-14-

357 14 11
                                    



"Ma!" Sigaw ko. Kakalabas ko lang kasi ng kwarto ko at nakapag handa na para pumasok. Nag punta pa ako sa kusina kasi hindi ko ito nakita sa sala.

"Hindi na po ako kak--- ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Gulat na sigaw ko pagka kita sa taong hindi ko naman talaga inaasahan na makita ngayong umaga. Maiintindihan ko pa sana kung sa school ko sya makikita, pero hype sa loob pa talaga ng bahay namin!

"Ikaw talaga na bata ka! Ganyan ka ba tumanggap ng bisita ha? Hindi kita pinalaki ng ganyan Chana ha!" Sabay kurot pa nito sa tagiliran ko.

"A-aray ko mama masakit." Reklamo ko. Nakarinig pa ako ng mahinang pag tawa. Kaya tinignan ko ito ng masama. "Nakaka hiya naman po sa bwisita nyo!" Pinag dukdukan ko talaga yung salitang 'bwisita' ng mapang asar na nakatingin sa kanya. Psh! Pinalo lang ako ni mama sa braso ng marinig nya iyon.

"Halika na. Sumabay ka na sa amin kumain." Pag aaya pa ni mama.

'Ma! Ako yung anak mo! Bakit parang ako pa yung bisita kung makapag aya ka dyan?!'

Yung isa naman prenteng nakaupo lang sa hapag at nakangiti ng matamis na matamis na naka tingin sa akin.

Yung ngiti nya na akala mo sobrang bait at hindi makabasag pinggan? Yung akala mo hindi gumagawa ng masama? At yung hindi bossy. Kung hindi ko lang ito kilala ay masasabi ko ngang mabait ito sa ngiting ipinapakita nya ngayon. At mag sisinungaling ako pag sinabi ko na hindi bagay sa kanya ang ngumiti, dahil mas lalong naging perfect ang mukha nito pag ngumiti.

Parang lumiwanag yung buong paligid, nawala yung pagka bwisit ko sa kanya at hindi namalayang napa ngiti na din dito...

Pwede bang maging crush ko yung ganitong side ni Heatrix? Sana ganito na lang sya lagi noh? Wag yung laging seryoso ang mukha at cold kung mag salita. Swear! Dadami pa ng sobra yung maiinlove sa kanya! Baka nga pati ako mainlove-- wait... Mainlove? Ako? Sa kanya? Sinabi ko ba yun? Ngiti langyan Kristiana wag mag papadala!

Ang sabi nga ni Rain di ba? Tama! Tsk!

"Chana." Pag tawag ni mama ng pansin sa akin. Napatingin naman ako dito ng nakabuka ang bibig at nakataas pa ang dalawang kilay na para bang nag tatanong kung bakit ako nito tinawag.

"Alam kong maganda itong si Heatrix anak. Pero wag mo namang ipahalata na may gusto ka sa kanya. At para ka ding timang na nakakunot ang noo at maya-maya pa'y ngingiti at pag katapos ay kukunot na naman ang noo. At kung hindi pa siguro kita tinawag ay malamang sa malamang ay tutulo na yung laway mo dyan. Nakaka hiya ka nak." Iiling-iling pang sabi nito na may mapag laro pang ngiti sa labi.

Napa "Huh?" Naman ako dito nang hindi ko pa napoproseso sa utak ko yung sinabi nito.

"Seriously ma?" Hindi makapaniwalang sabi ko pa dito ng mapag tanto ko yung sinabi nito. "Ito? Magugustuhan ko?" Turo ko pa kay Heatrix na nakasandal na sa kinauupuan nito at nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib nito, iba na din yung ngiti nito, hindi na matamis. Ngiting confident na, na akala mong hindi talaga imposibleng magustuhan ko sya.

Napabuga naman ako sa hangin sa sobrang bilib nito sa sarili. "Hindi ko magugustuhan yan noh!" Sabi ko pa. Kita ko namang may kung ano akong nakita sa mata nito, pero saglit lang kaya hindi ko mawari kung ano iyon.

Ang tapang kong mag sabi ng ganon dito kasi nasa harap si mama. 'Nako Kristiana talaga, humanda ka lang mamaya.'

"Wag mag salita ng tapos Chana. Baka mamaya nyan mag---"

"Mama!" Pag putol ko sa sasabihin nito. Natatawang sumandok na lang ito ng kakainin nya. Bakit ba pinipilit nya na ako kay Heatrix? Isip bata talaga. Tss.

Heatrix Monterde (GXG)Where stories live. Discover now