Academia De Inferno

By Makeup_Your_Pain

1.5K 25 16

Wew isang underground na school? lupit naman no'n.....isang liblib na lugar na hindi malaman-laman ng ibang t... More

Authors Note
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Four

Chapter Thiry Three

12 0 0
By Makeup_Your_Pain

Punching Bag

Kelsy's Point of View

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang papasok sa tinurong daan ni Shan.

Bawat hakbang ko iniisip ko ang kapakanan nila Blair, Theo, Troy at Klein, kung anong mangyayari sakanila sa pagsusulit na tinanggap nila.

Kinakabahan ako, natatakot ako para sakanila, pero kailangan kong tatagan ang loob ko para sa kapakanan nila.

'Oo Kelsy para sa mga kaibigan mo.'

Bumalik ako sa katinuan dahil sa malakas na pagsara ng pinto, kaya inangat ko ang tingin ko para makita ang kabuonan ng lugar na 'to.

May binta na gawa sa glass, masyadong mataas para sumilip doon. Do'n nanggagaling ang liwag.

"Simulan na natin?" teka? familiar ang boses na 'yon ah?

Walang sumagot.

"Aba hindi p'wede 'yan." natawa ito bahagya pero naublot kasi wala namang nakakatawa. "Okay fine, hahatiin namin kayo sa tatlo."

Naglakad ako paharap para makita ang nagsasalita sa mikropono, hindi ko na kinailangan sumiksik kasi hindi naman sila dikit dikit.

May dumating  na isang lalaki at hinati kami sa tatlo, hindi niya ito binilang pero nahati kami sa tatlo.

"Axiel at Hera kayo na unang mamili kung sino ihahandle niyo, panghuli na ako." bumalik ang atensyon ko sya nagsalita ulit sa mic.

Nanlaki ang mata ko dahil sa pamilyar na muka.

"Ah sige akin na itong pangatlo." sabi ng Hera.

"Una saakin." sabi ni Axiel.

Nagtama ang paningin namin kaya nginisian niya ako.

"Sige akin 'tong gitna." pota ba't naman gan'to?!

"Sige na dito na tayo." sabi ni Hera at sumunod naman ang pangatlong grupo sakanya.

"Dito tayo." ani naman ni Axiel na pumunta sa kabilang pinto.

Kami ang naiwan.

Teka! Siya ang magiging parang leader namin? kumunot ang noo ko.

Bakit kasi nasa gitna ako kanina! nasa kanan na nga ako pumagitna pa ako, ayan tuloy.

Sumagi na naman sa isip ko 'yong nangyari saamin, 'yong umamin siya.

"Kelsy?"

'Di ba ang sabi niya pag-isipan ko? hindi ko naman kailangan magmadali 'di ba?

Nagulat ako ng may humawak sa magkabilang balikat ko.

"Ayos ka lang?" magkaharap kami ngayon!

"Ah e-eh, oo." tumaas ang kilay niya.

"Ikaw na lang nasa gitna ang iba nakapagilid na." lumingon ako sa iba at nakita ko na nakatingin sila saakin.

Napayuko ako sa hiya, napako ako sa kinatatayuan ko.

Ang alam ko na lang ngayon ay tinutulak ako ni Nathan papunta sa gilid, nasa likod ko siya.

"Mag-usap tayo mamaya." bulong niya.

'Lunok.'

"Okay let's start!" sigaw niya at tumalikod na saakin.

Nagbigay siya ng instruction kung ano ang gagawin namin, natural lang pala ang pagsasanay na gagawin namin.

Kita ko ang iba nagwo-warm up na, push up at stretching, kaya nagsimula na din akong kumilos.

Naiilang pa ako dahil sa wala akong kakilala, pero tinuloy ko pa din ang ginagawa ko ng hindi sila nililingon.

"Okay na 'yan pawin na kayo." ani Nathan na inaayos ang tali sa kamay niya.

Basa na siya ng pawis, tumutulo pa sa buhok niya 'yong pawis niya.

Napalingon agad ako sa iba ng tignan niya ako.

Bakit ko ba tinititigan! Hays!

Kumuha ako sa mesa ng ilalagay sa kamay, kung hindi ako magkakamali boxing 'ata ang gagawin namin kasi kita ko ang pagbaba ng punching bag.

Napaupo ako sa sahig.

Pa'no ba ito? kumunot pa ang noo ko.

Napaangat ako ng tingin para tignan ang ginagawa ng iba, sinubukan kong gawin ang ginagawa nila pero maluwang! Hindi malock!

"Kanina ka pa diyan, amin na nga." napaangat ako ng tingin.

Apaka epal naman nito.

Lumuhod siya gamit ang isang tuhod niya.

"Ako na nga! Alis do--" sapilitan niyang hinila ang kamay ko.

Hindi ako lumilingon sa iba pero ramdam ko na pinagtitinginan na kami!

"A-ako na sa i-isa." nagtama ang paningin namin kaya nakagat ko ang loob ng pisnge ko.

Pero parang wala siyang narinig! Pwersahan din niyang kinuha ang isa kong kamay.

Nang natapos ay inalalayan niya pa akong tumayo.

Nagpagpag ako sa pwetan ko at umalis na din siya, lakas ng topak aba.

"Dito na 'yong iba saakin, salitan na lang kasi mag-isa lang ako." ani niya.

"'Yong iba suntukin niyo muna ang punching bag, habang 'yong iba na pupunta saakin tuturuan ko dumipensa."

Mabilis ang pagtalikod ko sakanya at nagtungo ako sa punching bag.

Tsk ano bang ginagawa ko? dapat mauna na ako para hindi ako ang huli.

Huli? sige susunod na lang ako pagtapos ng mga nauna saakin.

Mahihinang suntok ang ginawa ko sa una halos hindi gumalaw 'yong punching bag saakin.

"Lakasan niya naman sumuntok 'wag 'yong malamya." nilingon ko siya pero nakatalikod siya saakin.

'Ah sige sabi mo ah.' sinuntok ko ng malakas ang punching bag, sunod sunod iyon.

No'ng tumigil ako ay nakita ko siya. Nakangisi!

Sa sobrang pagkairita ko sinuntok ko ulit ang punching bag, iniisip ko na siya iyon! napakaepal.

"Next batch!" napahinto ako sa pagsusuntok ng dahil doon.

Pupunta na sana ako kaso naunahan na naman!

Aba't talagang sinabi ni tadhana na mahuli ako e no? hindi ako papayag!

Dumaan ang tatlong oras pero ito pa rin ako naghihintay na matutunan ang self defense.

"Sige na pahinga na muna kayo, 'yong mga 'di pa pumunta dito kayo naman." inis na tumayo ako sa pagkakaupo ko.

Oo huli ako, anim na lang kaming natira.

"Sige simplihan na lang natin, kasi mukang pagod na kayo." napataas ang tingin ko ng magbukas ang ilaw dito sa loob na 'to.

Gabi na pala, maghapon din ang ginawa naming pagsasanay, pustahan bagsak ang katawan ko nito mamaya.

"Ikaw na lang I e example ko." nilingon ko pa ang likuran ko pero wala namang tao.

Anong ako?! Eh?!

"Bilis ng matapos na tayo." napakamot pa ako sa ulo ko.

Wala akong magagawa huhuhu.

Lumamit ako sakanya pero pinaharap niya ako sa mga tuturuan niya. Ni hindi ko maangat ang paningin ko sa iba, bakit? hindi ko din alam.

Nagdemo kami sa harap ng lima. Naiilang lang ako kasi basa na ako ng pawis, haggard ba tapos biglang ano. Hays!

'Yong posisyon na 'yong braso niya nakasakal sa leeg ko ganon ba, tinuro niya kung paano makakatakas do'n.

Pero wala ang atensyon ko sa tinuturo niya! Nasa muka niya na malapit sa leeg ko, ramdam ko pa ang pahinga niya!

Okay chancing! 'Di joke.

Nang maituro niya ay umalis agad ako. Bakit ba? hindi ako makatagal sa presensya niya.

Tapos na daw ang pagsasay kaya nakahinga ako ng maluwag.

Buti naman, kasi bagsak na ang katawan ko ngayong araw na 'to.

Tinatanggal ko na ang mga nakapulupot na kung ano sa kamay ko at ibinalik 'yon sa lamesa.

Gamit ang dulo ng t-shirt ko pinunasan ko ang pawis ko sa noo.

Walang pamunas e ba't ba?

Nakalabas nga muna.

Paghakbang ko ay natisod ako.

Muntik na ako mawalan ng balanse, pero hindi nangyari 'yon dahil may humawak sa beywang ko.

"Hala sorry!" sigaw ng nakapatid saakin pero nagkatitigan kami.

"Mag-iingat ka." sabi niya at tinanggal ang kamay niya sa beywang ko.

"Salamat Nathan." pormal na pakikitungo ko.

"Hala Miss sorry talaga." ani ng lalake na kasing edad ko lang 'ata?

"Okay lang." ngumiti ito kaya gano'n na din ako.

Nagpahinga lang kami haggang sa pumasok uli si Nathan.

"Kain na, para makapagpahinga kayo ng maaga." ani nito, tila nagliwanag ang mga muka ng iba.

Tumayo ako at nagpagpag.

Nakita ko din ba nagbukas ang gitnang bahagi ng? ano bang magandang tawag dito sa lugar na 'to?

Hmmm, para siyang court pero walang ring? basta gano'n.

Napakunot pa ako ng noo dahil pag-angat nito ay may malawak na lamesa na at upuan pa.

May pagkain na din, ang galing ah.

"Sige na kain na sakto tayo diyan." mabilis na nagsiupuan ang mga istudyante at gano'n na din ang ginawa ko.

Sa bandang dulo na lang ang nakita kong bakante kaya doon ako umupo.

Kumalam ang sikmura ko dahil sa mabangong amoy ng pagkain.

Ano pang hinihintay ko? kain na!

Nagangat pa ako ng paningin, may bakante pa dito sa harap ko at sa tabi ko.

Bahala na basta gutom ako!

Natigilan ako sa pagsubo ng may upo sa harap ko.

"Hinay hinay baka mabilaukan ka." napaangat ako ng tingin, aba't ano trip nito ba't andito na naman?! Nasa harap 'to kanina ah.

"Wala kang pake." ani ko habang punong puno ang bunganga ko ng pagkain.

"Don't talk when your mouth is full." pakielamero!

Kinuha ko ang baso at ininom ang tubig.

"Ano na naman bang ginagawa mo dito ha? Andoon ka na nga sa harapan lumipat ka pa." ngumisi ito at sumubo ng pagkain.

"Andito ka e." naiinis na natawa ako sa sinabi niya.

"Ano ngayon?"

"Lunes, gabi na rin." urghhh nakakagigil ah, kapilusupuhan!

"Buhusan kita ng tubig diyan e." pabulong na sabi ko at tinuloy ang pagkain.

"Sige gawin mo mamaya pagkaharap mo na ako." naubo ako dahil nasammid ako.

Mabilis kong kinuha 'yong baso at uminom, rinig ko din ang pasimpling pagtawa niya.

Aba hanep din e no?

Nilapag ko ang baso at tumayo.

Nawalan ako ng gana, pero sapat na ang nakain ko. Hindi ako busog hindi rin gutos, sakto lang.

Lumabas muna ako para tanawin ang kalangitan.

Ngayon ko lang ulit natanaw ang bitiwin at buwan. Dahil nga may patakaran sa A.D.I, bawal lumabas ng gabi kasi papatayin daw.

Kaya natatakot na din akong lumabas, kahit palubog pa lang ang araw ay nasa apartment na ako.

Napatingin ako sa buwan, malapit ito sa may bundok na tatahakin nila Blair.

Kamusta na kaya sila? Ligtas kaya sila?

Miss ko na sila, ang bonding na nga lang namin lima ay ganitong oras dahil wala naman sila Blair maghapon tapos ngayon hindi na? grabe naman 'ata 'tong pinasok namin na lugar.

Kung no'ng una pa lang kaya papasok pa lang kami dito, pinigilan ako ni Blair at sumunod ako sakanya, hindi kaya mangyayari saamin ito?

Halo halo na ang nararamdaman ko, parang kasalanan ko na nalagay kami sa ganitong sitwasyon.

Hindi ko na lang namalayan na uminit na ang magkabilang mata ko at umagos na ang luha ko.

Pasensya na sana nag-isip muna ako bago ko kayo pinasok dito.

Pinunasan ko ang luha ko gamit ang likod ng palad ko at huminga ng malalim.

Ilang minuto ko din pinagmasdan ang buwan.

Nang may biglang humatak saakin.

Continue Reading

You'll Also Like

160K 10.8K 125
Disclaimer: I do not own this story, this is just and heavily edited MTL. Full title: Stockpiling Supplies and Raising a Child in the Post-Apocalypti...
73.5K 5.8K 16
𝗦𝗵𝗲 𝗜𝘀 𝗧𝗼𝗼 𝗗𝗲𝗹𝗶𝗰𝗮𝘁𝗲 𝗙𝗼𝗿 His 𝗗𝗲𝘀𝗶𝗿𝗲 "Fuck, whenever you're in my arms, I feel like I might crush you. You're so delicate," he...
260K 1K 30
Just some AO3 shots not mine credit to owner ❤️
50.2K 1.4K 40
¨i dont like her, ok?!¨ ¨oh you definitely do¨ lynn loud is the schools best athlete. shes good at everything, basketball, baseball, soccer, you name...