-30-

397 21 24
                                    


Hereeeeeeeeeee!

___________________________________________

"Hoy kayong dalawa!" Pag tawag pansin sa amin ni Autumn. "Hindi pa ba kayo uuwi?"

Kakatapos lang kasi ng training namin, at kami na lang ni Rain ang hindi pa nag aayos para sana umuwi.

Napatingin naman ako kay Rain na parang walang narinig, dahil sa patuloy lang itong nag to-thoss. Naiiling naman akong lumingon kay Autumn at sinenyasan na mauna na sila. Nag paalam lang ang mga ito at umalis na.

"Rain." Pag tawag ko dito. Pero wala pa din, seryoso lang nitong inaangat ang bola. "Rain!" Pangalawang pag tawag ko pa. Anak ng?! Ano ba to bingi? "Rai---"

"One on one?" Biglang pag putol nito sa akin. "Kung sinong makapuntos ay gagawin ang ten high jumps at kung sino naman ang talo ay two laps.... Ano game?" Seryosong sabi nito habang hindi pa din ito tumitigil sa ginagawa nito.

"Teka. Bakit pag nakapuntos may parusa pa din?" Nag kibit balikat lang ito atsaka nya na binato sa akin yung bolang ginagamit nya. "Hoy! Easy! G na G ah!" Reklamo ko kahit pa nasalo ko. Bwiset na Rain to.

Hindi man lang ako nito pinansin at nag derederetso lang sa pwesto nito. Napabuntong hininga na lang ako at pumwesto na din.

Grabe! Ang seryoso talaga nya. Badtrip kaya to? O baka masama yung gising? Kasi kanina pa sya tahimik eh.

"Bagal." Reklamo pa nito. Tsk!

"Oo na! Eto na!" Inis kong iti-noss sa kanya yung bola. Umatras naman ito atsaka tumalon. Sa bigla ko ay hindi ko naiangat yung palo nya. Sh*t...

"Run!" Sigaw nito. Kaya ay napatakbo na lang ako. maging sya ay nagsimula na ding tumalon-talon sa mag kabilang dulo ng net.

Nag sisimula pa lang kami ay ramdam ko na yung pagod, dahil syempre galing kami sa training. Pero okay na din to, kailangan din namin na maging all out sa training dahil ilang linggo na lang ay mag sisimula na ang G.V.L.

"Focus Chana! Takbo!" Darn! Ang hirap iangat ng mga palo nya ngayon! Kala mo may galit sa bola eh.

Nag patuloy lang kami sa ganoong laro, minsan naman ay nakaka-score ako...

***

"Darn/sh*t..." Parehas na habol hiningang daing namin atsaka pa lupay-pay na humiga sa sahig ng court. Grabe... Parang gustong kumawala ng ugat ko sa sentido, pati yung paningin ko ay nag ba-black na din sa sobrang pagod.

Saglit pa muna kaming nag pahinga bago ako nag salita. "Wala yata ang masungit na Megan ngayon?" Mula sa pag kakatihaya ko ay tumagilid ako sa gawi nito para makita ko sya. Bigla ay sumama ang mukha nito pagka banggit na pagka banggit ko sa pangalan ni Megan. Hmm..

"Nandoon sa lalaki nya." Punong-puno ng kabitiran pang sabi nito. Sabi ko na nga ba eh! May pinag mulan ang kabadtripan nito at ako pa talaga ang napag initan! Langya yan!

"Lintek na! Kaya pala halos bugbog ako sa mga palo mo, nag seselos ka pala! Hanep yan." Pang aasar ko pa dito. "Aray ko Rain!" Daing ko ng hampasin ako nito. Bwiset.

"Uto! Hindi ako nag seselos! Mag sama pa sila. Wala akong pake!" Asar na asar pang sabi pa nito. Atsaka ako nito tinalikuran. Nye! Wala daw pake pero mukha namang selos na selos sya. Pfft!

Natatawang tumihaya na lang ako ulit at pinagkatitigan na lang yung bubong ng gym. Ayoko ng asarin pa yung isa, baka masapak na ako nyan. Tshaha.

Saglit pa munang namutawi ang katahimikan sa pagitan namin, bago nito binasag ang katahimikan.

"May... May tanong a-ako." May himig pang pag dadalawang isip na sabi nito.

"Go lang." Sabi ko pa ng hindi ito nililingon. Rinig ko pa munang dalawang beses itong bumuntong hininga, kaya ay napalingon ako dito. Problema nito? Parang hindi matae eh.

Heatrix Monterde (GXG)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora