Beauty and the Beast

hyunjiwon_sg4ever tarafından

288K 7.5K 588

Fairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to mak... Daha Fazla

Simula
#1: She's the Beauty of the Beast
#2: Flashback
#3: Ang Paglayas
#4: The Beast
#5: Yung Katabing Bahay
#6: Reality
#7: Rason
#8: Know Him Better
#9: Lumuhod?
#10: Effect
#11: Confuse
#12: Iisang Bubong
#13: 6417
#14: Three Years Ago
#15: Anino
#16: His Mom
#17: Three Hours
#18: Marry Me
#19: JAIL
#20: Celebrating Alone
#21: Beauty and the Beast
#22: Ma Femme
#23: Darryl Castro
#24: Offer
#25: Magic Words
#26: Kiss
#27: Hindi Bagay
#29: Obsession
#30: Fear
#31: Stay
#32: His Secret
#33: Surrender
#34: Under a Curse
#35: First Love
#36: Friendly Kiss
#37: Hindi Pwede
#38: Blueprint
#39: Layuan Mo
#40: Fine
#41: Totoo
#42: Tayong Dalawa
#43: Sai
#44: Anything
#45: Promise
#46: Naaalala
#47: Hate
#48: Wala Na
#49: Right Time
#50: Goodbye
Wakas
Untold #1
Untold #2

#28: Selfish

4.4K 129 6
hyunjiwon_sg4ever tarafından

Kabanata 28: Selfish

 

-Saerin Gail’s POV-

 

“Gail!” sigaw sa akin ni Asha. Nilingon ko siya at nakita ko siyang kumakaway habang tumatakbo palapit sa akin. Ngumiti naman ako at sinalubong siya hanggang sa makarating siya sa harapan ko.

“So kamusta ang party nung Sabado? Nag-enjoy ka ba dun?” tanong sa akin ni Asha. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya.

“Actually hindi ko yun na-enjoy, kilala mo naman ako di ba? Ayoko sa mga ganung party, mas masaya pa ngang umattend ng mga kids party kesa sa ganun, ang boring talaga honestly speaking” pag-aamin ko.

Boring na nga puro pa sosyalan. Mas bet ko pa yung mga party ng mga bata sa Jollibee kesa sa mga ganun.

Hindi ko pa rin makalimutan yung Alice na yun! Isa yun sa sumira ng gabi ko. Hinding-hindi ko talaga siya makakalimutan swear! Sarap bigwasan! Nakakainis!

“Sabagay,” pag-sang-ayon ni Asha. “Nga pala, may practice game mamaya sina Darryl, nood tayo ha? Andun pa naman lahat players ng school! Daming hot dun!” masiglang sabi ni Asha.

“Akala ko ba ayaw mo sa mga player?” nang-aasar na tanong ko sa kanya.

Ehem.

Double meaning.

“Nakakainis ka ha Saerin Gail!” pagbabantang tono niya. Tumawa na lang ako.

“Heto naman, di ka na mabiro. Huwag mo masyadong dibdibin yan, may likod ka pa” sabi ko at marahang tinapik-tapik yung likod niya.

“Tse! Ewan ko sa’yo!” aniya at mas binilisan pa yung lakad niya. Napailing na lang ako at sinundan siyang maglakad. “Bilisan mo nga diyan malalate pa tayo sa klase natin eh!” sigaw ni Asha kaya naman binilisan ko na yung lakad papunta sa kanya.

Sus! Lagi naman ‘tong late tapos ngayon nag-aalala siya na mala-late siya?

***

 

Naglalakad na kami ngayon papunta sa gym ng school, magsisimula na kasi yung practice game nila. Nakakapagtaka nga kasi sobrang daming pupunta ngayon doon para manuod, parang dinaig pa yung actual game.

“Bakit ang dami naman atang manunuod ngayon? Huwag na lang kaya tayong tumuloy?” mahinang bulong ko kay Asha habang nakatingin sa mga estudyanteng papasok na rin ng gym.

“Ni-reserve naman na tayo ni Darryl kaya hayaan mo na sila” bulong niya din sa akin.

“Gail!!!” biglang may tumawag sa akin at kumapit sa braso ko. Pagtingin ko ay nakita ko si Sheena. Napatingin naman kami sa kanya at nakita namin siya na nakangiting nakatingin sa amin.

“Bakit ang daming taong manunuod ngayon?” tanong ko sa kanya.

“Ahhhh, kasi magkalaban sina Jerome at Darryl ngayon, hindi ba nila nabanggit sa inyo?” hindi makapaniwalang tanong niya. Umiling naman kami pareho ni Asha.

“Wala namang sinabi si Darryl, sabi niya lang manuod lang daw kami ni Gail ng game nila ngayon” sabi ni Asha na sinang-ayunan ko naman.

“Ahhh ganun?” yun na lang ang nasabi niya at nakarating na kami sa loob ng gym.

Papunta na kami ngayon sa bleachers kung nasaan nandoon sina Darryl pero bago kami makarating dun ay dadaan muna kami kina Jerome.

“Sht! Hindi tayo pwedeng matalo dito kundi yari tayo kay Master!” sabi nung isang lalaki kay Jerome na ngayon ay nakayuko at mukhang problemado na.

“Sino ba naman kasing tanginang pumayag sa pustahang ‘to? Lahat tayo mayayari ngayon eh!” sigaw pa nung isa. Humiwalay ako kina Asha at lumapit sa kanila. Hindi naman nila napansin yung paglapit ko.

“Hindi ko matawagan si Kuya pero tinext ko na siya. Sa ngayon kailangan nating ipanalo ‘to kahit anong mangyari, hindi tayo pwedeng matalo” rinig kong sabi ni Jerome sa kanila.

Pustahan? Anong kinalaman ni Jared dito?

Magsasalita pa sana yung isa nung mapatingin sa akin yung isa nilang member at siniko si Jerome dahilan para mapatingin siya sa akin. Mukha naman siyang nagulat nung makita ako pero agad din niya itong binawi. Bahagya siyang ngumiti sa akin at lumapit.

“Manunuod ka ng game?” tanong niya sa akin. Tumango naman ako at ngumiti.

“Oo, good luck sa inyo” mahinang sabi ko sa kanila. Ngumiti naman sila sa akin pero halatang pilit lang.

“Oo, ipapanalo namin ‘tong game na ‘to para sa’yo” sabi nung isang lalaki. Tumingin ako sa kanya at ngumiti habang marahang tumatango.

“Sige, thank you” yun na lang ang nasabi ko at nagpaalam na sa kanila.

Naglakad na ulit ako papunta doon sa bleacher kung nasaan nakaupo sina Sheena at Asha kasama nung mga teammates ni Darryl na seryosong-seryosong nag-uusap. Grabe? Ganito ba kapag practice game? Hindi ba dapat seryoso lang sila kapag ibang university na yung kalaban?

“Bakit ang intense ata nila ngayon?” tanong ko kina Sheena nung umupo ako sa pagitan nila.

“Narinig ko may pustahan daw sila hindi ko lang alam kung ano, malalaman na lang daw after ng game” sabi ni Sheena habang kumukuha ng pictures.

“Ahhhhh, kaya pala intense nga sila” sabi naman ni Asha.

Napatingin na lang ako sa lugar nila Darryl at nakita kong nakatingin siya sa akin. I smiled at him and he smiled at me in return then he focused again to his teammates. Nakakakaba naman ‘to. Pareho ko pa namang kakilala yung team leader ng dalawang grupo kaya mahirap kung sino ang susuportahan ko.

Maya-maya pa ang may pumito na referee sa gitna ng court. Napatingin naman yung parehong teams sa kanya at bigla kong naramdaman yung tension sa pagitan nila.

“Hayan na! Simula na!” sigaw ni Sheena kasabay ng tilian at hiyawan ng mga tao sa buong gym.

Ang ingay grabe. Dinaig pa talaga yung actual game eh!

“Sino kaya ang mananalo sa kanila? Parehong magaling yang mga yan eh!” sigaw naman ni Asha. Ako naman ay tahimik lang na pinanuod sila. Ewan ko pero kakaiba talaga yung tension na nararamdaman ko ngayon.

-Jared Angelo’s POV-

 

Kakatapos lang ng meeting namin at ngayon ay naglalakad na ako pabalik ng opisina ko. Nung makapasok ako ay agad kong tinanggal yung business suit ko at niluwagan ang neck tie ko. Ilang araw na lang din mula ngayon ay magsisimula na yung project na gagawin ko kasama si Alice.

Kinuha ko yung phone ko na nakapatong sa mesa, hindi ko kasi ito nadala sa meeting kanina. Pagtingin ko ay marami akong natanggap na tawag galing kay Jerome. I was about to call him when I saw a text messages from him.

‘Kuya, merong practice game ngayon sa University. Nakipagpustahan sila sa amin na kapag natalo kami, sasabihin na ni Darryl yung totoo tungkol sa’yo kay Gail’

 

‘Andito si Gail ngayon, Kuya manunuod siya ng game. Sht!’

 

“Fck!” sigaw ko at agad kong kinuha yung susi ng sasakyan ko at nagmamadaling umalis ng opisina.

Kanina pa yung mga messages na yun, paniguradong nangangalahati na yung game. Putangina! Pinagpaplanuhan ko ng sabihin kay Gail lahat-lahat ng ginawa ko noon, pero bakit inuunahan nila ako?! Fck! Kung kailang maayos na kami tsaka pa mawawala lahat.

Hindi pwede. Hindi ako papayag.  

“Bro anong nangyayari bakit ka nagmamadali?” salubong sa akin ni Ethan nung pasakay na ako ng elevator.

“Malalaman na ni Gail lahat” yun lang ang sinabi ko na ikinabigla din niya.

When we reached the parking lot, we hurriedly went to my car. Umaasa ako na hindi pa huli ang lahat, handa akong aminin sa kanya ngayon ang lahat basta sa akin niya lang maririnig ang tungkol sa mga ginawa ko sa kanya. I want her to hear my explanation.

I won’t allow her to stay away from me after this.

-Saerin Gail’s POV-

 

71-72

Yun yung nakita kong score tapos ay pumito na yung referee indicating na tapos na yung game. Napaawang ang bibig naming lahat sa 3-point shot na ginawa ni Darryl kaya sila ang nanalo. Mukha namang hindi makapaniwala yung grupo ni Jerome sa nangyari.

Natahimik yung buong gym sandali pero after nun ay nagtilian na yung mga babaeng fans nila Darryl. Nagkamay na rin sila at nung makita ko sina Darryl at Jerome ay may napansin talaga akong kakaiba sa kanilang dalawa. Parang may tension sa pagitan nilang dalawa. Nag-away kaya sila?

“Wow!” hindi makapaniwalang sabi ni Asha nung lumapit na sa amin si Darryl. Si Sheena naman ay umalis na para patuloy na kumuha ng scoop. Ibabalita niya siguro ang nangyari ngayon sa game.

“Gail,” seryosong tawag sa akin ni Darryl. Hindi man lang niya pinansin halos si Asha. Bigla naman akong nakaramdam ng matinding kaba dahil sa pagtawag niya sa akin. “Let’s talk” seryosong sabi niya.

“Huh?” parehong sabi namin ni Asha. Sa akin lang nakatingin si Darryl, masyadong seryoso ang mga titig na binibigay niya sa akin. Grabe. Ayoko talagang maging seryoso ang lalaking ‘to medyo nakakatakot.

“I’m going to tell her everything, Asha” baling niya kay Asha dahilan para mapaawang ang bibig niya. Agad na hinawakan ni Asha si Darryl sa kamay.

“Darryl,” pakiusap na tono ni Asha. “Let them, please?” aniya pero tinabing ni Darryl yung kamay niya na ikinabigla namin pareho.

“Hanggang kailan niyo pa ba pagmumukhaing tanga si Gail sa harap ng Jared Montello na iyon ha?” malamig na sabi niya kay Asha. Natigilan naman siya habang ako naman ay napaawang ang bibig sa narinig ko.

Heto ba yung narinig kong usapan nila Jerome kanina?

Suddenly lahat ng confusions na binaliwala ko noon ay bumabalik sa akin. Heto na ba ang dapat kong malaman? Kung hindi ko pa malalaman kung ano ang mga tinatago nila sa akin ngayon, kailan ko pa malalaman? Kailan nila planong sabihin?

“I want to know the truth” sabi ko. 

“Okay,” sabi ni Darryl at hinawakan niya yung kamay ko.

Sinulyapan ko si Asha na nakayuko na ngayon at huminga ng malalim. Nung mag-angat siya ng tingin ay mariin niyang tinignan si Darryl tapos ay bumaling sa akin sandali tapos ay kay Darryl ulit at dismayado siyang umiling.

“You’re ruining everything, Darryl. Everything” dismayadong sabi niya kay Darryl bago niya kami talikuran at maglakad palayo sa amin.

Sinundan naman namin siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin namin. I closed my eyes and took a deep breathe before I focused again my attention to Darryl. Gaya ng kanina ay seryoso pa rin ang aura niya at mukhang desidido siyang sabihin ang balak niyang sabihin sa akin.

“Darryl…” I broke the silence.

“Three years ago, when Jared started guarding you behind your back” pagsisimula ni Darryl. Kahit na gusto kong magtanong ay pinili ko na lang na manahimik at pakinggan ang mga sasabihin niya sa akin.

Three years ago? First year college lang ako nun ah? Ibig sabihin noon pa man kilala na ako ni Jared? He’s guarding me behind my back? Pero… bakit?

“Sa loob ng mga taong yun, hindi mo nalaman na lahat ng mga lalaking tumatangkang lumapit sa’yo, para ligawan ka o kahit makipagkaibigan man lang ay hinaharangan na niya bago pa man sila makalapit sa’yo. It’s either he’ll blackmail or threaten them. He has his ways how to get rid of your boys Gail, ang gusto niya sa kanya ka mapupunta” he seriously said.

Halos tumigil yung puso ko sa pagtibok sa mga sandaling ito.

Kaya ba wala akong manliligaw for the past three years kasi hinaharangan niya na lahat? Hindi naman sa gusto kong may manligaw sa akin pero nagtaka rin talaga ako dahil mula nung mag-college ako ay wala ng nanligaw sa akin hindi tulad nung high school. Dati meron na sana akong sasagutin na guy pero bigla na lang siyang hindi nagpakita sa akin. May mga nakikilala ako na guy pero after ko silang mameet hindi ko na sila makikita o makakausap ulit.

Da-dahil ba kay Jared yun?

Nanghina akong bigla dahil sa sinabi ni Darryl. Pakiramdam ko lahat ng lakas ko ay biglang nawala, nakakapanlambot. Kaya ba nung una ko siyang makita ang dami kong nararamdamang doubts?

“Minsan pati yung ibang tao na mananakit sa’yo o makakagawa sa’yo ng mali, paparusahan niya rin. Gaya na lang ng nangyari kay Chanel, the girl who slapped you before. Ang dahilan kung bakit siya umalis sa Wiesel ay dahil sa pambablackmail sa kanya ni Jared. Siya ang may dahilan kung bakit kumalat ang isang issue na hindi naman dapat malaman ng buong school tungkol kay Chanel”

 

Naalala ko bigla yung araw na nakita ko ulit si Chanel, nung nakaraang linggo ko lang din siya nakita. Sinabi niya sa akin na si Jared daw ang may kasalanan kung bakit siya napaalis. Sinira ni Jared ang buhay niya… dahil sa akin.

Bigla kong naitakip yung dalawang kamay ko sa bibig ko at nag-uunahan ng tumulo yung mga luha. Hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman ko, nagawa ni Jared na gawin ang mga yun sa loob ng ilang taon. Niloko niya ako. He made me fall for him without knowing how beast he is. Paano niya nagawang gawin ang mga yun… ng dahil sa akin?

“Pa-paanong…” I sobbed while I’m trying to absorb everything.

“Alam ng lahat ng estudyante sa University ang tungkol sa mga plano ni Jared. Alam nilang lahat bukod sa’yo…” malamig na sabi niya na naging dahilan para madurog ng pino ang puso ko.

All my life I know that I’m being controlled but I never thought that I’m also being controlled by someone… I thought understands me.

“A-alam niyong lahat ang tungkol kay Jared?” mapait na sabi ko habang nakatingin lang ng diretso. I waited for his response but I got none. I smiled bitterly and wiped my tears.

“Tatlong taon niyo ng alam ang tungkol dito pero walang nagsabi sa akin?” mapait na tanong ko sa kanya. Tinignan ko siya kahit na nanlalabo na yung mata ko dahil sa mga luha ko.

Nakayuko lang siya at hindi nakasagot ulit sa tanong ko. I smiled bitterly again and cried harder. Itinakip ko na yung dalawang palad ko sa mukha ko at doon pa humagulgol ng iyak. Gusto kong magwala ngayon sa totoo lang. Kahit kailan pala, hindi ko pala naranasang maging malaya. Lahat sila kontrolado ako, napapasunod nila ako sa mga gusto nila. Ang dali. Grabe.

Ang sakit.

“Gail…” tawag ni Darryl sa akin. Sinubukan niyang hawakan ako pero agad kong tinabing yung kamay niya na ikinabigla niya.

Matalim ko siyang tinignan habang tumatayo ako, muntik na akong bumagsak pero inalalayan niya ulit ako pero tulad ng kanina ay agad ko ulit tinabing yung kamay niya. Muli ko na namang pinunasan yung mga luha ko at sinubukan kong humakbang palayo sa kanya, sa kanilang lahat.

Ang alam ko lang. Niloloko nila akong lahat. For three years, pinagmukha nila akong tanga.

“Gail, I’m sorry” mahinang sabi ni Darryl kaya napatigil ako sa paglalakad. Hindi ko siya hinarap at nanatili lang na nakatayo. Muli na namang bumagsak yung mga luha ko.

“Hindi ko alam kung saan ako maniniwala eh, sayo ba o sa sorry mo” mapait na sabi ko.

Now, I don’t really know where to go. Wala na akong lalapitan, mag-isa na lang ako. Dahil lahat sila, niloloko ako… lahat-lahat sila kontrolado ako.

Napansin ko naman na nakatingin na sa akin yung kabilang grupo, yung grupo nila doon. Wala doon si Jerome, pero mukhang alam nilang lahat kung anong nangyayari ngayon sa akin. I smiled bitterly again. Ang tanga mo Gail. Ikaw na pala yung pinagpupustahan nila kanina wala ka pang kamalay-malay.

Halos sabunutan ko na yung buhok ko. Gusto kong huwag ng umiyak pero hindi ko kaya.

Ang sakit sa pakiramdam na para ka lang bagay na kayang kontrolin ng mga tao sa paligid mo.

“Gail!” isang napaka-pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko.

I suddenly closed my eyes and let tears fall from my eyes. I let anger and pain control my whole being right now. Halos maikuyom ko na yung magkabilang kamay ko pero sinusubukan ko pa ring kumalma. Ayoko ng gulo, ayoko ng eskandalo o ng kahit anong ikapapahamak nilang lahat. Heto ang problema sa akin, kahit na nasasaktan na nila ako sila pa rin ang uunahin ko.

I smiled bitterly again.

“Gail, let me explain” sabi ni Jared mula sa likod ko kasabay ng paghawak niya ng mahigpit sa kamay ko. Sinubukan ko namang hatakin mula sa kanya yung kamay ko para mabitawan niya pero lalo lang humigpit yung hawak niya.

“Bitawan mo ko” I sobbed.

“No, ayoko Gail” sabi niya at mas hinatak niya pa ako palapit sa kanya. I faced him.

“Hayaan mo na lang ako, Jared, hayaan mo muna ako” hagulgol ko. Hinatak niya pa ako palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. Sinubukan kong itulak siya pero hindi ko magawa.

“Pakinggan mo naman ako Gail” nagmamakaawang sabi niya at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin. Umiling ako at sinubukang kumalas sa yakap niya pero hindi ko talaga magawa.

“Ayoko! Manloloko ka! Masama ka!” iyak ko habang hinahampas siya gamit ng kamay ko.

“Shhhhh,” pagpapatahan niya pero nangingibabaw talaga yung galit ko sa kanya.

“Let me go, please? Ayoko sa’yo!” impit na singhal ko at marahas siyang tinulak. Hindi ko alam kung nanghina ba siya kaya mabilis akong nakawala sa kanya o ano.

Tinuro ko siya habang nanghihina naman siyang nakatingin sa akin.

“Akala ko iba ka sa kanila, pero hindi mas masahol ka pa pala. Ang sama-sama mo Jared! Napaka-makasarili mo! Akala ko talaga iba ka eh…” singhal ko sa kanya.

Bigla namang bumagsak yung magkabilang balikat niya at makikita mo yung pagkabigo sa itsura niya. Nakakaawa, oo. Pero paano naman ako?

Sinubukan kong humakbang patalikod, para makalayo sa kanya. Sa ngayon, ayokong makita siya. Pakiramdam ko hindi ko kayang makita siya. Nasasaktan lang ako, at mas nasasaktan ako lalo kasi mahal ko siya. Mahal ko siya.

Halos magulat naman ako nung bigla siyang makalapit sa akin at hawakan ang kamay ko. Sinubukan ko rin ‘tong hatakin ulit sa kanya pero hindi ko na magawa. Bukod sa nanghihina na ako ay masyado rin siyang malakas.

“Hindi ako papayag na malayo ka sa akin, hindi pwede Gail” seryoso pero may halong sakit na sabi niya sa akin. I shook my head.

“I won’t let you win this time, Mr. Montello” matalim na sabi ko sa kanya na ikinabigla niya.

Hindi mo na ako makukuha, I’ll make sure of it. Kahit puso ko man lang, maingatan ko.

***

“Bitawan mo na ako!” iyak ko ng makarating kami ng unit.

Agad naman niya akong binitawan kaya mabilis akong naglakad papunta sa kwarto ko at dumiretso sa may cabinet para kunin lahat ng damit ko. I can’t stay with him. I can’t stay with a beast. Hindi ko kaya ang mga nalaman ko.

“Anong gagawin mo?” tanong niya.

Mariin akong napapikit at huminga ng malalim bago siya hinarap at sinampal dahilan para matigilan siya.

“Hindi ko kayang manatili pa rito kasama ang isang lalaking sobrang napaka-selfish na tulad mo” singhal ko sa kanya. Agad niyang hinawakan yung kamay ko na may hawak ng damit at kinuha ang mga iyon mula sa kamay ko at ibinato.

“Maayos naman natin ‘to hindi ba? Just listen to my explanation, Gail. Plano ko rin namang aminin sa’yo yung mga nangyari noon, maawa ka naman sa akin” pagmamakaawa niya.

“Jared naman! Tatlong taon na yung kinuha mo sa akin! You too controlled my life, for three years! Three years yun! Ang dami mo ng dinamay, hindi ba pwedeng tigilan mo na lang ‘to? Wala na ‘tong patutunguhan eh. Hayaan mo na lang ako, gusto kong lumayo” kahit hindi ko alam kung saan pa ako pupunta.

 

“Ano hanggang ngayon yung gusto mo pa rin yung masusunod ha?! Aba napaka-makasarili mo naman talaga Jared!”  

Hindi ko na siya inaantay na magsalita at agad akong pumunta sa banyo na nasa kwarto. Isasara ko na sana yung pinto nung masundan niya ako kaya bago ko pa masara yung pinto ay nakapasok na rin siya. Napasandal ako sa may sink.

“Iiwan mo ako?” bigo pero matalim na sabi niya sa akin. Seryoso siyang nakatingin sa akin kaya bigla akong nakaramdam ng kaba at takot. Humakbang siya palapit sa akin kaya aatras pa sana ako pero wala na pala akong aatrasan.

“Kung kailangan tumalon ako sa building na ‘to para makalayo sa’yo, gagawin ko” halos lamunin na yung boses ko nun.

Nagtangis ang panga niya at halos hintakutan ako nung maging seryoso yung aura niya, nakakatakot na aura. Isang parteng hindi ko pa nakikita kahit kailan kay Jared. Halos maiyak ako at manlula nung inangat niya yung kanang kamay niya na akmang susuntukin ako.

Inilapit niya sa akin yung mukha niya at nandun pa rin yung aurang nakakatakot sa kanya.

“Ptangina!” sigaw niya kasabay nun ay yung pagkarinig ko ng pagkabasag ng salamin sa likuran ko. Mariin akong napapikit at naiyak dahil sa biglang takot.

Halos mapaatras ulit ako nung hawakan niya yung mukha ko gamit yung kaliwa niyang kamay at punasan yung luha ko.

“Makasarili naman talaga ako di ba?” malamig na sabi niya sa akin. “Panindigan na natin” aniya at bigla siyang humiwalay sa akin. Nung imulat ko yung mata ko ay nakalabas na siya ng banyo.

Nilingon ko yung salamin na sinuntok niya at halos maiyak na lang ako nung makita ko yung pinsalang nagawa ng kamao ni Jared doon. Lumabas ako ng banyo at nakita ko siyang hinalukay yung bag ko hanggang sa makuha niya yung phone ko.

“Huwag!” halos patakbo akong lumapit sa kanya para pigilan siyang ibato yung phone ko sa may bintana ng kwarto ko pero huli na kasi naibato na niya.

Tinignan niya ako ng matalim.

“I won’t let you leave me, Gail” matalim na wika niya. Natatakot tuloy ako sa kanya ngayon. “Hindi ka pwedeng mawala sa akin, hindi ko hahayaang mangyari yun” dugtong niya pa at tinalikuran na ako at dahan-dahang humakbang papunta sa may pinto.

“Nagmahal lang naman ako kaya ko nagawa lahat yun, lahat ‘to” tumingin siya sa akin, bigo at nasasaktan ang itsura niya. Huminga siya ng malalim. “Hindi ka makakalabas dito hangga’t hindi mo ako pinapakinggan, hangga’t hindi tayo nagkakaayos” sabi niya at tuluyang lumabas at sinara yung pinto.

Nung marealize ko yung sinabi niya ay agad akong napatakbo sa may pinto at pinihit yung doorknob pero hindi na ito mabuksan. Anong nangyayari? Bakit ganito?

“Parang-awa mo na! Huwag mo ‘tong gawin sa akin Jared!” sigaw ko sabay kalampag doon sa may pinto. Halos maiyak na talaga ako.

Hindi ko alam na may possibility pala na maging ganito si Jared.

“Pakawalan mo na ako!” sigaw ko ulit.

“No, I’m sorry Gail, pero hindi kita kayang pakawalan” rinig kong sabi niya sa kabilang side ng pinto.

 

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

660K 14.7K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
697K 20.3K 67
(~WATTYS2018 WINNER~) Muntik nang himatayin si Dylan Eros dahil sa gulat pagkatapos niyang mag-over-the-bakod mula sa sarili nilang bakuran. He's sne...
144K 2.4K 63
"Hi! I'm his girlfriend kasi eh. You better back off." *reality* "Huy! Gising na! Aasa ka na naman!" Want to know the story behind her famous line...
397 107 42
GOMEZ SERIES #1 Esha, the only girl in the family used to lived in America with her family. After a years of living there she finally camed back, and...