Love Trap (COMPLETED)

By MissRaine_

14.4K 613 81

I already break a hundred of hearts. Caused trouble to everyone around. I never wanna be committed, I always... More

Disclaimer
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five - LAST CHAPTER

Twelve

281 18 2
By MissRaine_

"Let's go, Kathy." Nagmamadali kong inayos ang mga gamit at hindi na nahintay pa si Kathy.

Katatapos lang ng last subject namin para sa araw na ito. I texted our driver to fetch me up early today. Binilisan kong lumakad papunta sa gate at nabuhayan ng loob nang makita ang sasakyan namin. 

But before I could even go near, someone pulled my hand resulting for me to almost got tripped. Napahawak ako sa braso niya habang nakapikit. I'm anticipating my fall on the ground but I didn't. 

"Ayos ka lang?" My breathing hitched when it hit me how embarrassing our position could be. Tumayo ako ng maayos at saka siya tinulak. "Chariessa?"

"Oh," kunwari ay gulat na sambit ko. "Hindi ka pa uuwi?"

"Pauwi na rin. Bakit ka nagmamadali?" Tila ba sinisisid niya ang laman ng isipan ko sa paraan ng pagkakatitig niya. My face flushed as I looked away. "Iniiwasan mo ba ako?"

There. He drops the question. Na-praktis ko na eto eh. Once he'll ask me about this I would deny it act cool with it. Pero ngayong nasa harapan ko na, hindi ko alam, hindi ako makapagsalita. Ang tanging kaya ko lang gawin ngayon ay mag-iwas ng tingin habang iniisip kung paano siya tatakasan.

Mahabang katahimikan ang namayani sa amin. Pakonti na ng pakonti ang mga estudyanteng dumadaan samantalang nasa ganito pa rin kaming posisyon. Mula sa gilid ng aking mata ay alam kong hindi niya inalis ang titig sa akin. I'm becoming more and more conscious as time goes by.

"Chariessa--"

"No!" I hissed. "No, I don't like you, okay?"

"Huh?" Nalilito niyang sabi.

Oh my gosh! Anong sinabi ko? Why did I...

Damn.

Nakakahiya! Wala namang nagtatanong Chariessa, anong iniinarte mo riyan?

"I... I mean," I clasped my hands together. "I mean I don't like to talk right now. Marami pa akong gagawin." I gave him an awkward smile and immediately run off.

Hoo! Hinihingal na umupo ako sa sasakyan at agad sinabihan si Manong na umandar na kami agad. Nagtataka niya pa akong sinulyapan bago pinaharurot ang sasakyan. I looked back again at our school gate only to see him looking at our car running away from him.

A pang of pain hit my chest when I think of the possible consequences of what I have done. Dalawa lang ang pwede niyang isipin: Na ayaw ko sa kanya o gusto ko siya.

And what I have said is indirectly saying that I like him. Argh! Nasapo ko ang noo at agad umayos nang mamataan ang repleksyon sa salamin. Mukha akong tanga. Kanina pa ako isip ng isip ng kung ano-ano rito. I should stop overthinking things.

Kinabukasan ay tamad na tamad akong pumasok ng classroom. Addison did not chat me yesterday and he did not go to our house early today. Siguro ang alam niya ay nakaalis na ako. I'm not waiting for him, nagkataon lang na late akong nagising.

"Ang aga namang busangot niyan," sita ni Kathy na nakapalumbaba at pinapanood akong magbaba ng bag sa desk bago umupo. "Si Addison--"

"Nagpunta siya rito?" Shocked and curious, I cut her off.

Natawa siya at bahagya akong nahiya. Mabuti nalang at kakaunti palang kami dito sa classroom. She curled her hair using her fingers while looking at me. "Hindi. Itatanong ko nga sayo kung bakit wala siya eh."

"Ahh," I answered in dismay. 

Iyon ang pinaka-unang umaga na hindi siya nagpakita sa classroom namin. I waited until lunch but still, no sign of him. Gusto ko sanang tanungin siya sa mga kabanda pero maski ang mga ito ay hindi ko mahagilap. My girls keep asking me about him but I chose to stay silent.

Galit ba siya? Does he think that I hate him?

"Pumasok si Addison?" Tanong ni Dana sa isang babae na sa tingin ko ay kaklase ni Addison. the girl is wearing thick glasses and she looks shy when she stopped beside our table.

"Oo," aniya bago umalis.

Pumasok siya...

Pero maski magpakita ay hindi niya magawa. Since when did the tables turn? Akala ko ba ako ang galit sa kanya dahil hindi siya sumipot noong sabado? And then what happened yesterday plays in my mind. Sumama ba ang loob niya sa sinabi ko?

Sinabi ko lang naman iyon dahil gusto kong paniwalain ang sarili na hindi ko siya gusto. Oo na. Gusto ko na. Gusto ko na siya. Hindi ko alam kung bakit pero nandito na eh. I like the version of me when I'm with him. Kapag siya ang kasama ko parang hindi ko kailangang magkunwari sa mga bagay-bagay o mag-alala na baka i-judge niya ako.

And if he's not around, I miss him surely.

Bagong-bago sa akin ang pakiramdam na ito at bagaman may saya nandoon pa rin ang takot. Hindi ko mapangalanan kung anong klase ng takot per natatakot ako. Hundreds of what ifs and doubts- not just about Addi, but also about me.

Natapos ang buong araw na wala talagang paramdam ang loko. I keep on checking my phone pero paulit-ulit lang din akong nalulungkot. I'm not into flowers but I miss his roses. I'm not into annoying guys but I love it when he annoys me.

I sighed.

"Uyyy lalim nun, ah?" I rolled my eyes at Kathy while putting my things on my bag. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong magpaparamdam siya. Should I go talk to him first? Sa tingin ko ay kasalanan ko naman.

Sinukbit ko ang strap ng Coach backpack na dala ko ngayon at saka lumabas ng classroom kasunod si Kathy. I stopped midway when I saw Addi at the stairs. Doon kami dadaan dahil iyon lang naman ang daanan na pwede. May ginagawa kasi sa kabilang hagdan at sarado iyon ngayon. 

Nag-angat siya ng tingin at nagtama ang mga mata namin. My lips parted in awe. Kanina ay gusto ko siyang makita o makausap pero ngayon namang ilang hakbang nalang ang agwat namin ay hindi ko alam ang gagawin. Tumingin ako kay Kathy at saka nanghihingi ng tulong na pinanlakihan ko siya ng mata.

Ngumiti siya saka hinila ang palapulsuhan ko palapit sa pwesto ni Addison. At some point gumaan ang pakiramdam ko dahil meron si Kathy pero nang magsalita na siya ay gusto ko nalang lamunin ng lupa.

"Nagtatampo si Charies. Bakit wala raw siyang bulaklak ngayong araw?"

I shouldn't have trusted her!

"What?" Halos lumuwa na ang mata ko sa sobrang gulat. What a friend! Humarap ako kay Addi at dali-daling nagpaliwanag. "That's not true. Hindi kita hinihintay at mas lalong wala akong pakielam sa bulaklak. Don't mind Kathy's mouth. She's a good liar."

Kathy shrugged as she smiles at me evilly. "So bakit ka matamlay at tulala maghapon?"

Suminghap ako at saka siya inirapan. Remind me to pull her hair later.

Natahimik kaming tatlo pagkatapos non. Addison is still quiet which is unusual. Hindi ako sanay sa lamig ng pakikitungo niya at bahagya akong kinakabahan doon. 

"So," pagbasag ni Kathy sa katahimikan. "Alis na ako ha..."

She took wo steps forward and was about to leave when Addison called her. Naestatwa ako nang mapansin ang pag-iwas niya ng tingin sa akin. 

"Actually, ikaw ang pinunta ko rito. Pwede ba kitang makausap," anito habang nakaharap kay Kathy.

Mistulang naguho ang mundo ko sa narinig. Hindi ko inaasahan ang pamumuo ng luha sa mga mata lalo na nang makita ang awa't pagsisisi sa mga mata ng kaibigan ko. Biting my lower lip, I nodded at her to reassure her that I'm fine.

So fine that I wanted to lock myself inside my room and have a good cry for the rest of the night.

Lumunok ako upang mawala ang bara sa lalamunan bago walang sabi-sabing umalis doon. Hindi ko kayang magsalita dahil ano mang oras ay tutulo na ang luha ko. My voice will surely crack and I don't want anyone, especially Addison, to feel pitiful towards me.

Wala pa ang sundo ko kaya nag-commute na ako. I can't stay here any longer.

"Oh? Sinundo ka na ng driver natin, ah?" Salubong ni Mommy na may halong pagtataka nang makita ako.

I fight the urge to hug and cry on her shoulders. Ayokong mag-alala siya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya bago nagkulong sa kwarto ko. And this moment is one of the hardest moments of my life. Hindi ko ma-imagine ang cold na Addison. He's always funny, annoying, and talkative towards me. At hindi ko siya masisi dahil kasalanan ko naman. 

Late na pumasok si Kathy kinabukasan, may teacher na sa harap kaya hindi ko siya matanong sa nangyari. Halos wala kaming bakanteng oras para makapag-usap hanggang mag-lunch time.

"Cafeteria tayo?" Tanong ko habang pinapanood siyang magligpit ng gamit. "Bakit parang nagmamadali ka?"

"Oo. Dumating kasi yung Tita ko, sa bahay raw kami maglu-lunch." Tinuloy niya ang pag-aayos ng gamit. Nang matapos ay tumingin siya sa akin. "Sorry 'di ko nasabi. Gusto mo bang sumama?"

"Hindi na..." Ano namang gagawin ko roon. Nakakahiya. Saka hindi ko naman kilala ang tita na tinutukoy niya.

Naiwan ako sa classroom nang umalis siya. Saan naman ako kakain? Iba ang oras ng lunch time nila Dana kaya hindi ako makakasabay sa kanila. Nakakasama lang namin sila minsan kapag hindi um-attend ang teacher nila ng gantong oras.

I don't want to eat in the cafeteria alone. Kung mag-fa-fast food naman ako... 

Sigh. Dito nalang muna ako sa classroom. Kapag may pumansin ay sasabihin kong diet ako o 'di kaya ay magkunwari na may ginagawa. 

Pero gutom na ako.

I spent another ten minutes thinking of what to do. Panay ang pagkalam ng sikmura ko at kaunti nalang ay tatayo na ako sa kinauupuan para magpunta sa cafeteria.

Pero sa pag-iisip at pakikipagtalo sa sarili ay naabutan na ako ng ala-una dito. Nagsisidatingan na ang mga kaklase ko at ilang minuto nalang ay darating na ang teacher namin. Kathy's not yet here. Baka hindi na pumasok iyon. But in contrast to that, she entered just before our teacher did.

"Hoo," pagbuga niya ng hininga. "Kapagod."

"Tumakbo ka?"

"Oo. Nag-commute lang din kasi ako dahil nandon pa sila Mommy. Teka, saan ka kumain?" I didn't answer. "Don't tell me hindi ka kumain?"

"It's fine. Busog pa naman ako."

Umirap siya sa akin. "As if naman maniniwala ako."

Hindi ko na pinagtanggol pa ang sarili dahil bukod sa ayoko ng igiit pa ang kasinungalingan ay alam kong hindi talaga niya ako paniniwalaan.

Literal na tunog ng tunog ang tiyan ko sa buong klase namin maghapon. Mahina lang naman at hindi rinig or kung rinig man tiyak na si Kathy lang makakarinig. 

"Next weekend na pala yung camp ano?" Banggit niya habang naglalakad kami papunta sa ate.

Malapit na pala. Hindi ko in-expect na a-attend ako ng school camp na hindi kami okay ni Addison. Speaking of that guy...

"Anong pinag-usapan niyo kahapon?"

"Ah," aniya. "Wala naman. Kumustahan lang."

"Kumustahan?" Tapos kailangan pang si Kathy lang kausapin niya? "Ano nga?" pangungulit ko.

"Iyon nga lang-- oh, speak of the devil..." May nginuso siya sa likod ko. 

My heart thumped loudly inside my chest. Sa hindi ko maintindihang pangyayari ay bigla na lang akong kinabahan ng husto.

"Kathy," he called with his usual lovely voice. 

Umirap ako. Kathy... so si Kathy na naman ang kakausapin niya? Umirap ako at hindi na siya hinarap. Nagmamadali akong humakbang paalis kasabay nang pagyukom ng mga kamao ko at ang napakasakit na kirot sa dibdib ko.

If he's going to act like this forever then fine. Tch.

Unexpectedly, Addison's warm hands held my arms which made me stop walking. Humarap ako sa kanya at gusto ko nalang maiyak nang makita ang sari-saring emosyon sa mga mata niya. "Saan ka pupunta?"

Wala na si Kathy. Saan nagpunta iyon? Akala ko ba mag-kukumustahan pa sila? I can't help but to glare at him. Matapos niya akong hindi pansinin...

"Uuwi na," tipid kong sabi.

"Okay." Ngumiti siya na parang walang nangyari. "Tara na."

"Kaya kong umuwi mag-isa ko," masungit na sabi ko saka inagaw ang braso sa kanya at iniwan siya roon. Sumunod din ito agad.

"Ako hindi..."

"Duh! May sarili kang paa."

"Oo nga," sagot niya agad. "Kaso ayaw maglakad palayo sayo."

Tinignan ko siya ng masama at kininditan pa ako ng siraulo. Gusto kong kiligin sa banat niya pero hindi mawala sa akin ang ginawa niyang pagtrato kahapon at maski ang hindi niya pagpaparamdam noong weekend.

Pagsakay ko sa sasakyan namin ay sumakay rin siya. Kung hindi ba naman makapal ang mukha ng isang ito.

"Alam mo na, Kuya," anito sa driver namin. At namalayan ko nalang na sa ibang direksyon kami nagtungo.

"Aware ka ba na kidnapping ang tawag dito?"

"Really?" An amused grin played in his lips. "Sa sarili mong driver at sasakyan, kidnapping?"

Hindi ko nalang siya pinansin at hinulaan kung saan pupunta ang sasakyan namin. But on the other point, nagkausap na sila ni manong driver bago pa ang oras na ito? He just said 'Alam mo na, Kuya' what does he mean?

Sinulyapan ko siya pero agad ding nag-iwas nang makita ang titig niya sa akin habang naka-krus ang dalawang braso sa kanyang dibdib at nakangiti. He looks stupidly... handsome.

A crept of smile plastered on my lips. Sa ngiti niya palang ay parang nabawasan na ng mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko.

Continue Reading

You'll Also Like

28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
1.1M 25.4K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
2.8M 53.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...