Damsel In Distress (Sanford S...

By Emerald_Griffin

63.7K 3.5K 106

The life that River Louis Reyes lives in feels like she is walking on a rough road under the stormy sky. Ever... More

DISCLAIMER
TEASER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
EPILOGUE
SANFORD SERIES #5: MELTING ME SOFTLY

CHAPTER 11

2K 137 3
By Emerald_Griffin

(WARNING: This part contains strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity that may be offensive or disturbing and is not suitable for young readers and sensitive individuals. You have been warned.)

PINIGILAN niya ang mga luha na tumulo mula sa kanyang mga mata. Puno ng lungkot ang kanyang dibdib dahil sa sunod-sunod na trahedyang hinaharap niya. Wala pang isang taon mula nang mamatay ang kanyang mga magulang at ngayon ay sumunod naman si Tiya Olivia.

Naroon din ang pagsisi dahil hindi niya nakumusta man lang ang matanda. Umalis siyang kasama ang mga magulang sa kanilang probinsiya at uuwi siyang mag-isa dahil sa masakit na dahilan. Sana ay pinilit nalang niya ang mga magulang noon na manatili sa kanilang probinsiya, hindi sana mawawala ang mga taong mahalaga sa kanya.

Itinuon ni River ang mga mata sa labas ng bus kung saan ang luntiang kakahuyan at mga palayan ang kanyang nakikita. Namimiss ng kanyang mga mata ang tanawing iyon at ang hangin sa probinsiya.

May tumulong luha sa kanyang pisngi ngunit agad niya rin iyong pinahiran. Hindi pa sapat ang iniyak niya kagabi, hindi man lang nabawasan ang sakit.

Nang makarating sa kabisera ay agad niyang tinungo ang bahay ng kaibigan ng kanyang Tiya Olivia. Malungkot itong ngumiti sa kanya at sa ilang sandali ay ibinahagi ang mga huling araw ni Olivia.

Bukod sa pananakit ng tuhod ay wala ng ibang ininda ang matanda. Isang umaga ay naratnan nalang ito ng kapitbahay sa loob ng silid nito at hindi na humihinga. Ang sabi ng iba ay namatay daw dahil sa bangungot ngunit may nagsasabi ring inatake sa puso ang matanda sa pagtulog.

Hapon na ng magtungo siya sa puntod ng kanyang Tiya. Muli na namang tumulo ang kanyang luha habang nagpapaalam rito. Kahit hindi sila masyadong malapit at may pagka-istrikto si Olivia ay mahal niya ito. Pinagsisihan niyang hindi man lang ito nakasama noong mga huling araw nito, mag-isa lang ang matanda hanggang sa pumanaw. Tumanda itong dalaga kaya wala itong kasama sa bahay.

Madilim na nang umuwi siya sa nabakanteng bahay. Maayos ang mga kagamitan doon na marahil ay inayos ng mga kapitbahay, o hindi lang talaga makalat si Olivia?

Naglatag siya ng banig sa sala na gawa sa kawayan at doon humiga, hindi niya kayang matulog sa kamang hinigaan ng kanyang Tiya bago ito namayapa.

River let her tears fell and curled herself in a fetus position. She needed a good cry to release all the pressure and sadness inside her chest.

Kinabukasan ay pinasalamatan niya ang mga kapitbahay na siyang umasikaso sa libing ni Olivia. Nakipagkuwentuhan din siya sa mga ito, naikuwento niya ang nangyari sa mga magulang at mga kapatid. Nakita niya ang awa at simpatya sa mga mata ng mga ito, ngumiti lang siya at nagpasalamat.

Pinuntahan din ni River ang ilog sa gitna ng gubat, marami silang ala-ala ng kanyang mga magulang doon. Kadalasan na kapag walang trabaho si Ador ay doon sila namamasyal mag-anak, ang kanyang ina naman minsan ay doon naglalaba.

Her lips stretch in a bittersweet smile with the thought of her family. Maddie was all she got now, at least she's not alone and there are good people who are willing to help them.

Napatayo si River mula sa malaking batong kinauupuan, nakatunghay iyon sa malinis na ilog. Maingat na bumaba siya upang hindi madulas, nang makababa ay agad siyang napatingala sa malaking punong nasa malapit.

"You will still do that if you'll be given a chance to go back?" Naalala niyang tanong ni Lucas nang sabihin niya ritong ang pag-akyat sa puno ang isa sa mga namimiss niya sa buhay probinsiya.

Pinuno niya ng hangin ang kanyang baga at nagsimulang kumapit sa katawan ng puno. Bata palang siya ay inaakyat na niya iyon, maliit palang iyon dati ngunit kasabay ng kanyang paglaki ay ang pagyabong ng puno.

Nahirapan siya sa pag-akyat subalit nagawa niya. Hindi na siya nagpatuloy sa pag-akyat patungo sa pinakataas na bahagi dahil mahirap nang akyatin iyon.

Umupo siya sa isang sanga at sumandal sa katawan ng puno. Tanging ang tunog ng rumaragasang tubig sa malapit at ang huni ng mga ibon ang siyang maririnig sa paligid. Napakatahimik, malayong malayo sa siyudad na kanyang pinanggalingan.

"Sana masaya na kayo kung nasaan man kayo, 'Nay, 'Tay at Tiya Olivia." Kailangan na niyang pakawalan ang mga ito at tanggapin hindi na sila babalik. Kailangan niyang gawin iyon upang makausad.

GABI na ng makarating ang kanyang sinasakyang bus paluwas sa lungsod. Dala ang kanyang bag na pinaglagyan niya ng mga gamit ay lumabas siya sa pampasaherong bus. Nananakit ang kanyang likod dahil sa biyahe at kumakalam ang kanyang sikmura dahil kaninang umaga pa ang matino niyang kain. Tanging nilagang itlog ang kinain niya para sa tanghalian.

Palabas na siya ng terminal nang may humawak sa kanyang balikat, agad siyang napatingin sa taong iyon. "L-Lucas..." Nakangiti ito sa kanya at ang aliwalas ng itsura nito. Parang gusto niyang pumaloob sa mga bisig nito at magsumbong nang makita ang ngiting iyon.

"Let's go home..." he said.

Bumilis ang tibok ng puso ni River at nanghihina ang kanyang mga tuhod. Tumango nalang siya rito at hinayaan itong igiya siya patungo sa kotse nito.

Pagkapasok nila sa loob ng sasakyan ay dumukwang si Lucas at ikinabit ang kanyang seatbelt. Nang kabigin nito ang kanyang ulo at dampian iyon ng halik ay napapikit siya. Nang magsalita ito ay iminulat niya ang mga mata at itinuon sa mga kamay na nasa kandungan.

"Are you okay?" Itinango ng dalaga ang ulo bilang sagot.

Isang huling sulyap ang iginawad ni Lucas sa dalagang nakaupo sa passenger seat bago binuksan ang makina ng sasakyan at minaniobra iyon paalis.

Nang marinig ang pagkalam ng sikmura ng kasama ay naisipan ni Lucas na tumigil sa isang restaurant upang kumain. Tahimik lang si River na sumunod dito at umupo sa upuang katapat nito. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata ng kasama dahil paniguradong iiyak na naman siya.

Habang kumakain ay tahimik lang ang dalawa. Sinubukan ni Lucas na kausapin si River ngunit tipid lang ang mga sagot nito kaya itinikom nalang niya ang bibig. Nag-aalala siya sa dalaga at gusto niyang malalam kung ano ang nararamdaman nito, ngunit hindi niya pipilitin kung ayaw nitong magbahagi ng nararamdaman sa ngayon.

Imbes na tumuloy sa sasakyan paglabas ng restaurant ay hinila siya ni Lucas patungo sa baywalk na malapit lang sa hinintuan nila. Umupo sila malapit sa malaking puno habang nakaharap sa madilim na karagatan.

Nayakap ni River ang katawan nang makaramdam ng panlalamig. Hindi na siya umangal ng kabigin siya ng kasama at isandal ang kanyang ulo sa balikat nito.

"You can cry..."

Napatingala siya sa binata. Nakatunghay ito sa kanya at isang masuyong ngiti ang nakapaskil sa mga labi.

Nadala marahil siya ng emosyon sa mga mata nito kaya sunod-sunod na nagbagsakan ng kanyang mga luha. Tinuyo naman nito ang mga iyon gamit ang mga daliri. Nang ipaloob siya nito sa mga bisig ay walang pagdadalawang-isip na ipinulupot niya ang mga braso sa katawan nito, sumubsob sa dibdib nito at umiyak.

Lucas never stopped kissing her hair until there are no tears left to cry. "Feeling better?" Nang tumango si River bilang tugon ay inilapat niya ang labi sa noo nito. "Gusto mo bang umuwi na?" River shook her head in a no. "Do you want to go somewhere else?"

"G-gusto kong uminom..." Agad ding nag-iwas ng tingin si River nang makaramdam ng hiya dahil sa isinagot. Totoong iyon ang unang pumasok na gawin sa kanyang isipan. Gusto niyang mawala ang mga iniisip kahit sandali lang, iyon daw ang mabisang paraan upang makalimot ng pandalian sabi ng iba. Bagaman ay may masama siyang karanasan sa pag-inom noong gabing pagtangkaan siya ni Fernan, ay panatag ang kanyang loob dahil si Lucas ang kanyang kasama.

Muli na naman siyang kinabahan nang matahimik ang binata, ramdam din niya ang init ng tingin nito sa kanya.

"Let's go," sabi ni Lucas at hinila siya patayo. Napasunod siya rito palakad sa kinapaparadahan ng sasakyan.

Sa gulat niya ay imbes na dumiretso sila pauwi ay dinala nga siya nito sa isang bar. Nag-aalangan siya noong una ngunit nang iumang nito ang mga kamay pagkabukas nito ng pinto ng sasakyan ay tinanggap niya iyon.

Ibang-iba ang bar na pinagdalhan sa kanya ni Lucas kaysa sa bar na pinasukan nila noon ng mga kasamahan sa trabaho.

Hindi gaanong maingay ang bar at hindi puno ng tao ang lugar. May mga magkakapareha ang umiinom, mayroon rin namang magkakabarkada at mga nag-iisa lang.

Nang makalapit sa bar counter ay inalalayan siya ni Lucas sa pag-upo. Kapagkuwan ay umupo ito sa kanyang tabi at um-order ng maiinom.

"Sex on the beach and whiskey." Rinig niyang sabi nito sa bartender. Namula ang kanyang pisngi dahil sa mahalay na salitang iyon. Nang linungin niya ang binata ay nakangiti itong nakatingin sa kanya, nakakahawa ang ngiti nito kaya napangiti narin siya.

"Here, try it," anito at inumang sa kanya ang isang baso na may lamang kulay kahil na inumin na inilapag ng bartender.

May pag-aalinlangang tinaggap niya iyon. Ang ngiti nito ang nag-udyok sa kanya kaya dinala niya iyon sa mga labi. Marahang sinipsip niya ang straw at napangiti ng malasahan ang tamis niyon. Mali ang akala niyang masakit iyon sa lalamunan at tiyan. Lasa ng prutas ang kanyang nalalasahan sa inumin.

Hindi niya tinigilan ang pag-inom hanggang sa maubos niya iyon. "Masarap," aniya.

Isang ngisi ang sumilay sa mga labi ni Lucas at sumagot, "halata nga."

Sabay silang dalawa na natawa dahil sa sinabi nito. Sandaling nakalimutan ni River ang lungkot sa kanyang dibdib dahil dito. Ipinatikim sa kanya ni Lucas ang iba't ibang klase ng alak na buong buhay niya ay ngayon lang naipakilala sa kanya, mula sa sex on the beach hanggang sa pinakamatapang na alak na ipinatikim nito sa kanya.

"Ayoko na," usal niya at inilapag ang martini kasabay ng pagngiwi nang maramdaman ang pag-iinit ng lalamunan. Napatingin siya sa binata na namumula na ang mukha dahil sa naimon, bagaman sa tingin niya ay hindi pa naman ito lasing. Ngumisi ito sa kanya pagkatapos ubusin ang whiskey nito.

"Sumuko ka rin," ani Lucas sa naaaliw na boses. Naubos nito ang lahat ng mga inuming in-order niya rito kanina, sumuko lang sa panghuli. "Gusto mo nang umuwi?" Isang oras mahigit na silang naroon at umiinom.

Itinango niya ang ulo at agad na napahawak doon ng makaramdam ng pagkahilo. Bumaba siya sa kinauupuan at muntik nang matumba kung hindi siya nito nahawakan sa bewang.

"Careful."

Hinayaan niya si Lucas na akayin siya palabas sa lugar na iyon. Sa halip na tunguhin ang kinapaparadahan ay tumawag ito ng taxi at nagpahatid pauwi.

"Are you okay?"

"Hmm..." tanging tugon niya kay Lucas at inihilig ang ulo sa balikat nito. Nahihilo siya at namimigat ang talukap ng kanyang mga mata.

Nanatili siyang nakapikit hanggang sa makarating sila sa bahay ng mga Villarama. Nang kargahin siya nito ay hindi na siya umalma at ibinaon ang mukha sa dibdib nito.

Pagkalipas ng ilang sandali ay naramdaman niya ang paglapat ng kanyang katawan sa malambot na kama. Nang buksan niya ang mga mata ay nasalubong niyon ang mga mata ng binata. Nakakubabaw ito sa kanya at ang dalawang kamay ay nasa magkabila niyang ulo.

Nilalasing siyang lalo ng mga mata nito. Nang ibaba nito ang mga labi ay agad siyang napapikit at iniawang mga labi.

Umungol si River nang magsimulang gumalaw ang mga labi nito. Sa una ay malumanay hanggang sa dumiin iyon at puno ng intensidad.

Hindi siya nanlaban o umangal man lang nang dumako ang mga kamay ng binata sa kanyang blusa at kalasan ang pagkakabutones niyon. Marahil ay dahil sa alak na naimon ay hinayaan niya itong kubkubin ang kanyang dibdib mula sa labas ng kanyang panloob.

Nang dumako ang mga labi ni Lucas sa kanyang leeg ay isang ungol ang kumawala sa kanyang bibig. Lalong nanikip ang kanyang mga talukap at dumilim ang kanyang paningin dahil sa pagkalasing sa mga halik at haplos nito, hanggang sa tuluyan siyang tangayin ng antok.

MGA boses ang nagpaggising kay River kinabukasan. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata ngunit agad na napapikit dahil sa sinag ng araw na pumapasok mula sa salaming dingding patungo sa balkonahe.

Nang may gumalaw at umungol sa kanyang likuran ay bigla niyang naimulat ang mga mata. Nawala ang kanyang antok nang maramdaman ang brasong nakayakap sa kanyang katawan mula sa likuran, ang hininga nito ay tumatama sa kanyang batok na nagpapatindig sa kanyang balahibo.

"Kailan niyo pa ginagawa 'to sa pamamahay ko!"

Agad na lumipad ang paningin niya sa may-ari ng pamilyar na boses na iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita si Alessandra at si Nick, maging ang katulong, sa loob ng silid at nakatingin sa kanila ng lalaking kasama niya sa ibabaw ng kama.

"Gumising ka, Lucas Nicholai!" ang malakas na sigaw nito.

Natakot si River ng marinig ang galit sa boses nito. Doon niya tuluyang napagtanto na wala siyang suot na pang-itaas kung 'di ang kanyang bra at ang may-ari ng mga brasong nakapulupot sa kanya ay si Lucas. Tanging boxer shorts ang suot nito sa katawan.

"Mom, Dad," agad na usal ni Lucas sa malat na boses nang makita ang magulang.

"Get dress and meet us downstairs!"

Lumabas ang tatlo mula sa loob ng silid. Napapitlag si River ng malakas na isinarado ni Alessandra ang pinto.

"L-Lucas..." naiiyak na aniya.

Napatingin si Lucas kay River na mahigpit na nakakapit sa kanyang braso. Puno ng takot ang mukha nito. 

Continue Reading

You'll Also Like

7.5K 1.2K 33
Until when are you going to say that you've had enough? Feeling unwanted, unloved and being deprived of having a family. Xiomara Evanthia Zarate is t...
72K 4.1K 26
Rain Cameron Montgomery personifies an independent and modern woman. She's easy to get along with and is a friend to Oliver and George. She was kicke...
7.8M 229K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
11K 373 42
UNICORN SERIES#1 (COMPLETED) This story is about a gay who firmly believes that he will never fall in love with a girl but everything changes when he...