Love Trap (COMPLETED)

By MissRaine_

14.3K 613 81

I already break a hundred of hearts. Caused trouble to everyone around. I never wanna be committed, I always... More

Disclaimer
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five - LAST CHAPTER

Fourteen

309 17 7
By MissRaine_

Greeny grass, clean environment, tall trees, some benches made of wood... Napaka-relaxing ng vibe na binibigay ng lugar. Pinapanood ko si Addison na abala sa pag-papalipad ng drone hindi kalayuan sa pwesto ko. He looks happy. Alam ko na tinanggap niya ang project na ito hindi lang dahil nahihiya siyang tumanggi kundi mahilig siya sa pagkuha ng mga larawan at videos. 

Nabanggit niya sa akin na gusto niyang maging journalist. I'm not sure if he'd pursue that since engineering ang kukunin niya sa college.

"Anong mas magandang angle ng pagkuha ng video?" Lumapit siya sa akin at may pina-panood na video sa akin. Hindi siya propesyonal pero may talento talaga siya.

"Mas okay yung mula rito sa baba tas biglang tataas yung camera para ipakita yung buong view," suhestiyon ko.

Hindi ko napigilang hindi siya kuhanan ng larawan habang busy siya sa ginagawa. Mula rito ay naririnig na namin ang ingay ng mga nagsisidatingan. I'm not sure if schoolmates namin iyon o mga galing sa kabilang school.

"Tara na," ani Addi saka hinila ang kamay ko. 

Marami na ngang tao sa pwesto namin kanina. Tumutulong mag-ayos ang mga kaibigan namin at ang kasama ko ay nangunguha pa rin ng video para sa project namin. May hawak din akong notebook para i-record ang mangyayari sa bawat oras.

Sunod na dumating ang mga teachers na agad kaming tinawag para mag-meeting sandali para sa mga magiging flow ng buong stay namin dito. Mrs. Castro, our school principal is also here. Aalis din siya maya-maya at iche-check lang ang lagay namin dito.

"Magkakaroon tayo ng activity mamayang alas-tres," pag-imporma ng isang teacher na kasama namin. I don't know her kaya I'm sure na from the other school siya galing. Naka-indian seat kami sa damuhan at dikit-dikit. "Unang gagawin natin ay opening program na siyang ginagawa natin ngayon. Pagkatapos ay kakain ng tanghalian na hinanda namin para sa inyo. Pagkatapos ng lunch break ay bibigyan namin kayo ng oras na mag-ayos ng mga gamit at magbihis ng damit. Mamamahagi kami mamaya ng ribbon."

"Ribbon?" Nagtatakang bulungan ng lahat. "Aanhin natin iyon?"

"Baka reward," tatawa-tawang sabi ng isang lalaki. "Most obedient, first honor, best in talking."

Pinatahimik kaming lahat nang lumakas ang tawanan. Even my friends and I are laughing with them. Nagtataka man sa kung anong tinutukoy nila ay hindi ko mapigilang hindi ma-excite. 

"May hinanda kaming obstacle course and we will play this game in batches. Sa dulo ng obstacles, may question na nakahanda. At kapag nakuha niyo na ang sagot, hahanapin niyo ito sa buong campsite. And the twist is, dapat hindi kayo maghiwa-hiwalay. Kapag may naligaw na isa sa team niyo, pwede silang patayin ng kabilang team. Kapag mas marami kayo ay pwede niyong patayin ang mas kakaunti na makakasalubong niyo. Kunwari ang Team A ay apat silang magkakasama at nakasalubong nila ang Team B na dadalawa lang. Pwede nilang patayin sa pamamagitan ng paghawak ng ribbon. Bawal tumakbo kapag nahawakan na ang ribbon. At bawal ka ring pumatay kung mas kakaunti kayo. Gets?"

"Ma'am," someone raised her hand. "Paano made-determine ang panalo?"

"May limang pwedeng manalo. May limang bagay na nakatago sa buong campsite kaya ang pinakamagiging thrill dito ay kung sino ang nauna. At kung sakali na tatlo silang nauna, ang mananalo ay ang pinaka-maraming natirang myembro."

"Sounds exciting," Dana blurted out.

"Maganda kung magiging okay ang teammates mo."

It's past three when already when we are called again by the facilitators. Nakalinya-linya na kami. Magiging apat na batch ang maglalaro at napunta kami sa first batch. Ngayon ay sa batch namin, magkakaroon kami ng pitong team. Yellow, red, green, blue, white, black, and pink. 

"There are seventy sheets of papers in here." Itinaas ng facilitator ang isang box. "Ten members each color."

Nagsimula ng bumunot ang iba. Kabado ako dahil wala naman ako gaanong kaibigan na iba bukod kila Kathy. Baka mamaya ay hindi ako gusto ng mga ka-team ko. 

Bumunot na sila Addi at ako naman ang susunod. I put my hand inside as my heart beats nervously. Pagkakuha ko ng papel na nakatupi ay pinanood ko muna ang reaksyon ng ilan. Naghahanap na sila ng mga kaparehong kulay.

"Anong color ka?" Lumapit si Dana sa akin at sinilip ang papel ko pero hindi niya makita dahil hindi pa naman nabubuksan. "Green ako."

Please Lord, sana green din ako.

Dahan-dahan kong binuksan ang papel at agad akong nanlumo sa unang letra palang. Red. Lumapit si Sarah at sinabing green team din siya. Pinanghihinaan na ako ng loob.

"Okay students, go to your respective teams na. For green team dito kayo," may tinuro siyang certain space doon at naglakad ang ilan papunta doon. Sarah, Dana, and Ronald is in green team. "Yellow dito, then pink, blue, white, black, and red."

Nagkagulo na ang lahat sa kakapunta sa pwesto nila. My brain si clouded in fear. Lalo na nang mamataan kong sa red team pumunta si Kara. Sa dami ng pwede bakit isa pa siya sa ka-team ko? What if pagtulungan nila ako?

"Anong team ka?" Kumurap-kurap ako at nagbaba ng tingin sa hawak ni Addison na papel. Nabuhayan ako ng loob ng mabasa na sa red team din siya.

Malawak ang ngisi na pinakita ko sa kanya ang team color ko. He raised her hand for a high five that I quickly smack using my palm. Buti nalang.

Ka-team din namin si Kathy at si... Rina. Hindi ko kilala ang ilan dahil bukod kay Kathy, Rina, Addi, at Kara ay hindi na namin schoolmate ang ilan. 

"Kulang pa tayo ng isa," sambit ni Kathy na kanina pa bilang ng bilang kung sampo na ba kami. 

 Then a familiar girl comes in holding a piece of paper in her hand. Nag-angat siya ng tingin at ngumiti sa amin. "Red team?" Her voice is as sweet as a candy.

Saan ko na nga ba siya nakita? I'm sure nagkita na kami. I looked away to hide my curiosity while thinking where and when did I see her. Nasalubong ko ang kakaibang tingin ni Rina... not to me but to the lady.

Is she related to her?

"Kaibigan lang daw iyan," bulong ni Kathy. With furrowed brows, I looked at her. "Yan oh. Yung girl na nakita natin sa labas ng bahay nila Addison."

And that's how I remember everything. Tumingin ako sa gawi niya at ngayon ay abala na silang mag-usap ni Addi. He did not even introduce me to her. Lumunok ako at umiwas ng tingin pero huli na dahil napansin na ako ni Addison. He streched his hand as he asks for me to come over. Wala na akong nagawa dahil maski yung babae ay nakatingin na sa akin.

"H-hi," I awkwardly greeted.

"Hi," the girl smiled sweetly. "Ako nga pala si Shaina, you are?"

Inilagay ni Addi ang kamay sa bewang ko saka hinapit pa ako lalo palapit. "Charies, my girlfriend. Ang ganda noh?"

My heart warms as he proudly introduce me to her. Pero bahagyang nabahiran ng kaba ang dibdib ko nang makita ang pagbabago ng mukha ng babae. She looks disappointed and hurt. Ayoko siyang pag-isipan ng masama lalo na't agad niya ring minanupila ang emosyon at ngumiti na parang hindi nagdilim ang mukha niya kanina.

I don't know if Addison saw that.

"Oh... may girlfriend ka na pala."

I badly wanted to roll my eyes and reply, 'Obvious ba?'.

Hindi nakasagot si Addi dahil nagkumpulan na ang mga groupmates namin at magsisimula na raw ang game. Naglagay kami ng mga ribbon sa kamay. Addi's busy tying my ribbon when Shaina comes forward.

"Pwedeng pakitali rin ng akin?" I swear, she looks kind. Her voice is angelic and she smiles so sweetly. 

"Sure." Binitawan ni Addi ang kamay ko matapos tapusin ang paglalagay ng ribbon saka lumapit kay Shaina. 

Hinila ako ni Kathy palayo ng ilang hakbang sa kanila at mula rito ay kitang-kita ko ang tawanan nila. I wonder what they are talking that they look so happy about.

Damn. Ayoko yung ganitong pakiramdam. Why do I feel like she can easily snatch him from me when she feels like it? No, Chariessa. You promised yourself even before na hindi ka mai-insecure sa iba lalo na sa kaibigan ng boyfriend mo.

"Ang plastik ng ngiti sayo," suhol ni Kathy na mas lalo pang dinagdagan ang sama ng kalooban ko. Hindi ko siya pinansin at nakisali nalang sa mga ka-team sa pag-iisip ng magandang tactic para manalo.

Bago magsimula ang game ay bumalik na sa tabi ko si Addi. Tulad ng nasa instruction ay isa-isa muna kaming sumulong sa obstacle course. Nakakatuwa siya at kahit papaano ay nawaglit sa isipan ko ang nangyari kanina. Matapos ang ginawa naming iyon ay nakakuha kami ng papel na may lamang tanong.

What has teeth but cannot eat?

Madali lang ang sagot. Ang mahirap ay ang paghahanap sa bagay na iyon. Addi held my hand. 

"Walang hihiwalay, ah?" The boy from the other school reminds us.

Sama-sama kaming nag-ikot. Bawal sa loob ng tent at bawal sa loob ng bahay na nakatayo roon para sa mga staff. Hindi rin pwede mandaya rito o manguha ng ilang bagay dahil may nakasulat na wordings sa mismong bagay na iyon para masiguro na iyon nga ang tinago nila.

"Saan tayo maghahanap?" Sa luwang ng site na ito, mahahanap kaya namin?

Abala kaming lahat sa paghahanap. Sa damuhan, sa itaas ng puno, sa mga halaman... as in literal na para kaming pulis na nagre-raid at naghahanap ng ebidensya. Mag-i-isang oras na kaming ganoon.

"Ouch!"

Sabay-sabay kaming napatingin sa nagsalita. Dali-daling dinaluhan ni Addison si Shaina. Natapilok yata? Malay ko. Hindi ko naman nakita. Para sa isang babaeng nasaktan at nasugatan, mukha siyang masaya. Her eyes are gleaming in happiness and I can see it from here. 

"She's pathetic." Napaigtad ako nang may magsalita sa likuran ko. Sinilip ko iyon at nakita si Rina na nakatingin sa gawi nila Addi. Then she gazed at me. "Mag-ingat ka sa ahas sa tabi-tabi."

Hanggang sa matapos namin ang game ay hindi nawala sa isip ko ang sinabi ni Rina. She's mean but she never, never backstab someone with lies. Si Kathy ang nakahanap sa suklay na siyang sagot sa tanong. Naging tie ang laban dahil yung nakasabay naming nakahanap din ng sagot sa logic nila ay hindi rin natanggalan ng myembro. Malamang dahil wala namang naghiwa-hiwalay sa amin.

Turn naman ng second batch ngayon habang nagpapahinga kami.

"Kanina ka pa tahimik," sita ni Addison sa akin. Naka-paikot kami kasama sila Kathy, Dana, Sarah, Winston, Ronald, at Seth. His dear friend is staying inside her tent. I wonder kung nagkasugat ba talaga siya o nasaktan lang naman sandali. But nevertheless, I hope she's fine.

"Huh?"

His eyes narrowed. "May problema ba?"

I'm sure as hell I can't tell him I'm uncomfortable with his friend around. Magmumukha akong toxic girlfriend non. And now I feel so bad.

"Wala naman. Medyo napagod lang."

Speaking of our project, ipinasa muna ni Addi ang camera sa isang staff na nagta-trabaho rito sa campsite. Magaling daw sila manguha ng video at habang nagpapahinga kami ay sila muna ang gagawa ng trabaho ni Addi, which is very considerate and kind of them.

"Ano iyang pinagbubulungan niyo? Kayo ha, lagi niyo nalang kaming ino-OP."

I laugh as Seth punched some jokes. Kalaunan ay nakalimutan ko rin naman ang nangyari kanina, 'wag lang talagang lalapit si Rina at guguluhin na naman ang utak ko. I don't know what to do anymore if ever.

 Matapos ang campfire ay nagsitulog na kami sa kani-kanyang tent. The next morning, ako ang mas naunang nagising kay Kathy. I checked my phone and I saw a text from Dad and from Addi. The former asked how I am and the latter greeted me good morning. Nag-inat ako saka ginising si Kathy na humingi pa ng five minutes.

Mag-isa akong lumabas. Nakasalubong ko ang isang staff at nagpatulong ako maghanap ng washroom. Pagkatapos kong maghugas ng mukha at mag-toothbrush ay namataan ko si Rina na nakikipagtalo kung kanino.

Nagtago ako sa may punong malapit. Ayokong maki-usyoso pero kinakabahan akong iwan sila rito. 

"The ever pathetic Rina Sandoval." Her voice is still sweet even it's dirty. "Nice meeting you again, my friend."

What?

"Alam natin pareho kung sinong nagsisinungaling sa atin noon," Rina says while holding a cup of something. Hindi ko makita kung anong laman dahil hindi naman ganoon kalapit ang pwesto ko sa kanila.

"Really? Backstabbing me? Anong klaseng kaibigan ang isusumbong ka kapag naipit ka na?"

"Ginawa ko iyon kasi ayaw kitang mapahamak." Nagtaas na ng boses si Rina kaya alam kong galit na siya. She's always cool even she's annoyed but now is a different story. "Pero sana hindi ko nalang ginawa. Hindi sana kita pinigilang sumali sa grupong iyon, eh 'di sana pare-pareho kayong nasa kulungan ngayon!"

"What?" Shai's face reddened in anger.

"18 ka naman na. I heard your supposed to be friends are now in jail. Ganoong klase ng mga kaibigan ba ang gusto mo?"

"Alam mong hindi iyan ang gusto ko. Gusto ko lang--"

"Maki-in sa uso? Dahil sikat sila at kinatatakutan gusto mo ng sumama? Clearly they are not good for you!"

"Alam mo ba kung anong ginawa ng mga magulang ko dahil sa ginawa mo?" 

"Grounded? Stay abroad for months without gadgets?" Rina chuckled. "Such a stupid bitch."

"Huwag na tayong mag-plastikan dito," Shai suggested. "You were considered the meanest bitch in your batch."

"At least I'm not someone who smiles so sweetly but a real devil inside. Fake, plastic--"

"Akala mo hindi ko alam?" Humalakhak si Shai na parang demonyo. Differ from what she lets other sees her. "Alam kong matagal ka ng insecure sa akin dahil kay Addi. Alam kong may gusto ka sa kanya pero hindi ka pinapansin."

"What the fvck are you talking about?"

Alam kong nakita niya ako. Hindi niya pinahalata pero sa pag-iiba niya ng topic ay alam kong gusto niya kaming pag-awayin ni Rina. Too bad, I'm not someone who would fall with that kind of tactics. 

May sinabi pa ito at nanggigil na sinabuhan siya ni Rina ng tubig. Natulos ako sa kinatatayuan at hindi agad nakagalaw. And then I saw Addi coming over...

Continue Reading

You'll Also Like

106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
1.2K 129 41
Simon Marcos fanfiction & TRILOGY #2 Simon, he's that one hard hearted guy. Not knowing that this special girl is going to change him into a soft lov...
31.5K 691 51
"Ang pangarap ko ay maging piloto at ikaw ang maging pasahero." -Zach (COMPLETED)
1.8M 76.3K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...