The Guy Who Likes Me(ON-GOING)

By MarlouTemplado

10.4K 573 686

After having sex with Kalyx once, Hiro never thought na masusundan pa iyon ng isa pa na nasundan pa ng nasund... More

Prolouge
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter 15
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Not An Update
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen

Chapter Twelve

308 23 23
By MarlouTemplado

"Pakshet, Pare! Yung kaklase nating si Hiro? Para talagang babae, 'no? Tangina libog na libog ako sa kanya kanina nung umupo siya sa kaharap kong upuan!"

"Oo nga, Pare! Tangina hindi ako bakla pero magpapakabakla ako matikman ko lang siya! "

" Tangina ako din! Susubukan kong ayain kapag ayaw idadaan ko sa sapilitan! "

Nagpantig ang tenga ni Kalyx nang marinig niya ang pag-uusap ng mga lalaking iyon. Nasa may likod na bahagi sila ng university. Nandoon si Kalyx para manigarilyo dahil break time naman niya. Hindi niya kilala ang tatlong lalaking iyon pero wala siyang balak na kilalanin pa ang mga ito lalo na ng marinig niya ang pinagsasabi ng mga ito tungkol kay Hiro.

Kalyx was fuming mad. Mabibigat ang mga paa na tinungo niya ang pwesto nung tatlong lalaki. Nagulat ang mga ito ng agad niyang ambahan ng suntok yung lalaking nagsabing idadaan daw nito sa sapilitan si Hiro kapag hindi ito pumayag sa balak nito.

Agad naman na rumesponde yung dalawa pang lalaki at hinuli siya ng mga ito. Bumangon mula sa pagkakatumba yung lalaking nasuntok ni Kalyx at agad siya nitong binawian ng suntok sa mukha. Mas lalong nagalit si Kalyx kaya ginamit niya ang lakas niya para makawala mula sa pagkakahuli sa kanya nung dalawa pang lalaki. Nang makawala siya mula sa mga ito ay sinipa niya sa tiyan yung unang lalaki tapos ay doon naman sa dalawa pang lalaki niya naman binaling ang kanyang galit. Mayamaya lang ay nakahilata na ang mga ito sa lapag.

Nagulat si Kalyx nang paglingon niya sa gilid niya ay nandoon si Hiro. Hindi pa rin nawawala ang galit niya dahil sa tatlong lalaking iyon kaya nang tapunan niya ng tingin si Hiro ay masamang tingin niya ang nasalo nito.

Kita niya ang takot sa mata ni Hiro kaya naisipan na niyang umalis doon. He walked pass Hiro pero saglit na tumigil siya nang nasa harap na niya ito. Gusto niya itong kausapin pero hindi niya talaga mahanap ang mga salita.

'Fuck!'

Sa huli ay naglakad na lang siya paalis ng may panghihinayang. He just wasted another chance para kausapin si Hiro. Kalyx didn't know why he can't find the courage to talk to Hiro. Bakit hindi niya kayang kausapin ito? Anong problema?


"Kalyx, my man!" Bati ng kaibigan ni Kalyx na si Jackson sa kanya after niyang bumaba ng kotse niya.

"Anong meron at bigla kang nag-aya ng inuman?" Sabi naman ni Noel.

"Nakalimutan mo na ba, Noel? Our Kalyx is in love! At dito sa Bar na 'to nagtatrabaho yung babae na 'yun!" Entrada naman ni Kevin na binatukan pa si Noel.

As usual ay binigyan lang ni Kalyx ng cold shoulder ang mga kaibigan. Nauna na siyang maglakad papasok sa Bar na pinagtatrabahuhan ni Hiro. Sanay na naman ang mga kaibigan niya sa ganoon niyang ugali. Hindi naman tatagal ng 15 years ang pagkakaibigan nila kung hindi pa nasanay ang mga ito sa kalamigan niya.

Pagpasok nila sa Bar ay naghanap sila ng bakanteng table. Swerte naman at may nahanap pa sila dahil marami ng tao sa loob ng bar. Nang makaupo sila ay agad na sinuyod ni Kalyx ang buong bar para hanapin si Hiro. Nahirapan siyang hanapin ito dahil sa dami ng tao pero namataan niya pa rin naman si Hiro.

May dala-dala itong apat na bucket na beer at isinerb nito iyon sa isa mga table. Nang masigurado ni Kalyx na tapos na ni Hiro na magserve sa table na iyon ay agad niya itong tinawag. Mabuti na lang at narinig siya nito kaya agad ito na tumungo sa table nilang magkakaibigan.

"Tell him your order," sabi ni Kalyx sa mga kaibigan nung naglalakad na papunta sa table nila si Kalyx. As usual hindi niya pa rin kaya na kausapin si Hiro. May kung ano kasi talaga sa lalaki na nagpapawala ng mga salita mula sa bibig niya.

He just stared at Hiro nung kausapin nito ang mga kaibigan tungkol sa order nila. Hiro was really beautiful. He really looks like a woman, a very pretty and hot woman. No wonder na nahulog siya dito at pinagnanasaan ito ng ibang mga lalaki kagaya ng tatlong lalaki kanina. He gritted his teeth dahil sa isiping may iba pang mga lalaki ang naghahangad kay Hiro. He wanted Hiro. Sa kanya lang ito. And soon he would really be his. He just  needs the courage.

Nang makaalis si Hiro ay agad siya na pinuyog ng tanong ng mga kaibigan.

"Bruh, where's the girl?" Said Noel looking around the bar trying to find the girl na nagugustuhan daw ni Kalyx.

"Yeah, Kalyx, ituro mo naman sa amin! Is she really that pretty na naging instant stalker ka pa?" Sabi naman ni Jackson na sinamahan pa ng nang-aasar na tawa at ngiti.

"Oo nga!" Pagsegunda naman ni Kevin. Binigyan din nito si Kalyx ng mapang-asar na ngiti.

Sumandal si Kalyx si inuupan. He crossed his arms tapos inilayo niya ang tingin sa mga kaibigan bago sabihing "You just met him."

"Ha?" Sabay na sabi ni Kevin at Noel.

"Wait what? 'Him'?" Puna naman ni Jackson.

Binigyan siya ng naguguluhang tingin ng mga kaibigan niya. Huminga lang ng malalim si Kalyx dahil tinamad siyang magpaliwanag sa mga kaibigan niya.

"So you mean... The person that you like is...him!" Sabay- sabay na sabi nung tatlo sabay tingin ng mga ito kay Hiro na naglalakad na pabalik sa table nila para iserve ang kanilang order.

Huminga muli ng malalim si Kalyx tapos nag-iwas na naman siya ng tingin sa mga kaibigan.

"Ito na po ang order niyo, Sir," sabi ni Hiro bago nito inilapag ang order nila.

Napatingin si Kalyx kay Hiro, nakatingin din ito sa kanya then Hiro gave him a smile. Napaiwas ng tingin si Kalyx tapos nakaramdam siya ng kung ano sa dibdib niya. Parang may lumulutang na malambot na kung ano doon. Hindi niya maipaliwanag yung pakiramdam pero masarap iyon at dahil lamang iyon sa ngiti ni Hiro.

Mayamaya lang ay nagpaalam na si Hiro na aalis na ito. Tsaka lamang ibinalik ni Kalyx ang tingin sa mga kaibigan. Kinunutan niya ang nga ito ng nuo dahil sa mukha ng mga ito na tila hindi makapaniwala.

"Damn! Lalaki pala 'yun?" Nakatulalang sabi ni Kevin.

Napatango naman si Jackson at Noel na kapwa nakatulala din bilang pagsang-ayon kay Kevin. Napabusangot lamang si Kalyx dahil sa mga kaibigan.

Tumagal ang mga ito ng ganoon hanggang sa maproseso na ng utak ng mga ito ang nasaksihan.

Agad na umentrada si Jackson. "Gago ka, Kalyx! Kaya pala in love na in love ka! Lalaki talaga 'yun?"

" Yes," sagot ni Kalyx.

" Nanliligaw ka na ba 'dun?" Si Noel.

" Not yet."

" Hindi pa? So pwede pa kita unahan," si Noel ulit na inaasar si Kalyx.

" Fuck you! His mine! Baka gusto mong ipaputol ko 'yang manoy mo!" Singhal ni Kalyx kay Noel.

Tinawanan lang siya ng kaibigan.

Tumabi naman sa kanya si Kevin tapos inakbayan siya nito. " Bruh, I just wanted to ask, are you gay?" Seryosong tanong nito.Pati si Jackson at Noel ay bigla ring napaseryoso.

"I don't know," sagot ni Kalyx sabay kibit ng kanyang balikat.

Yung totoo hindi niya talaga alam kung ano na siya ngayon. He's straight pero dahil kay Hiro pati kasarian niya nagulo na. Hiro really just ruined his entire life the good way.

"Dude, wala kaming pake wether you're gay or whatever. We're still your friends no matter what," sabi ni Noel .

" Yeah, Dude! At kung ako sa'yo ligawan mo 'yun baka maunahan ka pa namin," sabi naman ni Jackson sabay bulalas ng tawa.

" Fuck you!" Inis na sabi ni Kalyx.

Pero yung totoo he's happy. He's got amazing friends. Sinusuportahan pa siya ng mga ito sa desisyon niya at hindi siya kinamuhian ng mga ito dahil nagkagusto siya kay Hiro. Nagsisisi pa nga siya na ipinakilala niya si Hiro sa mga ito. Mukhang nadgdagan pa tuloy ang mga lalaking kaagaw niya kay Hiro.

After that they started drinking together. Marami silang pinaguusapan pero palagi pa ring nakasunod ang tingin ni Kalyx kay Hiro. At hindi pang pala siya yung nakasunod dito maging ang iba pang nga lalaking nandoon. Naiinis siya. Parang gusto niyang pagsusuntukin yung mga lalaking iyon.

'Damn!'

Pero wala siyang magawa kundi ang magmukmok lang sa kinauupuan. He wanted Hiro to be his so bad pero hanggang ngayon hindi pa rin siya gumagawa ng paraan para mapasakanya ito. Hanggang ngayon naduduwag pa rin siya. Tangina! Bigla siyang naging torpe dahil kay Hiro.

Agad na naalerto si Kalyx nang makita niyang tila nagagalit kay Hiro yung isang lasing. Agad niya na tinahak ang pwesto nina Hiro nang makita niya ang takot sa mata nito. Mabuti na lamang at mabilis siya kaya nang akmang ihahampas nung lalaking lasing yung bote kay Hiro ay nasalo niya ito gamit ang kanyang kamay.

Nakapikit si Hiro na tila inaabangan ang pagtama ng bote sa ulo niya pero nang magtaka ito na wala pang bote ang tumatama sa kanya ay napamulat ito ng mata at nasalubong nito ang nagngangalit na mga mata ni Kalyx.

"Ang alak pare dinadala sa tiyan hindi sa ulo. Pati 'tong waiter na nagtatrabaho ng maayos ginugulo mo," sabi ni Kalyx doon sa lasing.

"Pakialamero ka, ah! Baka gusto mo sayo ko 'to ihampas!" Aniya ng lasing kay Kalyx sabay subok nito na alisin mula sa pagkakahuli ang kamay sa kamay ni Kalyx.

" Hindi ako pumapatol sa lasing pero dapat siguro matulog ka na," sabi naman ni Kalyx na nagpipigil ng galit bago niya inihampas sa ulo ng lasing ang hawak nitong bote. Natumba yung lasing at tila nakatulog nga.

Pero agad na rumesponde yung kasama nung lasing at pinagtulungan ng mga ito si Kalyx. Ngunit dahil sa lasing na lasing na nga ang mga ito ay agad lang na napatumba ni Kalyx ang mga ito. Pagkatapos ay napatingin siya kay Hiro. Nakatulala ito dahil sa nangyare. Kalyx feel ashamed of his self. Paano kung kagaya ng Daddy niya ay isipin rin ni Hiro na puro basag ulo lang siya lalo na at nakita rin siya nito na nakikipagsuntukan sa iba pang mga lalaki kaninang umaga. But he only beat those guys dahil kay Hiro. If only he could explain it to him. But damn, pagdating kay Hiro naduduwag siya.

Agad na nilisan ni Kalyx yung bar. Nasa may parking lot na siya nang marinig niyang may tumawag sa kanya. Paglingon niya it was Hiro! Nagulat siya.

"What?" Masungit na sabi niya dito. 'Fuck!' napamura siya sa isip niya dahil sa hindi niya alam na dahilan kung bakit niya ito sinusungitan.

Hingal na hingal si Hiro. Natigil ito sa tanong niya at tila nag-isip pa ng isasagot. Mayamaya lang ay napatingin ito sa mga labi ni Kalyx.

"Um, kasi yung labi mo nagdudugo. Gusto ko sana gamutin," nag-aalangang sabi sa kanya ni Hiro.

'Fuck!' napamura ulit si Kalyx sa isip niya. Hiro was so cute nang sabihin nito ang katagang iyon. Parang gusto tuloy ni Kalyx na pigain ng yakap si Hiro.

"I can take care of it," masungit ulit na sabi niya kay Hiro bago niya ito tinalikuran. Natotorpe siya kay Hiro kay siguro ay nasusungitan niya ito.

Nagdalawang isip pa si Kalyx kung maglalakad na ba siya palayo. Mabuti na lamang at agad na nagpunta sa harapan niya si Hiro.

"Pero dahil sa akin kaya 'yan nagdugo! Please hayaan mo ako na gamutin 'yan?" Pamimilit pa ni Hiro sa kanya.

Kalyx felt butterflies in his stomach. Fuck! Nag-aalala ba si Hiro sa kanya? Kalyx tightened his jaw para magpigil ng ngiti.

"Follow me," sabi niya na lang habang nakaiwas ng tingin tapos ay naglakad siya papunta sa kotse niya. Nakasunod naman sa kanya si Hiro.

Pagpasok nila ng kotse niya ay kinuha niya yung first aid kit niya tapos ay iniabot niya ito kay Hiro. Hiro was smiling kaya napaiwas ng tingin si Kalyx. Para kasing nagdidiwang sa tuwa ang puso niya.

Finally, nalapitan niya na ulit si Hiro! And he feel braver now. Hindi niya nga lang kaya pang makipag-eye-to-eye kay Hiro. Pakiramdam niya kasi ay natutunaw siya.

Nang mahuli siya ni Hiro na nakatitig siya dito habang naglakagay ito ng betadine sa bulak ay agad siya na napaiwas ng tingin.

"Gagamutin ko na yung sugat mo ,ah," paalam ni Hiro sa kanya.

Tumango lang siya. Then suddenly naramdaman na niya yung pagdampi ng bulak sa sugat sa labi niya. Naglakas ng loob si Kalyx na tumingin kay Hiro. Sobrang lapit ng mukha ni sa isa't isa. Seryosong s-seryoso ito sa paggamot sa sugat niya. Natutuwa siya. How he wanted to be that close kay Hiro.

Nahuli siya ulit nitong nakatingin kaya napaiwas na naman siya ng tingin.

"Yan tapos na," sabi ni Hiro bago ito lumayo sa kanya. Parang nakahinga na ulit si Kalyx.

"Thanks," sabi niya lang.

"Ako nga ang dapat magpasalamat sayo kasi kung hindi mo ako tinulungan baka ako na yung nakahilata sa lapag ngayon," sinserong sabi ni Hiro sa kanya. Naglakas loob ulit si Kalyx na tumingin kay Hiro kaya nakita niya itong nakangiti. His heart melted. Damn that smile!

"Ako nga pala si Hiro. Ikaw, anong pangalan mo?" Sabi nito.

" I'm Kalyx," sagot ni Kalyx.

" Hmm," aniya ni Hiro. " Sige alis na ako. Magpapaliwanag pa ako sa manager ko. Thank you ulit," sabi nito bago lumabas ng kotse niya.

Kalyx didn't want Hiro to leave. Gusto pa niya itong makausap at makasama. Pero wala,e. Pagdating kay Hiro natotorpe siya.

Kalyx just smiled nang lingunin pa siya ni Hiro at kumaway pa ito.

" Damn..."


HAYSSS KALYX! GUYS ANONG TINGIN NIYO KAY KALYX NGAYON? NALILITO NA BA KAYO SA TAKBO NG KWENTO? SANA HINDI:(

BTW MARAMI TALAGANG SALAMAT SA INYONG LAHAT! MALAPIT NA PO TAYO MAKAABOT SA 1K READS😭AT DAHIL YUN SA INYO! I LOVE YOU ALL😭❤️

COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED SO CAN YOU PLEASE LEAVE A COMMENT? THANK YOUUUUU❤️






Continue Reading

You'll Also Like

230K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
854K 39.3K 32
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...