Recursion

By TheLadyInBlack09

68K 5.3K 579

Isang sikat na horror and suspense writer si Junica. Pero mula nang mangyari ang isang aksidente ay nahirapan... More

Prologue
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XX
Chapter XXI
CHAPTER XXII
CHAPTER XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
CHAPTER XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
CHAPTER XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Pre-Final Chapter
Final Chapter

Chapter XIX

1K 94 4
By TheLadyInBlack09

"Talaga ate, may mga sisiw d'yan na iba't-iba ang kulay?" amazed na tanong ni Angel habang ka-video call ko siya.

"Oo, ang ku-cute nga nila eh. Kapag nakita ko ulit 'yung nagtitinda, ibibili kita para pag-uwi lo d'yan, dala ko na." Nakangiting sagot ko.

Buong gabi na akong hindi nakatulog. Hinugasan at kinuskos kong mabuti ang mga kamay at braso ko pero pakiramdam ko, nakadikit pa rin sa balat ko ang malapot na dugo. Parang naaamoy ko pa rin ang lansa no'n. Parang nararamdaman ko pa rin ang mahigpit na pagkapit sa akin ni Lola Harlie.

Kaya maaga akong pumunta sa Vida Feliz Café para maki-wifi at makita sa video call si Angel. 'Yun lang kasi ang naiisip ko na paraan para gumaan kahit paano ang pakiramdam ko.

"Kailan ka ba uuwi Ate?" medyo malungkot na tanong ng kapatid ko. Sa totoo lang, siya ang pinakanami-miss ko sa Maynila. 'Yung mga tawa niya... Mahigpit na yakap at walang sawang paglalambing sa akin.

"Malapit na. Promise."

"Angel, anak, halika na at mag-breakfast ka muna dito." Narinig ko ang tawag ni Mama kay Angel.

"Ate, kain lang kami ng breakfast. Usap ulit tayo mamaya. I miss you ate. I love you!"

Naramdaman ko ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. Pinigilan ko ang sarili ko na maiyak. Sobrang miss na miss ko na talaga ang kapatid ko. "I love you too. Bye."

Umalis na si Angel sa screen nga kaharap ko na laptop. Pumalit ang nag-aalalang mukha nina Papa at Mama.

"Anak –"

"Ma, sorry. Kailangan ko na pong ibaba 'to. Usap na lang po tayo mamaya. Bye po." Hindi ko na sila hinintay pa na muling makapagsalita at kaagad ko na binaba ang tawag. Wala rin naman akong maririnig na maganda mula sa kanila kaya bakit ko pa patatagalin.

"Best friend!!!"

Umikot ang mata ko nang marinig ko ang boses ni Yana. Nanggaling siya sa may likuran ko at bago ko pa siya malingon, nakaupo na siya sa bakanteng upuan na katapat ko.

"Good morning, bestfriend! ANg aga mo ah." Bati niya bago inilagay sa ibabaw ng lamesa ang ilang gamit niya. Parang walang pakialam sa tasa ng kape ko na muntik na niyang matabigh.

"Oo nga eh. Ikaw din ang aga mo..." Ang aga mong mang-inis.

"Teka, narinig mo na ba 'yung balita tungkol do'n sa nakitang katawan sa kabilang barrio?" Ang tanong ni Yana na 'yon ang totoong kumuha ng atensyon ko. Bakas kasi sa boses niya ang kaseryosohan. Inilapit pa niya ang upuan niya sa akin nang mapansin niyang wala akong idea sa sinasabi niyang katawan. "Ang sabi no'ng may-ari ng apartment na tinitirhan ko, may nakita raw na bangkay ng isang matabang babae do'n sa kabilang barrio. Walang ulo... Walang paa... Walang kamay..."

Walang kamay? Napalunok ako sa sinabi ni Yana pero hindi ako nakapagsalita kaagad.

"Kaya hindi pa nila matukoy kung sino 'yun. Iniisip pa daw no'ng mga nakakita kung ililibing na lang daw ba nila ang bangkay." Patuloy ni Yana.

"Bakit naman nila gagawin 'yun?" sa wakas ay tanong ko.

"Ayaw kasi nilang umingay ang probinsya na 'to sa mga katatakutan. Kaya ni hindi nga binabalita sa social media ang tungkol do'n sa nakitang bangkay. Ayaw nila na katakutan ang lugar na 'yon pati ang lugar na 'to. Saka ayaw nilang isipin ng ibang tao na ang lugar na 'to... Ay pugad ng mga baliw."

Napapitlag ako sa malakas na tawanan mula sa kabilang lamesa kung nasaan ang ilang estudyanteng babae.

"Uy Abby, ang lakas ng tawa mo!" saway ng isang estudyante sa katabi niya na pinakamalakas tumawa sa kanila.

"Ay sorry. Ikaw naman kasi! Grabe 'yang joke mo!" natatawang sagot naman ni Abby na umayos na rin ng upo nang maramdaman na nakatingin na sa kanila ang ibang tao dito sa loob ng café.

Lumibot ang paningin ko sa paligid. Muli akong napalunok ng laway nang makita ko si Lola Harlie na nasa may counter at nakaupo. Wala siyang ibang ginagawa kung hindi nakaupo lang, nakangiti at nakatitig sa estudyanteng narinig ko na tinawag na Abby. Bumaling ang tingin ko kay Abby at bumalik kay Lola Harlie. Hindi ako pwedeng magkamali. Nakatingin si Lola Harlie sa mga kamay ni Abby.

"Best friend, okay ka lang?"

Muli akong napapitlag ng tapikin akoi ni Abby. Bakit ba masyado akong nagiging magugulatin? "O-oo naman, siyempre."

"Oh 'di ba ang gandang istorya nung shinare ko sa 'yo. Pwedeng-pwede mo nang gawin na book." Tumaas-taas pa ang kilay ni Yana.

"Pero totoo ba 'yung kwento mo?" Lihim akong nananalangin na sana hindi... Sana gawa-gawa lang ni Yana ang lahat ng 'yon. At kung hindi nga 'yun totoo, pwede na ring maging writer 'tong si Yana.

"Hindi ko rin alam eh. Pwedeng oo, pwede ring hindi kasi wala naman talaga sa balita o sa website 'yung tungkol do'n sa nangyari. Pwede kasing sinasadya lang din nilang paingayin ang mga kalapit na lugar para sila naman ang puntahan ng mga turista. Kunwari pa sila na ayaw nilang matakot ang mga tao pero baka sila-sila alng din ang gumagawa ng gano'ng istorya. Pero alam mo, feeling ko talaga may serial killer na gumagala ngayon dito eh." Muli ay para siyang bumubulong habang nakikipag-usap sa akin.

"Paano mo naman nasabi 'yun?"tanong ko.

"Mula kasi ng dumating ako dito parang ang daming mga kakaibang nangyayari. Ang daming nawawalang tao tapos hindi nila sine-seryoso ang paghahanap. Kaya pakiramdam ko, nandito lang sa paligid natin kung sino man 'yung may alam sa mga nangyayari na 'yon. Pinapakiramdaman niya tayong lahat... Pinapakinggan. Pinanpanood. Naisip ko pa na kaya siguro hindi nakikita 'yung mga nawawalang tao kasi wala nang natira sa kanila. Walang nang natira sa katawan nila. Narinig mo naman na siguro 'yung tunkol sa mga tao na kumakain ng karne ng kapwa tao. Ang sabi-sabi, ginagawa raw nila 'yon para humaba pa lalo ang buhay nila... At lumakas sila hanggang sa pagtanda nila."

Wala sa loob na napatingin ulit ako kay Lola Harlie. Nando'n pa rin siya sa kinauupuan niya. Nakangiting pinagmamasdan si Abby. Nang bumalik ang tingin ko kay Yana ay gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi niya.

"Pwede na ba akong writer?" aniya bago tumawa ng malakas.

So mukhang gawa-gawa niya lang talaga ang lahat. Medyo nakahinga ako ng maluwag at natatawang napailing na lang din. "Pwedeng-pwede na."

"Lodi kita eh. Kaya gusto ko na ring maging kagaya mo," sabi pa niya. "Bestfriend, favor naman. Kuha mo naman akong water please? Natapilok kasi ako kanina kaya medyo masakit 'tong paa ko."

Kumunot ang noo ko pero pinagbigyan ko na siya sa gusto niya. Nag-effort din naman siya na gumawa ng kwento para lang ma-entertain ako. Tumayo na ako at naglakad patungo sa counter. Nadaanan ko ulit ng tingin si Lola Harlie na para bang hindi kumukurap sa pagkakatitig niya kay Abby. Hindi rin ito kumukilos sa pagkakaupo na tila ba enjoy na enjoy sa kanyang pinapanood.

Nang iabot na sa akin ni Myra ang baso ng tubig ay bumalik na rin ako sa lamesa ko. Kumunot ang noo ko nang makita kong nakaharap na kay Yana ang laptop ko. "Anong ginagawa mo sa laptop ko?"

Kaagad niyang binalik ang laptop ko sa pwesto nito bago siya ngumiti sa akin. "Ah ano... W-wala, tiningnan ko lang ang sinusulat mo."

Ibinigay ko na sa kanya ang baso ng tubig na kaagad niyang ininom kasunod ang pagtayo mula sa kinauupuan niya.. "I have to go na rin. May nakita kasi akong magandang spot para sa vlog ko. Bye bestfriend."

Hindi na ako nakasagot pa dahil naglakad na siya palabas. Walang bakas na nahihirapan siyang maglakad o natapilok siya. Chineck ko ang laptop ko at mukha namang wala siyang ginalaw na kahit na ano. Nakakapagtaka lang dahil wala rin naman siyang mababasa dito dahil puro draft pa lang ang naisusulat ko. Pero nakakairita na talaga ang ugali niya habang tumatagal.

"Junica..."

Muling kumunot ang noo ko sa biglang pagsulpot ni Ivan sa harapan ko na nakaupo na sa may pwesto ni Yana kanina. "Ivan? Kanina ka pa ba d'yan?"

"Kakadating ko lang pero paalis din ako kaagad," sagot niya. Bakit ba parang lahat ng tao ngayon sa paligid ko ay busy? "Junica, hindi ka pa ba aalis sa lugar na 'to?"

"Ha?" saad ko. Mahina ang boses ni Ivan pero malinaw kong narinig ang sinabi niya.

"Marami nang hindi magandang nangyayari dito. May bangkay na namang natagpuan malapit dito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakikilala."

Napalunok ako. Ibig sabihin totoo ang lahat ng sinabi ni Yana kanina.

"Junica, h'wag ka nang magtagal sa lugar na 'to. Umalis ka na dito habang maaga pa."

"Teka Ivan... Sandali lang. Saan ka pupunta?" noon ko lang nagawang muling magsalita. Nang tumayo si Ivan mula sa kinauupuan niya,.

"Maykailangan lang akong hanapin. Basta Junica... Please... Habang nandito ka sa lugarna 'to. Mag-iingat ka. Mag-iingat kang mabuti."

Continue Reading

You'll Also Like

24.1K 1.3K 33
May kinaiinisan ka ba? Binully, pinahiya, sinaktan o pinagsamantalahan? Now is the time para makaganti ka sa kanila. Use the Killer App. #TheKiller...
7.3K 657 23
MHST Volume 3: ANG BALON - Sa mahabang panahon ng pangangasera ng isang pamilya sa siyudad, malaking surpresa ang pagdatal ng isang biyaya mula sa ka...
454K 12K 26
SECTION A, B,C,D? Saang section ka nababagay?
210K 13.1K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"