-25-

267 15 9
                                    

"Ikaw na ang bahala anak." Sabay tapik pa nito sa balikat ko na nagpabalik ng wisyo ko.

"H-ha?" Parang tanga pang tanong ko.

Langya yan. Nandito na pala kami sa harap ng itim na pinto, ni hindi ko man lang napansin sa sobrang lalim ng iniisip ko. Tsk!

"T-teka lang ho... Kayo na lang po kaya?" Pag atras ko pa. Langya kasi kinakabahan ako. Eh, di ba nga pinapaalis nya na ko? Pag hindi pa naman nasunod yun magagalit. Tss!

Umiling lang ito at ngumiti atsaka na umalis para iwan ako... Anak ng...

Paano naman to? Kakatok ba ako? O papasok na lang? Ay wag na yung papasok na lang bigla! Mamaya mabato pa ako nyan ng kung ano noh!

Aha! Bahala na! Kakatok na lang ako.

Ilang beses pa muna kong nag tangkang kumatok at bumuntong hininga dahil sa kinakabahan talaga ako, at hindi ko talaga alam kung bakit ako kinakabahan...

Sa hinaba-haba ng pag iisip ko ay nakuha ko ding kumatok.. 'Langya yan Kristiana!'

Wala naman akong nakuhang sagot mula dito kundi ang pag unlocked lang ng pinto, pero hindi din naman iyon nag bukas...

Dahan-dahan ko pang pinihit yung doorknob, atsaka na pumasok ng tuluyan ko na itong nabuksan.

Isang madilim na paligid na naman yung nabungaran ko.

Wala pa kong masyadong makita dahil nag a-adjust pa lang yung mga mata ko sa dilim, nung um-okay na ay kita ko na kung gaano kaseryoso yung tiging ipinupukol sa akin nito... Ano na naman bang ginawa ko???

"Aaaahm... P-pinapahatid lang ito ni n-nanang at pagkatapos a-ay aalis na ako." Kinakabahang paliwanag ko pa. Grabe naman kasi itong babaeng pinag lihi sa sama ng loob. Tsk!

Yung kaninang seryosong tingin nito sa akin ay napalitan ng masamang tingin at OA na pagka kunot ng noo. Grabe sya! Minsan talaga ang sarap ng bigwasan nito eh! Pero syempre dahil mabait ako hindi ko gagawin. Asar!

"Are you really that afraid of me?" Bigla na lang sabi nito at nakataas na yung isang kilay...

'Paano naman kasing hindi ha? Kung makatingin ka dyan ay para ka ng mangangain ng buo! Tapos ang sungit at ang bossy mo pa! Amp! "H-hindi ako takot ah!" Pag sisinungaling ko pa. 'Hindi pa talaga sa lagay na yan Kristiana ah? Nauutal ka na nga dahil sa sobrang sama ng titig nya sayo!'

"Really huh? Then why are you still stuttering?" Sabi pa nito na may himig na pag susungit. "Atsaka bakit hindi ka lumapit?" Tignan mo to. Kanina lang ay panay ang taboy nito sa akin, kaya nga nag aalangan akong pumasok at lumapit sa kanya.

Nakasimangot na lumapit ako dito at inilapag sa kama nya yung table bed atsaka na naupo sa may egde ng kama nya.

"Why is that?" Patungkol nito sa mukha kong nakasimangot.

"Wala." Pero nakasimangot pa din. "Kainin mo na yan para makainom ka na ng gamot mo." Walang emosyon lang itong pinagkatitigan ako at bahagya pang itinabingi ang ulo...

Malamyos pa itong pumikit na para bang inaakit ako ng mga mata nito... Ghad...

"I don't like those..." Mapang akit pang sabi nito, nang hindi pa din pinuputol ang malagkit na tingin nito sa akin. "Can I have you instead?..." Bakit biglang uminit ang paligid?

"S-sure..." Wala sa sariling sabi ko at nag patangay sa mga mata nito...

Sure...

Sure?

S-sure?

T-teka! Anong sure yon?!

Ngumiti naman ito at nawala ang mata, sa ganoon bumalik yung wisyo ko.

Heatrix Monterde (GXG)Where stories live. Discover now