-20-

388 16 11
                                    


"Halika na, balik na tayo. Malapit na mag time eh." Pag aaya ko pa dito.

"Oh. That!" Bigla namang may naalala ito. "Hindi ko na alam papalabas." Parang wala lang na sabi nito... Pero ako??

"ANO?!" Buong lakas na react ko.

Akala ko pa naman alam nya dahil dere-deretso lang ito kanina.

Tumawa pa muna ito bago nag salita. "Chill. Hindi ko na nga alam pabalik. Ikaw kasi eh." Paninisi pa nito sa akin. Abat..!

Akma na sanang lalapat yung kamay ko sa braso nito ng pigilan nya ito. "Op! Ikaw kaya talaga ang may kasalanan. Kung hindi mo pinulot yung mga nilalaglag ko, hindi sana tayo mahihirapan sa pag hahanap ng daan." Tumataas-baba pang kilay na sabi nito sa akin.

Hindi naman makapaniwalang tinignan ko ito. "Eh kung sinabi mo kasi agad! Tinatanong kita kanina eh!" Singhal ko pa. Buset na to. Ano bang malay ko? Kasalanan ko pang friendly nature ako? Kung makapag kalat kasi sya dyan. Tss. "Tsaka ano yung kanina?? Parang kabisado mo naman to kung makapag lakad ka."

"Hmm.may tumulong lang na isang estudyante na inutusan ko. nasa taas sya kanina at itinuturo kung saan yung tamang daan." Kibit balikat pang saad nito.

"Aissh! Paano tayo tayo nito makakalabas nyan?" Frustrate na sabi ko. Yung isa naman eh, parang wala lang sa kanya.

Konti na lang talaga masasakal ko na to eh. Bwiset!

****

Yamot na yamot akong pumasok ng gym kahit na wala pang tao. Bwiset kasi talaga si Kana!

Hinanap na lang namin yung daan at nag kandaligaw-ligaw na, ni hindi na nga ko nakapasok sa afternoon class ko kasi ngayon lang kami nakalabas. Pinigilan ko lang talaga na masakal sya doon dahil hindi sya natigil sa kakatawa nya pag mali yung dinaanan namin. Ang baliw na iyon. Tsk! Ang sarap bawiin ng 'yes' ko doon.

Bigla namang pumasok sa isip ko si Heatrix... Ang babae na iyon. Kamusta na kaya sya? Ano kaya ginagawa ng magnalik na yun?? Tatlong araw ng walang paramdam. Aissh! Bakit ba iniisip ko yon? Pakialam ko ba doon? Malaki na sya, bahala sya sa buhay nya!

Naisip ko lang... Si Kana may dahilan sya kung bakit ganon sya... Si Heatrix kaya? May dahilan din? Parang gusto ko tuloy malaman. Pero paano naman? Ang ilap kaya ng tao na iyon, ni hindi nga nag kukwento. Mag salita nga lang tamad na tamad na eh, mag kwento pa kaya?

Hays. Bahala nga sya. Hindi ko nga papansinin yun pag nandito na. Umalis ng wala manlang paalam. Bwiset sya! 'Ay. Kristiana feeling kayo?' napasimangot naman ako sa isiping iyon. Oo nga naman kung makareact naman ako akala mo naman kung sino ako sa buhay nya! Tsk.

"Oy Chana! Aga natin ngayon ah!" Bati ni Ermie sa akin kasama si Jerica.

"Himala sayo." Gatong pa ni Jerica dito. Napasimangot naman ako sa kanila.

"Hindi ko kasi kasama yung hukluban , sya lang naman yung laging nale-late, nadadamay lang ako noh!" Natawa naman yung dalawa at ang sign na lagot daw ako. Hmp!

Isa-isa naman nang nagsi datingan yung iba. Kumaway lang sila sa gawi namin, pero si Jam ay lumapit at nakipag beso sa akin...

"Hoy Jam! Distansya o ambulansya?"

"Pag may nakakita nakoooo."

"Hala Jam. Hindi ko alam na ganyan ka pala ka-tapang?"

"Mga baliw!" Singhal ni Jam sa mga ito. Natatawa pa ako kasi bubulong-bulong pa itong lumapit sa pwesto nila Rizza. Grabe puro mga kalokohan talaga...

Heatrix Monterde (GXG)Where stories live. Discover now