Of False Accusations

By unbreakabledanger

102K 3.5K 1K

12 people, 12 characters and a game. 2 killers, 2 shields, 1 doctor, 2 policemen, 1 barman, a detective and 3... More

Prologue
Chapter One - Not a prank
Chapter Two - Unknown
Chapter Three - White Room
Chapter Four - Close your eyes
Chapter Five - Pointing Fingers
Chapter Six - That's a foul, missy
Chapter Seven - An evil for an evil
Chapter Eight - Loathe could kill
Chapter Nine - Bound to lose
Chapter Ten - No way out
Chapter Eleven - Cover up
Chapter Thirteen - Going home
Chapter Fourteen - Not all angels have wings
Chapter Fifteen - A father
Chapter Sixteen - Save one soul
Chapter Seventeen - Gone in a blink
Chapter Eighteen - His rules (Part I)
Chapter Eighteen - His rules (Part II)
Chapter Nineteen - Hours wasted
Chapter Twenty - Connecting the dots
Chapter Twenty one - Nothing left to lose (Part I)
Chapter Twenty one - Nothing left to lose (Part II)
Chapter Twenty two - Destined to die
Chapter Twenty three - Vital points
Chapter Twenty four - Uncertainties
Chapter Twenty five - Fixed roles
Chapter Twenty six - His act of bravery
Chapter Twenty seven - Keeping the deal
Chapter Twenty eight - Protecting her
Chapter Twenty nine - Loaded gun
Chapter Thirty - Turning tables
Chapter Thirty one - Grudge
Chapter Thirty two - Held captive
Chapter Thirty three - Battle they never won
Chapter Thirty four - Nightmares of waking up
Chapter Thirty five - A powerful army
Chapter Thirty six - Behind the trigger
Chapter Thirty seven - Sudden sacrifices
Chapter Thirty eight - All fall down
Chapter Thirty nine - Someone to save you
Chapter Forty - The game master I am
Finale
Epilogue
The pinaka-malupit na A/N
Special Chapter
Playlist ♫

Chapter Twelve - Excuses and Connections

2.1K 76 21
By unbreakabledanger

A/N: Eto naaaa. To be honest, isa po itong chapter na 'to sa mga nahirapan kaming isulat dahil may involved na police works. So kung may mapansin man po kayong mali.. pasensiya, hindi po kami ganun ka-professional, but nonetheless, we tried our best. So yeah... :))

Chapter Twelve

Dana's POV

Natapos na namin ang pag-uusap at na-finalize na rin lahat ng dahilan. Kung paano kami napunta doon at bakit may dugo sa mga damit namin. Alam kong hindi ganun ka-tanga ang mga pulis para paniwalan ang mga idadahilan namin pero ipinagdadasal ko na sana pakinggan nila kami.

Nakaupo kami ngayon dito sa sahig ng quadrangle namin kung saan kami iniwan ni Ateng janitress. Halos mag tatanghali na rin at alam kong bawat isa samin ay pagod na talaga. Ni hindi pa kami nakaka-kain kaya't kulang nalang himatayin na ang iba sa amin.

Bigla naman kaming napatayo lahat nang marinig na ang serena ng mga pulis.

Shit shit shit shit ayan na sila! Nanlalamig na yung mga kamay ko at nagkaka tinginan narin kami na parang 'alam niyo na ha.'

Ilang sandali pa ay may dalawang police cab na huminto sa harapan namin. DALAWA shit bakit dalawa ang dami!

Bumaba na ang lulan lulan nitong mga police officer, anim silang lahat. Yung apat ay mabilis na pumunta doon sa pinagkitaan sa amin kanina at ang dalawang natira ay nilapitan kami.

"Magandang araw ho, may na-ireport po kasi sa aming patayan na nangyari daw, sinu-sino ba yung mga nandoon?" pagsisimula ng pulis at ang go signal namin, si Jason.

"AHAHHAHA ano po? Patayan?" pagtawa niya kaya't bahagyang napakunot ang noo ng dalawang pulis.

"Hijo, hindi ako nakikipag biruan." Nananakot na sabi ng pulis.

"Sir, sir pasensiya na po pero walang pong patayan na naganap si Ate po kasi inakalang patay kami eh natutulog lang naman kami dun sa likod." Pagpapaliwanag at cool na cool na sabi ni Simon.

"Sabi nga po namin hindi na kailangan ng pulis eh kaso ang kulit po ni Manang." Pagpatuloy naman ng wala ring kakakitaang kaba na si Gabe. Wow, best actor ang mga boys.

"Wag niyo kong ginagawang tanga dahil base sa mga hisura niyo at amoy niyo totoong dugo ang mga nasa damit niyo." Shit! Eto na nga bang sinasabi ko.

Agad naman kaming nagseryosohan dahil naramdaman na namin ang tensyon na unti-unting bumabalot sa sitwasyon.

"Pangalan. Isa isa kayo." Sambit ng kasama nitong pulis kaya isa isa naming sinabi ang mga pangalan namin.

Habang nagsasalita kami ay tumitingin ito sa hawak niyang clipboard at bumulong sa kasama niyang pulis.

Tumango-tango ito. "Kung hindi ako nagkakamali, kayo yung mga estudyante ng eskwalahang ito na nai-report na nawawala. San kayo nagpunta?" tanong nito ulit.

"Mawalang galang na po sir, ngunit hindi namin kailangan sagutin ang tanong nayan." Tugon ni Jason, wow siya ba talaga yan? At bawal? Bakit bawal?

"Ah, matalino kang bata. Pero hijo sinasabi ko sayo malalaman at malalaman din namin iyan." Pagbabanta ng officer.

"Edi wow po." Pag ngiti nito at halos sapakin ko na siya sa pag sagot niya ng pabalang. Bwisit na lalaki to! Akala ko seryoso siya!

Halata na sa mukha ng mga pulis ang kanilang pagkainis kaya kinabahan ako ng kaunti.

"May mga kaunting katanungan kaming nais itanong sa inyo." Anunsyo niya kaya't napangiwi kami lahat. Dammit ang kulit niya!

"Pero sir—" Jason. Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil tinignan siya ng pulis ng masama.

"Magtatanong lang kami Hijo." Pangunguna nito.

"Sir are we under arrest?" tanong ni Lucas, ano bang klaseng tanong yan! Hindi naman ito ang pinagusapan namin, ano bang nangyayari?

"No." simpleng tugon niya.

"Then pwede na po ba kaming umalis?" tanong niya muli. Ha?

"Hijo, I know what you're doing. And yes, you all have the right to remain silent at nasa sa inyo kung sasagutin niyo ang mga tanong na to. Pero para na din ito sa ikakalinaw ng lahat." Pagkumbinsi niya sa amin. Liar, hindi ako naniniwala! They are forcing the truth out of us!

Finally naiintindihan ko na ang ginagawa nilang mga lalaki, as much as possible iniiwas nila kami sa interrogation kaya pala sila naguusap usap kanina. They are using our rights. Dammit bat ngayon ko lang naintindihan?

"Labing dalawa kayong ini-report na nawawala at kung bibilangin ko kayong nandidito ngayon siyam lang kayong lahat. Nasan ang tatlo?" Finally, eto na yung napagusapan namin. Inassume na tlaga namin na iyan ang isa sa mga itatanong samin kaya napaghandaan na namin ang isasagot diyan.

"Iyon nga rin po ang tanong sa isip namin, nasan yung tatlo?" Kunyari'y naguguluhan kong tugon.

"Actually sir, tama po kayo 12 kaming nandito. At hindi po kami nawawala, hindi lang po nakapagpaalam." Dahilan naman ni Alex. Isa isa narin kaming nagsalita.

Napansin ko ding nagbubulungan si Jason, Gabe, Simon at Lucas. Nakakamangha, magkakasundo ang dalawa.

"Ganito kasi yun sir eh, may group project kami para sa isang unit namin at napagdedisyunan naming sa school nalang gumuwa. Sa likod ng school to be specific. Wala kaming props kaya't hindi kami makapag simula." Raia.

"Inutusan po namin yung tatlo na sila yung bumili. Si Olive, Keiko at Nico po. Mga bandang mag aalasingko yun." Pagpatuloy ko naman.

"Hinintay po namin sila, pero gabi na hindi parin po sila dumadating." Krystalle, wow convincing.

"Kaya nakaisip po kami ng kalokohan. We decided to prank them. Nagpanggap kaming mga duguan para pagbalik nila magpapanic sila at iisiping may nangyari samin. We just want to scare them. Nakatulog nalang kami kahihintay at hanggang ngayon, wala pa rin sila." SI Janine na ang tumapos ng kwento.

Walang sinabi ang mga pulis na para bang ina-assess lang ang sitwasyon.

Napailing sila at nag smirk samin. Shit wag mong sabihing?

"Pasensiya na mga bata, hindi kami naniniwala sa mga palusot niyo." Sabi ng pulis at agad akong kinabahan ng sobra sobra. Fuck fuck my life!

"Tara na sa presinto, dun na din natin tatawagan ang mga magulang niyo." Shit hindi pupwede to! Nagkatinginan kami.

"Sir, sir teka hindi naman po ata tama to! May warrant of arrest po ba kayo? Wala kayong karapatang arestuhin kami! Ni hinda pa nga po napapatunayan na may kasalanan kami." Pagpigil ni Alex sa kanila.

Pinagpapawisan na kami ng malamig. Shit shit.

Walang kwentang mga pulis! Ni hindi man lang sila nakikinig sa amin oh! So ano ang labas nito, kami ang pumatay sa tatlong nawawala naming kasamahan?

Halos mapamura na kami't lahat lahat sa mga pangyayari.

Papasok na sana sila Raia sa police cab nang biglang nilapitan ni Jason ang dalawang pulis at hinigit ito sa kwelyo at nilayo sa amin.

ANO BANG GINAGAWA NIYA??! Hindi niya ba alam sa ginagawa niya ay pwede pang madagdagan ang ikakaso sa amin? Ughhh Jason!

Third Person's POV

Malakas ang pwersang pagkahatak na ginawa ni Jason sa dalawang pulis at inalayo sa kanyang mga kasamahan.

"Bitawan mo ko! Ano gusto mo bang mas lumamala ang kaso mo?" Pananakot ng pulis sa kanya kaya napatawa na lang siya na lalong nagpadagdag sa inis ng dalawang pulis.

"Mga ulol! Hindi kayo madaan sa santong dasalan? Pwes daanin natin sa santong paspasan." Napa smirk na lamang ang binata sa dalawang pulis.

"Wag kang mayabang hijo, kayang kaya kitang patayin ngayon mismo at palabasing aksidente ang lahat." Pagbabanta ng pulis kaya sumeryoso si Jason.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo officer. Nawala na ang isa. Sige patayin mo ko ngayon, arestuhin mo kami at sinasabi ko sayo hinding hindi na aabutan ng sikat ng araw ang buong pamilya mo, ang asawa, mga anak, apo at buong linya ng apelyido niyo." Pagbabanta ng banata.

Humakabang siya papalapit sa dalawang pulis at may ibinulong dito na nagdulot ng sobra sobrang takot sa dalawa.

Halos hindi sila makapagsalita at naka awang lang ang kanilang mga bibig.

"Nagkakaintindihan ba tayo mga Sir?" tanong nang ngayo'y nakangiti nang si Jason, napatango na lamang ang dalawang pulis na tila wala sa sarili.

"Malinaw na po?" muli niyang tanong.

"P-pasensiya na po sir." Hinubad nila pareho ang kanilang sumbrero at humingi ng despensa.

Bumalik na din sila sa kinaroroonan nila Dana na pinapanuod lang ang buong pangyayari ngunit walang naintindihan kahit isa.

"Mga sir, ma'am pasensiya na po sa abala. Nagkamali lang po pala, mauna na po kami." Hindi makatinging pagpapaalam ng dalawang pulis at nilabas ang isang walkie-talkie at inutusan nading bumalik ang apat na pumunta sa likod ng eskwelahan.

"Anong ginawa mo?" naguguluhang bulong ni Dana kay Jason.

"Wala. Kinausap ko lang sila." Sabay ngiti ng pilyo sa dalaga.

Dana's POV

Tuluyan na ngang umalis ang mga pulis at nakahinga na kami ng maluwag. Umalis na din si Ateng janitress at isa isa na kaming napa upo. Sa wakas, nalusutan na din namin!

"Jason hoy, magsabi ka nga ng totoo! Anong ginawa mo dun ha?" Sigaw ni Alex kay Jason na ngayo'y nakahiga na sa sobrang pagod.

"I just used some connections... Hah,"pagtawa nito kaya agad naman siyang binatukan nang mga malapit sa pwesto niya dahilan upang mapa upo siya.

"Aray! Ano bang problema niyo??" inis na sigaw nito.

"Bwisit ka kasi, may mga connection connection ka pala tapos pinahirapan mo pa kaming magdahilan!!!" inis na sigaw ni Raia at sinabunutan si Jason kaya nagtawan nalang kami.

"Aray, aray! Shit masakit! Ugh," Hahahaha wala kaming magawa kung hindi tawanan lang silang dalawa.

Humiga narin kami sa sahig ng Quadrangle ng school namin na kahit alam mo sa mga sarili namin na malulungkot at naghihina parin kami ay pinipilit naming magtawanan.

"Para tayong baliw dito." Saad ni Gabe malapit sa tabi ko.

"Haha okay lang yan, wala namang pasok kaya walang makakakita." Sambit naman ni Lucas.

Kanya kanya kami ng daldalan at habang nakahiga eh kanya kanyang din kaming bato ng inis kay Jason na kesho pinakaba niya pa kami sa pagkakakulong eh kayang kaya niya naman palang pataubin yung mga pulis!

"Eh sa ngayon ko lang din naisip eh! Tss THANK YOU PALA HA THANK YOU!" sarkastiko niyang sigaw samin kaya naghagikhikan na lamang kami at sabay sabay na sumigaw ng isang malakas na THANK YOU sa tenga niya.

Napatakip siya sa magkabilang tenga at umungol nalang sa inis.

Natahimik kami ng umihip ang malakas na hangin. Walang nagsasalita sa amin at dinadama lang ang kapayapaan ng eskwelahan namin. Ganito pala katahimik dito kapag walang mga estudyante.

Alam kong nag sink na samin yung kalagayan namin ngayon. Napangiti nalang ako, isang mapaklang ngiti at ipinikit ko nalang ang mga mata ko.

"Nakalabas na tayo..." sambit ni Janine kaya napatingin kami sa kanya. May luhang tumulo sa mga mata niya na diretso agad pababa dahil nga nakahiga kami.

"Ligtas na tayo diba?" umiiyak na din si Krystalle kaya hindi ko na napigilan pa at tumulo na din ang mga luha sa mata ko.

Napaka sarap sa pakiramdam, alam kong pati yung mga lalaking kasama namin eh masaya din kahit hindi naman sila umiiyak.

Yung mga luha sa mata namin ngayon, hindi na dahil sa may namatay o natatakot kami sa buhay namin.

Nakalabas na kami sa kwartong nagparanas ng impyerno sa amin. Kung saan dumanak ang napaka raming dugo at kung saan din nabuo ang pagsasamahan namin.

Kahit hindi kami magkakakilala, pinag isa naman kami ng kagustuhan naming makalabas doon,  may iyakin, mahina, may matapang at kung anu-ano pa. Hindi man namin nailigtas yung tatlong namatay, ipapag-pasalamat ko nalang na buhay kaming mga natira.

Ayoko nang maulit yun... Ayoko nang makakita ng dugo at isa nanamang taong mamatay sa harap mo. Sana.. ganito nalang lagi. Sana lagi nalang payapa.

**

THANKS FOR READING :)) VOTE AND COMMENTTT ♪

1.6k na yung reads natin omggg nakakaiyak ambilis. salamat po :> atin muna silang pagpapahingahin sa pag iyak hahaha. Konting chapters lang naman to :> tiwala lang :> Uh, kung may mga tanong po kayo o concerns, don't hesitate to talk to us. madadaldal naman  kami :P

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
11.3K 447 21
LITERARY OUTBREAK: SURVIVE OR DIE ONE SHOT WRITING CONTEST (SEASON 1)
Code By AJ

Mystery / Thriller

60.2K 2.6K 60
Lies and deceptions. The tightly knotted mystery about their past. What should they believe? Can they solve the mystery surrounding them? Their adven...
246 58 9
|1/23 √ |Hadeon Acheros Kruger