RBW II: THE EVIL HALF(Under t...

By Misa_Crayola

238K 10K 3.3K

Raised By Wolves Book 1 on my Main Acct: MisaCrayola " Who is the evil half? " Cover by: MysteriousMilkShake... More

BEGINNING
Prologo:
RBW II: Beginning
RBW II: TWIN
RBW II: Red-Eye
RBW II: Lies.Greed.Misery
RBW II: BABY?
RBW II: Crossing Field
Chapter 8:Daddy!
RBW II : HAPPINESS
RBW II: Disappointment
RBW II:
RBW II: The Good and the Evil
RBW II: Fortune Teller
RBW II: Crescent's Voice
RBW : CRESLIGHT
RBW II: Born To Lead
RBW II: his decision, her tears
RBW II:
RBW II: Offspring
RBW II: New Life
RBW II: Fear
RBW II: Heartbeat
RBW II: Split-Identity
RBW II: Bloody message
RBW II: Lovers Quarrel
RBW II: The Evil Half
RBW II: Crescent's DEATH
RBW II: Broken
RBW II: Bear My Child
RBW II: Invitation
RBW II: Her Memories
RBW II: Secret base
RBW II: The son of Evil
RBW II: Parallel hearts
RBW II: REVELATION/ Crescent's POV
Must Read ( Misa's Note )
RBW II: Her Weakness
RBW II: Obsession
RBW II: Another
RBW II: Dark Scheme
RBW II: Who are you?
RBW II: Angels and Demon
RBW II: Heartache
RBW II: MADE UP HER MIND?
RBW II: Together
RBW II: Saving Grace
RBW II: My Daughter
RBW II: Star
RBW II: Unexpected
RBW II: Angel, Prince, Love(Ending)
Crescent's Message for you
EPILOGUE

RBW II: Impostor

5K 170 15
By Misa_Crayola

                                                RBW II

                                           " IMPOSTOR "

 

"Mag inom na tayo sumama kana samin " pilit hinihila ni Senna si Lyra pasakay sa isang malaking sasakyan kung saan naroon si Hansel, Raven at ang iba pa nilang mga kaklase.

"Di pwede baka hindi ako tabihan ng honeybabe ko, magagalit yon " pilit hinihila ni Lyra ang sarili wag lang makapasok sa loob ng sasakyan ni Hansel , hindi pa nga din siya kinikibo ni Crescent ang seloso kaya non sobra.

"Sumama kana lang, hindi ka namin paiinumin isa pa birthday ko naman " si Hansel na nasa likuran nya, hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at tinulak papasok ng sasakyan, kaya para silang sardinas apat na babae sa likuran ng sasakyan pagkasyahin ba naman sila.

Kinuha ni Lyra ang cellphone at tinawagan si Crescent , halos mauntog na siya sa sobrang likot ng mga kalapit nya sa backseat at may sumakay pang isa kaya naman lalo silang nagsiksikan ang mga kaybigan nya tuwang-tuwa pa.

"Ayos lang ba kayo dyan ?  "si Raven na katabi ni Hansel na tatawa-tawa sa driverseat.

"Ang sikip! patabi nalang ako sainyo " malanding wika ni Senna na ikinatawa ng lahat, ang suplado kaya ni Raven at isa to sa mapaghimalang araw na napapayag nila itong sumama,sadya lang sigurong close nito si Hansel.

"Honey babe " mahinang wika ni Lyra ng sagutin nito ang cellphone,napatigil naman ang lahat sa pagdaldalan at pinakikinggan siya kaya namumula siya, okay ng maging kahiya-hiya wag lang magalit ang asawa nya at hindi siya nito lalapitan, magiging malamig na naman ang gabi nya.

"oh ? " nangiwi si Lyra mukhang masama padin ang mood nito at ang cold nito.

"Honeybabe " nilandian nya ang pagsasalita, " I miss you honey babe " nangingiti ang mga naroon sakanya, kaya lalo siyang pinamumulahan.

"Wag mo'kong daanin sa ganyan, anong sasabihin mo? " mas cold pa na sagot nito kaya naman lalo siyang kinabahan.

"ano kasi --- " toot . toot .. toot ..

"Pinatay " namutla siya, patay talaga siya dito kung hindi lang siya nahihiya uuwi na siya talaga at kung wala siya sa sasakyan tatakbo na siya pauwi.

"Are you okay Lyra? " tanong ni Raven na nilingon pa si Lyra sa  backseat.

"Oo President " pilit siyang ngumiti , mamaya tatawagan niya ulit ito pagbaba nila.

**

"Elder Karim "  si Dmitri na nabigla sa pagdating ng pinalitang Maiden ni Rozen , matanda na ito ngunit malaki parin ang ginagampanan nito sa Snow Island.

"Nasaan ang ating Maiden " wika ni Elder Karim na naa likuran ang limang babaeng tagasunod nito.

"Tatawagin ko siya Elder Karim , maghintay nalang muna kayo sa --- " naputol ang sasabihin ni Dmitri ng bumukas ang pintuan kung saan naroon ang labi ni Light,  bakas ang kalungkutan sa mukha ni Rozen sa pagkabigo na magising parin si Light , napalitan ng pagkabigla ang mukha nya ng makita si Elder Karim.

"Totoo nga ang balita na itinatago mo ang labi ng isang Children of Misfortune, " mapaklang wika ni Elder Karim kay Rozen.

"Elder -- "

"Hindi mahina ang mga narito sa  Snow Island, wala syang laban " si Rozen na sigurado sa binitiwang salita.

"Nakasisisguro ka'ba sa sinasabi mo? " si Elder Karim na nilingon muli si Rozen , " Kung may pagtingin ka kay Light itigil mo na at ibaon sa limot , hindi ka pwedeng umibig at lalong lalo na kay Light.Darating ang oras na hahanapin siya ni Crescent at oras na malaman niyang binubuhay si Light na magiging kahinaan niya ng labis sa tingin mo hindi ka nya papatayin? hindi ka ba natatakot sa ginagawa mo? " pagpapatuloy pa nito.

"Nagkakamali kayo,hindi ko siya iniibig alam ko lang na malaki ang maitutulong niya sa paglaganap ng kasakupan ng Snow Island isa pa malaki ang magagawa nyia para maglaho si Crescent " si Rozen na pinatatag ang boses.

"Totoong malaki ang kaya niyang gawin , malawak ang kapangyarihan ng isang Children of Misfortune ngunit habang nakatayo si Crescent at walang buhay si Light nasa panganib tayo sa kagagawan mo , ibalik mo ang labi niya sa pinagkunan mo. " tugon ni ELder Karim kay Rozen na naglalarawan na ng galit ang mga mata.

"Isang impostor si Crescent , kinukuha niya nag lahat ng kay Light ! dinudungisan niya ang kabaitan at kalinisan ni Light kaya hindi ko hahayaang magpatuloy siya sa masamang balakin niya! " si Rozen na halos pasigaw na , kaya naman hinawakan ito ni Dmitri sa balikat dahil bumubuhos na ang emosyon nito.

"Bakit mo pinakikialaman ang buhay nila? may sarili kang nasasakupan ,may sarili kang dapat protektahan kung ang pamilya nga niya alam na hindi si Light si Crescent pero may nakita kabang ginawa sila para kay Light?Wala, tumigil ka na dahil kung hindi mapipilitan akong sirain ang katawan ni Light , hindi man ako ang namumuno na hindi kita hahayaang sirain ang Snow Island ng dahil sa walang kwentang nararamdaman mo " si Elder Karim na tumalikod na, nanghihina si Rozen kaya inalalayan ito ni Dmitri.

"Hindi ako papayag na makuha ni Crescent ang labi ni Light "  si Rozen na hindi man lang nagpatinag sa sinabi ni Elder Karim.

"Rozen Maiden , sumangguni ka sa ibang Babaylan mas nararapat din na alamin mo ang magaganap bago ka gumawa ng hakbang kailangan protektahan mo rin ang buong Snow Island. " si Dmitri 

: LIMANG  TAON ANG NAKARAAN :

ROZEN SIDE

Akala ko si Light at Crescent ay iisa , ngunit ng minsang makilala ko si Crescent malayo siya sa Light na nakilala ko , wala syang puso ang mga mata niya ay higit na matalim kung tumitig ang paraan niya ng pananalita ay hindi mo masasabi na siya si Light , ang ngiti ni Light ay tila isang hardin ng mga rosas na napakagandang tanawin samantalang si Crescent ang ngiti niya ay dapat pangilagan dahil iyon ang oras na kikitil siya ng buhay.

"Sinong Light? " si Crescent na nilapitan ko sa batis , tinawag ko siyang Light dahil kamukhang-kamuka nya ito, nakatingin siya sakin na tila walang kahit anong ekspresyon at pagkilala na ikinawala ng ngiti ko.

" Nawalan ka ng ala-ala ? " nag-aalalang tanong ko sakanya.

Tinawanan niya ko " Ala-ala ? Sa palagay mo ba isa akong mahina at walang kayang gawin na Lycan ? " siya sa matalim na titig, bakit ganoon bigla siyang nagbago ng lubusan.

"Wala na si Light , namatay siya dahil sa katangahan niya hindi ko alam kung anong kaugnayan mo sakanya, ngunit sa susunod na tawagin mo ko sa pangalan niya hindi kita mapapatawad " hinawakan niya ko sa baba.

"Papatayin kita " bulong niya kasabay ng isang ngiti.

Tinabig ko siya, kinuha ko ang Lazuli at gumuhit ng malaking gagambang halimaw na may tatlong mata , ayoko siyang labanan ngunit ibang-iba siya kay Light hindi ko mapapayagan may gumamit ng katauhan ni Light.

Ngunit ang pinakamalakas kong halimaw na nagawa ay tinapos lang niya sa pamamagitan ng kuko niya na tila walang kahirap-hirap , nasa likuran ko siya at hinawakan niya ang dalawang braso ko ng isang kamay niya lang .

" Hanapin mo ang labi niya, kailangan kong makuha ang labi niya sapalagay ko may nagtatago ng labi niya sakin at nahihirapan akong makipaglaro sakanila " wika niya, bigla nalang siyang naglaho halos mapaupo ako sa damuhan sa panghihina ng tuhod, hindi siya si Light ngunit bakit iisa ang mukha nila ? oo alam ko matagal ng pumanaw si Light, ngunit kung sinasabi niyang dapat kong hanapin ang labi ni Light ibig sabihin hindi sila iisa? gagamitin niya si light sa isang masamang balakin , kailangan kong mahanap ang labi niya hindi para ibigay sakanya kundi para iligtas ito, ngunit saan ko matatagpuan si Light?

****

Sa loob ng ilang taon nagsumikap akong maging magaling na Spellcaster lalong-lalo na sa paggamit ng Lazuli , alam ko na pag muli kaming nagkita hindi na niya ko matatalo pa ngunit kailangan kong protektahan sakanya si Light.

Isa syang masamang nilalang, wala siyang awa at higit sa lahat hindi ko maatim na makita ang mukha ni Light na kasing bangis nya.

"Rozen Maiden, kung sakaling maibabalik ang lakas ni Light maari kayang mapantayan nya ang lakas ni Crescent ? " si Dmitri.

" Hindi ko alam , si Light lamang ang makasasagot n'yan ngunit noon namatay ang kasintahan ni Light nakita ko kung anong lakas ang meron s'ya ,ng magalit sya halos nawalan ng buhay ang buong lugar na pinangyarihan ng pagkawasak at hanggang ngayon abandonado parin ang buong lugar na iyon. " si Rozen na naglakad na palabas ng kwarto ni Light kasunod si Dmitri.

"Alam ng pamilya ni Light ang tungkol sa hindi pagiging isang nilalang ni Crescent at Light isang malaking palaisipan ang nagaganap sa pamilyang kinabibilangan nya " si Rozen , hindi nya inaakala na matagpuan ang puntod ni Light sa mismong lupain ng kapatid nitong malapit na si Xerxes.

"Dmitri alamin mo kung paano nabuhay si Crescent, kailangan kong lumika ng harang sa buong Snow Island nalalapit na ang pagsugod ng mga Shiki. " si Rozen kay Dmitri , ang Shiki ang pangkat ng mga halimaw na hindi nakikita ng mga pangakraniwang tao , ang Shiki ay nasa katawang halimaw nabubuo ang mga ito sa mga negatibong enerhiya ng mga tao sa paligid nito , kaya habang may mga tao mayroon ding mga Shiki.

"Masusunod Our Highness " si Dmitri na inilagay sa kaliwang dibdib ang kamay bago tumungo at naglaho.

"Totoo na isang Dragon ang binabangga ko ngunit alam ko na ngayon ay limampung porsyento ang chansa na matalo ko siya , ngunit kapag nagkamalay si Light higit pa sa isang daang porsyento ang chansa kong manalo sakanya.Kailangan ko lang protektahan ang labi niya tama si Elder Karim kapag nalaman niya na nandito sa Snow Island ang labi ni Light buong Isla ay nasa panganib ilalayo ko dito si Light " si Rozen sa sarili, desidido parin siyang buhayin si Light kahit anong mangyari.

**

"Nalalapit na ang paghahari niya " Ang matanda na nasa likuran ang apo nito, nakamasid ito sa buwan na dilaw na dilaw at buong-buo.

"Lola, bakit dapat siyang mawala ? " ang bata na nagtataka parin kung bakit dapat mawala si Crescent.

"Dahil masama ang hangarin niya, magtatayo siya ng Imperyo kahit nag-iisa siya at oras na imperyo ang itayo niya masasakop niya ang lahat , iyon ang dahilan apo " ang matandang bulag.

"Imperyo? "

"Mahirap ipaliwanag sayo ang lahat sa edad mo,ngunit isa lang ang masasabi ko walang makakapigil sakanya maliban sa isang nilalang na dapat magbalik at kunin ang buhay na meron siya, ang tanging nilalang na makakapatay sakanya " wika pa nito .

"Ngunit wala na naman ho tayong nababalitaan na masamang ginawa nya simula noon Lola napakatagal na " wika ng bata na noon ay anim na taong gulang at ngayon ay sampung taong gulang na.

" Dahil nagbabalatkayo siya bilang isang mabuting nilalang, may ibang gumagalaw para itatag ang imperyo nya , ang puso nya at katawan ay binubuo lamang ng pagkamuhi kaya kahit anong isaboy mo walang paraan para malinis ang kadilimang bumabalot sa pagkatao nya " wika ng matandang bulag.

"Lola , nakakatakot siya ngunit sino ang makakapaslang sakanya? kilalang kilala siya bilang taga hawak ng Spirit of Fire ng Abyss " ang bata na nasa mata ang pagkatakot, ngunit kailangan nitong magpakatatag dahil ito ang susunod na babaylan sa Lola nito na nalalapit narin ang oras.

"Ang tunay na nabubuhay sa mundong ito " ngumiti ang matanda , 

"Ito narin ang magiging katapusan nya dahil mabubuhay ng muli ang nilalang na yon, hindi sila maaring mabuhay ng sabay sa mundong ito kailangan siyang ibalik sa lugar na nararapat siya " dagdag pa nito.

**

LYRA'S POV

Nagkakasiyahan na sila sa loob ng room 888 , isang videoke room samantalang ako heto tinatawagan ang honeybabes ko na lagi yata ngayong may period -_-.Kanina lang nameet ko si Shina isa lang siyang tao pero nasa loob siya ng room 888 siya pala ang girlfriend ni President Raven! waaahhh ang pag ibig talaga unexplainable ang cute nilang tignan parang kami ni honeybabes ko. 

Papasok na sana ako sa loob ng magring ang cellphone ko pagtingin ko si honeybabes kaya dali-dali kong sinagot.

"Honeybabes" malambing na wika ko agad.

"1hour " sabi niya, anong 1hour?praning na naman to.

"Kapag lumagpas ka ipasusundo kita sa Lolo mo at kayo ang mag-usap " siya na bigla na naman pinatay, grrr !dinamay pa talaga si Lolo haha di nya din ako matitiis kasi love na love niya ko.

"Lyra ano tambay kanalang diyan ? bigyan kita upuan diyan gusto mo? " si Senna ng dinungaw ako , sabunutan ko to e kainis panira ng moment.

Pagpasok ko sa loob sa kaliwang upuan ako naupo , katabi si Shina sa tapat ko si Hansel at sila-sila kapagod isa-isahin.

"Masaya ka ba ? " ako kay Shina , tila nabigla siya sa biglaan kong pagtatanong kaya nangiti ako ,siya naman nangiti din sakin hindi ako pwedeng uminom kaya dapat dumaldal nalang ako.

"Oo naman, ikaw ba?  "siya na lalo kong ikinatawa kasi naman binalik nya sakin yung weird kong tanong.

"Boyfriend mo siya" si Shina na ang tinutukoy ay ang kumakantang si Hansel, ngumiti naman ako at sinagot na " may asawa na'ko " natawa siya bigla " ano nga? " siya siste hindi naniwala.

"May asawa na nga ako " nginitian ko siya, nilingon naman niya si President at tila nagtatanong siya dito di ko magets may sariling mundo talaga ang mga lovers, sana naman kasi friendly si Crescent no para nakakajoin namin siya kaso hindi ihh ayaw nga non sa maingay na lugar, kahit buong araw yon nasa kwarto basta may binabasa tatagal yon.

Masaya naman para nga kaming mga tanga kakakanta, tinitignan ko yung oras tila ko laging kinakabahan na lumampas kasi naman ang tagal ko naman siya aamuhin hmp mamaya makipaglandian na yon sa iba sa sobrang pasaway ko!

"Uuwi na'ko , salamat HappyBirthday Hansel " inabot ko sakanya yung isang box na gift ko , relo yon actually pinabili ko kay Lolo kasi isa naman siya sa closefriend ko.Ngumiti siya ng abutin yon " Ihahatid na kita " siya, pero mabilis na sumagot si Senna at Hanna na  sila na ang maghahatid sakin, kung alam ko lang na may hinihintay silang mga lalaki to talagang mga kaybigan ko.

"Bbye , President bbye Shina ! " ako, nangingiti ako ang sweet kasi nila ang hina pa magsalita ganyan din kami ni Cressy ko.

" Hindi mo ba gusto si Hansel? " si Hanna na nakakapit sa kaliwang braso ko, si Senna naman sa kanan habang naglalakad kami palabas.

"Kayo hilig nyo kong pagtripan , may asawa na'ko isa pa mahal na mahal ko yun no " ako sakanila, totoo kaya wala ng iba pang makahihigit sa topakin kong honey mylove so sweet.

"Hindi naman dapat forever porque mag asawa no! minsan kailangan mo din ng iba para naman colorful ang lovelife mo dalawa pwede pa nga tatlo " si Senna,natatawa ako sa paraan ng pagkkwento nya tila lagi siyang nangangarap na ewan.

"Hindi ka naman pati mahal non , di ka nga hinahatid at sinusundo matagal na kayong nagsasama ni anino non di namin nakikita kasi naman kahit bisita ayaw nyong tumanggap! " si Hannah , ang sasama nilang kaybigan halatang ayaw nila lagi sa mylove ko!T^T

"Tama na nga dito nalang ako, pasakay nadin ako " binitiwan ko na silang dalawa , hinanap ko yung phone ko 1minute late na'ko di na yon magagalit --- pagtingin ko sa kalsada may nakahintong sasakyan , sasakyan namin yon pero mas nanganga ako sa nakita ko si Crescent nakasandal siya sa sasakyan , nakapamulsa at nakangiti? halusinasyon?

"Lyra , nakatingin sakin yung lalaking mukhang anghel " si Senna  na siniko ako.

"Ano ka, sakin kaya! halika iinvite natin sa loob --- " si Hannah na kinikilig pa , nangiti naman ako FOR THE FIRST TIME sinusundo niya ko? anong nakain nya?

"2minutes late ka na , 5 minutes ka pang nakatulala sakin " si Crescent ng lapitan namin.

"Nandito ka ? " kinikilig na tanong ko , 

"Kilala mo Lyra? " si Senna sakin , nilingon ko sila ni Hannah.

"Si Crescent , asawa ko " agad kong hinawakan sa braso si Crescent at tiningala " sabihin mo asawa kita dalian mo " nakangiting sabi ko sakanya, nangiti naman siya na tila wala na naman balak sundin ako.

"Asawa mo?!! " sila sabay pa , haha! kitams nagulat sila ganyan ang reaksyon ng marami kapag nalaman nilang si Crescent ang asawa ko, -_-.

"Oo " pagmamayabang ko with matching ngiti sakanila, malaglag ang panga nila ang sasama kasi nila sa honeymylove ko.

**

"Galit ka pa ba? " si Lyra na sinisiksik sa backseat si Crescent na kanina nakangiti ngayon hindi na.

"Hindi nga,maaga pa yung pinsan mo nasa Mansion pa napapagod ako sakanya mamaya na tayo bumalik " si Crescent na nilingon ako at nginitian, waaaahhh kinikilig padin ako sakanya!

"Bakit anong ginagawa nyo at napapagod ka?! kapag wala ako gumagawa kayo ng milagro sa sarili pa nating kama?"  

"Lyra, may nakakarinig sayo minsan matuto kang mahiya " si Crescent na nakangiti sakanya hinalikan siya nito  sa pisngi kaya nagblush siya, ang lakas talaga ng sipa sa puso niya ng bawat gesture nito.

"Magdate nalang tayo honeybabe, "ngiting-ngiti si Lyra ng gagapin ang palad ni Crescent." Please?ang tagal na natin di nagdedate, isa pa may hinahanap akong manika yung binigay mo sakin ang ganda niya kasing iregalo sa birthday ng anak ni Tita Zei " dugtong pa ni Lyra.

"Sa option ko nga nakuha yon kaya di ko alam saan makikita yon  "si Crescent .

"May tatak naman siya na Rozen, itatanong natin sa lahat ng madaanan natin, tingin ko naman sikat siya kasi diba ang ganda ng pagkakagawa niya at mamahalin daw talaga yon sabi ni Lolo " si Lyra pa , si Zei ang isang Royal blood na dala ang apelyidong "Bezarius" at malapit na kaybigan ng Lolo niya ang pamilya nito.

"Bahala ka," si Crescent na hinawakan ang kamay ni Lyra kung saan naroon ang singsing nito, maging ang singsing ni Crescent ay nasa kamay rin na pinanghawak niya sa kandungan ni Lyra kaunti nalang gagawa na sila ng babies maraming maraming babies.

"Sya ba?"

"Ha? oo ayun yung tatak nya , to ang tagal mo ng nakikita di mo pa napapansin hmp "

Tumangu-tango lang si Crescent.

 READ.VOTE.COMMENT <'3 ;))))

Continue Reading

You'll Also Like

704K 14.7K 58
(COMPLETED) Highest achieved rank #1 mystery/ thriller and #2 werewolf 10/20/2018 Cassandra the Bitch met the new Alpha Van Tyler Laurent . Masungit...
42.5K 1.6K 18
Kate Maldison has a crush on a popular jock back in her high school days and she had no chances of getting into his pants. He's out of her reach. Too...
4.8K 360 27
Surviving in a world teeming with criminals and cruelty is already challenging, but Scarlet's existence proved even more grueling. From the day she w...
52.2K 1.4K 50
Devyn Jimenez was a simple woman living with herself and sustaining her life with paychecks every month. Polluted river, war-freak neighbors, and noi...