Lovely Days (Completed)

By Iam_Sorowenpein

433 4 1

Ito ang kwento ng bakasyon ni Remy. Simula pa nung bata ay wala pang karanasan si Remy tungkol sa pag-ibig la... More

Lovely : 01
Lovely : 03
Lovely : 04
Lovely : 05
Lovely : 06
Lovely : 07
Lovely : 08
Lovely : 09
Lovely : 10
Lovely : 11
Lovely : 12
Lovely : 13
Lovely : 14
Lovely : 15
Lovely : 16
Final day

Lovely : 02

31 0 0
By Iam_Sorowenpein


(Abril 05,2010 - 9:00 a.m)

Bwisit naman oh.

Sino ba itong wagas kung makakatok at umistorbo ng aking pagiging sleeping beauty?

Napansin ko na ako na lang pala kasi ang nasa bahay kaya walang sumasagot sa taong kumakatok.

Nang buksan ko ang pinto ay nagulat ako at nasabi ko nalang sa isip isip ko na ‘ bwisit nga talaga ang istorbo na ito’.

Si 'Waka' lang pala, Rigador Tapang sa totoong pangalan, pero kabaligtaran sa kanyang apelyido.

Mas malandi pa ang baklitang ito sa akin, kayumanggi ang kanyang kulay, maliit na may pagka-pango ang ilong, medyo may kakapalan ang labi na may isang bunging ngipin sa harapan, maikli lang ang buhok nito na may kahabaan ang bangs kung kaya’t nilalagyan niya ito ng clip na kulay pink.

Bongga diba?

Payat lang ito at wag ka, kung makapagsuot ng maikling short ito ay daig pa ang malalanding babae sa kanto na para namang may maakit na lalaki sa kanya.

“hay nako waka! ano bang kailangan mo at talagang inistorbo mo pa yung kasarapan ng pagtulog ko?” nasambit ko nalang.

Napangiti ito at ipinangalandakan sakin ang bungi niyang ngipin at tila ba may kundisyon ito sa akin na gusto niyang hilingin.

“Emy, samahan mo naman akong bumili sa palengke, nautusan kasi ako ni inang kalikasan na bumili ng isda eh” nagmamakaawang pakiusap ni Waka na nagawa pang mag beautiful eyes, nakakairita lang tignan eh, parang kinukumbulsyon lang.

“o siya sige, may magagawa pa ba ako eh naistorbo mo na ako, antayin mo ako at magpapalit lang ako” nasabi ko na lamang at nagtungo na sa aking kwarto upang magpalit.

Siguro naman ay okay na ang black na shorts na may mga bulaklak at itim na plain t-shirt.

Baka mamaya kasi may makita nanaman akong pogi.

Nang naka ayos na ako ay sakto naman ang pagdating ng aking lola, tila nagtataka ito kung saan ako pupunta.

“La, sasamahan ko lang ho itong makulit na baklitang to sa kanto at bibili ng isda” paalam ko sa aking lola.

“ay! Isabay mo na nga din ang pagbili ng isda at gulay na pwede nating ulamin“ utos ng aking lola at nag abot ito ng pera.

(Abril 05,2010 - 9:20 a.m)

Tinatahak naming dalawa ni Waka ang daan papuntang palengke, di naman yun kalayuan dahil apat na kanto lang ang pagitan nito mula sa aming bahay.

As usual, busy ang mga tao sa daanan, may mga naglalako, nagpupunta kung saan saan, papasok sa trabaho, mga naglilinis at ang labis na ikinagulat ko at maging nitong si Waka ay ang lalaking naliligo sa poso, si kuya Alex.

Grabe ang lalaking ito, kahit na naka shorts lang ay talagang babakat ang kung anuman ang dapat bumakat doon dahil sa pagkabasa nito, masasabing may ipagmamalaki naman talaga siya.

si kuya Alex ay 24 years old, matangkad, mga 5’11”, Moreno, maganda ang built ng katawan (yun bang may pagkapayat ng kaunti pero defined yung abs), may pagkatangos ang ilong, may pagkabilugan ang mata, wagas kung ngumiti at semi-kalbo ang buhok na siya namang bagay sa kanya na animo’y nakadagdag pa ito ng kanyang sex appeal na akala mo isang pornstar.

Yun nga lang, sad to say, may asawa na ito at di na pwedeng pag pantasyahan pa.

Although di pa sila nagkakaroon ng anak ng asawa niya sa tagal nilang nagsasama.

Parang may problema kasi ata yung sa part nung asawa niya kaya di sila magkaanak, base sa mga chismis na nakalap ko ha?

Patay na patay si Waka sa lalaking ito at wala daw siyang pakialam kahit may asawa na ito.

Gusto lang naman daw niya itong tikman.

Ano? pagkain lang? ganern?

Na kahit mahuli pa sila at ipa-face to face pa siya ng asawa nito ay keri lang  daw, ang importante ay malasap niya daw ang saging ni Adan.

Pero diba mansanas yun?

Ewan ko dito kay Waka, baliw lang ang peg.

Minsan nga, may araw na nilalandi ito ni Waka pag natitiyempuhan niya ito sa tindahan o kaya naman pag nakatambay lang kaya, masasabi kong medyo close na din silang dalawa.

Binati ito ni Waka at kinawayan pa, na may abot sa tenga na ngiti at walang hiya na ipangalandakan ang isang bungi sa kanyang ipin.

Tinugon din naman iyon ni kuya Alex ng matamis na ngiti na halos ikahimatay nitong si Waka na paarte arte pa na napapakapit sa akin dahil sa sobrang pagkilig.

Sarap ihulog sa kanal kung maka arte eh.

Syempre dedma lang ako, kahit pa nabighani din ako sa kakisigan at sex appeal ni kuya Alex ay ininda ko nalang dahil nga may asawa na itong lalaking ito.

(Abril 05,2010 - 9:45 a.m)

Nang makarating kami sa palengke ay  hele-helera ang mga stall na nagtitinda ng gulay, isda, karne at kung anu ano pang pagkain.

Agad namang umagaw sa amin ng pansin ang pagtawa ng isang malaki at matabang bakla na si ‘Pinky’.

Mahilig kasi ang bakala na ito sa kulay pink, hindi mo nga aakalain na ang pangalan nito ay Juan Andres Bonifacio.

Kawindang diba?

Hapit na hapit ito sa kanyang suot na pink na sleeveless blouse at pink na maikling maong shorts, nagmistulan tuloy siyang pink na suman eh.

May pink na eyeshadow at lipstick pa with matching na mga pink na borloloy sa katawan eh magtitinda lang naman siya ng mga karne at isda, kala mo ay rarampa kung saan.

“Dito na kayo bumili at sariwang sariwa pa ang mga tinda ko, kasing sariwa ko siyempre” pang uudyok ni Pinky.

Bigla tuloy akong napaisip dun sa part na sariwa.

Kung kasing sariwa lang pala niya ang mga paninda niya eh sa iba na lang ako bibili.

Pero syempre dahil kaibigan namin ang isang ito ay wala naman akong magagawa kundi dito bumili.

Sino pa ba ang mag susuportahan eh di kaming magkakaibigan lang din naman diba?

Kaya nanghingi nalang kami ng discount nitong si Waka na busy-busyhan sa kakasulyap sa mga lalaking walang pantaas na damit dumadaan o di kaya’y nagbubuhat ng mga paninda nila.

Tila bang ang sarap ingudngud nitong impaktong ito sa mga paninda ni Pinky para makapamili na agad.

Di pa ba siya nabusog sa kakatitig kay kuya Alex kanina?

“Bilisan mo na kaya sa pagpili ng bibilhin baka mapagkamalan ka pa ng mga sinusulyapan mo na isa kang janitor fish na napadpad dito” sabi ko nalang kay Waka para matauhan.

“eto naman, grabe ka friend, ninanamnam ko lang naman ang mga sariwang isda sa paligid” Paliwanag ni Waka na may ningning sa kanyang mga mata.

“hay naku Waka! Etong mga isda ko ang sariwain mo, mas fresh yan sa mga tinitignan mong fafa” dagdag nalang ni Pinky na natatawa sa pinag gagawa ni Waka.

Namili nalang ako ng isang bangus na tama lang ang laki at si Waka naman ay mga apat na tilapia.

Matapos noon ay nagpaalam na kami kay Pinky dahil sa bibili pa ako ng gulay.

Napadaan naman kami sa stall nila Jeremy, crush ko din itong lalaking ito kaya lang ay may girlfriend na.

22 years old na ito at maganda ang built ng katawan dahil na din sa batak sa trabaho kakabuhat ng sako sako nilang mga gulay, may kaitiman ng konti dahil bilad sa araw, matangos ang ilong na may manipis na bigote sa taas ng manipis na labi, Mahilig itong magsumbrero kaya tago ang maikling buhok na may kaunting pagkakulot, may pagka pakboy ang datingan at may tangkad ito na 5’9”.

Palibhasa ay alam nito ni Waka na may gusto ako kay Jeremy ay inaasar asar ako nitong echuserang palakang ito..

“Pili ka lang dyan Remy at sariwang sariwa lahat yan” bigkas ni Jeremy na sinabayan pa ng nakahuhumaling na ngiti.

Ewan ko ba parang nagpapacharming pa ata itong si Jeremy para bumili lang ako.

May pagka Echosero din eh no?

Kahit naman hindi sariwa ang paninda niya ay parang nagiging sariwa na din pag sya ang nagbebenta eh.

Gumagana na naman ang pagkalandi meter ko, pasensya na po.

Habang namimili ako ng gulay ay nagpaalam si Waka na may bibilhin saglit sa kabilang stall.

Hmm.. if I know nakakita lang yan ng gwapong lalaki na may magandang katawan at gusto lang niyang makipagkilala.

Bahala nga siya.

Kaya nagpatuloy lang ako sa pagpili ng mga gulay.

Pero napansin ko na walang talong na stock si Jeremy, naisip ko kasi na masarap ang tortang talong eh.

Kaya naitanong ko kay Jeremy kung meron pa siyang stock ng talong.

“naku Remy nahuli ka na at naubos na, isa na lang ang talong na meron ako eh” tugon ni Jeremy na labis kong ikinagulat kung anong talong iyon.

Nakita ko na lamang ang kamay niya na inihawak niya sa gitna ng shorts niya.

Ang bastos nemen po.

Charot!!

Tila ba uusok ang ilong ko at bigla nalang sisirit ang dugo ko sa pinag gagagawa nitong si Jeremy eh.

Wag ganun, Virgin pa me,.

Namula ako ng todo dahil sa hiya at napayuko na lamang.

“ ikaw talaga Jeremy, puro ka kalokohan” pabebe kong sabi sakanya na hindi masyadong nagpahalata na nagustuhan ko din naman ang tanawin na iyon.

“sus, nagustuhan mo naman” medyo mahina niyang pagkakasabi sabay tawa ng mahina.

Tse! kung di ka lang talaga pogi at hot eh, makukurot talaga kita sa singit.

Habang sinisipat ko ng maigi ang ibang gulay, dahil no choice na ako kundi mamili ng iba, ay may tinawag si Jeremy na agad namang nagpunta diretso sa kanyang stall.

“Tol, ano? ok ka na ba?" Tanong ni Jeremy sa lalaki, kaibigan niya ata.

Di ko pinansin dahil busy ako sa pamimili, anong petsa na din kasi at malapit ng magtanghalian.

Pero dahil sa kuryosidad ay sinipat ko na din kung sino ang kaibigang lalaki nitong si Jeremy.

Malay natin baka pogi din diba?

Nang titigan ko kung sino ang lalaking ito ay sa pagkagulat ko nabitawan ko ang carrot na hawak hawak ko,

“ I-i-i-ikaw?”

ITUTULOY.....

Continue Reading

You'll Also Like

90.1M 2.9M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...
1.3M 31K 64
"Love is like war,easy to begin but very hard to stop." Alastair Gray McKlein- a wealthy young-man guy with an epitome of God except to his personali...
369K 551 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
226M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...