-18-

368 17 4
                                    


"Oh." Sabay abot nito ng natapos nya na sulat. Ang bilis naman!

Nung tinignan ko naman ay ang ganda ng pag kakagawa nya.. Edi sya na talaga!

Bumalik naman ito sa pag kakasubsob ulit.

"Ah. Hea---"

"Ssshh. I'll just take a nap." Pag putol nito sa sasabihin ko. Langya. Mag papasalamat lang eh!

Amp! Yaan na nga mukhang antok na antok na kasi sya eh, ano kayang ginawa nito at bakit antok na antok to?

"Kristiana. Tapos kana?" Tanong nung isang katabi ko.

"Yup. Ikaw?" Naramdaman ko namang pinisil ni Heatrix yung kamay ko. Problema nitong taong to?

"Ah. Oo tapos na din ako. Sabay ko na yung sayo?" At pasimple pa itong tumingin sa katabi ko. Napansin nya siguro yung kamay ko.

"Kung ok lang?" At bahagya pa akong ngumiti dito.

"Ok lan---"

"Back off! Ako mag papasa nyan." Biglang salita ng katabi ko at masama pa nito itong tinignan. Lah.. kala ko ba tulog to?

"Kanino ipapasa?" Iritableng tanong nito. Atsaka pa hinanblot yung papel na hawak ko. Langya. May toyo yata to eh.

"K-kay Rain." Turo ko na lang. Mahirap na masabayan. Tsk.

Binitawan naman nito yung kamay ko at tumayo na. Nadaanan naman nito yung babae at mapag bantang tinignan ito atsaka pa bahagyang binunggo. Yung babae naman ay nag baba lang ng tingin.

Grabe talaga tong Heatrix na to eh!

"Pasensya na ah." Pag hingi ko ng paumanhin sa babae.

"Ok lang... Uhm. Sige mag papasa na din ako." Tumango naman ako dito.

Pag balik ni Heatrix ay masama ako nitong tinignan.

"Ano bang problema mo?" Napipikon na tanong ko. Sumusobra na kasi ito eh. Tsk.

Hindi ako nito sinagot at pabalang lang na naupo sa upuan nya. Nag ngingit-ngit lang na hindi ko na lang ito pinansin.

Ugh! Kakainis sya! Hindi talaga maintindihan yung ugali nitong babaitang to!

Nagulat naman ako ng pagalit nyang hablutin yung kamay ko at ipinagsaklop na naman sa kamay nya. Pag katapos ay sumubsob na ulit ito sa desk at pumikit na.

"You're so impossible Heatrix." Iiling-iling na lang na bulong ko at hinayaan na lang ito sa trip nya.

Maya-maya lang ay nakatulog na nga ito dahil sa pag luwag na ng hawak nito sa kamay kong namamawis na. Pero hindi ko pa din tinanggal dahil sa... Uhm. Baka magising sya? Oh tama yun nga!

'Sinong niloko mo Kristiana?' tss bwiset! Oo na gusto ko din! Happy na self?!

Gumalaw naman ito at napabaling yung mukha nito sa dereksyon ko.

Napa salong baba naman ako dito at napatitig sa kanya.

Napaka peaceful ng mukha nya ngayon. Mukhang mabait, parang gugustuhin ko na mag hapon lang syang titigan. Basta't nakapikit lang ito at hindi nag susungit. Hmm..

"Stop staring at me like that." Bigla na lang salita nito habang nakapikit pa din.

Tarantang napaayos naman ako ng upo at umiba ng tingin. Langya! Paano nya nalaman na tinititigan ko sya? May sa mangkukulam yata itong babaeng to eh!

"Mamaya nyan. Tumulo na naman yung laway mo." Non chalant pang pag patuloy nito.

Napatingin naman ako dito ng masama at akma sanang babawiin ang kamay ko, pero mas hinigpitan pa nito yung pag kakahawak sa kamay ko kaya hindi ko makuha. Ang kapal talaga nitong babae na to.

Heatrix Monterde (GXG)Where stories live. Discover now