, lahat ng bagay ay aking matatanggap.

(humarap ako kay jake at nagtitigan kami, kasabay noon ay tumigil ang mga tambay na nag-iinuman sa gilid)

Chorus:

(jake at mga tambay na nag-iinuman)

At dahil mahal kita pag-ibig ko'y alay sa'yo

Kahit katumbas nito'y kasawian

Dahil mahal kita sayo lamang liligaya, at di na muling iibig pa

(bumalik na ulit sa pagtagay ang mga tambay at tinakpan ko naman ang bibig ni Jake at tinignan lang ito ng makahulugang tingin)

🎤Remy:

anuman ang sabihin nila, ika'y patuloy kong mamahalin

Maging sino ka man, di na magbabago ang pag-ibig ko

Dahil minamahal kita, walang makakapigil sa aking damdamin

Upang ikaw ay ibigin ko ng lubos, sasambahin lagi

Dahil mahal kita, lahat ng bagay ay aking matatanggap

(tumigil naman ang dalawang babae na nagchichismisan at nakisabay sa pagkanta ko)

Chorus:

(Remy at dalawang chismosa)

At dahil mahal kita pag-ibig ko'y alay sa'yo

Kahit katumbas nito'y kasawian

Dahil mahal kita sa'yo lamang liligaya, at di na muling iibig pa

(bumalik na sa pagchichismisan ang dalawang babae at sumandal ako sa dibdib ni Jake)

Chorus 2x:

(remy at jake)

At dahil mahal kita pag-ibig ko'y alay sa'yo

Kahit katumbas nito'y kasawian

Dahil mahal kita sa'yo lamang liligaya, at di na muling iibig pa

Jake: dahil mahal kita

============

Pagkatapos ng kantahan portion namin ay masuyo akong hinalikan ni Jake sa aking mga labi.

how sweet! O db? Parang kanina lang may pagtatalong naganap.

At talagang naki cooperate pa sa amin ang mga nag-iinumang tambay at dalawang babaeng nagchichismisan sa labas ng bahay nila Jake.

Haay sarap talaga ng feeling ng  in-love.

Habang magkayakap kami ni Jake ay may biglang umalingasaw na boses kung saan.

📣"Jake?! What is the meaning of this?!"

ITUTULOY......

Continue Reading

You'll Also Like

10.5M 567K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
9.8K 885 50
Kris and Tao are best of friends at nagkakasundo sila sa lahat. But what if nangyari bigla ang hindi niya inaasahan? What if magising silang dalawa s...
21.1M 518K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]