Stay Wild, Moon Child

By alyloony

1.6M 106K 55K

Her only goal is to finish the last year of her High School life in peace. But then she met a guy who is so g... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Chapter Sixty Three
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Chapter Sixty Six
Epilogue

Chapter Ten

25.3K 1.6K 467
By alyloony

Chapter Ten

Hindi ako makapag concentrate buong klase. Hindi ko maiwasang mapatingin sa direction ni Seb. Nakatingin lang siya sa teacher habang nakapangalumbaba at parang any minute babagsak na ang mga mata nito sa antok. Ilang beses ko na rin siya nahuling nag hihikab. Tapos kukusutin ang mata. Tapos mag hihikab ulit.

Kapansin pansin ang pasa sa gilid ng labi niya.

Napabuntong hininga ako.

There's no way in hell na mag s-sorry sa akin yung mga kaklase ko out of nowhere. They hate me, I know that. So anong nangyari? Bakit bigla bigla silang nag apologize?

Naalala ko yung nakita ko si Seb na sumama sa kanila palabas ng school kahapon.

Kinausap ba niya ang mga 'yon? Nakipag away siya kaya siya may pasa? Tinakot niya?

Napa hinga ulit ako nang malalim.

If that's the case then I don't know what to feel about that. I hate violence.

Tsaka bakit niya gagawin 'yun para sa akin? Yes, lately madalas kong nakakasama si Seb, but are we even friends?

Napailing ako.

Bakit ba iniisip ko si Seb? At during class pa talaga? I hate this. Ayoko talaga na na d-distract ako sa studies. Kahit si Harold hindi ko hinahayaan mang distract sa akin---pero si Seb? Onting actions lang niya ginugulo na niya agad ang utak ko. Naiinis ako.

Wala ako halos naintindihan sa English literature subject lecture namin. Buti na lang talaga at naisipan kong mag advance study rito kaya kahit papaano eh hindi ako nahuli sa topic.

Pero nung matapos yung lecture at makaalis yung teacher, pinutahan ko agad si Seb sa desk niya. Kailangan ko siyang i-confront agad or else hindi na naman ako makakapag concentrate sa next subject.

Nilapitan ko si Seb. Nakita kong nag u-unat siya habang hihikab hikab. After mag unat, ipinatong niya ang ulo niya sa desk niya para matulog.

"Seb," tawag ko sa kanya. 'Di siya umimik at narinig kong nag hihilik na siya.

Hindi ko maiwasang mapairap.

Mas nilakasan ko ang boses ko, "Seb!!"

Hindi pa rin nagpatinag. Huminga ako nang malalim at tinapik tapik ko siya.

"Huy Seb gising naman!"

Napadilat siya. Tinigan ako nang pupungay pungay na mata niya at napangiti.

"O, Iris, bakit?" tanong niya with his kakagising lang na boses.

Muli akong napairap.

"Usap tayo," sabi ko.

"Bakit--?"

At bago pa siya maka-angal, I drag him out of the classroom.

~*~

Dinala ko si Seb sa may fire exit para makapag usap kami. Naka sandal siya sa pader habang ako naman ay nasa tapat niya at seryosong nakatingin sa kanya. Bahagya akong lumapit and I gently touch his face para tignan ang sugat sa may gilid ng labi niya.

Napatingin ako kay Seb. Nakatingin siya sa akin and he gave me a wide grin.

"Hindi ko inaasahan na aggressive ka pala," he said jokingly pero napikon ako kaya sinutok ko ang braso niya.

Napa aray naman siya at hinimas himas 'to,

"See? Aggressive," tatawa tawa niyang sabi.

"Bakit ka may pasa?" tanong ko sa kanya.

Umayos siya nang tayo, "bakit mo tinatanong? Concern ka na ba sa akin?" mapang asar pa rin niyang sabi.

Kahit kailan talaga walang katino-tino itong kausap.

"Nakita ko sumama ka doon sa mga kaklase natin kahapon."

Hindi umimik si Seb. Nakatingin lang siya sa akin, blanko ang expression sa mukha.

"Kinausap mo ba sila?"

He just gave me a shrug as an answer.

"Nakipag away ka ba sa kanila para mag sorry sila sa akin? Imposibleng mag s-sorry sila ng ganun lang. Tinakot mo ba sila?"

Napa buntong hininga si Seb and he let out a quiet laugh.

"Sakit naman non, Miss Prez. Ganyan ba ang image ko sa'yo? Basagulero?"

"Pero kasi---"

"Tanggapin mo na lang ang sorry nila," pag putol niya sa sasabihin ko. "Sincere naman ang mga 'yon."

He pat my back at iniwan niya ako sa fire exit.

Okay... pero hindi pa rin niya sinagot ang tanong ko? Bakit may pasa siya? At kinausap niya ba talaga? Anong sinabi niya sa kanila? At magtitiwala ba akong sincere ang mga yon?

~*~

Akala ko kapag kinausap ko na si Seb, hindi na magugulo isip ko. Pero doon sa sumunod na subject namin, sobrang bothered ko pa rin, at naiinis na ako sa sarili ko.

Why is this affecting me? Ano bang problema ko? Bakit hindi ko magawang tanggapin na lang ang sorry nila and take it as it is? Bakit naghahanap ako ng dahilan? Tapos pinag buntungan ko pa si Seb. Kung ano ano pa ang sinabi ko sa kanya.

Pero bakit kasi sila nag sorry sa akin?

Hindi ako sanay. Hindi ako sanay na may nag a-apologize sa akin nang hindi ko alam ang dahilan.

Dalawang subject na ang na-s-sacrifice ko dahil na naman sa pag o-overthink ko.

Hindi pwede 'to. Hindi naman ako ganito, eh. Hindi ako madaling maapektuhan.

Nagugulo na naman ang isip ko. This is bad.

Nung matapos yung second subject namin, our teacher ask me to go to the Teacher's Office para ilagay doon yung mga assignments ng kaklase ko.

I collected their notebooks at lumabas na ako. As usual, hindi na naman ako nang hingi nang tulong at wala rin naman nag offer. Wala si LJ at Chichi dahil pinatawag sila for a meeting doon sa dance club kung saan sila kasali. Si Seb naman tulog. Hindi rin ako pinapansin. Mukhang masama na naman ang loob sa akin, malamang siguro dahil sa nasabi ko sa kanya kanina.

Okay lang naman. Gusto ko rin mag lakad sa labas mag isa para naman mahimasmasan ako.

Dala yung mga notebooks, lumabas ako ng classroom papunta sa teacher's office nang biglang may humarang sa daraanan ko.

Napa-angat ang tingin ko dito and I saw Harold smiling at me.

"Ba't ka nakayuko mag lakad?" he asked. "Sige ka, mamaya may mabangga ka na naman."

Agad akong napaiwas nang tingin dahil hindi ko kayang makipag titigan sa kanya nang matagal. Pakiramdam ko para akong matutunaw.

"S-sorry."

"Let me help you with that," sabi niya at kinuha niya yung dala kong mga notebooks.

"Uy hindi okay lang! Ako na!"

"Ayos lang, papunta rin ako sa teacher's office. I'll help you with this."

Nginitian niya ulit ako. Natulala na lang ako at wala na akong ibang nagawa kundi ang mapatango sa kanya.

Sabay kami nag lakad ni Harold papunta sa teacher's office. Medyo nauuna siya nang onti sa pag lalakad at nung napansin niya yun, huminto siya para hintayin ako. Para sabay kami.

"Enjoy yung kahapon 'no?" tanong niya sa akin.

I nod as an answer. Gusto ko rin mag salita para naman hindi niya isipin na walang kwenta akong kausap but somehow, parang nawala ang boses ko. I feel conscious at parang lulundag ang puso ko dahil kausap ko siya ngayon at tinutulungan niya akong buhatin yung mga notebooks.

"Gawin ulit natin next time," sabi ni Harold. "Pag wala kaming practice sa basketball meryenda tayo. Yayain ulit natin sina LJ at Chichi. Sama rin natin si Seb."

"O-okay..." sagot ko habang nakayuko.

Napatingin ako kay Harold, nakita kong nakatingin siya sa akin at nakangiti. Then gamit yung kaliwang kamay niya, may dinukot siya sa bulsa ng pants niya at inabot sa akin.

Chocolate drink. Isang maliit na pack ng Chuckie.

"Here," sabi niya.

"B-bakit?" tanong ko naman.

"Wala lang. Sa'yo na lang," sagot nito at kinuha ko naman yung Chuckie sa kamay niya.

"Thank you."

"Let's go?" he said with a smile at nauna na siya mag lakad.

Napatingin ako sa Chuckie na nasa kamay ko at bahagya akong napangiti. Inilagay ko 'to sa bulsa ko at sumunod ako kay Harold. papunta sa teacher's office.

Nung makarating kami sa teacher's office, itinuro ko kay Harold yung desk ng teacher namin at doon niya ipinatong yung mga notebook.

"Thank you Harold," sabi ko sa kanya. "N-next time ililibre kita."

Napangiti siya and he gave me a pat on top of my head na biglang nagpalundag sa puso ko.

"Ano ka ba, wag mo nang isipin yun."

Ang hirap huminga. Why is being this close to him makes me breathless every damn time? Bakit kada galaw niya at mga sinasabi niya para akong natutunaw?

Minsan talaga nagtataka ako kung paano ko pa na-su-survive na maging ganitong kalapit kay Harold? Paano ko nagagawa na kausapin siya?

I know Harold is another distraction for me and I should prevent myself from getting this feelings deeper but I can't deny that I am enjoying this---kahit mali. Kahit alam kong hindi naman 'to makakatulong sa akin.

Sana malaman ko na kung sino yung nagugustuhan ni Harold para mapilitan na akong lumayo.

Nag lakad kami ni Harold palabas ng teacher's office. Nauuna siya sa akin mag lakad. I am, again, admiring his broad shoulders from behind and I am imagining how would it feel to be hugged by him. Just the mere thought of it gave me butterflies in my stomach.

Nung palabas na si Harold sa pinto, saktong may isang babae na papasok naman kaya nagkabanggaan sila. Dahil sa tangkad ni Harold, muntik nang matumba yung babae pero buti na lang at naalalayan siya ni Harold. He placed his arm around her shoulder for support.

"Sorry miss," sabi nito dito.

"Sorry rin," sabi nung babae. Her voice is soft and angelic.

Umayos nang tayo yung babae at doon ko lang nakita ang mukha niya.

I think she's almost the same age as us pero hindi siya estudyante rito because she's wearing a civilian cloth. A white above the knee dress and a black doll shoes.

Hindi lang boses niya ang angelic---even her face. She got long black hair, chinita, maputi, pinkish lips, and a very beautiful smile.

Napatingin ako kay Harold. Mukhang natulala siya sa babaeng nasa harap niya. Nginitian siya nito at pumasok na yung babae sa loob ng teacher's office habang si Harold, kitang kita ko kung paano niya habulin ng tingin ito.

Parang may kumurot bigla sa puso ko. Nabasag yung kilig na naramdaman ko kanina.

Wait, alam kong hiniling ko na sana malaman ko kung sino nagugustuhan ni Harold pero grabe naman ang instant naman masyado matupad ang hiling ko?

I swear, I just saw him fell in love with her with that few seconds of encounter.

At wow, masakit pala talaga? 

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 66.2K 17
Mahal kita, ikaw na best friend ko.
30.7K 289 6
The reason why I'm writing.
105K 5K 29
Saan galing ang mga kuwento? Paano pumili ng pamagat? Anu-ano ang mga story elements? Gaano kalaki ang plot? Ilan ang dapat na tauhan sa kuwento? Bak...
2.7M 52.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...