Crown 2: Fall Into Me

By RoviMochizuki

115K 3.6K 154

Highest achievement: Rank #189 in Romance Category (CROWN - Book 2) Scholarship, iyon lang talaga ang habol n... More

Fall Into Me
Chapter One √
Chapter Two √
Chapter Three √
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
A Minute For Silence
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty (Finale)
Mochi's Note

Chapter Four

5.9K 165 2
By RoviMochizuki

     ISANG linggo rin ang lumipas at marami na agad ang nagbago sa buhay ko. Like for example, kaibigan ko na si Horen at ang kaibigan at roommate nitong si Mikel. Lagi kong kasama ang dalawa. Parang hindi na nga kami mapaghiwalay e. Masaya naman kasi sila kasama.

    Isa rin sa malaking pagbabago sa buhay ko ay noong ma-elect akong Ace ng Diamonds dahil na rin kay Horen. Kaya bilang ganti, ni-nominate ko siya bilang King ko at si Mikel naman bilang Jack. Which is I don't know if I was right nominating them in the first place. Naririndi na ako sa 'I love you' nilang parang hello kung isigaw nila publicly. Sanay na talaga sila na gano'n.

    At sa isang linggong iyon, hindi pa rin nagkukrus ang landas namin noong mokong na laglag sa puno. Kahit anong paggagala ko sa Crown e wala talaga. Hindi ko rin alam kung bakit ko pa ba iyon hinahanap.

    "Lalim a?!"

    Nalingunan ko ang nakangiting si Horen kasama ang nakapamulsang si Mikel. Nginitian ko ang dalawa. Agad naman itong lumapit sa akin at tumabi sa pagkakaupo ko sa gilid ng swimming pool.

    "Kanina ka pa namin hinahanap. Nandito ka lang pala," himutok kaagad ni Horen pagkaupo sa tabi ko. "Ano bang ginagawa mo dito?"

    "Wala," sagot ko rito. "Gusto ko lang makapag-relax. Just that water helps me calm."

    "Bakit ngayong madaling araw pa? Pwede namang hapon na lang."

    "Relaxing din kasi iyong stars," muli kong sagot. "I wonder, ilang love stories na kaya ang na-witness nila?"

    Napansin kong nagkatinginan muna ang dalawa bago tumingin sa langit.

    "We can't tell," sagot ni Mikel.

    "Maybe billions, right?" tanong ko uli.

    Hindi sumagot ang dalawa. Nanatili lang kaming tahimik bago ako tumayo.

    "Tara na. Lumalamig na," aya ko sa mga ito.

    "I don't expect that you are a deep person."

    Nginitian ko lang si Horen sa komento niya sa akin. Tumalikod na ako at nauna sa paglalakad.

    MAAGA akong gumising kahit na puyat ako. Magkakaroon kasi ng meeting ang mga Aces ng Crown. Hindi ko alam kung para saan pero kailangan daw naming pumunta. Kung ako naman kasi ang tatanungin, mas gusto kong magkulong sa kwarto ko at matulog.

    Tamad akong pumunta sa banyo at naligo. Pinagsisihan ko pa ngang binuhos ko agad ang tubig sa katawan ko. Sobrang lamig pala.

    Nag-ayos ako at pagkatapos ay pumunta na sa Principal's Office. Sa hallway ay nakasabay ko ang isang lalaki na naka-red na long-sleeved polo at black na slacks. Masyado naman itong pormal. Blue t-shirt lang kasi ang suot ko at khaki pants lang na brown.

    Nginitian ko ito pero walang emosyong tumingin ito sa akin. Lumiko na ito papunta sa way ng Principal's Office, iniwan akong napahiya. Walang 'yang lalaki iyon! Bastos!

    Padabog akong nagpatuloy sa paglalakad. Nakanguso pa ako dahil sa inis. Actually pinapatay ko na nga iyong antipatikong lalaking iyon sa utak ko.

    Pinapatay ko pa rin sa utak ko si Mr. Red nang mabangga ako sa kung anong matigas. Napadaing pa talaga ako sa sakit. Nang mag-angat ako ng tingin ay napapalatak ako. Bakit? Isang puting pader kasi ang sinasabi kong matigas na nabangga ko. Akala ko kung ano.

    "Lapitin ka talaga ng malas."

    Nilingon ko ang nagsalita at halos maputol ang dila ko nang makita ko ang mokong na nalaglag sa puno dahil sa katangahan niya. He is confidently smiling and standing there wearing a yellow polo shirt. At sa hindi malamang dahilan ay nakain ko ang dila ko. Gusto kong magsalita, pero ano nga ba ang gusto kong sabihin? Actually marami pero hindi ko alam kung saan magsisimula.

    Kung mataranta naman ako, parang ex ang dating ko. At wala akong balak maging ex niya dahil hinding hindi ako papatol sa isang lalaki.

    "Natatandaan mo pa ba ako?" kunot-noong tanong niya nang hindi ako sumagot sa pagpuna niya sa kamalasan at katangahang nagaganap sa akin.

    Huminga muna ako ng malalim to gain back my composure bago sumagot.

    "Oo naman. Paano kita makakalimutan?" E ang tagal ko ngang naghintay na dumating ang pagkakataong ito. "Ikaw lang naman ang halos bumali ng likod ko." At halos magbigay sa akin ng heart attack.

    Nahihiya naman siyang ngumiti sa akin at nagkamot ng batok. Nagulat na lang kami nang may bumangga sa nakataas niyang braso.

    "H'wag ka kasing paharang-harang diyan. Pwede kang tumabi," mayabang na sabi pa ng naka-green jacket na nakabangga. Agad din naman itong nagpatuloy sa paglakad pagkatapos nitong tumigil sa tapat pa halos ni mokong para lang maglabas ng pasaring nito sa mundo.

    Napatingin ito sa akin at sinamaan ako nito ng tingin bago ako lagpasan. Nagsalubong naman ang mga kilay ko. Aba, kung may problema sila sa isa't isa, 'wag nila akong idamay.

    Napabuntong-hininga na lang si mokong at umiling-iling. Napangiwi naman ako nang tumingin siya sa akin at ngumiti. Napangiwi dahil parang may dumagundong sa kaloob-looban ko. Hindi ko alam kung ano at wala rin akong balak alamin pa.

    Sinimangutan ko siya at saka naglakad papunta sa Principal's Office. Mabilis naman itong nakahabol at tumabi sa aking paglalakad. Hindi ko maiwasan pero lihim ko siyang sinusulyapan. Hindi man siya nakangiti ay ang amo pa rin ng mukha niya.

    Lalo akong napasimangot sa mga naiisip ko.

    Siya na ang nagbukas ng pinto ng office at sabay kaming pumasok. Dalawang pares ng mga nanlilisik na mga mata ang nabungaran namin at isang matamis na ngiti galing sa principal ng Crown.

    Pinaupo muna kami nito bago mag-umpisa ang meeting. Pinaliwanag lang nito ang tungkol sa iba't ibang aspeto ng eskwelahan. Mawawala kasi ito ng halos tatlong buwan o apat pagdating ng buwan ng Hulyo. Aasikasuhin kasi nito ang pagpapatayo ng sariling eskwelahan na magiging sister school ng Crown, ang Checkercrim. Sa amin nito iaatas na pangalagaan ang kaayusan ng buong school habang wala ito dahil na rin sa kami ang Aces ng bawat sektor ng Crown.

    Tanging tango lang ang tinutugon ko dahil naiintindihan ko naman na isang malaking responsibilidad ang inaatas sa amin. Pero ayos lang iyon. Dito kasi malalaman kung deserving ang taong nakaupo sa pinakamataas na posisyon sa bawat dorm.

    Pagkatapos kaming kausapin nito ay agad din naman kaming nagpaalam. Pagkalabas ng kwarto ay mabilis na umalis si Mr. Red, na Ronald Ong pala ang pangalan, at si Mr. Green, na Naoya Akazawa naman ang pangalan. Naiwan kami ni Trevor, si mokong, na naghihintay na mawala ang dalawa sa paningin namin. Nang nawala na ang mga ito, humarap sa akin si Trevor para magpaalam na rin. Tumango na lang ako sa kanya kahit na ang totoo e gusto ko pa siyang makasama.

    Napahilamos naman ako gamit ang mga kamay ko. Nagtataka na rin ako sa takbo ng utak ko e. Nakakatakot. Napapadalas na kasi e.

    TATLONG araw pa ang lumipas bago nagbago ang routinary kong gawain. For three days, wala akong ginawa kundi magbasa ng mga proposed activities ng mga officers. Isabay pa ang academic related works na talaga namang nakakatuyot ng utak kahit second week palang ng school days.

    Sumandal muna ako sa upuan ko at marahang hinilot ang sentido ko. Masakit na kasi e. Kanina pa siya gumagana. Humihingi na ng pahinga.

    "Ar~ Jhay~" pakantang tawag sa akin ni Horen na basta na lang pumasok sa kwarto ko. May kislap ding makikita sa mga mata nito dahil sa sobrang kasiyahan.

    "Bakit, Ren?" tanong ko dito habang nakapikit at hinihilot pa rin ang sentido.

    "You are working your ass off to death. Why not stop for a while and have fun?" tanong nito. Nasa tono nito na hopeful itong sasama ako.

    "Tempting..." Nagdilat ako nga mga mata ko at nakita kong lumuwag ang ngiti nito na agad ding nawala nang nagpatuloy ako. "But no."

    Napanguso ito."Tara na kasi! Naghihintay na si Mikel sa labas."

    "Sorry but no." I lean forward to the table. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko kanina.

    Narinig ko itong bumuntong-hininga. Tumalikod na ito papunta na ng pinto nang may maalala ako.

    "Friday palang ngayon. Paano tayo lalabas?" tanong ko rito. Bawal kasi kaming lumabas ng school tuwing weekdays.

    Naramdaman kong napatigil ito. When I lifted up my gaze from the papers to his now grinning face, I feel excited. Na parang may exciting na magaganap batay na rin sa ngiti nito.

    "See it for yourself."

    And that's it. I gave in.

    Tumayo na ako sa mula sa pagkakaupo at inayos ang mga papel sa ibabaw ng mesa ko. Pagkatapos ay sabay na kaming lumabas ni Horen.

    "Kailangan mo lang palang dramahan," panimula ni Horen na ikinatingin ko dito. "Tatawagin ko sana si Mikel e. Mas malakas convincing power noon e."

    Mahinang napatawa na lamang ako rito.

    Nakita na namin si Mikel sa hindi kalayuan. Nang mapansin kami ay sinalubong na kami nito.

    "Ready?" excited na tanong ni Mikel sa amin.

    "Excited," nakangiting tugon ni Horen.

    "Then let's go. Bilisan na natin. Baka may makahuli pa sa atin."

    Agad namang tumakbo iyong dalawa at sumunod na lang ako. Galing nitong dalawa e. Pagkatapos akong ayain, iniwan rin ako. Untog ko itong dalawang ito e.

    Nakarating kami sa garden. Dumiretso kami sa gilid na part kung saan naroon ang basurahan. Itinulak lang nila ito ng bahagya at ayon, may butas pala doon para makalabas. Nagturuan pa kami kung sino ang mauuna, na in the end ay si Horen din naman. Lumuhod na ito at akmang lulusot na sa butas nang may nagsalita.

    "Where do you think you are going?"

    Nilingon ko, namin, ang pinanggalingan ng boses. Doon, nakita ko sa taas ng puno si Trevor.

Continue Reading

You'll Also Like

10.7K 833 33
[BOOK 2 OUT OF 3] Si Neo Athreus Dela Cruz ay isang tahimik na tao na magkakaroon ng kaibigan na kasalungat niya na si Eiran Angelo Montero. Willing...
1.3K 98 29
Scotty Anderson isang brat at anak ng pinakama impluwensiyang tao sa California. Agosto 10, 2010 nasangkot ang sasakyan niya sa isang road accident...
762K 26.4K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
200K 7.9K 27
In order to take revenge from those who bullied him during his junior days, Lexus Ethan Alvarez must live with his moody, mysterous and alluring hous...