Heatrix Monterde (GXG)

By CNMags

16.6K 635 474

Fab. 5 Series #1 GXG Heatrix Monterde More

Characters
-1-
-2-
-3-
-4-
-5-
-6-
-7-
-8-
-9-
-10-
-11-
-12-
-13-
-15-
-16-
-17-
-18-
-19-
-20-
-21-
-22-
-23-
-24-
-25-
-26-
-27-
-28-
-31-
-29-
-30-
-32-
-33-
-34-

-14-

363 14 11
By CNMags



"Ma!" Sigaw ko. Kakalabas ko lang kasi ng kwarto ko at nakapag handa na para pumasok. Nag punta pa ako sa kusina kasi hindi ko ito nakita sa sala.

"Hindi na po ako kak--- ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Gulat na sigaw ko pagka kita sa taong hindi ko naman talaga inaasahan na makita ngayong umaga. Maiintindihan ko pa sana kung sa school ko sya makikita, pero hype sa loob pa talaga ng bahay namin!

"Ikaw talaga na bata ka! Ganyan ka ba tumanggap ng bisita ha? Hindi kita pinalaki ng ganyan Chana ha!" Sabay kurot pa nito sa tagiliran ko.

"A-aray ko mama masakit." Reklamo ko. Nakarinig pa ako ng mahinang pag tawa. Kaya tinignan ko ito ng masama. "Nakaka hiya naman po sa bwisita nyo!" Pinag dukdukan ko talaga yung salitang 'bwisita' ng mapang asar na nakatingin sa kanya. Psh! Pinalo lang ako ni mama sa braso ng marinig nya iyon.

"Halika na. Sumabay ka na sa amin kumain." Pag aaya pa ni mama.

'Ma! Ako yung anak mo! Bakit parang ako pa yung bisita kung makapag aya ka dyan?!'

Yung isa naman prenteng nakaupo lang sa hapag at nakangiti ng matamis na matamis na naka tingin sa akin.

Yung ngiti nya na akala mo sobrang bait at hindi makabasag pinggan? Yung akala mo hindi gumagawa ng masama? At yung hindi bossy. Kung hindi ko lang ito kilala ay masasabi ko ngang mabait ito sa ngiting ipinapakita nya ngayon. At mag sisinungaling ako pag sinabi ko na hindi bagay sa kanya ang ngumiti, dahil mas lalong naging perfect ang mukha nito pag ngumiti.

Parang lumiwanag yung buong paligid, nawala yung pagka bwisit ko sa kanya at hindi namalayang napa ngiti na din dito...

Pwede bang maging crush ko yung ganitong side ni Heatrix? Sana ganito na lang sya lagi noh? Wag yung laging seryoso ang mukha at cold kung mag salita. Swear! Dadami pa ng sobra yung maiinlove sa kanya! Baka nga pati ako mainlove-- wait... Mainlove? Ako? Sa kanya? Sinabi ko ba yun? Ngiti langyan Kristiana wag mag papadala!

Ang sabi nga ni Rain di ba? Tama! Tsk!

"Chana." Pag tawag ni mama ng pansin sa akin. Napatingin naman ako dito ng nakabuka ang bibig at nakataas pa ang dalawang kilay na para bang nag tatanong kung bakit ako nito tinawag.

"Alam kong maganda itong si Heatrix anak. Pero wag mo namang ipahalata na may gusto ka sa kanya. At para ka ding timang na nakakunot ang noo at maya-maya pa'y ngingiti at pag katapos ay kukunot na naman ang noo. At kung hindi pa siguro kita tinawag ay malamang sa malamang ay tutulo na yung laway mo dyan. Nakaka hiya ka nak." Iiling-iling pang sabi nito na may mapag laro pang ngiti sa labi.

Napa "Huh?" Naman ako dito nang hindi ko pa napoproseso sa utak ko yung sinabi nito.

"Seriously ma?" Hindi makapaniwalang sabi ko pa dito ng mapag tanto ko yung sinabi nito. "Ito? Magugustuhan ko?" Turo ko pa kay Heatrix na nakasandal na sa kinauupuan nito at nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib nito, iba na din yung ngiti nito, hindi na matamis. Ngiting confident na, na akala mong hindi talaga imposibleng magustuhan ko sya.

Napabuga naman ako sa hangin sa sobrang bilib nito sa sarili. "Hindi ko magugustuhan yan noh!" Sabi ko pa. Kita ko namang may kung ano akong nakita sa mata nito, pero saglit lang kaya hindi ko mawari kung ano iyon.

Ang tapang kong mag sabi ng ganon dito kasi nasa harap si mama. 'Nako Kristiana talaga, humanda ka lang mamaya.'

"Wag mag salita ng tapos Chana. Baka mamaya nyan mag---"

"Mama!" Pag putol ko sa sasabihin nito. Natatawang sumandok na lang ito ng kakainin nya. Bakit ba pinipilit nya na ako kay Heatrix? Isip bata talaga. Tss.

"Maupo kana dito at kumain Chana. Baka malate pa kayo sa klase nyo." Sabi pa ni mama at ipinag handa na ako. "Sya nga pala nak. Sumabay ka na kay Heatrix sa pag pasok at pag uwi dahil may event na gagawin sa resto, malalate ako ng uwi, hindi kita masusundo."

"Kaya ko pong mag isa ma." Mabilis na angal ko pa. Ayoko ngang makasama si Heatrix eh! Aanuhin na naman ako nyan! 'Aanuhin Kristiana?' yung ano ba, yung hahali-- ah basta! Yun na yun!

"Anak please? Ayokong mapahamak ka pa ulit." Pag mamakaawa pa nito. Ano pa nga bang magagawa ko? Ginamitan na ako ng please tapos nag papaawa pa. Haist!

"Aish! Oo na po." Pag payag ko atsaka na kumain. Bahala na talaga.

"Yes!" Sabi pa nito na akala mo sinagot ng nililigawan kung maka react. Yung isa naman ngiting-ngiti na nag patuloy na sa pag kain nya.

Grabe na yung trip nito ah!

-

Tahimik kaming sumakay ng kotse nya. Bigla namang uminit yung mag kabilang pisngi ko ng makapasok na ulit ako dito.

'Bwisit naman oh!' kalma lang self. Tss.

Isang beses pa muna akong huminga ng malalim para pakalmahin yung loob ko dahil sa biglaang pag flashback nung nangyare nung nakaraan dito. Shemay!

Tahimik lang ang naging byahe namin hanggang sa makapag park sya sa parking lot ng school.

Pinatay na nito yung makina pero hindi pa din ito kumikilos papalabas, sumandal pa ito sa kinauupuan at tumingin sa gawi ko. Napakunot naman yung noo ko sa ginawa nito, imbis na lumabas na ng kotse. Gusto ko na sanang lumabas eh, kaso naman hindi pa bukas naka lock pa din, at wala yatang balak buksan nitong katabi ko. Tsk.

"Hindi ko nagustuhan yung sinabi mo." Biglang sabi nito ng hindi manlang kumurap at mataman lang ako nitong tinitignan. Ang alin naman? Pinag sasabi nito?

"Alin?... Ah! Yung hindi kita magugustuhan? T-totoo naman ah!" Tapang-tapangang sabi ko pa. Pero ang totoo gusto ko ng kumaripas ng takbo dahil sa paraan ng pag titig nito sa akin.

Nakatingin ito sa akin na para bang kaya ako nitong putulan ng hininga. Bahagya naman akong napakagat sa pisngi ko sa intense na pag kakatitig nito at sunod-sunod ding lumunok.

Taena katapusan ko na ba?

"Fine... Hindi ko pipiliting magustuhan mo ako." Pag suko nito. Nakahinga naman ako ng maluwang nang hindi na ganon ka-intense yung tingin nya. "Pero sisiguraduhin kong mamahalin mo ako." Seryosong sabi nito atsaka na inunlocked na yung kotse nito, at nauna ng bumaba.

At ako? Eto tulala, naka nganga pa! Si Heatrix ba yun?! Seryoso ba sya?... Pero hindi! Pinag titripan lang ako nyan! Tsk!

'Kristiana, wag mag papadala nako!' Tama si Rain, paniguradong masasaktan ka lang sa huli pag sya yung minahal mo.

Si Heatrix Monterde sya at isang Kristiana Buenaagua lang ako. Sikat yun at maraming nakakandarapa pang mas maganda at mas sexy pa sayo. Katulad nung limang nang bugbog sayo. Ayun yung mga nababagay kay Heatrix tsk.

Atsaka si Heatrix mag kakagusto sa akin? Ang pilingera ko naman kung ganon! Ni wala nga syang nababanggit eh, so meaning pinag titripan nya nga lang ako.

So ano? Pag nainlove nga ako sa kanya, anong gagawin nya? Iiwan nya ganon?  Dahil nga eh kumagat ako sa gusto nya?

So no Heatrix. I will not let my self fall for you...

Bakit parang ang bigat sa pakiramdam? Bakit hindi iyon tanggap ng sistema ko?

Parang tanga namang ginulo ko yung buhok ko sa sobrang litong nararamdaman ko. Kainis!!

Natigil lang yung pag iisip ko ng may kumatok sa gilid ko. Shemay! Hindi pa pala ako nakakalabas. Argh!!

Napatingin naman ako sa wrist watch ko at nanlaki ang matang lumabas ng kotse ni Heatrix. Shit! Ang tagal ko ba sa kotse? Late na ako ng two minutes hype!

Halos patakbo na akong umalis sa parking lot at alam kong nakasunod pa din sya sa akin, pero hindi ko na lang din pinansin kasi nga late na talaga ko! Buti sana kung hindi masungit yung teacher sa first subject eh.

Hingal na hingal akong nakarating sa tapat ng room ko. Nag pahinga na pa muna ako saglit at ikinalma ang sarili dahil sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Oh." Sabay tapat nito sa mukha ko ng bottled water.

Nag tatakang nag angat naman ako ng tingin dito. Nakayukod kasi ako at nakatukod ang dalawang kamay sa tuhod.

"Saan mo nakuha yan?" Nag tatakang tanong ko sa kanya. Eh, paanong hindi ka mag tataka? Kung alam mong mag kasunod lang kayo? So paano sya nakabili agad ng bottled water? Lah!

"Inumin mo na lang." Non chalant na sabi nito.

Wala na kong ibang nagawa kung di kunin na lang at inumin habang nakatingin pa din sa kanya. Seryoso lang itong pinag mamasdan ako habang umiinom. Perfect na sana eh! Kung hindi lang talaga sa ugali nito. Sus!

Bigla naman ako nasirinan at napaubo pa dahil sa iniinom ko. Shit! Pumasok pa sa ilong ko!

"Dahan-dahan naman." Nakakunot noong sabi nito habang hinahagod yung likod ko.

Lintik ka! Kasalanan mo to!

Paano ba naman eh, biglang ngumiti sa akin! Biruin mo ang seryoso ng mukhang nakatingin ito sa akin tapos bigla ba namang ngumiti?! Sinong hindi mabibigla ha? Tapos si Heatrix pa yun! Ang weird nya na ha! Bwisit..

Hinawi ko naman yung kamay nya na nasa likod ko at nag punas na ng bibig tsk.

"Umalis ka na nga." Pag malapit ka natataranta ako eh, ginugulo mo yung buong sistema ko! Aish!

Tumalikod na ako sa kanya at kumatok na sa pinto.

Nakakunot noong bungad ni Mrs. Almendros pagka bukas nito ng pinto. "Why are you late miss Buenaagu-- Oh. Hi miss Monterde." Biglang lumambing yung boses nito pagka kita kay Heatrix. Lah? Parang kanina lang gusto na ako nitong kainin dahil sa nalate ako sa klase nito.

"How can I help you miss Monterde?" Mapang akit pang tanong nito. Seriously?! May asawa na't lahat-lahat eh! Kainis naman to! Dito pa talaga sa harap ko! Sagwa! 'Oh bakit galit Kristiana?' naiirita lang, galit agad?

"Go inside. I'll see you later." Sabi pa nito sa akin at hindi pinansin si Mrs. Almenros. Yan buti nga! Gusto ko pa sanang ilabas yung dila ko at asarin sya, kaso wag na baka ibagsak ako. Haha!

Dadaan na sana ako sa gilid ni Ma'am Almendros dahil sa nasa pinto pa din ito at tulala kay Heatrix. Nang may biglang humila sa kamay ko mula sa likod, at sa saktong pag harap ko ay may malambot na dumampi sa labi ko. Shit!

Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa pag mumukha ni Heatrix na nakapikit at sobrang lapit.

Hanggang sa lumayo sya nakapikit pa din ito. Unti-unti lang itong dumilat at mapupungay ang mga mata nitong tumingin sa akin...

Bakit ganon? Ramdam ko pa din yung malalambot na labi nya?

"Later ok?" Malambing pang sabi nito. Wala sa sariling napatango ako dito. "Good." Naka poker face ng sabi nito at lumapit pa ulit sa akin para halikan yung sentido ko atsaka na sya tumalikod at umalis.

Wala na naman sa sariling napahawak ako sa sentido at sa bibig ko. Naka ngiti pang pinag mamasdan ko itong papalayo. Darn Heatrix! Nakakadalawa ka na ah!

'Pero nagustuhan mo naman Kristiana!' sagot ng mahadera kong kalooban.

Oo na! Aamin na nagustuhan ko yung halik pero hinding-hindi sa nang halik! Ha! Kala nya ah!

Hinding-hindi ko sya magugustuhan ko sya!

Ano daw? Taena baliw na ata ako. Ang gulo!

"Miss Buenaagua!"

"Ah! Ma'am!" Gulat na naibulalas ko. Bwiset. Natulala na naman ba ako?

"Wala ka bang balak na pumasok sa klase at tutulala na lang dyan?!" Singhal nito. Sinasabi ko na nga ba eh. Pahamak talaga tong Heatrix na to!

"S-sorry po." Yumukod pa ako dito at pumasok na.

Nakakatatlong hakbang pa lang akong papasok ng mapaatras uli ako ng isa. Eh, paano ba naman lahat. Oo lahat! Ng mga classmates ko ay nakatingin ng matalim sa akin, including Rain...

Napangiwi na lamang ako sa tingin na ipinupukol sa akin ng mga ito. Kung siguro nakakatusok talaga yung mga tingin nito for sure ay giniling na ako. Sa dami ba naman nila, jusko.

"Ano ba!" Bahagya pa akong napatalon ng mag salita ulit si Ma'am sa likuran ko.

Grabe to, pinag lihi yata sa sama ng loob. Pero nung kaninang nandito si Heatrix para naman syang pinag lihi sa malanding linta!

Kakamot-kamot na lang akong pumunta sa upuan ko at hindi na lang pinansin yung mga tingin nilang ipinupukol.

"May hindi ka sinasabi sa akin." Bigla namang bulong ng katabi ko pag kaupong-pag kaupo ko.

Sinasabi ko na nga ba. Mahaba-habang paliwanagan na naman ito mamaya.......








Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
192K 6.2K 50
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...
1.1M 33.9K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...