Academia De Inferno

By Makeup_Your_Pain

1.5K 20 15

Wew isang underground na school? lupit naman no'n.....isang liblib na lugar na hindi malaman-laman ng ibang t... More

Authors Note
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thiry Three
Chapter Thirty Four

Chapter Twenty Nine

23 0 0
By Makeup_Your_Pain

Tanong

Blair's Point of View

Halos isang oras na kaming naglalakad ni wala sa'ming apat ang nagsasalita.

Haggang sa may maisip akong tanong.

"Ano pala pangalan mo?" lumingon ito sakin at nginitian ako.

"Hillary, kayo?" ang ganda ng pangalan.

"Ako si Blair, sa kaliwa ko si Klein."

"Hi." ngumiti naman si kupal kaya nginitian din ni Hillary.

"At si Troy." ngumiti si Hillary sakanya pero walang reaction si Troy kaya siniko ko siya.

"Ah eh, ganyan talaga 'yan." pagpapalusot ko kaya sinamaan ko ng tingin si Troy.

"Okay lang." binilisan ko ang paglalakad haggang sa magpantay kami ni Hillary.

Ewan ko ba, ang gaan ng loob ko sakanya.

"So Hilla--" naputol ang sasabihin ko.

"Hail na lang.." wow.

"Okay Hail." napangiti siya dahil sa panggagaya ko ng tuno niya.

"So, ga'no kana katagal dito?"

"Hindi ko alam." napaubo ang dalawang mukong sa likod.

"Bakit hindi mo alam?" nakapagtataka naman.

"Hindi ko alam, pero ang alam ko matagal."

"Ah gano'n ba?" napatango ito.

"Ikaw? matagal kana ba dito?"

"Buwan na din, actually kaming Lima." biglang nag-iba ang timpla ng muka niya.

May bahid na lungkot peri pinipigilan lang niya.

"Talaga? asan yung dalawa?"

"Yung isa naiba ang grupo at yung isa hindi sinubukan ang pagsusulit na ito." napatango ito.

"May problema ba?" dinig kong saad ni Klein.

"Wala naalala ko lang yung nagiisang kaibigan ko." pabulong ito pero dinig naman kahit papaano.

"Anong nangyari sakaniya?" finally nagsalita na din si Troy.

"Wala na siya, nung mamatay ang pinuno ng Devilish Dragon Empire, mga kampon ni Trixie ang tumapos sakanya...."

'Nakaramdam ako ng awa.'

"....binuwis niya ang buhay niya para saakin, para mabuhay ako." parang naiiyak na siya, hala mali!

"Sorry." sabay kaming tatlo.

"Hindi ayos lang, matagal ko ng gusto ikwento sa iba, wala akong malabasan, ambigat sa pakiramdam, parang kasalanan ko kung bakit nawalan ng buhay ang kaibigan ko."

"Shh, ayos lang 'yan Hail, huwag ka ng malungkot." hinawakan ko ang balikat niya, "sure akong ayaw niyang makitang malungkot ka."

"Siya na lang meron ako eh, nawala pa." pinunasan niya ang luha niya.

"Meron na kami." napalingon ako kay Troy.

"Yup, sang-ayon ako do'n, simula ngayon kaibigan mo na kami." napangiti ako dahil sa sinabi nila, parang may kumiliti sa puso ko.

"Talaga?" tila nagliwanag ang muka niya.

"Oo naman." kaya napangiti ito.

"Tama na ang kadramahan niyo." napalingon kami sa harap.

'Uh yung bruha na naman.'

"Ano na naman ba Andrea?" ngumisi ito.

"Wala naman." ginala ko ang mata ko para tignan ang buong paligid.

May bakod at sa kinatatayuan niya ay 'yon lang ang tanging daan.

"Tara na, nagsasayang tayo ng oras." ani Troy kaya siya ang nauna.

Akmang lalagpasan niya si Andrea pero sinapak ni Andrea si Troy kaya tumilapon ito.

Nag-init ang kamao ko.

"Ano bang problema mo?!" inis na saad ko, akmang susugod ako pero hinawakan ako ni Hail.

"Saglit, parang parti to ng pagsusulit." biglang nawala ang init ng ulo ko.

"Ano bang gagawin para padaanin mo kami?" si Klein, humalakhak si Andrea.

"Isang tanong." napakunot ang noo ko.

"Anong klasing tanong?" naguguluhang tanong ni Troy.

"Teka, easy muna, isang beses ka lang p'wedeng sumagot sa tanong na ito."

Naguguluhan ako, hindi masagap ang kukute ko.

"Ang sinasabi mo ba, kung masasagot namin ng tama ang tanong mo, papadaanin mo ba kami?" ani Hail.

"Gano'n na nga." magsasalita pa sana ako ng may dumating na ibang grupo.

"Tabi diyan, ang babagal niyo." apat na lalaki ito, ng bigla akong bungguin ng malakas kaya tumilapon ang balikat ko.

Babawi sana si Troy pero pinigilan ko.

"Paharang harang sa daan." ani ng isang lalaki.

"Ikaw haharang ka din? baka gusto mong upakan ka namin?" pananakot ni Andrea.

"Sinong tinakot mo kalbo?" pinigilan ko ang tawa ko dahil sa sinabi ni Andrea pero si Klein ay anlakas ng tawa.

"Anong sabi mo?" naiinis na sabi nung lalaki.

"Wala, sabi ko ang kinis ng ulo mo." lihim na patawa ang nagawa naming apat dahil do'n.

"Aba't nang-iinsulto ka ba?!" sumugod siya kay Andrea pero naglabas ito ng patalim at binanatan si kalbo sa pisnge.

"Ano ba 'yan, ang init." ani Andrea kaya tumalikod ito at nagtali ng buhok.

Ang markang 'yon, 'yon din ang ginawa niya n'ng sa pila ng C.R, tsk hambog purket nasa ranko na ang yabang na.

"Ven, nasa ikasampong imperials 'yan." tumayo yung Ven na sinasabi nila.

"Ano bang paraan para makalusot diyan?"

'Yabang pa kasi'

"Tanong." binulsa ni Andrea ang patalim niya.

"Anong tanong?" ngumisi si Andrea.

"Ready kana ba kalbo?" tila napikon si Ven sa ani nito.

"Ge, baka hindi ko mapigilan sarili ko."

"Tandaan ha? isang beses lang p'wedeng sumagot." napaisip ang grupo ng kalalakihan.

"Sige, handa na."

Nakita kung nag-indian sit si Andrea at pinatong niya ang baba niya sa likod ng kamay niya.

"Tanong, may mandudukot sa bahay niyo, nando'n ang mama at girlfriend mo, isa lang ang maaarin mong iligtas sakanila, sino ang ililigtas mo?"

'Ano?! anong klasing tanong 'yon?!'

Napatingin ako sakanila na ngayo'y nag-iisip din ng pusibling sagot.

"Ang mama ko siyempre." napalingon ako do'n sa sumagot na 'yon.

"Wews." dinig kong ani Klein.

"Pangatwiran mo." nilalaro ni Andrea ang buhok niya.

"Siyempre girlfriend ko lang 'yon madaling palitan, eh yung mama ko, nag-iisa lang 'yon."

Nalaglag ang panga naming apat dahil sa sinabi niya.

Umabot ng limang minuto, na lahat kami ay naguguluhan.

"Maaari na kayong dumaan." ani Andrea.

"Ano?! hindi patas 'yon!" pagtutol ni Klein.

"Kaya nga! anong klasing tanong 'yan?!" dagdag ni Hail.

"Pa'no ba 'yan mga kutong lupa? una na kami." ani ng grupo ng kalalakihan.

"Paalala, tatlong daan 'yang makikita niyo, piliin niyo ang kaliwang bahagi." pahabol niya at tuluyan ng umalis ang grupo ng kalalakihan.

"Ano kayo naman?" ngumisi ito.

Napaisip na lang ako, mahirap ang tanong na ibibigay namin, kaylangan pang pangatwiran ito.

"Ano ba ang iyong katanungan?" ani Troy

"May mahuhulog sa bangin nakahawak sa magkabilang kamay mo mama at papa mo, isa lang maaaring i angat mo sakanila." ngumisi ito.

"Napakadaya mo naman! wala namang pusibling sagot sa tanong mo!" sigaw ni Klein.

"Ah--"

"Hep!" naputol ang sasabihin ko.

"Ang mahuli kong magsalita pa ay hindi na kayo makakadaan saakin, mama at papa lang ang p'wedeng sagot."

Tinitignan ko silang tatlo.

"Kahit huwag ng dumaan diyan, bahala kayo." ani Klein na umupo sa lupa.

"Limang segundo para sagutin ang tanong ko."

'Sana walang sumagot sakanila.'

"Isa..."

'Dahil kapag nagkataon wala na 'to.'

"Dalawa...."

Tinignan ko si Hail na nagtatanong kung ano ang isasagot.

"Tatlo...."

Hindi ko na siya pinansin at tumingin ako kay Troy na nakahawak sa baba niya at nag-iisip.

"Apat..."

"Kaihit wala." dagdag ni Klein.

"Lima."

"Irghh! nakakainis ka!" mabilis kong hinila si Klein dahil susugudin niya si Andrea.

"Ano bang ginagawa mo?! Alis!" sinamaan ko siya ng tingin.

"Sasamaan mo 'ko ng tingin?! Ayan! Hindi na tayo papadaanin dahil wala tayong nasagot!" dagdag pa niya.

"Gung-gong, ikaw na mismo nagsabi na walang pusibling sagot sa tanong, nag-iisip ka ba?" pagpapaliwanag ko.

"Ahh kaya parang ang sagot sa tanong ay katahimikan." ani Hail.

"Gano'n na nga." ani Andrea na siyang kinaluwag ng paghinga ko.

Pero napapaisip ako kaya napaupo ako sa lupa.

"Pero pa'no 'yong apat na nauna sa'min? ba't mo sila pinadaan?" ani Klein.

"Diba't sabi ko tatlo ang daan? mali ang impormasyon na ibinigay ko sakanila, ang gitna ang daan patungo sa taas ng bundok." tumayo si Andrea at nagpagpag.

"So, ang daan na binigay ko ay hindi patungo sa bundok?" nagtatakang tanong ni Troy.

"Hindi, papunta din sa mataas na bundok pero madaming patibong ang naghihintay sakanila, ligtas ang daan para sa gitna."

"Ahh..." ani nilang tatlo.

"Napahanga mo 'ko Blair, may isip kana pala." nginisian ko siya.

"Maaari na kayong dumaan." dinig kong saad ni Andrea pero may pilit na gumugulo sa isip ko.

"Ano pang hinihintay mo Blair?" si Klein.

"Ano bang iniisip mo?" dagdag ni Troy

Nilingon ko sila. "Pa'no kung mangyari saatin ang sitwasyon na 'yon? edi wala din tayong ililigtas?"

Natikom ang bibig nila.

Call me over acting pero pilit na gumugulo sa isip ko 'yon.

"Sabagay tama ka, pero isa lang ang naisiip ko, maaaring mag-isip ng paraan para maligtas pareho" ani Hail.

"Sabagay, tama ka....tara na." pagyayaya ko sakanila.

Akmang aalis na kami pero, "Ingat kayo." nilingon namin si Andrea.

"May mga siraulo na hayok sa gulo ang karamihan na sumali dito, meron sa iba na walang sinasanto, patayan kung patayan."

Nilingon ko silang tatlo, kita ko na may bahid na pag-aalala at takot sa kanilang mga mata.

"Sige, salamat." ngumiti ito at tumalikod na.

Habang naglalakad kami ay batid sakanila ang kaba, "Kahit na anong mangyari, sama sama tayong tatlo." ani ko para mapanatag ang isip nila.

"Hmmm." sabi ni Hail.

"Palubog na ang araw." ani Troy kaya napatingin ako sa araw na ngayo'y palubog na.

"Humanap na tayo ng mapagpapahingaan." ani Klein.

Napatango na lang kaming tatlo.

Naglakad pa kami at ilang hakbang may nakita kaming pakurbang puno, kaya pumunta na kami do'n.

Naupo kami do'n at nagpahinga.

"Urgh nakakapagod." ungol ni Klein.

"Gutom na din ako." dagdag pa niya kaya kumalam ang sikmura ko.

"Ako na bahala, may nakita akong prutas malapit lang dito." ani Troy.

"Ayus 'yan, tara kuha tayo." ani ko.

"Hindi na ako na, gumawa na kayo ng apoy, mabilis lang ako" tumayo si Troy at pumunta na.

Urgh nakakainis talaga ang tigas ng ulo, baka nakalimutan niya na sinabi ni Andrea kanina? 'apaka careless!

"So--"

"Ako marunong gumawa ng apoy!" boluntaryo na saad ni Hail na siyang kinatikom ng bibig ni Klein.

'Nice.'

Humanap siya ng dalawang bato.

Nahihiyang napalingon siya kay Klein.

Nagtaas siya ng kilay, "Aum...p'wede ka bang kumuha ng kahoy?...mga kahoy?" tumango si Klein.

"Sus 'yon lang pala." tumayo na siya at para maghanap ng kahoy.

Aba, sana lamang hindi makarating ito kay Justine uh.

Wala pang ilang sandali nakabalik na agad si Klein.

"Oh? ambilis mo naman." katwiran ko.

"Ah, may nakita akong kutsilyo sa bulsa ko e." nilagay niya ang kahoy at kinapa ang likod ng bulsa.

"Ito oh..." labas niya ng kutsilyo, "Tapos may baril pa." dagdag pa niya.

Sa'n galing 'yon?

"Ngayon niyo lang alam?" napakamot ng ulo si Hail.

"Bakit?" nakakunot ang noo ko.

"Meron din ako...." nilabas niya ito, "ito oh..."

Teka nga!

Tumayo ako at kinapa ko din ang akin, laking tuwa ko nang meron din pala ako!

"Oo nga nuh? HAHAHA." tumawa kaming tatlo.

Mukang nagkakabutihan na kami kasama si Hail.

Sila Kelsy at Theo kaya? kamusta na kaya ang kalagayan nila?

Continue Reading

You'll Also Like

185K 6.9K 13
2 tom dylogii ,,Agony"
339K 9.3K 70
Everybody knows the Dutton Family but none of them have made a name for themselves quite like the youngest, Mae Evelyn Dutton. She's a force to be re...
66.5K 3.7K 79
When shrivi goes home after a long time. Who doesn't have her parents' love and family's love for some reason. She had support from her grandmother...
94.8K 2.4K 35
A little AU where Lucifer and Alastor secretly loves eachother and doesn't tell anyone about it, and also Alastor has a secret identity no one else k...