-2-

755 27 9
                                    

-Chana's POV-

"Anaaaaaaak!" Gising nito sakin ng may pag-yugyog pa sa balikat ko.

"Maaaaa. Masakit!" Ungot ko. Deymn! nabigla yata yung katawan ko kahapon. Hanep na yan! tinatamad akooo. -_-

"Anong oras na! ano ka ba!" Sabay palo nya sa braso ko.

"Araaaaay ma! ang sakit." Mangiyak-ngiyak kong daing. T^T

"Ano na namang ginawa mo at nasakit yang katawan mo ha?!" Umupo na ako. Alam kong hindi nya ko titigilan hampasin habang nakahiga pa ako eh.

"Laro." Naka-pikit na sagot ko habang nakanguso.

"Aba naman chana! hindi ka pa talaga nadala dyan sa laro mo na yan! muntik ka pang maputulan ng paa baka lang nakalimutan mo?!" sermon nya pa.

Totoo. Yan kasi yung isa sa mga dahilan kung bakit ako nag-quite
sa pag-lalaro. Buti na lang talaga hindi nauwi sa pag-putol ng paa.

"I love you maaaaa!" Sabi ko na lang para hindi na nya ko pagalitan.

"Ewan ko sayong bata ka! halika na, para makakain ka na." Pag-suko nito. Diba hehe.

Naligo na muna ako at nag-toothbrush, nag-suot na din ako ng uniform para after kong kumain gora na ako.

**

Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako bigla... Pero winalang bahala ko na lang. Kasi ganon naman diba? kabaliktaran? pag-sobrang kaba mo daw ng walang dahilan eh, wala naman talagang mangyayare? well... Sana nga wala...

Nang makapasok ako sa loob, hindi pa din nawawala yung kaba ko.

Humugot naman ako ng napakalalim na pag-hinga para marelax ako.

"Watch out!!!"

Hindi pa man ako nakakapag-react. may bigla ng tumamang itlog sa panga ko. Hahanapin na sana ng mata ko kung sinong nag-bato non.
Hindi ko na din nagawa pa ng magkasunod-sunod na yung pag-bato sakin.

Itlog, kamatis, harina, pati lobo na may lamang tubig, may pula pa ngang likido. Hindi ko na alam yung iba pa. Nakayuko na lang ako at nanlalabo na yung mga mata. Ghad...

Nanlalambot na yung mga tuhod ko. Parang anytime babagsak na ako. Bawat pag-bato nila napapa-atras ako at para hindi matuloy yung pag-iyak ko, tumingala ako. Wrong move pa nga eh, dahil natamaan yung leeg ko... Lumunok na lang ako. Ayokong pumikit, kasi pag ginawa ko yon mag-uunahan yung mga luhang kanina ko pang pinipigilan.
Ang sakit. May mga impak yung pag-bato nila, para silang mga pitcher kung bumato. Natawa na lang ako sa pinag-iisip ko.

Natigil lang yung pag-iisip ko ng wala na akong nararamdaman na bumabato... pag-baba ko ng tingin, may babaeng nakatalikod sa harapan ko.

"Tigilan nyo na." May pag-babanta pang sabi nito.

Dahan-dahan naman itong humarap sa gawi ko. Doon na din bumigay yung tuhod ko... Pero bago pa man ako tuluyang bumagsak eh, nasalo na ako ng babaeng nasa harap ko kanina...

Doon na din kumawala yung mga luhang kanina ko pang pinipigilan. Yun na yon, ang hirap pa lang mag-mukhang malakas sa harap ng karamihan.

"Hey. Shit! ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nya, habang pinupunasan ng panyo nya yung ulo ko. "please. stop crying." Hindi pa din kasi ako tumitigil sa pag-iyak. "halika sa shower room sa gym, mag-shower ka." Inalalayan nya naman akong tumayo at mag-lakad.

"P-pero wala akong extra." utal na sabi ko.

"Don't worry meron akong extra." naka-ngiting sabi nito.

Heatrix Monterde (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon