Solar Academy: School for the...

By suneowara

1.4M 80.3K 12.1K

GIFTED SERIES #4 Listen to me. Hurry. Seek help. The end is near. The Goddess is here. Genre: Fantasy Languag... More

Teaser
Author's Note
SELF PUB ANNOUNCEMENT
Prologue
1. The Angel
2. Hell
3. First Commandment
4. Rouge
5. Choice
6. Spiders
7. Her guild
8. The Mission
9. Look out
10. The Sadist
11. Unseen
12. Blood type
13. The Magician
14. Absolute
15. Beast
16. Two headed dogs
17. Big shots
18. Run
19. Her
20. Two of her
20.5 Substitute
21. Her goal
22. Assurance
24. His sides
24.5 Chained by blood
25. A secret
26. Violet liquid
27. Blood and Poison
28. 3rd commandment
29. Run or Fight
30. Nyx
31. To follow an order
32. To the Solar Academy
33. Here it goes
34. Solar Academy
35. Theorist
36. What, where, when, and who
37. The Incident
37.5 The first Villain (PART 1)
37.5 The first Villain (PART 2)
38. Information
39. Principal Bora
40. The Plan
41. That Sin
42. The Sleeping Sloth
43. Her eyes
44. The Glutton
45. Preperations
46. The Town
47. The Bomb
48. Underground Association
49. Joker
50. Not a hero
51. Escape
52. The Commandments
53. Wrath
53.5 His older brother
54. Red
55. Curse
56. Empty
57. Collision
58. Trust me
59. Part of the plan
60. The God
Epilogue
Author's Note

23. Maybe because

19.3K 1.2K 134
By suneowara

Nakapako ang tingin namin sa isa't isa ni Chain.

Tumama ang sinag ng araw sa mga mata niya, dahilan kung bakit mas lalo kong nakita ang nangungusap at hindi ko mabasang mga tingin niya. "So you're telling me, you're just going to use me?" tanong niya.

Hindi ako sumagot bagkus ay tinignan ko lang siya ng sapat para maintindihan niya ang gusto kong iparating. I know that he already knows it himself.

Nagpapalitan kami ng tingin na para bang nababasa namin ang iniisip ng isa't isa. It took a couple of seconds, before he talked again.

"How bold of you to say that. . . kitten." Malambing ang pagkakasabi niya ng kitten na agad na kinanuot ng noo ko.

His personality changed again. Mula sa walang buhay niyang mga mata ay bumalik ito tulad sa no'ng una ko siyang nakilala. Bumalik ang nakaiiritang ngisi sa labi ng sadistang lalaking kaharap ko.

"Well, kung sinasabi mong malakas ka, ibig sabihin ay wala na akong kailangang gawin, hindi ba?" biglaang pag-iiba ni Chain.

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. "Huh?"

"I mean, sa oras na dinala kita sa academy, hindi ko kailangang sabihin sa mga kasama ko ang dahilan kung bakit nando'n ka at pwede ka nilang atakihin," pangunguna niya. "Dahil ang sabi mo nga, walang makakapatay sa 'yo."

Kumurba ang labi ni Chain sa isang ngisi at tinapunan ako ng malagkit na tingin. He's showing his sadistic side once again. As if he's going to enjoy seeing me being attacked by his classmates.

Napaismid ako bago tapatan ang tingin niya. "So? Daldalhin mo na 'ko sa Solar Academy?" deretsong tanong ko.

Mababa ang tingin sa akin ni Chain dahil hindi hamak na mas matangkad siya sa akin. "Yeah, you're my stray cat after all," nakangisi niyang sambit. "Atsaka gusto kong makita kung ano nga ba ang bagay na tinatago mo."

Pasimple akong napalunok nang malalim pero hindi nagbago ang ekspresyon ko. Natigilan na lang ako nang biglang inilapit ni Chain niya ang mukha niya sa akin bago dumikit sa tenga ko para bumulong. Ramdam ko ang paghinga niya sa leeg ko dahilan ng pagsitaasan ng mga balahibo ko.

"But remember this. . . I'm still going to be the one who'll kill you, kit-ten."

₪₪₪₪₪₪₪₪

Ilang oras kaming nanatali sa malaking tree house ni Kana. Hindi namin namalayan na palubog na ang araw at nagsisimula ng mag gabi. Pareho kaming nakapagdesisyon ng kasama ko na oras na para umalis kami.

"Sigurado kayong hindi niyo kailangang manatili rito ngayong gabi?" nag-aalalang sambit ni Kana. Hinatid niya kami sa labas ng pintuan ng tree house niya para makita ang pag-alis naming dalawa ni Chain.

She's back to 'that' Kana again. Ang babaeng mahinhin at malambing na bumungad sa amin ni Chain nang makarating kami rito.

It doesn't look like she remembers anything we talked about. Wala siyang alaala tungkol sa mga sinabi niya sa amin kaninang isang Kana, to be exact.

"Oo, maraming salamat ulit sa pagtulong sa amin. Hindi ko makalilimutan ang ginawa mo," muling pagpapasalamat ko sa kaniya.

Kumurba ang labi niya sa isang ngiti at tumango sa sinabi ko. Bakas sa mukha niya na may gusto siyang sabihin pero nag-aalangan siyang sabihin 'yon.

"May gusto ka bang sabihin?" marahang tanong ko.

Natigilan si Kana sa sinabi ko at nagtama ang mga tingin namin. She was about to open her mouth but she kept it shut instead. Nakangiti siyang umiling sa akin habang nakaiwas ng tingin.

I was taken aback by what she did. Hindi ko mapigilang mapaisip kung ano ang gusto niya pang sabihin sa amin.

"Kitten, hurry up," malambing na pagtawag sa akin ni Chain sa ibaba ng tree house na kinaismid ko.

"Shut up, Sadist!" iritado kong sambit sa kaniya nang sumilip ako sa baba.

Muli kong tinapunan ng tingin ang babaeng nasa pintuan ng tree house at muli akong nagpaalam. "Good bye again, Kana."

Isang ngiti na lang ang sinagot niya sa akin bago siya kumaway at panoorin akong bumaba ng tree house.

"Woi, wait. I'm going to catch-"

Hindi naituloy ni Chain ang sasabihin niya nang walang hirap kong tinalon ang itaas ng puno ng tree house nang hindi man lang ako na a-outbalance. Nakaawang ang bibig niyang nakatingin sa akin na may walang buhay na mga mata.

"What?" walang ganang tanong ko.

Napaismid siya sa akin bago maunang maglakad. It's his child side again.

Napabuntong-hininga ako bago siya sundan sa paglalakad. So far, I have seen four different sides of Chain. His childish side slash abnormal, his pervert side slash sadistang manyak, his gentleman? I guess with still a little bit of sadist side, and lastly. . . his serious sidethe greed.

Sigurado akong marami pa siyang hindi pinapakita sa akin at ayoko ng makita pa ang mga 'yon.

Naghahalo ang mga kulay sa langit dahil sa palubog na araw at nagsisimula na ring magdilim ang paligid. Nanatiling nauunang maglakad si Chain at nasa batok niya ang dalawa niyang kamay.

Hindi ko mapigilang mapaisip habang pinapanood ko siyang maglakad. He's smiling for no damn reason. Doon ko lang napagtanto, he's really irritating and that's probably enough reason for someone to hate him or even kill him.

Pero hindi ko maintindihan. . . galit ang Spiders sa mga estudyante ng Solar Academy, pero iba ang galit na meron sila kay Chain. . . parang may iba pang dahilan.

"Hey, bakit galit sa 'yo ang guild ko?" deretso kong tanong. Hindi ako nagpaligoy-ligoy pa o nagsimula ng topic at kaswal ko lang itong tinanong sa kaniya.

To my surprise, yet I already expected it, hindi nagdalawang isip na sumagot si Chain na para bang kanina pa namin topic ito.

"Hm, interesado ka na ngayon sa buhay ko, kitten? Gusto mo na bang ikasal sa akin?" nakangising sagot niya habang naglalakad at nauuna sa akin.

I winced. Malalim akong huminga at tumingin sa ibang direksyon na para bang hindi ko siya narinig. Kalilimutan ko na lang na tinanong ko ang bagay na 'yon.

Natatawang napatingin sa akin ang sadistang kasama ko at patuloy pa rin sa paglalakad.

"Bakit nga ba? Hindi ko rin alam eh. I mean, wala naman akong natatandaan na may ginawa akong masama sa kanila," inosente niyang sambit.

Nanatiling nakaharap ang mukha ko sa ibang diresksyon pero ang tingin ko ay nasa kaniya. I can see it in his eyes that he's not lying.

Malalim siyang nag-isip habang nakanguso. "Ah!"

Nabuhayan ang mga mata ni Chain nang may naalala siyang posibleng dahilan. Habang kabaliktaran ang akin. Tila bumigat ang pakiramdam ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sagot niya.

And the fact that he innocently said it, is the proof that this freaking guy is really a sadist.

"Maybe because I killed one of their members? Or. . ."

"Maybe because I'm their Guild's master's younger brother?"


Continue Reading

You'll Also Like

378K 27.9K 44
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
28.9K 2K 20
It will never be the same anymore. Mag iiba ang mundo pati na rin ang mga tao. If this is the wrath of God, no one can do anything about it. But as l...
474K 18.6K 61
【Team Alpha: Second Generation】 Book 1 | Complete "They were angels embracing the darkness"
6.1K 689 5
Tin is the perfect guy that every girl would dream of, a perfect male lead. He's good in academics and sports, kind, and has the looks. But because o...