Solar Academy: School for the...

By suneowara

1.4M 81K 12.2K

GIFTED SERIES #4 Listen to me. Hurry. Seek help. The end is near. The Goddess is here. Genre: Fantasy Languag... More

Teaser
Author's Note
SELF PUB ANNOUNCEMENT
Prologue
1. The Angel
2. Hell
3. First Commandment
4. Rouge
5. Choice
6. Spiders
7. Her guild
8. The Mission
9. Look out
10. The Sadist
11. Unseen
12. Blood type
13. The Magician
14. Absolute
15. Beast
16. Two headed dogs
17. Big shots
18. Run
19. Her
20. Two of her
20.5 Substitute
21. Her goal
22. Assurance
23. Maybe because
24. His sides
25. A secret
26. Violet liquid
27. Blood and Poison
28. 3rd commandment
29. Run or Fight
30. Nyx
31. To follow an order
32. To the Solar Academy
33. Here it goes
34. Solar Academy
35. Theorist
36. What, where, when, and who
37. The Incident
37.5 The first Villain (PART 1)
37.5 The first Villain (PART 2)
38. Information
39. Principal Bora
40. The Plan
41. That Sin
42. The Sleeping Sloth
43. Her eyes
44. The Glutton
45. Preperations
46. The Town
47. The Bomb
48. Underground Association
49. Joker
50. Not a hero
51. Escape
52. The Commandments
53. Wrath
53.5 His older brother
54. Red
55. Curse
56. Empty
57. Collision
58. Trust me
59. Part of the plan
60. The God
Epilogue
Author's Note

24.5 Chained by blood

18.8K 1.2K 193
By suneowara

5 YEARS OLD CHAIN'S POV

Marahang hinawakan ni mama ang pisngi ko at nakangiti akong tinignan. Nasa bakuran kami ng bahay at naglalaro.

"Anong sinasabi ni mama sa 'yo lagi, Chain?"

Kumurba ang labi ko sa malawak na ngiti at hawak-hawak ang kamay niyang nasa pisngi ko.

"You should always treat a lady right!" masigla kong sagot.

Nakangiting tumango sa sinabi ko si mama bago niya guluhin ang buhok ko gamit ang kabila niyang kamay.

"Very good."

I smiled widely as she pats my head. Gustong-gusto ko kapag ganito sa akin si mama. . . kahit alam kong panandalian lang.

Natigilan si mama sa paggulo ng buhok ko nang marinig namin ang pagbukas ng pinto ng bahay. Agad na napatayo nang tuwid si mama at napatingin sa loob.

"Oh, nandito na si papa!" masaya niyang sambit.

Agad na naglaho ang ngiti ko nang tinalikuran ako ni mama para pumasok sa loob.

Wala na. . . wala na ulit siya. My favorite side of her will change as always. . .

Ilang minuto lang nang pumasok si mama sa bahay para salubungin si papa ay nakarinig na 'ko ng mga pagdabog at sigawan sa loob. Matapos ng ilan pang minuto, lumabas si mama papunta sa bakuran ng umiiyak.

Nang magtama ang mga mata namin ay punong-puno ng galit ang tingin niya. Mabilis siyang lumapit sa akin at sinalubong ako ng sampal.

"K-Kasalanan mo kasi 'tong lahat, peste ka!" sigaw niya sa akin.

Nanggigil niyang pinagpupukpok ang ulo ko.

"Anak ka ng diablo! Bwisit ka! Mamatay ka na!"

Nagsimula siyang umiyak habang pinapalo ako. Nanatiling akong nakatayo sa harapan niya—hindi umiiwas.

It's that side of her once again. . . the side of her that despises me.

Kahit siya ang madalas kong nakakaharap at bibihira lang ang pagiging mabait niya sa 'kin, hindi ni isang beses akong nanlaban o sumagot.

Dahil alam ko kung paano nasasaktan at nahihirapan si mama. . . dahil sa akin.

I'm an unwanted child. Bunga ng kasalanan na hindi naman niya ginusto. Sapilitan lang siyang kinuha ng tatay ko, at nabuo ako.

Dahilan kung bakit laging nag-aaway si mama at ang totoong asawa niya, dahil sa akin. I'm the reason why she's always sad— why she suffers.

"Mamatay ka na! Mamatay-"

"Ma, magpahinga na po kayo. Alam naming pagod ka na po."

Natigilan si mama sa pagpalo sa 'kin nang may humarang sa pagitan naming dalawa.

Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak at unti-unti akong tumingin sa nasa harapan ko.

"K-Kuya. . ."

Nakakurba ang labi ni kuya Red sa isang ngiti. Nasa harapan ko siya at pinipigilan si mama. Siya ang nag-iisang anak ni mama at ng totoong asawa niya na anim na taon ang tanda sa akin.

Tila mabilis na nagbago ang ihip ng hangin at parang bumalik sa katinuan si mama sa narinig. Nawalan ng buhay ang mga mata niya na para bang si kuya lang ang nakikita niya at hindi ako.

"O-Oh. . . sige, magpapahinga na 'ko," walang kaemo-emosyong sambit ni mama.

Para bang walang nangyari nang tumalikod siya at bumalik sa loob ng bahay.

Pareho kaming naiwan ni kuya sa bakuran. Pinanood niyang umalis si mama at pinipigilan ko ang sarili kong umiyak

"Hays, sabi ko naman sa 'yo, Chain. Kapag umuwi na si papa, 'wag ka ng magpapakita kay mama," biglaang sambit sa akin ni kuya Red.

Napabuntong-hininga siya nang hinarap niya 'ko. Pinagmasdan niya ang ulo ko na merong mga maliliit na bukol at pasa.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya dahil sa pagpipigil kong umiyak.

He smiled while fixing my hair. "Pero 'wag kang mag-alala, lagi mo naman akong kasama." Pagpapagaan niya ng loob ko.

Suminghot ako bago dahan-dahang tumango. As a kid, kuya Red was a hero for me. A hero that always come to me when I get in trouble. . . and saves me from the other side of mama.

Kahit pa alam kong nahihirapan din siya, dahil kung hindi dahil sa akin. . . hindi magkakaganito ang pamilya niya.

₪₪₪₪₪₪₪₪

"Lintik ka! Paniguradong 'yong naunang bata, hindi rin akin 'yon noh?!"

Umalingawngaw ang boses ni papa sa loob ng bahay. Kasunod nito ay ang pagbasag at paghagis niya ng mga gamit sa loob.

Nanginginig ang mga kamay ko. Nasa bakuran ako at nakikinig sa away nila. Wala si kuya Red ngayon. . . inutusan siya kanina ni mama na bumili ng makakain at ako lang ang naiwan sa bahay kasama sina mama at papa. . .

"A-Ano ba?! A-Anak mo si Red!"

Walang tigil ang pag-iyak ni mama habang pinipigilan si papa na umalis ng bahay. I flinch in every sound they make. Magkahawak ang dalawa kong kamay at pinipigilan ko ang pag-iyak ko.

Ang tagal bumalik ni kuya-

"Manahimik kang puta ka! Magsama-sama kayo!"

Ang huli kong narinig ay ang malakas na pagsara ng pinto ni papa hudyat na lumabas na siya ng bahay. Hindi pa rin tumitigil ang panginginig ko pero nagdadalawang isip na 'ko kung papasok ba ako o hindi sa loob. . . baka napano na si mama-

Akmang hahakbang pa lang ako papasok ng bahay nang bumukas ang pinto sa bakuran. Iniluwa nito si mama na walang tigil ang pag-iyak. Lumiwanag ang ekspresyon ko nang makitang okay lang siyapero mabilis itong nagbago nang nagtama ang mga mata namin.

Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin. . . doon ko nakita na may hawak-hawak siyang itak sa kabila niyang kamay.

"M-Ma-"

"K-Kasalanan mo 'tong anak ng diablo ka!-"

Namilog ang mga mata ko nang itinaas niya ang itak at umambang iitakin ako. Hindi ako nakagalaw sa pwesto ko at parang bumagal ang oras. . .

All I can see is her dark expression, eyes full of anger—with a look that she's really going to kill me.

It's okay. . . kung magiging okay na si mama kapag nawala ako. . . okay lang-

"M-Mamatay ka na-"

Unti-unting bumagsak ang itak sa harapan ko. Pero bago itong tuluyang tumama ay pareho kaming nabigla nang may tumulak kay mama dahilan ng pagkawala ng balanse niya.

Pero hindi naligtas ang kanang kilay at bandang malapit sa mata ko sa pagtama ng itak. Sobrang bilis ng pangyayari at natagpuan ko na lang na kumikirot ang kanang bahagi ng mukha ko. Walang tigil ang paglabas ng dugo habang nakahawak ako rito.

"C-Chain!"

Sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni kuya Red na agad na bumangon sa pagkadadagan niya kay mama na ngayong nakadapa na. Mabilis niya 'kong nilapitan at tinignan ang sugat ko.

"T-Teka lang, kukuha ako ng-"

Natigilan si kuya sa pagsasalita nang makita niya ang walang emosyon kong mukha. Iyon ang unang pagkakataon na magbago ng gano'n ang ekspresyon ng mukha ko.

Hindi ko alam kung bakit. . .. Masakit ang pagkakatama ng itak, pero. . . nagustuhan ko ang sakit na 'yon.

Siguro dahil kasi mas katanggap-tanggap pa ang sakit na nakuha ko galing sa itak. . . kaysa ang sakit sa katotohanan na hindi nagdalawang isip si mama na patayin ako. . .

₪₪₪₪₪₪₪₪

Matapos ang insedenteng 'yon, hindi nag-aksaya ng oras si kuya Red. Pareho kaming umalis sa bahay at iniwan si mama. Pareho kaming hindi ligtas kapag kasama siya. . .

"'Wag kang mag-alala, kasama mo 'ko. . . kahit saan." Nakangiting humarap sa akin si kuya habang hawak-hawak ang kamay ko sa paglalakad.

"Dahil magkapatid tayo. . ."

Umuulan. . . umuulan no'ng araw na 'yon.

Tatlong araw kaming nagpalaboy-laboy ng kapatid ko mula nang iniwan namin si mama. . . at no'ng araw na 'yon.

Nakilala namin siya.

"Oh, anong ginagawa ng mga bata rito? Magkano kaya kapag binenta ko kayo?" giit ng kung sino sa amin na hinarangan kami sa paglalakad sa gubat.

Mabilis na humarang sa harap ko si kuya at matalim na tinignan ang taong kaharap namin. "Meron akong kakayahan na hindi mo gugustuhing makita man lang, 'wag mo 'kong pilitin na gamitin ko 'yon sa 'yo," seryosong sambit niya.

Kahit alam kong hindi siya nagbibiro sa sinabi niya, alam ko ring nagtatapang-tapangan lang siya. Dahil kapwa ko, nanginginig din ang kamay ng kuya ko na nakatago sa likuran niya. Pareho lang kaming bata, wala kaming laban sa mas matanda at mas malakas sa amin.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Seryoso ang tensyon sa paligid nang bigla na lang na may umalingawngaw na tawa sa gubat.

That rainy day. . . in the middle of the forest. . . that person laughed.

Isang tawa na walang masamang ibig sabihin. Isang tawa na nagpagaan sa loob naming dalawa ng kapatid ko.

Iyon ang araw na nakilala namin siya. . . ang taong nagpalaki sa aming dalawa. . . ang dahilan kung bakit kami nangarap, at nagkaroon ng mga bagay na gusto naming gawin.

"Luh, kung gano'n, isa kang kriminal, ---?" kunot noong tanong ni kuya Red sa kaharap namin.

Natatawang umiling ang kaharap namin sa tanong niya. "Baliw! Hindi! Magkaiba 'yon 'noh. Ang mga boss ko ang kriminal, sinusunod ko lang ang mga utos nila sa akin dahil nga boss ko sila!" Paglinaw niya.

Sumimangot ako. "Pareho lang 'yon eh!" giit ko na muling kinatawa niya.

"Eh! Basta! Magkaiba 'yon! Kaya kung ayaw niyong matulad sa 'kin, mag-aral kayo!" aniya.

"Sus, kahit ano pa man 'yon. Gusto ko ring maging malaya katulad mo! Ayokong may nagdidikta sa akin mapa batas man o kung ano pa!" ani kuya Red.

Mabilis siyang nakatanggap ng batok galing kay ---. "Hoy! Hindi pwede! Mag-aaral kayo!" sagot niya.

Hindi maipinta ang mukha ng kuya ko dahil sa sinabi niya dahilan ng pagtawa namin. Napuno lang ng kasiyahan ang pagsasama naming tatlo, kahit pa wala pa rin sa sapat na edad si --- para palakihin kaming dalawa, hindi siya nagkulang ng paalala sa amin.

Pitong taon ang tanda niya sa kuya ko, habang trese naman sa akin. Hindi namin napansin ang panahon, hanggang sa sampung taon na ang lumipas.

"Oh, Chain. Paano ba 'yan? Sa oras na magkita tayo ulit, paniguradong huhulihin mo na 'ko," natatawang sambit ni kuya Red sa akin.

Natatawa akong napailing sa sinabi niya. "Woi, hindi pa nga sigurado kung matatanggap ako eh," sagot ko.

Kumurba ang labi ng lalaking kaharap ko bago niya ilahad ang kamay sa akin. "I'm sure, you will," aniya na parang siguradong-sigurado siya. "But still, these are the paths that we choose. There's no turning back."

Napabuntong-hininga ako at napangiti rin bago hawakan ang kamay niya.

"We're chained by blood," sagot ko.

"And as long as that red liquid flows in our veins," dagdag niya.

"We're brothers," pareho naming sambit.

Nagtawanan kaming dalawa bago bitawan ang kamay ng isa't isa.

"Hoy, mga bata! Bilisan niyo riyan!" pagsingit ng isang boses sa amin.

Napasimangot akong napatingin sa kaniya. "Woi, bakit si kuya Red ang sasamahan mo at hindi ako?" I pouted my lips as if I'm sad.

Hindi maipinta ang tingin niya sa akin bago niya guluhin ang buhok ko. "Parehong matigas ang mga ulo niyo ng kuya mo. Pero ikaw, may teacher kang magtuturo sa 'yo, habang siya, wala. Kaya kailangan ko siyang bantayan!" pagpapaliwanag niya sa akin.

Sumimangot ako sa sinabi niya na para bang hindi ako nakuntento sa sagot niya. Pero alam ko ang gusto niyang iparating sa akin. It's also ---'s way to tell me that I don't have to worry about my brother.

For the last time, we bid our farewells to each other. Magkaibang landas ang pinuntahan naming dalawa ng kapatid ko, at suportado namin ang isa't isa.

Kahit ano pa mang mangyari, walang magbabago dahil magkapatid kaming dalawa.

Not long enough, I got accepted in Solar Academy, at the same time, he built a guild on his own, with the help of ---.

He made a new family to protect, and so am I.

Kahit magkaibang mundo ang kinagagalawan namin. . . walang magbabago. . . 'yon ang inakala ko.

Yet, on just a snap. . . the chain broke. . .

The Spiders lost one of its legs. . . and I'm the one who took it.

I killed one of my brother's guild members. . . his right hand to be exact. . .

and the same person who took care of us.

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 249K 70
ʚ PUBLISHED UNDER PSICOM ɞ ʚ Wattys 2016 Winner: Writer's Debut ɞ Crewd Academy, a mystifying school where Selendria had innumerable questions on her...
1.1M 53.5K 50
COMPLETED | Aerilon Academy unlocks the element within. Lucianna Sariel Rofocale is a mystery. Ang kapangyarihan niya ay kakaiba, at hindi nabibilang...
773 79 12
Adalea is a land of the toughest creatures existing in Metanoia, the place of the strong, winged creatures molded to become the protector of their ow...
147K 8.9K 16
COMPLETED | After all, the storm was only a reminder of death. A Thieves of Harmony short sequel about death and storm. [THE OLYMPIAN WORLD] Thank yo...