"Bora Portugal, The Magician."
It felt like time slowed. There was a sudden silence.
Hindi kaagad naproseso ng utak ko ang narinig. Unti-unting umawang ang bibig ko nang mapagtanto ko ang sinabi ni Acel.
Sinubukan kong ibuka ang bibig ko pero walang boses na lumalabas. I was too stunned to utter a word.
"Because of him, we'll never gonna find the Solar Academy. . ." walang kaemo-emosyong sambit ng lalaking kaharap ko.
"We won't ever gonna see Iris and Red again."
Walang ekspresyon akong dinaanan ni Acel. I bit my lower lip out of frustration. Mariin na sumara ang mga kamao ko.
"We don't have to find it! Let's just torture the sadist to tell us where it is!" giit ko.
Determinado kong tinignan ang mga kasama ko. Pero kabaliktaran ang pinakita ng mga mata nila sa akin.
"How?" Acel faked a laugh.
"Kung sila rin mismo ay hindi alam kung nasaan 'yon."
I was taken aback by his answer. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. I blinked thrice and looked at them, confused.
"May dark guild dati na sinubukan 'yon. . . pero wala silang napala," pagsali ni Luicen.
"Kusa lamang dinadala ang mga estudyante ng mga paa nila papunta sa Academy. Kaya sila lang din ang makapupunta roon kahit hindi nila alam ang lokasyon," dagdag ni Sadie.
Natahimik ako. Hindi ko na nagawang makaimik o makasagot sa mga sinabi nila. Nakatayo lang ako sa tapat ng sadistang lalaki.
"You heard it, woman. Now stop saying useless things," walang ganang sambit ni Acel.
Tuluyan na siyang umalis sa harapan ko at pumasok sa isa sa mga silid sa guild. Katulad niya ay walang ekspresyong bumalik sa kani-kaniyang ginagawa ang mga tao rito. Tanging kaming dalawa ni Chain ang natira.
I remained standing in my place when I heard the guy beside me chuckled. My expression faded as I looked at him.
"What's funny?"
Walang buhay ang mga mata kong nakatingin sa kaniya habang nagpipigil siya ng tawa. Then he seductively bit his lip and smirked.
"Aww. . . what are you going to do, kitten?"
Matalim ko siyang tinignan. Wala siyang takot na kinakausap ako. He tilted his head and pouted.
"How about. . . release me and let's run away together?" He flashed a smile.
Napaismid ako sa narinig. Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa lalaking nakaposas. I looked at him dead in the eye.
"How about. . . you shut the hell up?"
Hindi natinag ang lalaking kaharap ko sa sinabi ko. Instead, he chuckled a winked at me. A freaking sadist.
Iniwan ko siya roon at pumunta ako sa labas ng guild. Sinalubong ako ng makulimlim na langit at mga hamog. Malalim akong napabuntong-hininga.
Napahawak ako sa bagay na nakalagay sa leeg ko. The necklace that Rouge gave me. . .
Kumusta na kaya siya? Sana naman ay hindi na siya nag-iikot pa sa gubat ng mag-isa. . .
My expression became dulled when I started reminiscing. Mahigpit akong napahawak sa kwintas.
Kaunti na lang. . . hindi rin magtatagal ay-
"Hmmmm. . .."
Natigilan ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng humuhuni. My eyes immediately widened when I recalled that voice.
Bumigat ang pakiramdam ko at napaluhod ako sa lupa. I kept breathing heavily as I held my chest tight.
Tumama sa akin ang malakas na hampas ng hangin at para bang nawalan ako ng panrinig. Tanging ang tibok ng puso ko ang naririnig ko.
Napalunok ako nang malalim habang unti-unting humihigpit ang pagkakasara ng kamao ko.
Siya na naman. . .
"Are you taking care of my body, mortal?"
Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa narinig. Mariin akong napahawak sa ulo ko nang marinig ko ang boses niya.
"N-No! Shut up!"
I heard him laugh inside of my head.
"Nah. . . hindi na mahalaga 'yon. . . malapit naman na 'kong bumalik."
Malalim at mabigat ang paghinga ko habang nakaluhod ako sa lupa. I kept shaking my head as if he'll disappear if I do that.
"Masaya ka ba? Higit na mas malakas ka sa kanila."
"You can challenge anyone. . . defeat anyone. . . kill anyone. . ."
"Manahimik ka!"
Nanlilisik ang mga mata ko habang nakayuko ako at mariin na nakahawak sa ulo. Parang sasabog ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.
Muli ko siyang narinig na tumawa.
"I'll come back soon. . . take care of my body, mortal."
Matapos mawala ng boses niya sa isipan ko ay muli kong naramdaman ang malakas na paghampas ng hangin. The atmosphere changed and I can now breathe properly.
Pero hindi pa rin nawawala ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa sobrang takot at kaba. Pinilit kong tumayo pero mukhang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. I'm too scared to move or utter a word.
Siya na naman. . .
Parating na siya. . .
I bit my lower lip out of frustration. I don't have time to waste here. . .
Lumipas ang oras at hindi nagtagal ay sumalubong sa akin ang dalawang buwan sa bayan. Sobrang tahimik ng guild dahil tulog na ang mga myembro rito.
Ang tanging naririnig ko na lang ay ang paghampas ng mga dahon sa puno na sumasabay sa paggalaw ng hangin.
I heaved a sigh as I stared at the two moons outside the window, as if I'm waiting for this moment. The moon is beautiful tonight. . .
Kaswal akong naglakad papunta sa bungad ng guild kung saan naabutan ko ang isang lalaking nakaposas. Tanging ang ilaw ng buwan na tumatama sa bintana ang nagsisilbing ilaw namin.
I can barely see him because of the darkness. Nang makalapit ako sa kaniya ay roon ko lang nakitang nakayuko siya.
His shirt is unbuttoned and covered with blood. His hair is also messy and he has cuts all over his face
"Woi. . . kitten. . . baka matunaw ako niyan. . ." He chuckled.
Napaismid ako sa sinabi niya. Walang kaemo-emosyon ko siyang tinignan habang unti-unti siyang humarap sa 'kin.
Bumungad sa akin ang nakangisi niyang labi. His dark brown eyes are shining under the moonlight.
"So? What do you need from me, kitten?" He showed that irritating smile of his.
Malamig ang tingin ko na nakatayo sa harapan niya nang magtama ang mga mata namin.
"Pakakawalan kita riyan. . . sa loob ng dalawang kondisyon."
Kumunot ang noo ni Chain habang hinihintay ang sasabihin ko. I raised two of my fingers.
"First. . . you won't harm anyone here. . . anyone."
Ibinaba ko ang isa kong daliri. Hindi nawawala ang tingin sa akin ng sadistang lalaki.
"Second. . . you'll take me to Solar Academy."
There was a sudden silence. Tila napayuko si Chain sa sinabi ko. Hindi nagtagal ay umalingawngaw ang nakaiirita niyang tawa.
I suddenly had an unsettling feeling when he looked at me. His look is different from before. . . iba ang mga tingin niya ngayon.
He showed a psychotic smile that gave shivers down my spine.
"Kitten. . . nahihibang ka ata. . . hindi lang isang gifted ang kaharap mo ngayon. . ."
"You're looking at a tamer. . . one of the sins. . . the Greed."
"If you released me here. . . I'll kill each one of you."
He bit his lower lip and smirked as if he made me feel intimidated. But instead, I remained expressionless.
"No. . . susundin mo 'ko. . . I don't care who you are. . . or to your opinion. . ."
"Susundin mo 'ko."
His smirk faded and he looked at me dead in the eye. Wala siyang ekspresyon nang magtama ang mga mata namin.
"And why would I?"
I felt my eyes change as I slowly leaned closer to him. Nabigla ang lalaking kaharap ko nang lumapit ako sa tenga niya.
"Of course you would. . . after all. . ."
"A God's word is absolute."