The Trouble with the Rule

By iDangs

37.4M 1M 420K

Teen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the... More

The Trouble with the Rule
Prologue
Chapter 1: New Generation
Chapter 2: The Groups
Chapter 3: The New Girl
Chapter 4: Bring it on
Chapter 5: Another Dilemma
Chapter 6: The Punishment
Chapter 7: Attention seeker
Chapter 8: Deadline
Chapter 9: Vacation
Chapter 10: Complicated
Chapter 11: Fixing things
Chapter 12: I like you
Chapter 13: Creating walls and burning bridges
Chapter 14: Never too late
Chapter 15: Reaching out
Chapter 16: Second, third, fourth, fifth
Chapter 17: Fantastic Four
Chapter 18: Question and Answer
Chapter 19: Hunter the Rebel
Chapter 20: Curiosity
Chapter 21: Matter of timing
Chapter 22: Tamara Sartori
Chapter 23: Spy
Chapter 24: Something new
Chapter 25: Save paper
Chapter 26: Another punishment
Chapter 28: Stay or Quit
Chapter 29: Bestfriend
Chapter 30: Badtrip
Chapter 31: I hate drama
Chapter 32: Internal Battle
Chapter 33: Secret Affair
Chapter 34: Welcome to my life
Chapter 35: Two generations
Chapter 36: Sa ngayon..
Chapter 37: Protective Friends
Chapter 38: Kick out
Chapter 39: A mystery
Chapter 40: Riot
Chapter 41: First aid
Chapter 42: Thank you
Chapter 43: Pikon
Chapter 44: Busted
Chapter 45: Shooting Star
Chapter 46: Best Bestfriend
Chapter 47: Cheesecake
Chapter 48: Weird people
Chapter 49: Tammy
Chapter 50: Hindi ko sinasadya
Chapter 51: Crazy
Chapter 52: Almost perfect guy
Chapter 53: Unsure feelings
Chapter 54: Hunter the Joker
Chapter 55: Turn of events
Chapter 56: Resbak
Chapter 57: Worse
Chapter 58: Prefect of Discipline
Chapter 59: Glue
Chapter 60: Solution
Chapter 61: First step
Chapter 62: One more day
Chapter 63: Last straw
Chapter 64: Worth it
Chapter 65: Growing up
More Info.
Book 2 and Other Stories
The Trouble with the Rule Book

Chapter 27: Groupless

489K 15.4K 3.9K
By iDangs

Tamara's POV

Naglalakad ako sa may hallway papasok ng classroom nang may makasabay akong dalawang babae. Nakakairita pa. Ang aga aga nagchichismisan agad.

"You know, what she did is so brave. Yet so stupid."

"More like stupid, girl. Ayun na kaya. She's admired and she's experiencing so much fame. Then all of sudden biglang magiging ganoon desisyon niya. It's foolish, right?"

"I know! Parang naghirap siyang kunin ang isang bagay tapos nang makuha na niya bigla niyang bibitawan. Sinong matinong tao ang maghihirap just to give up?"

Wala talaga silang magawang matino bukod sa pagfiestahan ang  buhay ng kung sino.

 Naiinis na akong pakinggan ang pinagkwekwentuhan nila kaya binilisan ko na ang paglalakad ko.

Nang makapasok ako sa room ay saktong palabas si Hailey.

"Good morning," bulong niya.

Tumango ako bilang sagot. Mahirap na kung may makakita pa sa aming dalawa na nag-uusap. Baka magkaroon na naman kami ng panibagong parusa. And that's the least thing I want right now.

Tinitingnan ko ang mga tao sa classroom. Kanya kanya ng mga trip sa buhay. Wala pa ang mga jocks dahil panigurado ay mga nasa court 'yun. Ang mga ordinaries naman ay nasa gilid at mga nagtatawanan. Nasa gitna kasi nila si Nate at mukhang nagjojoke. Ang Nerds naman, iba sa kanila ay mga nag-uusap. Ang iba naman ay nasa kaniya kaniyang upuan at nagbabasa. Ang rebels, karamihan wala pa. 'Yung mga nandito naman kung hindi natutulog, hawak lang ang phone habang nakataas pa ang paa. Ang populars naman ay nagchichismisan sa harap. Ang iba ay naglalagay ng nail polish o nag-aayos ng buhok. Everything seems normal. Not until I saw Piper.

Usually, makikita ko siyang nakikipag-interact sa ibang groupmates niya or nakaupo sa may teacher's desk. Pero ngayon she's alone. Nakaupo lang sa pwesto niya.

What's up with her?

Plano ko sanang abutan siya ng paper na may message kaya lang bigla nang dumating ang teacher namin.

Nang matapos na ang lahat ng subject namin para sa umaga, hinintay kong lumabas muna ang lahat para hindi ako makikipaggitgitan sa kanila palabas.

Sa dulo, nakita ko si Piper na mag-isa papalabas. Hindi ulit tulad ng dati na nauuna siya kasama ang mga kagrupo niya.

Dahil sa wala na rin namang tao, mabilis akong tumayo at naglakad para abutan siya saka siya hinila.

"Oh. Hey. What's wrong?" tanong niya.

Napataas ang kilay ko sa kaniya dahil parang mali na ako ang tinatanong niya. Dahil dapat siya ang tinatanong ko.

"May mali talaga."

"Anong mali?"

"Ikaw, anong tingin mong mali?"

Napaiwas siya ng tingin sa akin at ayun na ang nagsilbing confirmation ko. May mali nga.

"Nag-away kayo ng ilan sa groupmates mo and they're isolating you?"

"No," napakagat pa siya sa labi niya. Nagsisinungaling siya. Sigurado ako.

"Alam kong bago palang nang maging magkaibigan tayo at hindi ako kasing close nila Hailey sa'yo. Kaya siguro ayaw mong sabihin."

I didn't mean what I've said. Reversed psychology lang. Sana gumana.

"Uy, it's not like that. I may have known them longer but I trust you as much as I trust them."

Hindi ako sumagot at nagpanggap na lalabas na pero hinawakan niya ako sa braso at nagsalita, "We're groupmates." Groupmates?

Hinayaan kong mag sink in ang sinabi niya pero hindi ko maintindihan. Paanong naging?

"You're groupless. So am I."

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kaniya. Naspeechless ako sandali sa narinig ko at nang makabawi ay niliitan ko siya ng tingin. Baka nanggugoodtime lang 'to.

"What? Do I look like I'm joking?"

"Oo."

Napabuntong hininga siya, "First, you knew something's wrong. That's why you tried to talk to me even we're at school. Second, do you think I'll still be here if I'm just joking?" Sabagay. May punto siya.

"Alam na ba nila?"

Umiling siya, "Please don't tell the others about this. Lalo na kay Nate. Knowing him, once malaman niya, I know he'll do the same. Ayoko naman mangyari 'yun. I don't want the rule to be fucked up. It's enough na dalawa na lang tayong walang group. 

“Imposible ‘yan, Piper. Malalaman at malalaman nila na umalis ka na sa grupo mo. Kung ako nga nalaman ko. Medyo halata. Instead na kasama mo ang ibang kagrupo mo, ngayon mag-isa ka na lang.”

“Malaking gulo if ever they’ll leave their group.”

“Sana naisip mo ‘yan bago ka umalis ng grupo ‘di ba?”

Sinamaan niya ako ng tingin at napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya. Sinasabi ko lang naman ang opinyon ko.

“Bakit ka nga pala umalis?”

“Can I eat first? I’m so hungry na kaya.”

“Sabay na ako.”

“What?!”

Again, tinaasan ko siya ng kilay. Kung magsasama kami, wala naman akong lalabagin na rule. Wala na rin siya. Nainform naman ako na bawal makipag-usap sa ibang grupo pero hindi sa ibang wala rin kagrupo.

“Nate and others will know if – “

“Ang akala ko dati wala kang pakialam sa sinasabi ng iba? Ano na bang nangyari?”

“I don’t care what they think. I don’t care what they say. Kaya lang I care about sa action na gagawin nila Hailey once malaman nila na I don’t belong to any group anymore.”

“Sus. Malaki na ang mga ‘yun. Choice naman nila kung ano ang gusto nilang gawin. Kung gusto ni Nate na – “

“Naks. You call him Nate na rin ha.”

Hindi ko pinansin ang sinasabi niya at nagpatuloy, “Kung gusto niya na umalis ng grupo niya, choice na niya ‘yun. Kung gusto ni Hailey na umalis na rin, choice din niya ‘yun. Kung gusto rin ni Warren na umalis, choice din niya ‘yun. Kung si Hunter, gustong manatili sa grupo niya, choice din niya ‘yun. Hindi mo naman sila pipilitin. Pilitin mo man sila, sila pa rin ang pipili ng desisyon.”

“But – “

“Isa pa, medyo nakakainip na rin ‘yung palagi ka lang mag-isa. Ngayon naman kahit papaano may kasama na ako.”

Tiningnan niya ako ng nakakaloko at nagtataas baba pa ng kilay, “Uy. You admitted it. You want some company.”

“Shut up,” sabi ko lang sa kaniya at hinila na siya papunta sa may cafeteria.

Nang makarating kami sa cafeteria, ramdam na ramdam ko na ang tingin ng mga tao. Hindi pa mga nakuntento at mga nagbubulungan pa. Sobrang big deal na magkasama kami ngayon ni Piper?

“I wanna laugh,” bulong niya at itinikom ang bibig.

Napailing ako sa iniisip niya at napangisi, “Ang OA din ng mga estudyente sa school na ‘to, ano?”

“I was number one when it comes to ka-OAan. But I guess someone is more OA than me,” sabi niya at saka tumango sa direksyon ng mga dati niyang kasama. “Elle. That fake bitch.”

“Ano nga nangyari? Bakit ka umalis?”

“Can we order first and look for a table?” she said sarcastically.

Nang makaorder na kami, natanggap na ang pagkain namin, nagbayad, naghanap ng lamesa, ipinatong sa lamesa ang pagkain at umupo, tinanong ko ulit siya, “Ano na ulit ang nangyari? Baka pwede ng masabi kasi okay na lahat.”

“I’ll take a bite first.”

Grabeng pa-suspense na talaga ‘to. Naglolokohan na lang ata kami ni Piper.

“Okay. Ito na.. I don’t know what really happened. Basta my ex groupmates are being so mean lately. They are starting to act like the mean girls. Nilalait nila ‘yung ibang groups, but since our friends are there, I’m defending those groups. They didn’t take it nicely, I guess. Tapos that one time na nakita tayo ni Elle sa house namin, she took a picture of us pala and she showed it to my ex groupmates. They overreacted. I’m sure it’s because Elle brainwashed them. So Elle told me na they’ll remove me as their group leader. Kaya ayun, I decided to quit na lang din.”

Okay? Umalis siya sa grupo niya dahil hindi na siya leader?

“I know that look. It’s not like that. Umalis ako kasi I can’t stand them anymore. Yes, Populars are on top. Kaya lang nakakainis. They’re on top so they think that they should look down on others. And that’s wrong. Wala naman tayo sa movie. This is real life. You don’t have the right to be mean just because you’re popular. Alam ko rin naman na hindi lahat ng members ng Populars are mean. Some are just pressured to be mean just to stay in the group.”

“Mali naman ang ganoon. Parang para lang manatili ka sa isang grupo magpapanggap ka ng ibang tao.”

Nagpatuloy pa kami sa kwentuhan ni Piper. Muntik pa ngang lumapit sa amin si Nate pero bago pa man niya magawa ‘yun, umiling na si Piper sa kaniya.

Dahil nakakausap ko si Piper, narealize ko na mali talaga ako sa pag sterotype sa kanila. Dahil sa sila ang sikat ang akala ko dati sila ‘yung mga mahilig magmataas. Sila ‘yung “kontrabida”. Kaya lang mali pa. Hindi naman pala dapat nilalahat. Ang ugali ng isang miyembro ng isang grupo ay hindi ugali ng buong grupo mismo. Iba-iba ang mga tao.

***

Patulog na ako nang makatanggap ako ng text galing kay Hailey.

Anong nangyari? Bakit magkasama kayo ni Piper kanina? Nalaman ko na nagquit siya pero noong tinanong ko sa kaniya kanina kung bakit sabi niya hayaan ko na lang ‘yun. Sure ako na alam mo.

Dapat ko bang sabihin sa kaniya ang nangyari? Kaya lang kung si Piper nga hindi sinabi, ako pa kaya? Anong karapatan ko para sabihin ang rason ng ibang tao? Mali naman kapag ganoon.

Wala ako sa posisyon para sabihin ang rason niya. Maghintay ka na lang ng kaunti pang oras. Baka sabihin din niya sa ‘yo ang dahilan. Sabihin man niya o hindi, isipin mo na lang na ayaw lang niyang mag-alala kayo sa kaniya. Kasi matapang at malakas naman siya. Alam niya ang ginagawa niya.

 

Sinend ko na ang reply ko sa kaniya kaya lang ilang segundo na ayaw pa rin mag-send. Saka ko lang naalala na wala pala akong load. Kaya ibinalik ko na lang ang phone sa gilid ko. Mas ayos na rin ‘to. At least may rason ako kapag tinanong niya bakit hindi ko sinagot ang tanong niya.

***

Hindi ko alam kung tama ban a ganito ang isipin ko pero kahit papaano masaya ako na umalis na si Piper sa grupo niya. Kasi ngayon may nakakasama na ako. Ang selfish pakinggan pero.. ay ewan.

Nakatambay kami sa likod ng campus at nagkwekwentuhan nang biglang dumating si Nate. Sinamaan niya kami ng tingin at saka umupo sa tabi namin.

Wala namang tao dito kaya safe lang siguro na mag-usap-usap kami.

“Bakit ang daya niyo?” sabi pa niya.

Nagkatinginan lang kami ni Piper at nagkibit-balikat ako sa kaniya.

“Pipes. Anong nangyari?”

Tumango ako kay Piper. Hindi naman pwedeng hindi niya sabihin sa iba na umalis na siya sa grupo niya. Napabuntong hininga siya at kwinento kay Nate lahat ng nangyari.

Matapos niyang magkwento ay saglit na natahimik kaming tatlo. Hanggang sa bigla na lang nagsalita si Nate, “Ang daya mo.”

“Ha?”

“Simula pa lang sinasabi ko na na labagin na lang natin ang rule pero pinigilan mo ko. Ngayon naman ikaw pala ang unang lalabag sa ating dalawa.”

“I didn’t. Umalis ako. That’s different.”

“Naiinggit ako. Aalis na rin ako.”

Bago pa magsalita si Piper ay itinaas ko na ang kamay ko para pigilan siya, “Choice niya ‘yun. Di ba napag-usapan na natin ‘to?”

“Masaya naman masama sa Ordinaries. Nagkaroon na rin naman ako ng mga kaibigan doon. Kaya lang simula palang naman ayoko na talaga sa rule rule na ‘yan.”

“Parang nakakulong, ‘di ba? Parang pinpilit mong maging ibang tao para lang magtagal sa grupo.”

“Parang namimili ka lang din ng taong pwedeng maging kaibigan mo. Kapag magkaiba kayo, hindi pwede. Masyadong biased.”

Sino ba naman kasi ang gumawa ng ganitong klase ng rule? Ang unfair masyado.

“Aalis na ako sa grupo ko ha,” paalam pa ulit ni Nate kay Piper.

Napabuntong hininga si Piper at tinanguan siya, “If that’s what you want, then it’s fine.”

Hindi na sumabay si Nate sa amin pabalik ng room. May pupuntahan pa raw siya kaya naiwan kaming dalawa ni Piper.

Sa hallway, makakasalubong naming ‘yung Elle na mukhang tuwang tuwa sa nakikita niya.

“Oh. What a nice view naman, girls. Our former leader is groupless na. Kaya she’s with a weird girl. But it’s fine naman since bagay silang magkasama. Both patapon.”

Pinipigilan ko ang sarili kong sagutin ang malditang bruha na ‘to. Akala mo kung sinong magaling. Pailalim naman kung gumalaw. Famous wanna-be masyado.

Nang mapatingin ako kay Piper, medyo naweirdohan ako na makita siyang nakangiti at parang hindi man lang naapektuhan sa pang-iinsulto ng bruhildang Elle na ‘to.

“Okay lang sa ‘yo?”

“Yeah. She’s pathetic. She looks like a fool kasi hindi naman siya papansinin ng inaaway niya.” May point.

Mukhang magpaparinig pa si Elle pero natigil siya nang may umakbay sa aming dalawa ni Piper. Si Nate, “Oks na. Wala na rin akong grupo. Astig ‘di ba?”

Continue Reading

You'll Also Like

31.3K 971 15
THAT SUMMER WITH A GHOST SERIES #3
32M 775K 136
Published by VIVA PSICOM <3 Now available in bookstores! *Kayleen's Story* Next book: Dear Ex-Boyfriend [Completed]
49.4M 1M 90
It seems like everything is falling into place para kina Kurt at Gail. They have a baby on the way, suportado sila ng barkada at pamilya nila, and th...
107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...