RBW II: THE EVIL HALF(Under t...

By Misa_Crayola

238K 10K 3.3K

Raised By Wolves Book 1 on my Main Acct: MisaCrayola " Who is the evil half? " Cover by: MysteriousMilkShake... More

BEGINNING
Prologo:
RBW II: Beginning
RBW II: TWIN
RBW II: Impostor
RBW II: Red-Eye
RBW II: Lies.Greed.Misery
RBW II: BABY?
RBW II: Crossing Field
Chapter 8:Daddy!
RBW II : HAPPINESS
RBW II: Disappointment
RBW II:
RBW II: The Good and the Evil
RBW II: Fortune Teller
RBW II: Crescent's Voice
RBW II: Born To Lead
RBW II: his decision, her tears
RBW II:
RBW II: Offspring
RBW II: New Life
RBW II: Fear
RBW II: Heartbeat
RBW II: Split-Identity
RBW II: Bloody message
RBW II: Lovers Quarrel
RBW II: The Evil Half
RBW II: Crescent's DEATH
RBW II: Broken
RBW II: Bear My Child
RBW II: Invitation
RBW II: Her Memories
RBW II: Secret base
RBW II: The son of Evil
RBW II: Parallel hearts
RBW II: REVELATION/ Crescent's POV
Must Read ( Misa's Note )
RBW II: Her Weakness
RBW II: Obsession
RBW II: Another
RBW II: Dark Scheme
RBW II: Who are you?
RBW II: Angels and Demon
RBW II: Heartache
RBW II: MADE UP HER MIND?
RBW II: Together
RBW II: Saving Grace
RBW II: My Daughter
RBW II: Star
RBW II: Unexpected
RBW II: Angel, Prince, Love(Ending)
Crescent's Message for you
EPILOGUE

RBW : CRESLIGHT

4.2K 166 54
By Misa_Crayola

                 Dedicated sayo,  *u* Salamat kasi nagustuhan mo yung story ko hihi.! Salamat sa message mo, I truly appreciate your effort na pagmemessage sakin sa FB hihi. 

                                                    RAISED BY WOLVES

                                                      " CRESLIGHT" 

Kae : Nakilala siya ni Lyra at Alice sa barko. Fortune teller

Silver : Kasamahan siya ni Kae, 

NEW READER : CODENAME : FRANCES

ISLA DEOKMAN 

"Pinatay nila silang lahat ! ano ng gagawin ko .. kahit saan ako tumingin nakikita ko ang dugo nila sa paligid " Halos mawala sa katinuan si Kae, naalala niya ng araw na bumaba sila ng barko, ngunit bago pa maganap ang subastahan na target nila, Isang barko an dumaong.

Nakakatakot ang itsura ng barko , pirata ang inakala ng marami ngunit ng makita nila ang bandila nakalagay ang emblem ng " Imperial Palace " kasali sa subastahan si Serafall ang isa sa 7Generals.

Iniwasan nila ang miyembro ng Imperial Generals, para sa iba ang Imperial Capital ay ang kalayaan , katotohanan at nararapat na maghari sa mundo. Nililipol nito ang mga masasama kaya nga may mga pangkaraniwang tao na nais mapasok ang Imperial Capital.

Dalawampu silang bumaba mula sa iba't-ibang barko , hindi nila akalain na sila ang target ni Serafall. Akala nila matatakasan nila ito, ngunit malakas ang mga kasama nito lalo na si Serafall para lang silang naging pangkaraniwan at natipon nito ang labing walo sakanila.

Kitang-kita niya kung paano isa-isahin ni Serafall ang pagpatay sa mga kasamahan niya,  "Sila ang mga kilalang magnanakaw , ang mga tulad nila ay walang karapatang mabuhay!   " Malakas na sigaw nito, isa sa mga kasamahan niyang nakagapos sa gitna ang nakita si Kae sa makapal na tao , hindi siya nakikilala dahil tago ang mukha niya kaya maaring di alam ng mga ito na miyembro siya.

"Umalis ka na " iyon ang tinging ibinigay nito sakanya.

Pero hindi magawang gumalaw ng mga paa niya, kitang-kita niya ng pahirapan muna ang mga ito bago pugutan ng ulo. Nakita niya kung paano Isinaksak ang mga ulo nito sa tulos kasabay ng pag agos ng dugo pababa .

Wala siyang tigil kakaiyak , ang mga mata niya namumugto na at hindi niya matagalan ang panghihina , panghihinayang , kalungkutan at di matawarang sakit sa pagkamatay ng mga kasamahan niya. 

        Sa kabundukan siya pumunta, kailangan niyang kumalma dahil hindi siya makakapayag sa kalapastangang ginawa ng mga ito sa kasamahan niya. Wala si Silver sa mga pinugutan ng ulo kaya nasisiguro niya na pareho pa silang buhay, at ang Boss nila kailangan niya tong mahanap.

Nakasandal siya sa isang puno habang tinitignan ang mga kamay niya, walang patid ang pagluha at pagiyak niya ng malakas.

"Marunong akong magpagaling pero hindi ko sila kayang buhayin sa kakayahan na'to " iyak niya pa.

"Wag kang panghinaan ng loob " Isang boses ng babae ang narinig niya kaya nag-angat siya ng tingin .

"Mula ako sa Hethalia , Frances " Inilahad nito ang kamay .

"Isa kang Vampire? " si Kae.

Ngumiti lang ito bilang pagsangayon " Sumama ka sakin, hindi ka magsisisi.. Tulad mo nag-iisa narin ako noon .. ang Master ko, hindi ka niya pababayaan " ngiti pa ni Frances.

"Master? " -- Kae

" Halika na ! Aalis na ang barko , kailangan ko narin magmadali alam mo kasi ang Apprentice ni Master ay napaka highblood kahit ang liit liit niya " nakatawang sabi ni Frances.

Tinanggap ni Kae ang kamay nito , wala siyang pupuntahan at kung mananatili siya sa Deokman maaring mamatay siya. Hiling nalang niya na makaligtas din si Silver.

"Miyembro ka ng ?  "si KAE

"Assasin " 

"Assasin? " 

Tumango si Frances at nginitian ang kasama.

" Hindi kita pipigilan kung gusto mong umiba ng grupo , hindi rin ako takot na pagtaksilan mo ang Master ko kapag dumating ang araw, gusto lang kitang isama para malaman mo kung ano ba ang paniniwala ko at ano ang ninanais kong maganap sa mundong 'to .. " si Frances..

"Hindi ka naman miyembro ng Imperial Capital? " si Kae.

"Hindi, wala rin kaming kalaban .. " tumawa ito sa sinabi,at tumitig kay Kae.

" Wala akong gusto , wala akong pangarap at lalong wala akong gustong kahit ano na maganap sa buhay ko . Pero ng makilala ko siya alam ko na , ang maging isang Faithful servant niya ang gusto ko .. Naniniwala ako sa kakayahan niya, para sakin siya ang pinakamalakas ! " ^_^

****

        Mahimbing na  natutulog si Lyra , ilang araw na silang nasa Vendetta. Habang payapa siyang natutulog hindi niya alam na si Crescent na katabi niya ay malaki ang problemang dinadala. Sa tu'wing natutulog si Lyra lang niya naipapakita ang totoong nararamdaman, kapag nasasa harap niya to ipinapakita niya na masaya siya at walang kahit ano mang problema.

'Bakit ikaw nalang ang mas nasasaktan , kung maari ko lang kunin yung mga sakit na mararamdaman mo .. Lyra " bulong ni Crescent sa katabing si Lyra na nakayakap sakanya, nakaunan ito sa braso niya at sinusuklay ng daliri ang mahaba at malambot nitong buhok.

        Sobrang saya ni Lyra na magkakaroon sila ng anak, hindi matawaran ang ngiti at saya nito na nakakakonsensya lalo pa at alam niya ang totoo. Matagal ng sinasabi sakanya na magiging malaking kahinaan niya si Lyra, kung tutuusin ito rin ang kalakasan niya pero sana nga kahinaan nalang niya dahil hindi siya masayang makitang nahihirapan ito.

Sa kabilang dako naman, tulad ni Crescent gising pa si Light. Hindi niya mapaniwalaan ang mga nangyayari, ang impormasyon ni Lyra at Ceres ay iisa. Ang pamilyang tinitirhan nito ay siya ring pamilya ni Ceres.

Nakakatawa sa parte niya na nananatili siyang hindi kumikibo at lumalapit kay Crescent , sa tagal ng lumipas na panahon sa pamilya parin ni Ceres nauwi si Crescent .

        "Ang babae sa larawan ay parang modern version lang ni Ceres, sino nga ba si Lyra ? Anak ni Ceres o anak ni Maica? " Hindi natin sila kauri, Vampires sila .. iyon ang pilit mong inuulit-ulit sakin.. bakit ngayon halos lahat ng nasa paligid mo ay Vampires? alam ko na kusa karing babalik sakin pagkawala ng mga ala-ala mo.. Hindi ko hahayaan na maging parte ka ng mga Vampires, pinapatay nila ang kapwa nila dahil sa pagiging ganid nila sa kapangyarihan " si Light , nakasandal siya sa isang puno habang minamasdan ang buwan.

Sa isang iglap halos mapaluhod siya sa sakit ng pula niyang mata, mabilis siyang napatingin sa buwan na tinatabunan ng maitim na ulap ang liwanag. Maging si Crescent nakaramdam din ng pananakit ng mata kaya umupo siya at sinapo iyon, kusang umagos ang dugo sa mga mata niya.

Sabay nilang nawika ni Light "Ang  Abyss !" tinatawag na sila ng Abyss , nagpaparamdam na sakanila ang Abyss ..

"Light " -- Crescent .

"Crescent " -- Light .

Nawala din ang pagdudugo ng mata ni Crescent o tamang sabihin na ilusyon lang nilang dalawa ang dugo at ang sakit na nadama, ibigsabihin lang ilang araw nalang at maaring hatakin na muli sila ng Abyss pabalik sa loob para maging parte nito.

Nagkaroon sila ng sabay ng pulang parka sa dibdib, orasan ibigsabihin lang nalalabi na ang oras nila. Kailangan na nilang magtagpo o maglalaho silang sabay sa mundo.

Sa ibang dako naman nakatayo ang babaeng nakamaskara sa isang Open field , malakas ang hangin at hinihintay niyang tuluyan ng matabunan ng dilim ang natitirang liwanag ng buwan. Maging lahat ng Heneral sa Imperial Capital ay nakamasid sa kakaibang nagaganap sa buwan.

**

"Greece! " malakas na sigaw ni Alice ng mamilipit ito sa sakit,nagbutil-butil ang pawis nito. Kausap niya lang to ng bigla itong atakihin ng sakit ng dibdib na hindi niya alam kung bakit.

"Alice .. gumalaw na siya " si Greece na pilit nagsalita, tila iyon bomba sa pandinig ni Alice, tinignan niya ang marka sa dibdib niya at tumambad sakanya ang unang galaw ng kamay ng orasan.

"Ang Abyss. . Greece anong gagawin natin ! " puno ng pagaalala na niyakap ni Alice si Greece.

" Bakit nawalan ng bisa ang mga susi " si Greece sa isip-isip , ang mga susi sa Abyss ay tuluyan ng natunaw kaya anumang oras ang mundong iyon ay papasukin na ng mga halimaw ng Abyss dahil makakawala ang mga ito, kukunin sila ng Abyss sa paraang di nila alam.

Ganoon din si Xerxes at Lacie , nasa barko sila ng maganap ang pagpaparamdam ng Abyss. Hindi kakikitaan ng sakit si Xerxes katulad ng kay Greece dahil itinatago nito, pareho nilang alam na gumalaw na ang orasan at ang solusyon para matigil ang pagpatay sakanila ng Abyss ay ang pumatay ng kapwa nila Chain at Contractors para ang oras na natitira sa mga ito ay mapunta sakanila at magtagal sila. 

" Nabubuhay na si Light at Crescent , maging si Lacie at Alice ay nakalabas .. Apat silang nakatakdang kunin ng Abyss, kailangang isa kila Light at Crescent ang mamatay o magbalik sa Abyss at ganoon din kay Lacie at Alice , isa lang sakanila ang maaring mabuhay sa mundong ito dahil ang dalawa sakanila ay walang bilang " si Xerxes sa sarili habang minamasdan si Lacie na tila hindi naman nababahala.

"Isa lang ang gusto ko, ang mawala si Alice... ang makita ang aking Ina at ama at maging isang buong pamilya.. kahit ilang araw lang, sapat na ang oras ko para tapusin ang nasimulan ko " si Lacie, 

"Walang kasiguruhan na totoo ang sinasabi ng Imperial Palace, maaring gagamitin kalang nila " si Xerxes.

" Nararamdaman ko , hindi ako maaring magkamali .. " si Lacie na ang tutok parin ay sa buwan. Makalipas ang isang oras dumaong na sila sa Imperial Capital , sinalubong sila ng lahat ng Heneral ng Imperial Palace.

"Totoong Palasyo, totoong nasasakupan .. " manghang sabi ni Lacie ng makita ang kabuuuan ng Imperial Capital at ang Palasyo na nakalutang.

********

 SNOW ISLAND 

"Light " - si Crescent , malakas ang hangin ng magtagpo na sila ng tuluyan, mabilis ang paglingon ni Light ng marinig ang boses ni Crescent.

Nabigla ito sa pagdating ni Crescent na hindi naman siya tinititigan.

"Crescent " may kasiyahan na mahahalata sa boses ni Light ng magtagpo silang dalawa, pinuntahan na siya ni Crescent ..

"Masaya ako na nagbalik ka " si Crescent na ngumiti kay Light , dalawang dipa ang pagitan nilang dalawa.

"Sinungaling " ngiti din ni Light. 

"Masyado bang halata  "mahinang tumawa si Crescent.

"Hindi ako babalik sayo .. " si Crescent .

"Dahil may pamilya ka na " si Light may pait sa boses nito. 

Nakita ni Rozen ang tagpong iyon ng dalawa, nagulat siya ng makita si Crescent . Naligalig siya ng husto pero agad ding napawi ng makitang maayos naman naguusap ang dalawa.

" Light si Ceres .. " nagiwas ng tingin si Crescent dito, ngumiti naman si Light.

"Hindi mo na kailangang sabihin" si Light na alam na ang gustong sabihin ni Crescent .

"Pag nasaktan si Lyra, hindi ko na maipapangako na magkikita pa tayong muli .. " si Crescent na naglakad na at nilampasan si Light. 

"Ganoon siya kahalaga para sayo " si Light na nawala ang ngiti,

"Bakit magkamukha sila " si Light na nilingon si Crescent.

"Hindi sila magkamukha .. iisa lang si Lyra .. Wag mo siyang lalapitan , marami kaming hinaharap na problema .. Pinuntahan kita para sabihin na malapit na ang mundong kailangan mo kaya manatili kang buhay hanggang sa araw na'yon " si Crescent.

" Bakit ba pakiramdam ko galit ka " tumawa ng mahina si Light."Masyado kang seryoso .. Isa bang balakid at kalaban ang tingin mo sakin, alam mo na mahalaga ka sakin kaya pagbibigyan ko ang gusto mo .. pero may hangganan, babalik ka sakin at iiwan mo ang lahat kaya gawin mo ang gusto mo ... sana bago man lang tuluyang maglaho ang mga ala-ala mo naikwento mo na sakin lahat kung ano ba ang nangyari sayo " ngiti ni Light.

"Marami ng nagbago " -- Crescent

"Bukod sa panahon at pagmamahal mo sa isang babae, parang wala namang nagbago sayo, ganyan kapadin magsalita, ang tono mo, ang kalamigan mo , hindi ko gusto na sinasabi mo sakin na mas mahalaga siya, hindi ako masaya sa sinasabi mo, hindi ako natutuwa sa presensya nya dahil handa mo kong iwan magisa para sakanya! " Nagulat si Crescent, nagagalit si Light .

"Umalis kana Crescent .. tulad mo hindi mo gustong isama sa pagsagip si Ceres, ganoon din ako .. hindi ko siya gustong kasama sa mundong gusto nating dalawa, ayoko kay Lyra gagawin ko ang lahat para sayo.. at kung napapagod kana " inilahad ni Light ang kamay kay Crescent na tinignan naman ng huli .

"Magpakamatay na tayong dalawa " ngiti ni Light na lalong ikinagulat ni Crescent .

"Light .. " 

"Hindi na kita iiwan dito, nasasaktan kalang hindi ba? wala ng halaga sakin ang pangarap kong mundo kung wala ka .. mas mahalaga sakin na magkasama tayo hanggang huli " hindi nawawala ang ngiti ni Light sa labi.

Ngumiti naman si Crescent at kusa ng hinawakan ang kamay ni Light na nabigla naman " Hindi kita pababayaan , handa rin akong mamatay para sayo .. natutuwa akong makita ka .. buhay kana nga .. patawad hindi ako ang gumawa niyan para sayo " 

"Sapat na sakin ang bantay mo " natawa ng mahina si Light na ikinangiti ni Crescent.

"Napansin ko siya tatlong araw na " si Light "Kung hindi ko siya napansin baka pinuntahan na kita "

Lumabas si Leo at tinakbo si Light sabay damba dito " Leo , bakit ka nagparamdam sakanya ..  "si Crescent sa tonong pinapagalitan ito , yung mata ni Leo parang nagmamakaawa kay Crescent na ikinangiti ni Light. 

" Galing siya ng Hethalia.. malapit ang lugar na'to sa Hethalia sigurado na naamoy ka niya " si Crescent .

"Sakin nalang muna siya.. hihintayin ka nalang naming magbalik " si Light, tumango naman si Crescent at naglaho na.

Si Rozen hindi mapaniwalaan ang nasaksihang tagpo , si Crescent at Light ganoon ang naging paguusap? kung ganon mali siya ng inisip tungkol kay Crescent?

"Pasensya ka na kung dito muna siya " si Light na nakangiting nilingon si Rozen habang yakap-yakap si Leo, hindi niya alam na napansin pala nito na nandoon siya kaya nginitian niya si Light.

Nabanaag niya ang kasiyahan sa mga mata ni Light, sa totoo napakarami ng rason para magalit ito kay Crescent pero nanatili itong nananahimik at hindi lumalapit kay Crescent , iniintindi nito ang mararamdaman ni Crescent maging ang lakas na ginagamit nito ay hindi nito inaabuso.

"Para kayong kambal " si Rozen ng lapitan siya ni Leo at Light.

"Mabilis siyang magalit kaya hindi ko siya dinaan sa galit , magaaway lang kaming dalawa " si Light na di nawawala ang ngiti sa labi.

"Akala ko magaaway kayo " ngiti ni Rozen sa nakikitang kasiyahan kay Light.

"Naniniwala ka'na na hindi niya ko sasaktan? kahit nagagalit na siya sa pagiging mahina ko noon hindi niya naman ako iniiwan " ngiti pa ni Light kay Rozen.

"Maaari nga kayang hinahanap niya ang labi ni Light para buhayin ito?" si Rozen sa likod ng isipan. 

" Si Lyra, hindi ko siya gustong makita, magkamukha sila ni Ceres at kung makikita ko siya na kasama si Crescent hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ayokong nakikitang ngumingiti si Crescent sa iba, nung makita ko na may dinadala siyang problema na di niya naitatago sa mga mata niya alam ko na dahil iyon sa babaeng minamahal niya ngayon " si Light.

"Maayos na sayo na may pamilya si Crescent? " si Rozen.

Umiling si Light " Kapag nagmamahal si Crescent nagiging mahina siya, sarili lang niya at ako ang iniisip niya noon.. Ngayon na may iba pa siyang pinahahalagahan at pinoprotektahan na mas mahina sakanya dumarami ang dahilan para malagay sa mapanganib na sitwasyon si Crescent " 

"Hindi ka mahina Light .. "

"Dahil kay Crescent , siya lang naman ang nagbibigay sakin ng lakas. Kung sakaling mamatay si Crescent mapupunta sakin lahat ng lakas na meron siyang kapangyarihan , ngunit hanggang ngayon naniniwala ako sa panibagong mundo na nililikha niya " 

"Paano kung mabigo siya sa kabila ng lahat? " 

" Hindi ko alam .. basta balikan nalang niya kami " mapait ang ngiti ni Light bago niya tinapik si Rozen na bumalik na sila sa loob.Minasdan ni Rozen ang likuran ni Light, walang pagkakaiba ang dalawa sa itsura.

"Saan kayo pupunta kung sakali? " hindi niya mapigil itanong, nagulat si Rozen ng maging anyong tao ang asong lobong kalapit ni Light at may bell pa ito sa leeg.

"Pababagsakin nila ang kasalukuyang Imperyo at doon itatatag ang Imperyo nila kasama ako " ngiti ni Leo kay Rozen na kung saan ay nakakuha ito ng lollipon na kinagat nito.

"Bumalik ka sa dati " natatawang binatukan ng mahina ni Light si Leo na may puting buhok na hanggang balikat.

"Naging ganito na ang itsura ko , nakakapagsalita nadin ako ng ayos.. Napakatalino talaga ni Master Crescent ! " si Leo na ang bilis magsalita at inoopen close ang kamay.

"Samantalang dati kahit ganyan ang itsura mo para kang aso kumilos" ngiti pa ni Light.

"Hayyy ! Pakainin mo'ko sasabihin ko sayo ang mga pinagdaraanan niya ngayon, kuuhhhh ! kung alam lang nila ang kapalaran nila kapag naging magkasama kayo .. daig pa nila ang nakarating sa .. " pinigil ni Leo ang sinasabi at nginitian si Rozen.

" Kilala mo rin si Lyra? " si Light ng nasa loob na sila ng kwarto ni Light at magandang kumakain si Leo na nagkakalat pa sa lapag sa dami ng inihanda dito. Magkatapatan na nakaupo si Rozen at Light sa maliit na table malapit kay Leo at umiinom ng coffee.

"Mabait si Lyra! mahal ko si Lyra! ang liit liit niya palang kasama na namin siya, nung namatay nga siya noon bilang tao umiyak ako.." si Leo,

"Maliit ? " si Rozen.

"Oo ! Inalagaan siya ni Master, natuwa kami kasi ang kulit-kulit niya " si Leo pa, napansin ni Rozen na hindi na nakangiti si Light.

" Ilang beses nang muntik sumuko si Master sa New Moon Drop  " si Leo na tumigil pagkain at tinignan si Light na hindi naman nakatingin dito kundi sa itim na itim na kulay ng kape.

"Ngunit naging matibay siya, lumakas siyang lalo at tinugis ng marami.. Akala ni Master na isa lang tao si Lyra kaya balak niyang gamitin ang Self-destruction para di na kailanganing mabuo ng New Moon Drop at mabuhay na si Master Light  kapag naglaho na si Lyra "  si Leo, 

Tumayo na si Light na ikinabigla ng dalawa.

" Ganoon kahalaga sakanya ang babaeng kasama niya" may hinanakit sa boses ni Light.Walang kumibo sa dalawa hanggang lumabas si Light ng silid.

"Bakit siya ganon " si Leo na naiiyak sa pinakitang pagkaayaw ni Light kay Lyra.

" Pagpasensyahan mo na siya, maraming pagbabago kaya marahil nahihirapan siyang tanggapin ng sobrang bilis ang lahat " si Rozen..

"Mabait si Lyra, mahal ko si Lyra , mahal ni Master si Lyra, nagbago siya dahil kay Lyra hindi na siya madalas nakakatakot! " si Leo na umiyak na ng tuluyan na parang bata.

" Hindi niya lang siguro matanggap na may iba na kayong gusto at mahal"-- Rozen

"Kahit matagal siyang nawala hindi namin siya nakalimutan! nung bumalik ang ala-ala ni Master Crescent tungkol kay Light na magkaiba sila at ang tunay na misyon niya kung bakit binubuo niya ang new moon drop na di niya alam kung para saan, ninais niyang matapos iyon ng mas maaga .. ! "

Sa sinabi nito naliwanagan na si Rozen. 

 **

 READ.VOTE.COMMENT! ^^

 -- Salamat sa suporta! *u*

Do read my other story 

   - MY DEVIL CRUSH 

and soon " ADOPTED BY THE VAMPIRE KING "  

 PROLOGUE is AVAILABLE

Continue Reading

You'll Also Like

10.7K 635 31
Hindi ako kagusto gusto, pero ikaw gustong gusto ko. Mapapansin mo kaya ako?
1.8M 42.5K 58
Eve Henderson-a troublemaker, a tricky devil, a short-hot-tempered girl, a bitch with a heart, a bullyhater, a notorious hacker, a Mafia Heiress, a r...
72.4K 3.1K 59
Born as a rouge, a child of a weak blood, raised as a fighter, broken by love, destroyed by death, and left empty with no one to rely on. Like an in...
2.8K 343 59
(Sky Light Academy Series #2) Highest rank achieved so far #1 in Engagement, #1 in Boygroup, #1 in Secret Admirer, #3 in Secret Feelings, #6 in Love...