RBW II: THE EVIL HALF(Under t...

By Misa_Crayola

238K 10K 3.3K

Raised By Wolves Book 1 on my Main Acct: MisaCrayola " Who is the evil half? " Cover by: MysteriousMilkShake... More

BEGINNING
Prologo:
RBW II: Beginning
RBW II: TWIN
RBW II: Impostor
RBW II: Red-Eye
RBW II: BABY?
RBW II: Crossing Field
Chapter 8:Daddy!
RBW II : HAPPINESS
RBW II: Disappointment
RBW II:
RBW II: The Good and the Evil
RBW II: Fortune Teller
RBW II: Crescent's Voice
RBW : CRESLIGHT
RBW II: Born To Lead
RBW II: his decision, her tears
RBW II:
RBW II: Offspring
RBW II: New Life
RBW II: Fear
RBW II: Heartbeat
RBW II: Split-Identity
RBW II: Bloody message
RBW II: Lovers Quarrel
RBW II: The Evil Half
RBW II: Crescent's DEATH
RBW II: Broken
RBW II: Bear My Child
RBW II: Invitation
RBW II: Her Memories
RBW II: Secret base
RBW II: The son of Evil
RBW II: Parallel hearts
RBW II: REVELATION/ Crescent's POV
Must Read ( Misa's Note )
RBW II: Her Weakness
RBW II: Obsession
RBW II: Another
RBW II: Dark Scheme
RBW II: Who are you?
RBW II: Angels and Demon
RBW II: Heartache
RBW II: MADE UP HER MIND?
RBW II: Together
RBW II: Saving Grace
RBW II: My Daughter
RBW II: Star
RBW II: Unexpected
RBW II: Angel, Prince, Love(Ending)
Crescent's Message for you
EPILOGUE

RBW II: Lies.Greed.Misery

4.6K 170 12
By Misa_Crayola

                                              RBW II

                                     " Lies.Greed.Misery"

"Hindi ko na sya matitiis ! nakakatakot sya para syang baliw ! " ang isa sa nananinilibihan kay Xerxes sa kasamahan nito , naroon sila sa loob ng kusina.

"Bakit nya ba inaaalagaan ang baliw na yon! nakakatakot ang babaeng yon , minsan nagsasalita din syang mag isa na parang may kausap."turan pa nito.

"Siguro dapat na tayong umalis sa lugar na to, baka patayin nya tayo bigla" sagot ng kausap nito.

"Tama , papatayin ko kayo " si Lacie na nakapagpagulat sabay ng paninindig balahibo ng dalawa ng marinig ang malamig na boses nito, nasa likuran nila ito kaya napaatras sila sa takot dahil may hawak itong kutsilyo at nakangiti na parang isang demonyo.

"Sinong gusto nyong unahin ko sainyo? ikaw? o ikaw ?  "si Lacie sabay hagikgik habang tinuturo ng kutsilyo ang dalawa.

"Kapag nakaharap si Xerxes, parang napaka maunawain nyo sakin " si Lacie sa boses na malamig at ngiting makahulugan habang naririnig lang ang paglalakad nito dahil sa takong ng boots nito.

"Patawarin nyo na kami Princess Lacie , hindi na kami uulit " wika ng isa na mangiyak-ngiyak na.

"Ayoko sa lahat yung niloloko ako, naalala ko sainyo ang kapatid ko na gustong gusto ko ng patayin gamit ang mga kamay ko " si Lacie na mas malapit na, luhod ang dalawa at umiiyak ng nagmamakaawa.

"Kung putulin ko muna ang dila mo " mabilis na hinaltak ni Lacie ang isa sa buhok na nasa mata ang labis na takot.

"Ikaw naman dudukutin ko yang mga mata mo " ngitingngiting aniya sa isa pa.

"Maawa ka samin , hindi na kami uulit ! " 

"Wag mo kaming saktan , hindi na kami magsasalita at kahit anong iutos mo gagawin namin pakiusap !" umiiyak na nagmamakaawa ang mga ito sakanya.

Binitiwan ni Lacie ang buhok ng isa at humila ng upuan sa harapan ng dalawang nakaluhod, pinagkrus nya ang binti bago nagsalita ng " Naiinip ako sa lugar na to, bibigyan ko kayo ng tatlong araw para hanapin si Alice.Magkamukha kami ang kaibahan lang itim ang buhok nya at hindi pula ang mata nya .Kapag hindi nyo nasabi sakin kung nasaan sya sa loob ng tatlong araw -" nilapit nya ang mukha sa mga ito "Kahit nasaan kayo papatayin ko kayo, hindi lang basta papatayin pahihirapan ko pa kayo bago ko kayo patayin hahahahahaha ! " sa mga sinabi nya natakot lalo ang mga ito , hindi naman marunong magbiro si Lacie, ilang beses na itong muntik makapatay kundi lang ito napipigilan ni Xerxes pero alam nila na maging si Xerxes ay walang boses dito.

Ang gusto nito ang nasusunod,

Ginagawa nitong Palasyo ang lugar,

Prinsesa sya sa paningin nya,

Minsan maayos syang makitungo , pero pag pumapasok sa isip nya si Alice nagagalit sya, namumuhi at gustong patayin ito ng paulit-ulit.

Kinalimutan sya nito bigla, nangako ito ng kung anu-ano pero ng makalabas ito at maiwan sya puro kasinungalingan lang pala ang mga sinabi nito.

Kabaligtaran ang mga natanggap nyang balita.

"

"Sisiguraduhin ko na hindi ka magiging masaya " si Lacie sa isipan nakapagkit ang nakangiting mukha ni Alice.

"Sisirain ko ang mundong ito, isasama ko si Ama at bubuhayin namin si Ina at magiging masayang pamilya kami.Ikaw mamatay ka , kasama ng mga iniingatan mo Alice. " si Lacie na tumayo na at naglakad palabas ng kusina , nakita nya si Xerxes na may binabasang liham nagkatitigan sila.

**

Pagpasok ni Rozen sa loob ng kwarto ni Light nagulat sya ng makitang katulad na ng buhok ni Crescent ang buhok nito , inakala nyang si Crescent ito kung hindi lang sya nito nginitian ng humarap sakanya.Pinutol nito ang mahabang buhok.

"Patawad , nabigla lang ako noong isang araw.Pero ganon padin ang desisyon ko na hindi sya puntahan, magiging mapanganib sakanya ang pagkabuhay ko." si Light, nakikita ni Rozen na totoo ito sa sinasabi.Kung malalalaman lang nito ang katotohanan sa pagkatao ni Crescent marahil ay doon lamang ito maniniwala.

"Sa bayan na tayo maninirahan pansamantala " Nilapitan ito ni Rozen at minasdan din ang mga bata sa baba ng bintana na nagsasanay sa pag gamit ng mga armas.

"Ngunit kailangan kong ibahin ang kulay ng isang mata mo, may grupo na ang plano ay lipulin lahat ng may pulang mga mata ang utos na iyon ay mula sa Imperial Palace kaya naman -- " 

"Salamat " nginitian sya ni Light na ikinangiti rin nya, ito nga si Light ang lalaking dahilan kung bakit mas pinili nyang maging maiden ng malaman na may iba na itong nagugustuhang babae.

Ang Imperial Palace ay pinamumunuan ng isang teenage boy na pinaniniwalaang isang Demon, ngunit hindi ito ang tunay na namumuno sa likuran nito ay may tinatawag na isang Dark Lord na walang may ideya ng itsura ng mukha nito.

Sila ang pinaka mahirap na kalaban , walang habas sa pagpatay ang grupo at ang pagpatay kay Crescent ang hinihintay ng halos lahat na ibaba ng imperial palace, ngunit hanggang ngayon walang utos para patayin si Crescent.

Ang Imperial Palace ay pinaniniwalaang nasa tuktok ng mga ulap , walang nakakakita ngunit alam na halos ng karamihan kung nasaan parte ito.Lalo pa at may pagkakataon na sa lugar na iyon ay bigla nalang may pag ulan ng dugo, at kung minsan sa baba niyon ay may mga nakapako sa krus na halatang pinahirapan at ang mga iyon ang nagiging pagkain ng mga uwak at iba pang mababangis na hayop sa paligid.

Tinatawag ang buong lugar na isang Grave yard , malayo ang Imperial Palace kaya naman maayos ang pamumuhay ng mga nasa snow Island maging ng mga nasa bayan.

Malalaman lang ang desisyon ng target ng mga ito dahil may dumarating na mga papel kung saan nakalagay ang " DoA" o Dead or Alive na bitbitin ang nasabing nilalang para mapabilang sa miyembro ng Knights ng Imperial Palace na maraming nagnanais dahil sa kakaibang lakas na tataglayin pa mula sa tinatawag na Dark Lord.

***

                        "IMPERIAL PALACE"

Samantala si Viel ay nakaluhod sa isang nilalang na nasa loob ng magandang kurtina.

"Lord King , nandito na ang limang susi ang apat nalang ang kailangan para makamit si Akariah " wika nito.Sa paligid nya ay nakatayo ang malalakas na Knights sa loob ng Imperial Palace.

"Hindi ko mamaliitin ang kakayahan mo bilang isang Vampire , ngunit mahina ka para makaisa sa pitong pangunahing Knights ko." Wika ng nasa loob , boses lang iyon ng isang batang tila nagbibinata pa lamang my malamig itong tono at ikinainis ni Viel, ang pagtawag nito sakanyang Mahina ,ngunit ang makapasok sa Imperial Palace at ang pag gamit nya sa mga susi ang dahilan bakit ngayon ay  nasa harapan sya ng di nakikilalang Lord Kin na pinaniniwalaan na may nagbubulong dito na isang Dark Lord na syang tunay na nagbibigay ng mga sasabihin nito.

"Hindi ko ipinag uutos na patayin si Crescent,  iyon ang dahilan mo hindi ba? Ngunit ituturing kitang kalaban oras na galawin mo sya ng hindi ko sinasabi."

"Gusto ko ang katawan nya ang kaluluwa nya ang lahat lahat sakanya, akin sya.. ako ang magmamay ari sakanya kaya iwasan nyo syang masaktan " ito pa, 

"Aangkinin ko ang katawan nya, ako ang maymamay ari ng katawan nya ngunit hayaan nyo muna sya masyado pang maaga kapag nagkulay dugo na ang buwan magsisimula na ang pagdurusa nya at kapag na corrupt na ang kaluluwa nya magiging akin na sya " sinundan nito ng pagtawa iyon,  nakakademonyo ang tawa nito at kahit ganoon ang boses nito na parang isang bata nagbibigay iyon ng kilabot.

"Malakas si Crescent kaya gusto sya ni Lord King , walang takot ang mga mata nya at hindi sya basta nagpapatalo kaya naman kahit ang Imperial Palace ay hindi sya kinakalaban dahil ang katawan nya ang ninanais nito ng labis " ika ni Freud ng ihatid nya si Viel sa baba ng Imperial Palace kung saan nagsibli ng libingan ng kung anu-anong nilalang.

"Gaano man ang galit mo sakanya hindi ka dapat sumuway, tandaan mo na ang Imperial Palace ang Impyerno ng Langit. "

**

 " Nasasabik ako sakanya, hindi ko na mapigil ang sarili kong naisin sya gusto ko ang dugo nya ang kaluluwa nya gusto ko syang pira-pirasuhin .." wika ng Lord King na may puting buhok habang tinetrace nito ang labing may dugo na parang ginagawa iyong lipstick habang nakatitig sa isang salamin.

"Buhay na si Light , kaya naman maaaring mamatay din sya agad si Light ang may hawak ng buhay ni Crescent " bulong dito ng isang babae na may mahabang itim na itim na buhok na nasa madilim na bahagi, ngunit makikita na tagus tagusan lang ito na parang isang repleksyon o tamang sabihin na isang kaluluwa.

"Umm .. Buhay na sya? "ngumisi ito.

"Kailangan ko palang magbago ng plano " ito na lalong ngumiti 

"May isang Children of Misfortune akong kilalang nabubuhay , may kaugnayan sya kay Light at Crescent kung makukuha natin sya bilang miyembro ng Imperial Army nasisiguro ko na makukuha natin si Crescent "

"Hindi ako nagmamadali , mas gusto ko syang nakikipaglaban para sa buhay nya.Inaamin ko na nasasabik akong makita ang mga mata nyang kahit sa huling sandali ay hindi magbababa para sumuko." ang Lord King na nagmarka ng ekis sa salamin gamit ang sariling dugo na mula sa daliring kinagat nya mismo.

"Isang nilalang na nilikha para pumaslang , isang armas na binigyang buhay na parang isang tao na may isip at damdamin.Crescent, sakin ka nakalaan dudurugin ko lahat ng pinahahalagahan mo hanggang maging akin ang katawan mo " Ngisi nito.

"Ganoon ba sya kalakas para gustuhin mo ng husto? ang Pitong Imperial Army mo ang pinaka-malakas bakit hindi nalang ang isa sakanila ang pillin mo? " ang babae pa.

"Gusto mo bang subukan? "ngisi pa nito sa salamin ngumisi rin ang babae.

"Gusto ko ang naisip mo Your Highness ! " 

**

" Good Morning , Aalis kayo ngayon? " ang Lolo ni Lyra ng maupo ito sa hapgkainan. Nag te-tea na si Crescent na madalas nitong ginagawa sa umaga na parang isa lang tong pangkaraniwang nilalang.

"Nakakabored na dito " sagot ni Crescent, nangiti naman ang Lolo ni Lyra na bigla nalang napatayo ng may malakas na humampas sa mesa at nahati iyon sa gitna.

Nakita nalang nila si Lyra na nasa ibabaw na ng mesang ang kalahati na syang kinapupwestuhan ni Crescent na nakangiti kay Lyra "Good Morning Princess " 

"Good Morning Honey babe! " si Lyra na mabilis na kumilos at balak tamaan si Crescent ng espada nya , sinugod nya si Crescent na nanatili lang nakaupo pero naiiwasan lang sya nito, kung gaano kabilis ang pag galaw nya doble ang bilis ng pag iwas nito.

Hanggang sa mahawakan nito ang talim ng espada nya, nakaupo parin ito at nakatitig sakanya kaya agad binawi ni Lyra ang espada nya pero huli na dahil nadurog na iyon sa pagkakahawak ni Crescent na ikinagulat ni Lyra. Hindi naman nya napansin na may pwersa ang pagkakapit ni Crescent sa talim ng espada nya kaya nabigla sya sa pagkakasira niyon.

"Bakit kahit nandito lang sya parang lalo syang lumalakas " si Lyra sa sarili.

"Ano bang nangyayari sainyo? ! " ang lolo ni Lyra na napatampal sa noo ng makita ang pagkasira ng mamahaling mesa nya.

"Sabihin mo anong elemento ang pag aaralan ko , pinapipili na ko sa eskwelahan "si Lyra na yumakap sa leeg sa likuran ni Crescent na nakaupo pa rin kahit hati na sa gitna ang mesa nila.

"Lahat sila pinipili nilang pagtutunan lahat kaya naman naguguluhan ako kung kakayanin ko " malungkot na saad nya, nalulungkot syang isipin na mahina talaga sya. Hindi nya man lang masugod si Crescent ng di nito nararamdaman at hindi sya nito sineseryoso pagdating sa pakikipaglaban.

"Isa lang ang kunin mo " si Crescent na sinaid ang tea nya, nakatingin lang sakanila ang Lolo ni Lyra.

"Pero alam mo lahat ng elemento , kaya wala padin yon silbi " lalo pa syang sumimangot diniin nya ang baba sa noo nito.

"Kung mas pipiliin mo na pagtutunan lahat magiging mahina ka sa lahat ng elementong yon Lyra , ako ng bahala sa iba " si Crescent na tumayo na at niyakap si Lyra at nginitian.

"Naiinis ka na ba sakin? ang hina-hina ko padin " si Lyra sa tono ng pagsuko.

"Wag kang sumuko agad , walang ipinanganak ng malakas agad " si Crescent na kinurot ang magkabilang pisngi ni Lyra.

"Kailangan mong matutunang ipagtanggol ang sarili mo para magawa mong protektahan ang mga pinahahalagahan mo " seryoso si Crescent kaya naman ngumiti si Lyra, pakiramdam nya oras na para matuto syang makipaglaban , masanay sa pagdanak ng dugo dahil mismong si Crescent na ang nagbibigay sakanya ng mga senyales na tapos na ang pagiging bata nya kailangan nya ng pagtutunan ang sarili .

Paano nya mamasamain iyon kung noon pa gusto nya ng matutong ipagtanggol ang sarili , hindi nya gustong maging pabigat dito.

Isa syang Royal blood, kaya naman pinoprotektahan sya ng marami kahit hindi na sya magpalakas pa, ngunit alam nya ang pinupunto ni Crescent,kung hindi sya magtututo masasaksihan nya ang kamatayan ng marami na wala man lang syang magawang kahit ano.

Nagtungo si Lyra at Crescent sa Kastilyo kasama nila si Leo na kung saan-saan nakakarating.Nakangiti lahat sa pagbabalik nila , hinahanap ng mata ni Lyra si Tomo pero wala ito kaya naman nagtataka sya.

Naiwan sya sa baba, naunang umakyat si Crescent dahil nakita nya ang mga maliliit na batang werewolf na nakangiti sakanya.Tatlo ang mga ito na nasa lima ang edad at tuwang-tuwa agad ng makita si Lyra na nakangiti sakanila.

"Kaylan kaya kami magkakababy? " si Lyra sa sarili , ngiting-ngiti nyang hinalikan ang tatlo bago nagpaalam sa mga ito dahil baka hinahanap na sya ni Crescent.

Sa bulwagan sya nagtungo kung saan magaganap ang tanghalian nila ng sama-sama.Bago pa sya tuluyang makapasok nakita na nya ang Ina ni Crescent na kausap ito kaya naman naglakad lakad nalang sya para icheck ang malapit na dati nilang kwarto.

"I miss this place .. " 

**

"Ina " nabigla si Julieth ng yakapin sya ni Crescent.

"Hindi mo ko pababayaan hindi ba? " si Crescent ng lumayo ay nginitian ang Ina.

"Cres--"

"Bakit naman kita pababayaan ? " nginitian ni Julieth ang anak at hinaplos ito sa mukha.

"Gusto mo  ba kong mamatay Ina ? " si Crescent nakangiti ito pero ang tanong nito ang halos nakapagpatigil ng pagtibok ng pulso ni Julieth , hindi iyon maramdaman ni Crescent ng saglit.

Nangilid ang luha ni Julieth " Bakit ko naman gugustuhing mamatay ang anak ko? Crescent mahal na mahal kita " si Julieth pero sa mata ni Crescent natanaw nya ang kalungkutan pero nakangiti ito ng bumitiw sakanya.

"Salamat Ina , hahanapin ko lang si Lyra " ngiti nito bago sya lisanin.

Hinawakan ni Julieth ang bibig at piping umiyak, hindi nya maitago ang pag iyak ng dumating si Xerxes.

"Kapag nabuhay na si Light , nasa bingit na sya ng kamatayan.Walang bilang si Crescent sa mundong ito , kapag naman namatay si Light ng tuluyan si Crescent na ang mananatili sa mundong ito bilang kapalit nya sa lahat ng bagay." si Xerxes .

"higit Anim-napungtaon ko syang nakasama .. " si Julieth na pilit paring pinipigilan mapalakas ang pag-iyak.

"Papatayin nya si Light,  si Light ang totoo mong anak.Tandaan mo isa lang sakanila ang maari mong tawaging anak , hangga't maari hindi sila dapat magtagpong dalawa dahil nasisiguro ko na may isa sakanilang mamamatay " si Xerxes na seryoso sa tinuran.

"Ang galit at sakit na nararamdaman ni Light noon ay inilabas ni Crescent na parang sya si Light, si Crescent ay nalikha mula sa mga negatibong damdamin ni Light wala syang sariling isip.. " si Xerxes

"Hindi yan totoo , magkaiba sila.. Hindi sya isang puppet. Si Crescent , hindi ko sya kayang pabayaan " si Julieth.

"Kung ganon si Light ang aabandonahin mo? " 

"Pakiramdam ko gusto nyang sabihin sakin na sinungaling ako, kahit nakangiti sya kanina nararamdaman ko na hindi nya ko pinaniniwalaan.. " Si Julieth .

Tinitignan ni Lyra ang mga larawan nya noon bago sya mamatay na nakalapag sa table ng kwarto nila ni Crescent ng makaramdam sya ng yakap sa likuran nya.

"Umm .. Nandoon na ba silang lahat? "lilingunin nya dapat ito ng nakangiti pero mahigpit ang yakap nito na parang hindi sya nito gustong humarap.

Nakagat nya ang pang ibabang labi , wala naman itong sinasabi pero nararamdaman nya ang bigat ng dinadala nito.Nanatili lang sila sa ganong posisyon, gusto nyang magtanong pero hindi nya magawa.

"Hindi mo ko iiwan hindi ba Lyra? " tanong nito na ikinangiti nya.

"Hindi kita iiwan , sayo pa nga ako natatakot na baka iwan mo ko dahil mahina ako.. Mahal na mahal kita " aniya na hinawakan ang braso nitong nakayakap.

"Sayo lang ako naniniwala Lyra " si Crescent mahina lang iyon, pero alam nyang totoo ang sinabi nito.

Hindi na nya mapigil ang sarili kaya nilingon nya na to at hianplos ito sa magkabilang pisngi, hindi nya alam bakit sya naiiyak pero sa tono kasi ng boses nito nasasaktan ito sa kung anumang bagay.

"Bubuo tayo ng pamilya, malapit na .. Ako at ang mga magiging anak natin hinding-hindi ka namin iiwan " si Lyra sa pagitan ng pagbagsak ng mga luha na agad namang tinuyo ng daliri ni Crescent.

"Pinagagaan mo ang loob ko Lyra " hinalikan sya nito sa noo agad naman yumakap si Lyra dito.

"Pakiramdam ko magkakababy na talaga tayo e " si Lyra na nakuha pang magbiro kaya nangiti naman si Crescent.

"Malay mo " si Crescent na pilyo ang ngiti .

"Eee .. nararamdaman mo nabang may baby sa tyan ko ?  "si Lyra na hinimas ang tyan at ngiting-ngiti.

"Ako ba ang dapat makaramdam non ? " nangunot ang noo ni Crescent pero nakangiti parin.

"ihh ! pakiramdaman mo " kinuha nya ang kamay ni Crescent at inilagay sa tyan nya.

"Mukhang gutom ka na Lyra " natatawang sabi ni Crescent.

"Hmp! nakakaasar ka naman ! " Kinabig nya si Crescent sa ulo para bumaba ito at halikan sya.Ang panandaliang halik lang sana ay humantong sa paghiga nila sa kama.

"READ.VOTE.COMMENT "  ;>

LORD KING : A NECROMANCER .. / THE ONE WHO CAN BRING BACK THE DEAD INTO LIFE.

Continue Reading

You'll Also Like

16.8K 461 58
Psst..... May sasabihin ako sa inyo..... But please don't laugh at me or think that I am getting crazy. Ano kasi.... I think.... I....I...I just saw...
56.6K 2.2K 32
"EDONG KARITON" By: Efcris Lumagui GENRE: FANTASY, ADVENTURE, ACTION, LOVE STORY... Halina kayong magbasa, igagala ko ang inyong mga isipan sa isang...
96K 3.1K 54
Kailan ko kaya mararanasan ang isang maayos at magandang pamumuhay?. Pagod na pagod na ako sa buhay ko, ayoko na nang ganito. Ayoko nang makakita nan...
127K 4.3K 44
#1. FIRST RANK ALPHA KEANU DAVIS Alpha Keanu is the Alpha of Bright Moon Pack. His duty is to protect his pack but without a mate, he will be alone a...