The Guy Who Likes Me(ON-GOING)

By MarlouTemplado

10.4K 573 686

After having sex with Kalyx once, Hiro never thought na masusundan pa iyon ng isa pa na nasundan pa ng nasund... More

Prolouge
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter 15
Chapter Seventeen
Not An Update
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen

Chapter Sixteen

343 25 48
By MarlouTemplado

"I'm going to miss you so much..." Nakasimangot na sabi ni Kalyx ng ihinto niya ang kotse niya sa harap ng Bus Station kung saan ako sasakay ng Bus papuntang Batangas.

Naisipan kong umuwi na agad sa Batangas para naman masulit ko talaga ang dalawang linggong bakasyon na binigay sa amin. Miss na miss ko na kasi ang pamilya ko. Matagal-tagal ko na rin silang hindi nakikita ng personal. Makulit pa rin kaya si Happy? Miss na miss ko na talaga ang batang 'yon!

"Mamimiss din kita, Kalyx. Tawagan na lang natin madalas ang isa't isa, okay?" Pagpapagaan ko sa loob ni Kalyx. Kagabi pa kasi siyang ganyan, nakasimangot. Parang nagdadalawang-isip tuloy ako na huwag ng tumuloy sa Batangas. Pero hindi pwede, e! Mahal ko si Kalyx at gusto kong palagi siyang makasama pero miss na miss ko na talaga ang pamilya ko kaya sila muna ang uunahin ko.

"Promise?" Paninigurado ni Kalyx sa akin. Kagat-kagat pa rin ang labi.

"Promise," tinaas ko yung kanang kamay ko para mangako.

"Kiss mo nga ako," nakapout na sabi ni Kalyx.

Pinaningkitan ko siya ng mata pero hinalikan ko pa rin naman siya sa labi. Dampi lang iyon, humiwalay din agad ako sa kanya. Baka mamaya kung saan pa kami mapunta, e! Alam ko na 'yang mga galawan ni Kalyx!

"Babe..." Parang batang sabi ni Kalyx. Nakapout siya at pinapakitaan ako ng puppy eyes niya. Parang pinipigil niya talaga akong umalis.

"Kalyx naman! Huwag kang ganyan! Alam mo namang matagal ko ng hindi nakikita yung pamilya ko, diba?" Sabi ko sa kanya. Pinatapatigil ko siya sa ginagawang pang-aakit sa akin na 'wag ng umalis.

"Okay. Okay," sumeryoso na siya. "Just make sure wala kang lakandiin doon, ha." Lumapit siya sa akin at bumulong. "Gusto ko, ako lang gusto. Remember that, Hiro."

Tinulak ko siya palayo dahil sa sinabi niya. Medyo kinilabutan ako doon pero at the same time ay kinilig. Para naman siyang baliw! Sino naman ang lalandiin ko doon sa amin? Halos lahat ng mga tao doon ay kaibigan ko! Baliw!

"Oo, na! Oo, na! Baka nga ikaw pa ang lumandi dito, e!" Binalik ko sa kanya ang pang-aakusa niya sa akin. Tinaasan ko pa siya ng kilay para magmukha talaga akong hindi matutuwa kapag lumandi siya sa iba.

"Yeah, I'll probably gonna do that," sabi niya, nakangisi.

Agad akong nainis. "Gawin mo! Bahala ka nga diyan!" Magkasalubong ang kilay na sabi ko sa kanya. Akmang bubuksan ko na yung pinto ng kotse niya para lumabas pero napigilan niya agad ako.

"I'm just kidding!" Hinila niya ako paupo sa kandungan niya. Niyakap niya ako kaya pilit ko na inaalis ang kamay niyang nakayakap sa akin. Naiinis ako sa kanya! Lalandi pala siya, ha! Edi lumandi siya! Wala akong pakialam!

"Bitawan mo nga ako! Aalis na ako para makalandi ka na!" Pilit ko pa ring inaalis yung mga kamay niyang nakayakap sa akin pero hindi ko maalis ang mga iyon dahil sobrang lakas niya.

"I'm just kidding! I'm not gonna flirt with no one! Ikaw lang. Ikaw lang ang lalandiin ko," panunuyo niya sa akin. Hinigpitan niya pa ang yakap niya.

Nawala na ang inis ko. Alam ko namang binibiro niya lang ako pero maisip ko pa lang kasi na may nilalandi siyang iba ay naiinis na ako! Hmp!

"Subukan mo lang talagang lumandi hindi na ako babalik dito," sabi ko. Narinig ko siyang tumawa. Isinubsob niya pa ang mukha niya sa batok ko. Nakaramdam ako ng kakaiba sa yakap niya. Mas mainit pero nararamdaman ko pa rin yung lungkot niya.

"Kalyx, dalawang linggo lang naman, e! Pagkatapos nun magkikita na ulit tayo! Huwag kang mag-alala hindi ko kakalimutan na tawagan ka araw-araw," pagpapagaan ko na naman sa loob niya.

"I know. Nasanay lang talaga ako na palagi kitang kasama. Hindi ko na 'ata kaya na malayo sayo," sabi niya habang nakasubsob pa rin ang mukha sa batok ko.

Napabuga ako ng hangin. Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakasalikop para yakapin ako.

"Magtiis ka na lang muna, Kalyx."

"Hindi ko alam kung kaya ko," malungkot na sabi niya.

Magsasalita pa sana ako pero biglang may kumatok sa bintana ng kotse ni Kalyx. Yung mama iyon na sinabihan kong kapag dumating na yung Bus papuntang Batangas ay katukin niya yung bintana ng kotse ni Kalyx. Nandiyan na siguro ang Bus.

Pinakawalan ako ni Kalyx. Bumalik ako sa upuan ko at binaba yung bintana.

"Nandiyan na po yung Bus," sabi ni Kuya.

"Ahh...sige po Kuya. Salamat!"

Ngumiti lang yung Kuya sa akin bago umalis. Itinaas ko muli yung bintana. Tumingin ako kay Kalyx at nginitian siya. Ngumiti rin siya sa akin pero halatang napilitan lang.

"Tulungan mo ako bitbitin yung gamit ko?" Nag-aalangang sabi ko. Tumango siya tapos lumabas na kami ng kotse niya.

Nilabas namin yung mga gamit ko na nasa likod ng kotse niya tapos naglakad na kami papunta sa Bus na papuntang Batangas. Aalis na daw ang Bus kaya hindi na pwede si Kalyx sa loob kaya hanggang sa labas lang siya.

Binigay niya sa akin yung isa ko pang bag na hawak niya. Ngumiti ako sa kanya. "Bye," aniya ko, medyo nalulungkot. Niyakap ko siya tapos agad din akong humiwalay dahil nasa public place kami, ang daming tao! Nakakahiya.

"See you in two weeks!" Sabi ko.

"Yeah... See you in two weeks. Don't forget to call me," pagpapaalala niya.

"I won't," sabi ko bago umakyat na ng bus.

Sa pinakadulo ako ng bus umupo. Sa lapag ko na lang nilagay yung dalawa kong bag. Nasa may tabi ako ng bintana kaya natatanaw ko si Kalyx sa may labas. Nginitian ko siya, ngumiti naman siya pabalik. Kinuha niya yung cellphone niya at nagtipa, mayamaya lang ay biglang nagvibrate yung cellphone ko. Pagkuha ko sa cellphone ko nakita kong nag-DM siya sa akin sa instagram.

kalyxalmendras: i miss you already:(

hiroyourhero: ang oa ha

kalyxalmendras: haha but i mean it

hiroyourhero: sus

Pagkasend ng reply ko ay bigla ng umandar ang bus. Napatingin ako kay Kalyx at kinawayan siya. Kumaway din siya sa akin.

kalyxalmendras: see you in two weeks. I love you

hiroyourhero:i love you too

Lumarga na ang bus kaya umayos na ako ng upo ko. Napatingin ako sa gilid ko at nakitang may tatlong katao akong katabi. Hindi ko na sila pinagabalahan pa ng oras, nanood na lang ako ng mga videos sa tiktok para pampalipas ng oras.


Almost 2 hours ang biyahe. Sa public market ng Sto.Thomas, Batangas ako bumaba. Nag-abang ako doon ng jeep papuntang Tanauan, Batangas naman at pagkarating ko ng Tanauan ay naglakad naman ako papunta sa paradahan ng jeep kung saan sumakay na naman ako papunta naman sa lugar namin: sa Talisay, Batangas.

Halos isang oras na naman ang biyahe. Nang makita ko na yung kanto namin ay pumara na ako at bumaba. Abot langit ang ngiti ko ng makita ko sina Mama at Happy na hinihintay pala ako.

Agad na tumakbo sa akin si Happy. "Kuya!"

Niyakap ko siya nang sobrang higpit. "Ugh! Namiss kita, Bunso!" Tapos lumapit naman si Mama. "Ma!" Humiwalay ako kay Happy at si Mama naman ang niyakap.

"Tara na anak! Nagluto ako ng paborito mong adobong atay balunan!" Sabi ni Mama. Kinuha niya yung isa kong bag.

"Hala! Talaga, 'Ma? Ugh! Nagugutom na tuloy ako!"

Naglakad na kami papunta sa bahay namin. Dumidilim na, magaalas siete na kasi ng gabi. Binabati at kinakamusta ako ng mga kapitbahay at kakilala ko na nakakasalubong namin. Yung bahay namin ay paahon pa ng bundok, hindi naman sobrang taas at nasa kapatagan iyon kasama ng iba pa naming kapitbahay.

Pagdating namin sa bahay ay agad ako na sinalubong ng yakap ng dalawa ko pang kapatid na sina Heather at Hazel. Nang marinig ang ingay namin ay napalabas naman si Papa sa may kusina. Nakisali siya sa yakapan namin. Naglaban-laban kami sa pahigpitan ng yakap.

Namiss ko talaga sila!

Sa hapag ay tuwang-tuwa kami habang kumakain. Ang dami naming pinagkukwentuhan. Nanalo daw si Hazel sa singing contest sa school nila, si Heather naman ay gagraduate daw na with highest honor, at siyempre si Happy puro bukang bibig ang best friend niyang si Ethan at ang mga laro nila. Kinamusta ko naman si Papa, malakas pa naman daw siya at kayang-kaya pang gumawa ng isang libong mga bahay. Si Mama naman ay medyo nanakit na daw ang kanyang likod. Sabi ko kapag nagkapera kami dadalhin ko sila ni Papa sa hospital para magpacheck-up.

Matapos kumain ay sa may sala naman kaming lahat nagpunta. Nanood kami ng TV. Sa kalagitnaan ng panonood namin ay biglang may nanghimasok sa bahay namin.

"Hiro!"

"Best!"

Yung dalawa kong best friend. Si Gilbert at Danica. Napatayo ako mula sa pagkakaupo para lapitan sila. Nagyakap kaming tatlo habang tumatalon.

Pagkahiwalay naming tatlo ay agad ako na hinampas ni Danica sa may braso. "Hoy! Hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka! Nasurprise kami, ha!" Sabi ni Danica.

"Hoy! Sinabihan ko si Mama na sabihan kayong dalawa, ah!" Napatingin ako kay Mama. Nakagat niya ang daliri at sinabing nakalimutan niya daw.

"Si Tita talaga makakalimutin na!" Biro ni Gilbert kay Mama tapos inakbayan niya ako. "Pasalubong namin, nasaan?"

Siniko ko siya, napahiwalay siya sa akin. "Pasalubong mo mukha mo! Wala akong pera baliw! Sa susunod na lang kapag nagkapera ako!"

"Lagi ka namang walang pera, Best, eh!" Pananaray sa akin ni Danica. Sinabunutan ko siya. " Aray, ha!"

Niyaya ko sila sa loob ng kwarto ko. Doon kami nagkwentuhan. Walang nagbago kay Danica, kung anong itsura niya nung umalis ako dito ay ganoon pa rin ang itsura niya hanggang ngayon. Pandak, madaldal at panget pa rin siya! Joke!

Si Gilbert naman ay lumalaki ang katawan. Napansin ko 'yun dahil sa braso niyang putok at sa damit niyang fitted. Sabi niya ay nagwowork- out na daw siya palagi. Kaya naman pala.

"May boyfriend na ako," nahihiyang sabi ko ng tanungin ako ng dalawa kung may boyfriend na ba daw ako.

Nanlaki ang mata ni Danica. " Hoy! Legit?!" Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Oo nga!" Nilabas ko yung cellphone ko at ipinakita yung instagram ni Kalyx.

Mahinang sinampal ako ni Danica. " Ichusera! Ang gwapo masyado, Best! Hindi ako naniniwala!" Umiling-iling pa siya.

Inirapan ko sila ni Gilbert. Pinakita ko yung convo namin ni Kalyx, hindi pa rin daw sila naniniwala kaya tinawagan ko na si Kalyx through video call. Mabuti na lang at online siya.

"Hey, Babe! Nandiyan ka na sa inyo?" Agad na wika ni Kalyx ng sagutin niya ang tawag.

Tinignan ko sina Danica at tinaasan sila ng kilay. Kapwa sila nakahawak sa bibig. Napangisi ako. Ayaw niyong maniwala, ha!

"Oo. Nasaan ka?" Sagot ko kay Kalyx. Nakita kong wala siya sa condo niya.

"Just outside. Naghahanap ng food. Galing ako ng training," sabi ni Kalyx.

"Ahh. Sige mamaya na lang ulit ako tatawag," nagpaalam na ako sa kanya dahil nakita kong naglalakad siya sa hindi ko alam na lugar.

"Hmm. Okay. I miss you and I love you," sabi niya naman.

Kinilig ako at hindi siya sinagot dahil nahihiya ako kay Danica at Gilbert na pinapanood ako. " Hehe. Bye!"

Pinatay ko na yung tawag. Nagulat naman ako ng bigla akong hampas-hampasin ng unan ni Danica. Si Gilbert naman ay kinikiskis ang kamao niya sa ulo ko. Hinampas ko silang dalawa dahil nasasaktan ako. Mga mapanakit!

"Gago, Hiro! Sana all!" Sabi ni Gilbert.

"Sana all talaga! Ang gwapo ng jowa mo, Best! Umamin ka! Kinulam mo 'yun, ano?" Inikutan ko ng mata si Danica. Puro walang kabuluhan ang sinasabi niya. Hindi ba niya alam na ako lang 'to? Si Hiro lang 'to! Wala akong ginawa para magkagusto sa akin! Haha!

"Inggit pikit ka na lang, Danica," pang-aasar ni Gilbert kay Danica, tinawanan niya pa ito.

"Che! Wala ka rin namang jowa!" Singhal naman ni Danica kay Gilbert.

"Sinong may sabing wala?"

Napailing na lang ako dahil sa kanilang dalawa. Tumagal sila sa bahay hanggang alas nueve bago umalis.

Agad ko na tinawagan si Kalyx nang makaligo ako.

"Hi!"

"Hey! Kamusta? How's your family?" Tanong ni Kalyx. Topless siya.

"Ayus naman sila." Humiga ako ng patagilid.

Ganon din si Kalyx. "I miss you so much," aniya. "Parang ayaw ko na magtraining so I could go there."

"Hindi pwede! Kailangan mong magtraining. Remember malapit na yung laban mo," pagbabawal ko sa naiisip niya.

"I know," bumuntong-hininga siya. " I just miss you so so much. Ugh! I'm missing your body, Babe!"

"Che! Mantigil ka nga! Kahit sa video call ang libog mo pa rin!" Pananaray ko sa kanya. Tumawa siya.

"I have an idea!" Napabangon siya. Inilapit niya yung mukha niya sa screen.
"Let's do phone sex!"

Nagsalubong ang kilay ko. "Kalyx, ayaw ko! Lahat ka na, ha! Ang dami mong alam!"

Sumimangot siya. "Edi 'wag! But can you send me a voice message of you saying my name and moaning?"

Naguluhan ako. "Ha? Para saan?"

"So, I could jerk-off happily hearing you."


HAHAHAHA!

SO,GUYS GINAMIT KO YUNG LUGAR NAMIN! HIHI! WALA KASI AKONG ALAM NA IBANG LUGAR!

SANA NAGUSTUHAN NIYO 'TONG UPDATE. MAIIKLI LANG SIYA BUT I PROMISE TO UPDATE OFTEN!

YUN LANG!LABYU ALL! MUAH!

COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED SO CAN YOU PLEASE LEAVE A COMMENT? THANK YOUUUUUU❤️

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 100K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
380K 10.7K 40
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
1M 33.3K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
40.1K 1.5K 53
A love letter, a confession, and a blossoming heart. I got nothing to lose, only my heart to break.