Love Trap (COMPLETED)

By MissRaine_

14.3K 613 81

I already break a hundred of hearts. Caused trouble to everyone around. I never wanna be committed, I always... More

Disclaimer
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five - LAST CHAPTER

Sixteen

302 22 4
By MissRaine_

If there's a reason why I don't like to fall in love is the fact that it will affect my whole system if we fight. Tulad nalang ngayon. It's sunday morning and it's supposed to be a happy day. Lalo na't cancel ang classes namin bukas para naman makapag-pahinga ng maayos ang lahat.

Mula kagabi ay hindi ko pa chine-check ang phone ko. Not that I'm assuming he'll call. Baka nga magkasama na naman sila ng Shai na iyon. And that thought itself, breaks me.

"You won't go out today?" Mom is standing at the door while eyeing at me curiously.

I shrugged before covering my head with the blanket beside me. "Pagod ako, Mom."

"Lalabas kami ng daddy mo. Gusto mong sumama?"

"I want to sleep, Mom."

Hindi ako inaantok pero gusto ko lang talaga na humilata maghapon. It was as if all my energy have gone far far away.

"Okay. May ipapabili ka ba?"

Ibinaba ko ang kumot na nakatakip sa mukha saka sinabi ang gusto ko. "Can you buy me donuts, Mom?"

"Is something wrong?" She knew it's my comfort food. With a sigh, she nodded before closing my door.

Nang makaalis sila ay saka lang ako bumaba sa kusina. Kahit naman hindi maganda ang pakiramdam ko ay nagugutom ako noh. It's almost lunch time and I haven't had my breakfast yet. Isama pa na nag-coffee at bread lang ako kagabi.

I sat on my usual seat. Akmang isusubo ko na ang kanin nang dumating si Kathy. Suot ang magarang damit ay nahuhulaan ko na agad na aayain niya akong lumabas.

I groaned before she can even say something. "Ayokong lumabas, Kathy..."

"Come on," umupo siya sa tabi ko. "Kakain lang tayo sa restaurant ng friend ko. Opening kasi."

Nagtaas ako ng kilay sa kanya at umirap. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya at kahit hindi ako naniniwala ay alam kong hindi niya ako titigilan.

Tumayo ako at iniwan siya roon para magbihis.

Suot ang pulang bestida na hanggang tuhod at doll shoes na red, lumabas kami ng bahay ni Kathy.

"Buti nalang sumama ka." Ngumisi siya sa akin habang nakasakay kami sa taxi. "Sayang ang outfit ko kapag nag-inarte ka."

Inirapan ko siya at hindi sinagot. Shit! I left my phone. Hayaan na nga. Sandali lang naman siguro kami.

It took us almost fifteen minutes to arrive on the said restaurant. Opening nga dahil marami pang mga kung ano-anong disenyo na nakasabit at pagkalaki-laki ng tarpaulin sa labas na nakalagay ang salitang GRAND OPENING.

The restaurant is obviously fancy. Unang tingin palang ay alam mo ng ginto ang bawat pagkain.

"Libre ba rito?" Tanong ko nang makapasok kami sa loob. Pumwesto kami ni Kathy sa second floor at sa may balcony area. Mabuti nalang at hindi mainit ngayong araw. Parang uulan pa nga eh.

"Yup!" She giggles. "Kaya nga kita inaya dahil sayang ang free pass natin."

I still think she has another agenda in pulling me here. Hinihintay ko siyang magsalita pero natapos na kaming kumain at lahat lahat ay wala pa rin. Ang kaninang plano na kumain lang sa labas ay nadagdagan na ng pagsa-shopping. Pumayag na rin ako dahil gusto kong maliwat muna sa isipan ang mga nangyari.

"Zara muna tayo?" Ayun kasi ang unang store na makikita pagkalapag sa second floor. She pulled me over with full energy.

Nag-try kami ng iba't ibang damit na karamihan ay tank tops. This is one thing about shopping, you'll eventually forget everything and get drown in things.

"Ay bet!" Kinuha niya ang dress na hawak ko saka itinapat sa akin. "Bagay sayo. Kuha tayo, pairing?"

Ngumisi ako saka nag-thumbs up. Matapos namin doon ay dumiretso kami sa Adidas, nagpasama siya dahil may in-order daw siya na dumating na kahapon. At tulad na ng inaasahan ko ay lumabas kami ng store na iyon na may tigda-dalawang sapatos.

"Ang tagal na nating hindi nagagawa ito," puna niya habang nakaupo kami sa loob ng may kaliitang store ng Turks. We stop and eat for a while after going to the jewelry shop some minutes ago.

And I realize that it's true. Sobrang naging busy namin sa school at madalas pa na si Addison ang kasama ko. It's been a while. Pakiramdam ko tuloy ay nalulungkot siya dahil hindi na kami nakakapagsama ng ganito katagal.

"Sorry, Kathy."

Halatang nagulat siya sa sinabi ko at maya-maya lang ay biglang tumawa ng malakas. Napapahiyang tinignan ko ang mga taong dumadaan. Pinanlakihan ko siya ng mata at agad niya namang hininaan ang boses.

"Bakit ka nagso-sorry? Baliw. By the way, ayos ka na ba?"

"Huh?"

"Hindi pa rin ba kayo okay?"

Natahimik ako. Kathy's face turns serious. Muli kong naramdaman ang lungkot na pansamantalang nakalimutan kanina. The way he choose to believe another girl rather than believing his own girlfriend... it still haunts me till now.

Siguro kasi nasanay ako na sa akin siya kampi, nasanay ako na naiintindihan niya ako...

A tear escape from my eyes unconsciously.

"If he makes you cry like this, I don't like him anymore for you." My heart melts as Kathy say those words. It feels so good to have a friend like her in times like this.

"Hindi ko alam, Kathy... Kasalanan ba niya o masyado lang akong sensitive at nagiging unreasonable." I sigh. "Am I being a toxic girlfriend now?"

"No," mabilis niyang sagot. "If he makes you feel so lowly of your worth, then he's an asshole."

A smile crept on my lips when she said those words. Hindi siya nagtanong o nangulit na magkwento ako pero ano man ang mangyari alam kong nasa likod ko lang siya. It feels so good to have someone beside me, that will always choose to stay with me. 

Bakit siya kakampihan ako ng walang alinlangan, alam niya man o hindi ang nangyari?

I know the answer. Kasi mas mahalaga ako para sa kanya kaysa kay Addi.

And that answer broke me because it means that Shaina matters the most to him... 

Nasa bahay na sila Mommy nang makauwi ako. She worriedly comes to me and hug me. Nagtataka kong sinilip si Daddy na nasa likod ni Mommy. I feel guilty for making the worry. Hindi nga pala ako nagpaalam and being with Kathy, I literally forgot the time.

"Saan ka galing?" Daddy sounds worried than angry. "Kanina pa kami tawag ng tawag."

"Sorry, Dad. Naiwan ko ang phone ko."

"Nanggaling si Addison dito kanina ka pa hinihintay pero pinauwi na namin dahil gabi na. Hindi mo man lang siya sinabihan na lalabas ka?"

Nagulat ako pero hindi ko pinahalata. Why would he go here?

"Ahh," I nodded like it's just normal to see him here. "Maliligo muna ako, Mom, Dad."

Mom nodded easily why Dad examines me first. Ramdam ko ang tingin niya habang paakyat ako ng hagdan. Why is he always like that? Parang wala akong kayang itago sa kanya. It feels like he knows everything every single time. I guess that's how a father is like.

Agad kong chinarge ang cellphone ko bago naligo. Habang nasa shower ay pumasok sa isip ko ang mga pwedeng nangyari kanina. Anong oras siya nagpunta rito? Hindi ba siya natatakot na mag-away kami sa harap ng parents ko?

I wonder if he left with a heavy heart like mine.

I check my phone while combing my hair. Sunod-sunod na pumasok ang mga messages mula kila Mommy at ang mga chat ni Addison sa messenger at sa instagram.

Sorry, Charies. Usap na tayo, pls?

Sorry na...

Uy, sorry na.

I'm an asshole. Sorry. Kausapin mo na ako, please?

Hindi ako matutulog hangga't hindi ka nagrereply.

True enough, sunod-sunod ang text niya hanggang mag-ala una ng madaling araw. Sunod niyang text ay alas-otso na ng umaga.

Good morning! Galit ka pa?

Bati na tayo, please?

Babawi ako. Kahit anong gusto mo. Pansinin mo na ako...

Kasunod nun ang maraming crying emoji at wala sa sariling natawa nalang ako. Wala sa mga mensahe niya ang sinabi niyang pupunta siya rito pero ang latest niyang mga chats ay ito:

Saan ka nagpunta? Hihintayin kita rito.

Uwi ka na, miss na kita

Loveeeee...

Natigilan ako sa chat niyang iyon. It's the first time he called me with that endearment. Pinigilan ko ang sarili na mag-react sa mismong chat na iyon. Uminit ang pisngi ko habang pinipigilan ang ngiti na nagkukumahog lumabas.

Gabi na. 

Uwi na raw ako. Mag-reply ka kapag nakauwi ka na, ha?

Bago pa ako makapagtipa ng reply ay may pumasok ulit na dalawang chat mula sa kanya.

Nakauwi ka na raw. Seener, ah?

Uyy, hindi na galit iyan. Mag-reply ka naman, Miss. 

Was it a common feeling when you feel like you want to ignore him and see what he'll do?

Alam ko na hindi na ako galit. Mistulang natunaw lahat ng galit ko sa mga linya niya. he surely knows how to make someone feel special without realizing it. Mas okay siguro na sa personal nalang kami mag-usap dahil hindi kami magkakaintindihan ng maayos sa chat.

The next morning, after reading his good morning texts, I run downstairs wearing a simple outfit.

"May lakad ka?" Dad is in his usual seat, holding a newly released newspaper and a coffee in front of him. Mom's on her laptop, engrossed on something.

"Maglalakad-lakad lang, Dad."

May pasok sila pareho kaya pagkatapos ubusin ang mga kape nila ay umalis na rin sila agad. I was about to go upstairs again when someone rings the doorbell. Lumakas ang tibok ng puso ko at ayaw ko mang umasa ay hindi ko pa rin maiwasan.

Mabuti nalang at hindi naman ako nagkamali. It's Addi, looking so fresh with his baby blue-colored shirt and black male jeans. Medyo basa pa ang buhok kaya alam kong kaliligo lang. 

Agad siyang ngumiti nang makita ako. Pero bago siya makapasok ay sinara ko na ang gate. Now, both of us are outside. Halatang nagulat siya sa sinabi ko.

"Pwede na ba tayong mag-usap?" Seryoso ang tono niya hindi tulad ng mga chat na sinesend niya.

I gulped before looking away. Hindi ko makayanan ang intesnsidad ng mga mata niyang nakatitig sa akin. 

I do think this isn't a good place to talk to. Kaya naman matapang ko siyang hinarap, suot pa rin ang blankong mukha na animo'y galit pa rin kahit hindi na.

"Alam mo, Addi, siguro mas maganda kung..."

He immediately cut me off. "Don't say it."

"Mas kakalma tayo kapag ganoon. Maybe we have to--"

"I said don't say it, Charies."

Nagulat ako ng magtaas siya ng boses. Are we going to fight again? Sa simpleng bagay na ito? Is he serious? Suminghap ako bago pinilit pa rin ang gusto.

"No. Hindi naman kasi natin ito maaayos kung--"

"Maaayos natin ito," singit niya ulit. I was about talk again when he stops me using his index finger. "Huwag ka namang magdesisyon nalang basta. We're in a relationship because of a mutual decision kaya bakit ka magde-desisyon mag-isa?"

Ano bang sinasabi nito? Naiilang na tinignan ko ang mga kabahayan sa amin. Medyo mainit na rin kaya gusto ko sanang sa maayos na lugar kami mag-usap. Ngayon maski itong lugar ay kailangan pang palakihin.

Inirapan ko siya saka umambang aalis. Humarang siya sa dadaanan ko. Ang mapupungay niyang mata ay nagdulot ng kakaibang saya at sakit sa puso ko. He looks so hurt and I can't help but to feel guilty. Kahit wala naman akong ginagawa sa kanya. 

"Pakikinggan kita," mabilis niyang pagsasalita. "Pakikinggan ko lahat ng sasabihin mo. I'm sorry I'm being insensitive. Sorry kung nasaktan ko ang damdamin mo. Sorry kung pakiramdam mo mas mahalaga siya sa akin. I'm sorry. Can you give me another chance to show you how much I care for you?"

Wooh! Hindi ko ine-expect na magiging ganito ka-drama ang usapan namin. And right in front of our gate, under the sun. Medyo weird... it doesn't looks romantic at all.

"Pakikinggan," I mocked at him. "Hindi mo nga magawang patapusin ang sinasabi ko."

Kumurap-kurap siya at nag-iwas ng tingin. Ramdam ko ang panghihina niya lalo't nakahawak ang siya sa braso ko. 

"Ayokong marinig, Chariessa." He sounds weak. "Kasisimula palang natin, bakit kailangan mo ng tapusin agad?"

"Pinagsasasabi mo?" My brows furrowed in annoyance.

"Makikipaghiwalay ka!" Dinig ko ang inis sa tono ng boses niya. "Iyon ang sasabihin mo, 'di ba? Ayokong marinig iyon."

I was shock for a moment before laughing at him. Kaya pala ganyan siya ka-OA. Nagtataka niya akong tinignan.

"Aayain lang naman kitang pumunta sa ibang lugar. It's weird talking here, you know." I laugh again. "OA mo. But since binigyan mo ako ng idea, why not--"

"Sshh!" Gulat na gulat pa rin siya. "Hindi ka talaga makikipaghiwalay?"

Umiling ako at tila doon lang siya nakahinga ng maluwag. His lips formed the cutest smile I've ever seen from him. He stretched his hand and asked me to hold it. Pinagsiklop niya ang mga kamay namin saka nakangiting hinalikan ang likod ng kamay ko.

"Yuck!" Pabiro kong sambit. He pouted and started talking so much again.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 22.9K 33
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
12.1K 651 45
Mara Elaisle or Mae never believes in the concept of pure or unconditional 'LOVE'. She has a broken family, her parents separated when she was young...
7.5K 23 1
Beatrice Solomon, known as a "bitch" due to her ability to provoke jealousy among girls, finds pleasure in teasing those who secretly like someone bu...
45.1K 2.2K 29
- refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidden. 05 | 15 | 24