Beki and the Beasts (Complete...

By Intoxicatingwine14

3.7K 161 70

Paano kung tumibok ang puso mo sa hindi inaasahang tao? Paano mo mamahalin ito gayong iba ang nilalaman at gi... More

Beki and the Beasts
Chapter 1 The First Encounter
Chapter 2 The Bekies and the Beasts
Chapter 3 Clarence's Dilemma
Chapter 4 Edz's Revelation
Chapter 5 Steamy night, Crazy night
Chapter 6 Swallowing the Ego
Chapter 7 Clash of the Beauty and the Brawn
Chapter 8 Misunderstood
Chapter 9 Boodle Fight
Chapter 10 Meet the Parents
Chapter 11 Patching Things Up
Chapter 12 Ate Boy Girl's Scandal
Chapter 13 Sabel's Parents
Chapter 14 Wanted
Chapter 15 Fiesta Galore
Chapter 16 Francis' Gain Clarence's Pain
Chapter 17 Francis' Realization
Chapter 18 Chasing Happiness
Chapter 19 Dare to Dare
Chapter 20 The Bullies Strike Again
Chapter 21 Taking The Challenge
Chapter 22 The Escapade
Chapter 23 The Escapade part 2
Chapter 24 Walking Home
Chapter 25 Taming The Bully
Chapter 26 Breaking Heart
Chapter 27 Breaking Heart part 2
Chapter 28 Crash And Burn
Chapter 30 A total Change of Heart
Chapter 31 What Makes a Real Man
Chapter 32 A Heart that Understands
Chapter 33 Turn the Table
Chapter 34 A Failed Chance
Chapter 35 Fleeting Time
Chapter 36 A love that's Pure
Chapter 37 Love knows no gender
Chapter 38 The Awakening
Chapter 39 Losing inhibitions
Chapter 40 A Summer that Lasted Forever

Chapter 29 Change of Heart

61 3 0
By Intoxicatingwine14

Chapter 29

[Edz's POV]

"Hey sis are you ok? Mom said you didn't go to school. What's the matter? Bungad ni ate JD pagpasok nito sa room ko.

"Wala ate, masama lang ang pakiramdam ko." Pagdadahilan ko naman.

"Oh, have you taken any medicine?" Tanong nya uli.

"Nope! I just probably need some rest. It's not that serious, nothing to worry." Sagot ko naman.

"Are you sure? Coz I have this inkling that it's more than that." Sambit nya. "Lately, I kinda notice that you're acting differently like you're skipping meals. And last night, you hardly ate your dinner which was a bit weird coz that was your favorite meal. I know you, I know your appetite when it comes to food even mom noticed that too...What's wrong tell me?.." Tanong ulit nya.

"I'm ok. Wala lang akong ganang kumain." Tugon ko naman sabay talikod ko sa kanya.

"Edilyn! Is there something you're not telling me? I know you, you're my baby sister. I know when there's something bothering you so better spill it out." Samnbit ni ate JD,

Hindi naman ako nakakibo dahil ilang araw ko na rin kinikimkim yung nararamdaman ko.

"You know sissy, it kinda make me feel sad, knowing I came all along from abroad just to see you and here you are just spending most of your time locked up inside your room." Sambit ni ate JD na may halong lungkot sa kanyang tinig.

Pinipigilan ko namang wag magsalita dahil alam ko na sa oras na magsalita ako aagos lang ang aking mga luha dahil sa bigat ng nararamdaman ko, ganun pa man nalulungkot at nag giguilty ako sa pagtrato ko kay ate.

Naramdaman ko naman na umupo na ito sa tabi ko at, "Edilyn ano ba ang problema? Sabihin mo na kay ate gaya nung mga bata pa tayo remember? Di ba madalas kang magsabi ng problema kay ate nung mga bata pa tayo? si ate naman laging handang makinig sa yo."

Ng mga sandaling yon hinayaan ko na lang bumigay yung nararamdaman ko, "Ate inlove ako! Bigla kong sambit sa kanya sabay agos ng mga luha ko. Medyo natigilan naman sya sa narinig nya. Tila hindi nya inasahan ang narinig nya.

"Bat hindi mo sinabi kaagad? Tanging nasambit nya.

"Natakot akong sabihin sayo ganun din kina mama at papa dahil baka magalit kayo sa akin." Tugon ko naman habang tuloy pa rin sa pag agos ng mga luha ko.

Bigla naman naging soft ang facial reaction ni ate sabay sambit, "Ano bang magagawa namin kung talagang inlove ka, isa pa sa ayaw o sa gusto mo pagdadaanan mo pa rin yan dahil bahagi yan ng buhay. Ang sa akin lang kaya ayaw kitang mag boyfriend ay dahil ayaw kong pag daanan mo yung mga naranasan ko."

"Tama na yan, wag ka ng umiyak. Kung talagang mahal mo yung taong yon wag mo ng pigilan ang damdamin mo. Hayaan mo I'll help you explain things to mom and dad" Dagdag pa ni ate.

"Ang hirap ate, pagkatapos ng nangyari sayo, ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako mag boboyfriend, na hindi ako maiinlove para hindi ako masaktan. At dahil sa pangakong yon tinanggihan ko yung pagmamahal na alok ni Francis. Tinanggihan ko yung lalaking nagugustuhan ko!" Pagkasambit ko nun humagulgol na lang ako ng iyak. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Niyakap na lang ako ni ate, "Sorry! Kasalanan ko! Dapat naging matapang ako nung mga panahong yon. Dapat hindi ako nagpakita ng kahinaaan ng sa ganon na protektahan ka ni ate sa ganoong sitwasyon. Sorry kung naging mahina si ate, hindi ka sana naapektuhan ng ganito ngayon." Malungkot namang sambit ni ate.

"Hindi ate, wag kang mag sorry. Wala kang kasalanan. Kagustuhan ko din ang lahat ng ito." Tugon ko naman kay ate. Niyakap lang ako nito ng mahigpit.

Malaking bagay na naibahagi ko yung bigat ng nararamdaman ko kay ate. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.

"Huwag ka ng umiyak, kung talagang mahal ka ng lalaking yon, gagawa at gagawa sya ng paraan to win your heart again, if not siguro hanggang dun lang yung kaya nyang ibigay." Sambit naman nito.  "Simula ngayon sundin mo kung anong itinitibok ng puso mo dahil sigurado na ako ngayon na hindi ka matutulad sa akin dahil malakas ka. Kung hindi ka malakas hindi mo magagawang pigilan ang nararamdaman mo. Kampante na ako na magiging maayos ka. Kaya tama na sa pag iyak dalawang linggo na lang at babalik na ko ng States ayoko namang umalis na ganyan ang kalagayan mo." Dagdag pa ni ate JD. 

"Sorry ate! Ang tangi kong nasambit sabay punas ko sa mga luha ko at niyakap ko sya nang mahigpit.

-----------------0000000000000000------------------

[Francis' POV]

Nakapagtataka, it's been 2 weeks pero hindi pa rin pumapasok si Clarence. And this time mas mahaba kaisa dati ang pagliban nya sa klase. The thing was, even the professors weren't saying anything about it not that his important or anything but I found it weird. They didn't even make inquiries about it. Nakaramdam tuloy ako ng guilt sa ginawa ko. Dinibdib na naman ba talaga nya yung naging pagtatalo namin nung nakaraan?

 Hindi naman maiwasan yung pagkailang namin ni Edz sa isa't isa. Although we're both civil with one another, I could sense she's trying to avoid me. I couldn't blame her even on my part I could feel the awkwardness. Maybe in time, lilipas din itong awkwardness na nararamdaman namin sa isa't isa.

Medyo nakaramdam tuloy ako ng panghihinyang, hindi dahil sa hindi ako sinagot ni Edz pero dahil nagbago yung pakikitungo nya sa akin. Even the guys were affected. Kung hindi ko lang siguro pinagpilitan yung nararamdaman ko things would've been different. Maybe masaya pa rin kaming nagbibiruan at nagtatawanan. Maybe mas enjoy pa rin ang pagpasok sa school everyday, kasi alam mo na naghihintay ang mga kolokoy mong mga kaibigan hindi tulad ngayon parang nakakawalang gana ng pumasok.

Pati tuloy sa community service namin parang walang gana ang lahat.

"Anong balita kay Clarence almost 2 weeks na rin syang hindi pumapasok ah? Biglang tanong ni Mart.

" Buti hindi pa sya binabagsak ng mga prof naten di ba even before may mga absences na sya." Sambit naman ni Airo.

"Hindi sya nag rereply sa mga text messages ko. Last time tinawagan ko sya pero out of coverage area yung phone nya." Sambit naman ni Edz.

"Ang dami ko tuloy namimiss. Namimiss ko yung mga biro nya. Tiyak kung nandito lang ngayon yun walang tigil tayo sa kakatawa. Namimiss ko yung mga kaengotan nya, hahaha." Sambit naman ni Abel.

"Ako rin dyahe mang sabihin pero namimiss ko yung sister hug nya, adik talagang Clarence." Sambit naman ni Che. "Ba't hindi naten sya dalawin? Dagadag pa nito.

"Ginawa na namin. Last time nagpunta kami nila Edz pati si Irish pero wala man tao sa kanila. Nagsawa lang kami sa kakatawag." Sambit naman ni Airo

Habang pinakikinggan ko yung usapan nila hindi ko naman maikaila sa sarili ko na kahit papaano hinahanap hanap ko rin ang kakwelahan ni Clarence. Kahit papaano nakakamiss nga sya. Kaya after ng community service namin I decided to visit him para malaman ko na rin kung ano bang nangyari sa kanya.

Habang papalapit naman ako sa kanila bigla ko namang nakasalubong si Boshok a.k.a Maui yung best friend ni Clarence.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong naman nya.

"Dadalawin ko sana si Clarence eh. Halos 2 linggo na rin syang hindi pumapasok." Paliwanag ko naman.

"Wag mo na syang puntahan, wala sya dyan magpapagod ka lang." Sambit naman nya.

"Saan kaya sya nagpunta?" Tanong ko naman.

"Umalis sila ng family nya, hindi ko alam kung saan sila nagpunta." Malamig naman nyang tugon. I could sense the indifference from his voice.

"Ganun ba, kailan kaya sila uuwi?" Tanong ko naman.

"Hindi ko alam at kung alam ko man hindi ko rin sasabihin sayo." Tugon naman nya. "Francis pakiusap lang tigilan mo na si Clarence! Wag mo na syang pupuntahan pa. Marami na masyadong pinagdadaanan ang kaibigan ko at wag ka ng makidagdag pa sa problem nya." Bigla nyang sambit na ikinagulat ko naman

"Teka muna ano bang problema nya? Isa pa wala naman akong ginagawa sa kanya para makadagdag sa mga problema nya!" Depensa ko naman.

 "You don't get it, don't you?" Bigla nyang sambit.

"Ang alin? Tugon ko naman.

Hindi naman sya kaagad nakaimik, Tila iniisip muna nya ang kanyang sasabihin, "Hindi ko dapat sinasabi sayo ito pero huli na rin para sa kanya at para sa ikatatahimik ng damdamin nya,....."may gusto sayo si Clarence! At dahil dun kaya nagdurusa ang kalooban nya!" Sambit naman nito.

I was quite shocked when I heard what he said. Hindi ko naman inaasahan na Clarence would fall for me. I didn't know what to say. Hindi ko rin naman kagustuhan ang mga nangyari. It took me a moment to recover. Pagkasabi nya nun bigla na lang din akong nablangko. Ano bang dapat sabihin. Napailing na lang ako sa sinabi nya.

"Ngayong alam mo na, siguro naman ikaw na mismo ang iiwas no. Masasaktan sya oo pero minsanang buhos lang ang sakit pagkatapos nun mawawala na rin yon, kaisa sa paulit ulit syang nasasaktan pagkasama ka nya! Sambit pa nito.

Out of confusion, " Iba rin ang tama nyung magkaibigan no! Sinisisi nyo ako sa isang bagay na hindi ko naman ginusto! Wag kang mag alala talagang iiwasan ko na sya para matigil na rin ang kahibangan ng kaibigan mo!" Matigas ko namang sambit sa kanya sabay talikod paalis sa kanya.

"Oo at wag ka rin makapunta punta dito leche!" Sigaw naman nya.

Malala na ang tama ni Clarence! Nakuha nyang bigyan ng kahulugan yung closeness na ipinakita ko sa kanya sa isip ko naman. Hay Putek!!  Nagtatalo tuloy ang puso't isipan ko. I felt furious whenever I remembered what Shok had told me at the same time my heart had a different beat. I couldn't deny there was longingness for him in my heart. Siguro namimiss ko lang yung masayang feeling kapag kasama ko sya. Putek na Clarence na yan ano bang iniisip nya? Wala tuloy akong ibang inisip buong weekend kundi yong rebelasyon na yon. Anak ng tinapa talaga!....

The following week, pumasok na rin si Clarence. He looked different, He looked so frail, medyo maputla ang dating nya at kahit nakakingiti sya mababakas pa rin yung tamlay sa mukha nya. Magkasunod naman silang pumasok ni Ryan. Sinalubong agad sya nila Edz at ng iba pa. Kahit papaano nakaradam din ako ng tuwa at excitement nung makita ko sya. Putek! Hindi ko tuloy maintindihan ang sarili ko, last Saturday lang nagpupuyos ako sa galit pag naiisip ko na may gusto sya sa akin, ngayon naman na nakita ko na sya nakakaramdam naman ako ng excitement. Siguro dahil na rin sa excitement na nararamdaman ng lahat pati tuloy ako nahawa na.

At marahil nagsumbong na sa kanya yung bading nyang kaibigan na yon. Mainam na rin yung ganito para matigil na rin sya sa kabaliwan nya. Pagpasok nya hindi man lang sya tinanong ng mga prof namin. Kinamusta lang sya. Iba rin yung impluwensya na tatay ni Clarence parang wala lang sa kanila yung pagliban nito sa klase sa loob loob ko.

Pagkatapos ng klase pinaiwan ng Prof. si Clarence dahil kailangan nya daw itong kausapin. Marahil sa pagliban nito sa klase ang pag uusapan nilang dalawa.

During break time, sumabay ako kay Arkee imbis na sa kanila papunta ng school cafeteria. Umupo naman kami nito sa kabilang table na malapit sa grupo. Ilang saglit lang pumasok na rin ng cafeteria si Clarence.

There was a trace of sadness on his face when I saw him. He was scanning the place for the group when Abel saw him and called him out to get his attention. The moment he saw the group he put a smile on his face while walking toward them. Mart gave him a seat beside him and everyone started asking questions.

"Gurl ba't ka pala pinaiwan ni Ms, Pajarillo? Tanong naman ni Edz.

"Ah  kinausap nya lang ako tungkol sa mga absences ko.' Matipid naman nitong tugon.

"Speaking of absences! Ano nga palang nangyari sayo ba't halos 2 weeks ka ring wala? Tanong naman ni Airo.

"Oo nga, pinuntahan ka namin sa inyo nila Edz at Airo para kamustahin ka kaya lang wala kaming dinatnan, Umalis ba kayo? Segunda naman ni  Iris.

"Ah eh oo, nagkaroon ng emergency sa isa sa mga kamag anak namin sa probinsya kaya kinailangan namin umuwi doon." Tugon naman ni Clarence.

"Ganun? E ba't hindi mo sinasagot yung mga tawag at text namin? Tanong naman ni Edz.

"Ano kasi eh. sa kakamadali namin nila tatay at nanay na makaalis naiwan kong lowbat ang CP ko sa bahay hindi ko nadala kaya hindi ako nakakontak sa inyo." Tugon naman ni Clarence. "Sorry guys!" Dagdag pa nya.

"Ok lang yon gurl good thing pumasok ka na, Namiss ka namin! Namiss kita!" Sambit naman ni Edz.

"Ako rin sobra ko kayong na miss." Sagot naman nito.

Habang kumakain at nagkukwentuhan ang lahat, mula naman sa kabilang dulo ng cafeteria lumapit naman si Ryan na may dala dalang tray ng pagkain at inilatag sa harapan ni Clarence na ikinagulat naman ng lahat.

"Ano yan? Anong ginagawa mo? Tanong ni Clarence na halatang nagulat din sa nangyari.

"Kumain ka! kailangan mo yan." Sambit naman ni Ryan.

Hindi naman naka imik kaagad si Clarence, marahil gulat din sya sa mga pangyayari. "Hindi ka na dapat nag abala pa."Tugon naman ni Clarence.

"Hey I'm not doing you any favor! Gusto lang kitang pagtripan." Tugon naman ni Ryan. "Kumain ka, sasabayan kita."Dagdag pa nito sabay upo nito sa tapat ni Clarence. Dahil sa pangyayari wala naman nakakibo sa amin, Tila nagmamasid lang ang lahat sa mga nangyayari.

"Hey classmates wag nyo kaming pansinin kumain lang kayo! Ayaw ko lang magutom tong kaibigan natin dito kaya sinasabayan ko syang kumain." Dagdag pa ni Ryan.   
                                                                                  
"Hoy Ryan wag mo ngang pinagtitripan si Clarence!" Biglang saway naman ni Mart.                        "Wag Kang makialam dito! Baka gusto mong ikaw ang paupuin ko dito sa tabi ko!" Banat naman ni Ryan Kay Mart. Tila natahimik naman ang lahat sa inusad ni Ryan.                          

 Pasikat talaga itong kulugo na to, mukha bang batang maliit si Clarence para paalalahanan nya pa ito sa pagkain, nakaramdam tuloy ako ng inis.

"O dude, Are you ok? Kanina pa parang hindi maipinta yang pagmumukha mo ah!" Sambit ni Arkee.

"Kumain ka na lang dyan Tol, wag mo akong pansinin may iniisip lang ako." Sagot ko naman kay Arkee.

"Ano naman bang pakulo ng Ryan na yan at pinagtitripan na naman si Clarence? Tanong pa ni Arkee.

"Hayaan mo na lang sila, kumain na lang tayo." Tugon ko naman kay Arkee.

Hindi rin nagtagal at tumayo na si Ryan para bumalik sa lamesa ng mga kasama nyang sina Beam at Owens. Pag alis nya nag umpisa namang mag sipag tanungan ang lahat.

"Gurl ano yon? Ano yung eksena ni Ryan? Ano bang meron sa inyo? Nakaka intriga ha!" Sunod sunod na sambit ni Airo.

"Ibang klase ring mag trip yon ah, sa lahat  ng nagtitrip yon ang nagpapakain." Segunda naman ni Che.

"Ha eh hindi ko rin alam eh, kahit ako nagulat din, baka nagbago na yung tao at  gusto lang bumawi" Depensa naman ni Clarence.

"Nagbago!? Si Ryan!? I don't think so. Once a bully always a bully." Sambit naman ni Iris.

"Guys wag kayong ganyan. Give him chance. Lahat may pagkakataong magbago." Depensa naman ni Clarence. Wala naman nakakibo sa sinabi nya.

Medyo nainis naman ako sa sinabi ni Clarence tila pinapaburan pa nya si Ryan. Nakalimutan na ba nya yung mga pinag gagawa nila sa kanya? Sa inis ko niyaya ko ng umalis si Arkee.

The whole time I felt Clarence wanted to talk to me but whenever he tried to approach me I would evade him or I would reason out that I was busy.

Naging kapuna puna din naman yung biglaang pakikitungo ni Ryan kay Clarence. Pati tuloy ako nahihiwagaan sa kanilang dalawa at hindi ko maiwasang mainis pag nakikita kong lumalapit si Ryan kay Clarence. I couldn't help not to remember the day they made fun of Clarence and the worst part I was with them I was part of it at tila bale wala lang sa kanya yon.

Ano bang meron sa dalawang ito at parang napaka bilis naman ng pagbabago ni Ryan? I thought this morning nagkataon lang na sabay silang pumasok pero tila ata sabay talaga silang pumasok.

During one of our breaks I went to the C.R at hindi ko naman inasahan yung tagpong nadatnan ko. Pagpasok ko sa C.R. I saw Ryan standing sa pinakadulong cubicle suddenly I heard a very familiar voice. Hindi ako pwedeng magkamali boses ni Clarence yon at tila nasa loob sya ng cubicle habang si Ryan nakatayo sa harapan nya. Putek! Anong pinag gagawa ng dalawang to sa loob ng banyo, dito pa mismo sa school.

"Kaya mo yan! Narinig kong sambit ni Ryan.

"Saglit lang pahinga lang muna ako! Sambit naman ni Clarence.

Agad naman akong lumabas ng banyo. The whole time sa school hindi maalis sa isip ko yung nasaksihan ko. Kahit na ayaw kong mag isip ng masama hindi ko maiwasang mag isip ng kung ano ano. Putek na Clarence ganyan na ba sya kadesperado at nakuha nyang patulan si Ryan sa isip ko naman.

Pagkatapos ng klase dumiretso agad ako sa gym para mag practice. Paglabas ko ng locker pagkatapos magpalit ng damit na panlaro,  nakaabang naman sa akin si Clarence. Buti na lang wala pang ibang tao ng mga sandaling iyon. When I saw him I suddenly got lost. I didn't know what to feel. I felt angry but somehow there's a part of me felt really glad to see him, but my mind keep telling me, "You should end this. You should end his delusion!".

"Pwede ba tayong mag usap? Kahit saglit lang." Bungad nito.

"Clarence wala na tayong dapat pag usapan!" Matigas kong tugon sabay diretso sa paglakad.

"Please naman oh, wag mo naman akong iwasan. Kausapin mo naman ako" Sambit nito sabay harang sa dinadaanan ko.

Just to stay firm on my resolve, "Hindi ka ba nakakaintindi ha? Palagay mo ba normal ang lahat ng ito ha? What made you think after all that had happened everything would still be the same? Mag isip isip ka nga." Sambit ko naman sa kanya.

"Alam ko!...  And do you know how hard it is for me to act like everything is normal? Like nothing happened? I've been trying to live a normal life! Hindi ko na nga matandaan kung paano mabuhay ng normal eh, kaya please even just for now mag usap tayo after this hindi na kita guguluhin. ." Pakiusap naman nya.

"HINDI AKO PUMAPATOL SA BAKLA!!!!!" Bulalas ko sa kanya.

Natulala sya sa mga sinabi ko at halata ang pagkagulat. Even I was a bit flustered by what I said. I felt it was too much but what could I do, I didn't know how to stop him. In a snap, he was shattered into pieces. I saw him holding back his tears. I was battling with myself. My mind was trying to make sense of everything. Mas mainam na to kaisa mas lalo lang lumalim ang sakit na nararamdaman nya pag nag patuloy pa sya. But my heart was troubled and agigated.

And before he could regain his composure I hit another blow "Is that what you've become after what happened? Huh, Clarence! You've become so delusional that you've even mistaken a simple act of kindness into love. You even went this far dragging all of us in your web of delusion! Look how pathetic you are! " Sabay tulak ko sa kanya patabi at diretso ng lakad.

"Hindi totoo yan! Hindi mo naiintindihan! Sigaw naman ni Clarence.

"Clarence that's enough! Tigilan mo na yan." Biglang sambit naman ng tinig. Paglingon ko nakita ko naman si Ryan halfway toward Clarence. Bigla naman akong nagulat sa pagsulpot nito, maybe he was there all along watching us.

"Tama na yan! Tara ihahatid na kita sa inyo." Sambit pa ni Ryan.

"Sandali lang Ryan kailangan ko syang makausap." Pagpupumilit naman ni Clarence.

"Tigilan mo na yan sabi eh! Mag tira ka naman ng konting kahihiyan para sa sarili mo." Tugon naman ni Ryan. Bigla naman nahinto si Clarence sa narinig nya sabay takbo palabas ng gym.

"Wow! That surely is mean!" Panunuya naman ng Putek na Ryan. "You really have no idea what you have just done today! Dagdag pa nito sabay iling ng ulo nito. Pagkatapos ng mga sinabi nya tumakbo na rin ito palabas upang habulin si Clarence.

When I finally realized the gravity of what I just did,  napa upo na lang ako sa sahig ng gym.

Damn it! fuck shit! This time I blew things up big time. 

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
11.3M 481K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
3M 145K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
191K 7K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...