-27-

287 13 7
                                    

Ito na lang po muna 😅

____________________________________________

"Lalim ah." Sabi ng taong bigla na lang tumabi sa akin. "Sa sobrang lalim, na hulog na ako sayo." Dugtong pa nito na may pataas-taas pa ng dalawang kilay.

"Alam mo Rain... Ang corny mo." Tawang-tawa naman ito sa sinabi ko. "At ang OA din." Sabay irap ko dito.

"Chill!" Tatawa-tawa pa din ito.

"Chill your ass... Wala yata si Megan ngayon?" Usually kasi ay kasama nya ito, kahit pa practice ng saturday at sunday kasama sya dito.

"Ha! Yon? Pinag sabihan ko ngang wag ng  sumunod-sunod sa akin dahil nakakairit----"

"RAIN!!!!!" High pitched na pag tawag sa kanya nung taong kakapasok lang sa gym... Uh-oh...

Muntik na akong mapahalakhak nang tignan ko si Rain.

Naistatwa ito at kulang na lang maging talong dahil sa takot kay Megan... Jusko miski naman ako ay matatakot din, pero kasi si Rain eh, nakakatawa talaga yubg itsura nya HAHA!

"C-chana." Hindi ko na napigilan pang humalakhak nung pilit na inaabot ni Rain yung laylayan ng damit ko at pilit pang nag tatago sa likod ko.

"Aww." Natatawang daing ko ng kurutin nito yung tagiliran ko, dahil sa pinag tatawanan ko ito. "Bwiset ka!" Singhal nito ng hindi pa din ako matigil kakatawa.

"O-okay. Titigal na... Bitawan mo na ako, harapin mo yung mala-tigre mong Girlfriend." Bulong ko na lang dito. Bah! Mahirap na! Baka marinig ako, imbis na si Rain lang ang yare madamay pa ako noh!

Bumalik naman ulit yung takot nito nung sabihin ko iyon. Grabe Under tsahaha!

"S-sabihin mo naman i-ikaw yung--- a-aray ko! Naman Megan eh." Daing nito ng pingutin ni Megan ang kaliwang tainga nito. Pffft!

"Are you trying to avoid me huh?" Matapang na sabi ni Megan. Nako yare ka Rain!

Unti-unti naman na akong um-exit, dahil mahirap na. Madamay pa ako sa kanila.

"Hey you!" Napatigil naman ako saglit pero hindi lumingon. Jeez ano na naman?

"A-ako ba?" Kinakabahang lingon ko dito. Eto na nga bang sinasabi ko eh! Madadamay ako!

"Ay hindi. Baka yung katabi mo." Sarcatic pang sabi nito atsaka pa ako inirapan. Grabe ang sunget!

"Ah hehe. Ganun ba? S-sige una na ako.." Awkward pa akong ngumiti dito. Kita ko naman sa gilid ng mata ko si Rain na napatampal sa noo nya dahil sa isinagot ko kay Megan.

Nag tatanong na napatingin naman ako kay Rain.

Para namang takot na takot ito at pagkatapos ay umiling-iling. Baliw yata itong si Rain eh, hindi ko na ito pinansin. Pinasadahan ko pa ng tingin si Megan na dapat ay hindi ko na ginawa...

"B-b-bakit?" Napalunok na tanong ko dito. Sino ba namang hindi? Eh parang kakainin ka na nito ng buo sa tingin pa lang. Jeez.

"Oh gosh! Sigurado ba talaga si Heatrix sayo?!" Nang iinsulto pa ako nitong tinignan. "Wala naman akong nakikitang dahilan para magustuhan ka ng kahit na sino... Look at your um... I don't know if matatawag paba iyang breast?" Tapos ay para pa itong nandidiri.

Aba't!! Talaga itong babaeng to, ang init-init ng ulo sa akin. Argh!!

"H-hoy! Sobra ka naman! Dibdib pa din naman ito. Hindi lang halata!" Kita ko pa kung gaano mag pigil ng tawa si Rain na nasa gilid na ni Megan. Sinamaan ko nga ng tingin. Aba ang bruha hindi manlang natinag. Tss!

"Yeah-yeah. Whatever." Tamad na tamad pang sabi nito.

Nayayamot na lang na napakamot ako sa leeg. 'Bwiset na to.' Sabay irap ko pa ng palihim. Tinawag lang talaga ako para insultuhin. Tsk!

Heatrix Monterde (GXG)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora