Love Trap (COMPLETED)

By MissRaine_

14.3K 613 81

I already break a hundred of hearts. Caused trouble to everyone around. I never wanna be committed, I always... More

Disclaimer
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five - LAST CHAPTER

Twenty

315 18 2
By MissRaine_

The sympathy I feel for Rina is now my reality. I feel betrayed and confuse at the same time. Huminga ako ng malalim. I'm here now. Ano bang dapat kong gawin? Umuwi at magkunwaring walang nangyari o sumugod at makipag-away rito? 

This isn't my place so I decided to step back. Ayokong mag-eskandalo rito lalo't hindi ko alam kung may kakampi ba ako. Aaminin ko na naguguluhan ako sa pinag-uusapan nila pero isa lang ang malinaw sa akin. Addison approached me months ago because of my parents and not because he likes me.

Blanko ang mukha na umuwi ako sa bahay. It slowly makes sense now. Kaya pala pakiramdam ko noong una ay hindi niya ako gusto. And it also makes sense now that he approached me even we're not really familiar with each other. At kaya siya nangulit noon dahil napakiusapan siya. He's our scholar so no doubt he'll do whatever my parents will tell him to do.

Ano ako? Charity case?

"Shit," sigaw ko saka tinapon ang cellphone sa kama. I left the brownies in our living room and run towards my room. Dahan-dahan akong umupo sa kama at nagtakip ng mukha gamit ang dalawang palad. My tears began to fall but my mind is still shock, hindi ako makapag-isip ng maayos.

Paano kung hindi ako nagpunta kanina? Hanggang kailan ako mapapaniwala sa mga kasinungalingan niya? Nila?

And my parents...

How could they do this to me? Ano ako? Bagay na ipapa-trabaho nila sa iba? Do I really looks like I'm such a hopeless case? Why...

Nanginginig na kinuha ko ang unan at niyakap iyon ng mahigpit. Tumunog ang cellphone ko at sa sobrang pagkairita ay tinapon ko iyon sa malayo. But to hell with that phone! Patuloy pa rin ang pag-ri-ring non kaya pinulot ko ang hinintay na matapos ang tawag na mula kay Addison at saka tinawagan si Kathy.

"Fetch me up, please..."

Hindi ko siya hinintay na makasagot at agad pinatay ang tawag. Alam ko namang gets niya na iyon lalo't nagtext siya at tinatanong kung nasaan ako. I texted her that I'm home before turning my phone off.

Nagbaon ako ng mga gamit. Planado na rin naman ang sleepover namin kaya doon nalang kami sa kanila instead na dito. I don't think I can face my parents right now. It feels like no one's on my side right now.

Wala pang fifteen minutes ay dumating na ang sasakyan ni Kathy at saktong pababa ako ng hagdan dala ang mga gamit ko. I left my phone so I can have an excuse not to talk with anyone right now. The last time I got hurt like this is when I saw Addi and Shai together. At ngayon, ganoon pa ring eksena. Ang pagkakaiba lang dito sigurado akong napagkaisahan nila ako.

I have to congratulate them for winning over me.

Tahimik kami ni Kathy sa sasakyan hanggang sa makarating sa bahay nila. Her parents are not here at the moment and I'm glad for it. Ayaw ko namang batiin sila sa malungkot na paraan.

"Anong nangyari?" Ibinaba niya ang kinuhang cake at water sa center table. Nasa may mini living room kami sa loob ng kwarto niya. She sat beside me and waited for my answer.

Sumandal ako sa backrest ng upuan at tumingin sa bintana na medyo may kalayuan sa pwesto namin. Iniisip ko pa kung saan ko sisimulang sabihin sa kanya ang lahat. Rina's words makes sense now. What if... may something pa rin kay Shai at Addison hanggang ngayon? We're they laughing behind my back now that they won?

"Hindi nalang sana kita inasar-asar sa kanya kung alam kong magkakaganyan ka bandang huli," pabuntong-hiningang sambit niya nang hindi ako sumagot.

"Hindi ko alam kung paano sasabihin Kathy dahil maski ako ay hindi ko talaga alam kung anong totoo."

"Just tell me anything, Charies. Para mabawasan man lang ang iniisip mo."

"Ang sabi ni Rina sa akin nanligaw raw si Addi kay Shai noon." My heart breaks as I say those. "Hindi," my voice cracked and a tear escape from my left eye. "Hindi niya raw sigurado kung naging sila pero..."

"Noon? Come on, Charies, past na iyon. Kinausap mo ba si Addi tungkol dito?" Umiling ako. "Totoo man iyon o hindi, ikaw ang girlfriend niya ngayon, ikaw ang niligawan niya, at ikaw ang mahal niya."

"Ako nga ba?" Natigilan siya sa pagsingit ko. "Ako nga ba, Kathy?" Pinahiran ko ang mga luhang sunod-sunod na tumulo gamit ang likod ng aking palad.

"Charies..." Mas lalo akong nanghina sa tonong ginamit niya. She feels sorry for me and it made me feel worse. 

"Niligawan ako ni Addison dahil inutusan siya nila Mommy."

Hindi siya nagsalita. Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Nang magtama ang mata namin pareho ay nakita ko ang sari-saring emosyon na naglalaro sa mga mata niya. Umiling-iling siya at hindi makapaniwala pero kita ko pa rin ang awa sa mga mata niya. 

"K-kanino mo nalaman?"

"Narinig ko silang nag-uusap ni Shai."

She let out a heavy sigh. "Damn."

She's holding herself not to say bad words to Addi. Naiintindihan ko iyon dahil kapag inaway niya si Addi ay parang inaway niya na rin ang parents ko. At sa kabilang banda ay naiintindihan ko rin kung bakit sinunod ni Addison ang parents ko. He has no choice. We both had no choice. I cannot blame him. 

Nasasaktan lang ako pero hindi ibig sabihin nun ay isisisi ko sa kanya lahat. Galit ako, oo. Given na iyon dahil ako ang napaglaruan dito.

"Nakausap mo na ba sila Tita?" Nag-aalangang tanong niya. "Baka... baka may explanation sila tungkol dito..."

Mapait akong ngumiti. Walang eksplanasyon ninoman ang makakapagpaalis ng sakit na nararamdaman ko. 

"Gusto kong makalimutan muna lahat pansamantala, Kathy.... Bukas nalang ako magtatanong kapag medyo kalmado na ako. I don't want to listen to their explanations when I'm mad because for sure, I won't believe any of those."

Tumango-tango siya. "Ako nalang magte-text sa parents mo na nandito ka para hindi sila nag-alala."

Buti nalang meron si Kathy. Nagpalit kami ng pajamas, nag-manicure at pedicure kami ng sari-sarili naming paa at kamay, nanood ng funny videos, kumanta sa karaoke, nag-color ng mga coloring book... At ginawa ang mga bagay na talagang hindi ako mag-iisip ng kung ano-ano.

Siguro kung sa ibang oras ay manonood kami ng movie pero tiyak na lilipad lang ang isip ko kapag manonood kami ngayon.

"Look at this picture." Pinakita niya ang picture naming dalawa na kuha pa noong grade seven kami. Super nene days. Naka-braid kami pareho at may pairing din na ipit na magkaiba lang ng kulay. "Naaalala mo ito?"

Mahinhin akong tumawa. Paanong hindi ko maaalala iyan eh halos mag-away kami ni Mommy para lang sa picture na iyan. Style kasi ni Kathy noon yung braid style. At ayaw ko talaga magpa-braid noon pero pinilit ako ni Mommy.

"Syempre. I really look weird on braid," komento ko.

"Hindi naman, ah?"

Nag-open pa kami ng maraming photo album, nagkalkal ng kung ano-ano hanggang sa sabay kaming dalawin ng antok.

Pagkagising ko ay wala na si Kathy. Mas maaga siyang nagigising talaga sa akin kaya hindi na ako magtataka roon. I stood up to get myself done but when I look at the mirror of her restroom, naalala ko na naman ang rason kung bakit ako nandito. I was just trying to prolong the pain and postpone everything but I knew that I can't live like this for another day.

Kakausapin ko sila Mommy mamaya. Ano man ang malaman ko, kailangan kong tanggapin. And if this is the end of me and Addi then I have to accept it. Alam ko naman na noon pang una na parte talaga ng pagmamahal ang masaktan. Hindi ko nga lang nahulaan na ganitong klase ng sakit pala ang mapupunta sa akin.

"Good morning, Charies."

Bumeso ako kay Tita at Tito bago komportableng naki-timpla rin ng sarili kong kape.

"It's been a long time, Tita, Tito." Her parents are like my second parents. Bihira na nga lang kaming magkita-kita ngayon dahil busy sila pareho. I wonder if Kathy's parents can betray her too like what my parents did.

Damn, Chariessa. Stop being so bitter about it.

"Oo nga eh. Akala ko sa inyo kayo matutulog? Buti naman at naisipan niyong dito nalang."

Si Kathy ang sumagot. Buti nalang dahil hindi ko alam kung paanong sasagutin ang bagay na iyon.

Umupo ako sa tabi ni Kathy at nanguha ng dalawang pirasong pancake. Hindi rin nagtagal sila Tita dahil may pasok pa sila kaya naiwan kami ni Kathy sa hapag. I mouthed 'thank you' to her for being with me all the time.

Hindi ko inaasahan na pag-uwi ko ay madadatnan ko sila Mommy. Buong akala ko ay may pasok sila ngayon kaya naman hindi ko napaghandaan ang pagkikita namin.

"How's your stay at Kathy's?" It's my Dad's usual sweet tone.

Tipid akong ngumiti at nakipagtalo sa isipan ko kung dapat bang kausapin na sila ngayon o mamaya nalang.

"Wala kayong pasok?"

"May importante kaming charity event na dadaluhan mamaya. Do you want to come?"

Hindi ko na napigilan pa ang bibig ko na magsalita. "Why? Because I'm a charity case?"

Kumunot ang noo ni Daddy at bahagyang tumaas ang kilay ni Mommy. Alam kong hindi nila nagustuhan ang tono ng boses ko at agad ko iyong pinagsisihan. I have never been like this to my parents ever. As in. Siguro may time na bratinella ako, may time na pinipilit ko yung gusto ko pero hindi ko sila pinagtaasan ng boses kahit kailan o ginamitan ng sarkastikong tono.

Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. Sabi ko dapat kalmado na ako kapag kakausapin sila pero hindi ko pala kaya.

"May tanong ako at isang oo't hindi lang ang kailangang sagot." Nanatiling seryoso ang mga mukha nila habang nakatingin sa akin. "Inutusan niyo ba si Addi na makipagkaibigan o manligaw sa akin?"

Mom's eyes widens a fragment. Si Daddy ay halatang nagulat din at kalaunan ay bumuntong-hininga. None of them answered but none of them denied my accusation. Tumayo si Mommy sa kinauupuan at lumapit sa akin pero agad akong umatras.

"May rason kung bakit namin--"

"I told you, Mom, all I need is a one-word answer."

"Anak, walang kasalanan si Addison--"

"Yes or no, Mommy?" Kahit obvious naman na ang sagot.

"Listen first, Chariessa," seryosong sambit ni Daddy. "Kumalma ka at ipapaliwanag namin sayo lahat."

Really? How could I trust you after hearing this? Hindi ko iyon sinabi at sa halip ay sumunod ako. Umupo ako sa upuan na medyo malayo sa pwesto nila.

"Hindi ko alam kung saan mo narinig ang bagay na iyan," Mom started and I immediately cut her off.

"But it is true, isn't it?"

With a heavy sigh, she admitted it. "Ginawa lang namin iyon kasi nag-aalala kami sayo. Ang tanging kasama mo lang ay sila Kathy, Dana, at Sarah. Bukod sa kanila ay wala ka ng ibang kaibigan at ang mga gustong lumapit sayo ay tinataboy mo. Charies, you can't live like that forever."

"Mom!" A tear fell from my eyes caused by anger. Awang-awa ako sa sarili ko. Why do I feel like they don't even care about my feelings? "Sa tingin niyo po ba ginusto ko ito? Sa tingin niyo ba ginusto kong hindi magkaroon ng kaibigan bukod sa kanila? Do you think I'm not upset because everyone of them hates me?"

"Anak," Mom said softly. "Hindi naman ibig sabihin non ay isasara mo na ang puso mo sa mga lalaking gustong makipagkaibigan sayo. Why would you sacrifice something just to give those girls the satisfaction to see you in that state?"

"Mom, you just don't get it. Nagagalit sila sa akin dahil sa mga lalaking lumalapit."

"If girls don't like you, then just have male friends. The world doesn't revolve on those girls, Chariessa."

Natahimik ako. Hindi ako makasagot dahil alam kong may punto si Mommy. Actually, alam ko na sa sarili ko iyon noon pa. Hindi ko lang masabi and now, she's pointing it out in front of me. I'm hurting myself, closing doors, making walls, just so they won't hate me anymore. Pero aminin na natin, ano man ang gawin ko, magkaroon man ako ng mga lalaking kaibigan o ipagtulakan sila, magagalit pa rin sila sa akin.

It's no longer their fault. It's already my own mindset.

"Pero hindi naman ako bagay, Mommy, na kailangan niyong ipa-trabaho pa sa iba," malungkot na sabi ko. "May feelings ako, may sarili akong isip..." 

"Anak, hindi naman sa ganoon. Addison is a nice kid. Gusto lang naman namin na makalabas ka sa kulungang kinalalagyan mo. What's so wrong with that? Ayos naman na kaya ni Addison, hindi ba?"

I smiled bitterly. Saang parte ang ayos doon? That they forced him to be my friend? That he left the love of his life because he has to obey my parents?

Tumayo ako habang diretso ang tingin sa hagdan. "How could I be okay when someone I learned to love along the way treats me like a project he needs to be done." And then I left the dining with a heavy heart.

Continue Reading

You'll Also Like

46.4K 2.2K 29
- refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidden. 05 | 15 | 24
4.8K 199 15
Pagmamahal na makasalanan. Pagmamahal na ipinagbabawal. Pagmamahal na hindi pwede.
344K 23.5K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
599K 15.3K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...