The Guy Who Likes Me(ON-GOING)

By MarlouTemplado

10.3K 562 686

After having sex with Kalyx once, Hiro never thought na masusundan pa iyon ng isa pa na nasundan pa ng nasund... More

Prolouge
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter 15
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Not An Update
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen

Chapter Five

556 25 23
By MarlouTemplado

Nagising ako dahil sa pagtama ng sikat ng araw sa aking mukha. Napabangon ako at agad na napabalik sa paghiga ng biglang balutin ako ng sakit sa aking pang-upo. Sa sobrang sakit ay napapikit pa ako at doon ay sunod-sunod na nanumbalik sa alaala ko ang mga pangyayari kagabi.

Nagmulat ako ng mata para hanapin si Kalyx pero wala na siya. Ganon na lang 'yun?Hindi niya man lang ako ginising? Ugh! Bahala nga siya diyan! Hindi ko na siya poproblemahin, uunahin ko muna 'tong sakit ng pang-upo ko.

Ang sakit! Parang hindi ako makakatayo kasi kahit kunting galaw ko lang ay parang hinihiwa ako 'doon'. Ugh! Ilang beses ba namin ginawa 'iyon' kagabi? Hindi ko na mabilang kasi kahit lupapay na ako at wala ng lakas ay nagpatuloy pa rin si Kalyx. Hindi ko alam kung anong oras siya tumigil dahil nawalan na siguro ako ng malay nun.

Bigla akong namula. Shit! Totoo ba ito? Omg! Ngayon ko lang narealize na nagsex pala kami ni Kalyx! Teka! Bakit nga ba kami nagsex? Wala akong maalalang dahilan! Hala! Paano ko haharapin si Kalyx? Magpapanggap ba ako na parang walang nangyari sa aming dalawa? Ugh!

Bwesit ka Kalyx!

Napatingin ako sa wall clock ko. Pasado alas siete pa lang ng umaga. Mamaya pa naman ang klase ko kaya matutulog muna ako saglit. Pero ipipikit ko pa lang muli ang aking mata ng may kumatok sa pinto.

"Delivery po!" Sigaw ng kung sino man iyong nasa labas.

Anong delivery? Kelan ako nagpadeliver? May order ba ako sa shoppee? Wala naman, a! Wala na nga akong pangkain oorder pa ako sa shoppee?

Bumangon ako at napangiwi ng sumakit na naman ang pang-upo ko. Napakagat ako sa labi ng pilitin kong tumayo. Tiniis ko yung sakit para makapunta sa may pinto. Pagbukas ko ng pinto ay kumapit ako roon bilang suporta sa katawan ko.

"Kuya, baka namali po kayo. Wala po akong pinadeliver, e." Sabi ko sa Kuyang Delivery Man.

"Wala po? Hindi po kayo si Mr. Hiro Recalde?" Naguguluhang sabi ni Kuyang Delivery Man.

"Ako po si Hiro Recalde pero wala po akong naalala na nagpadeliver ng kung ano." Sabi ko.

May tinignan si Kuya sa cellphone niya tapos bumalik siya ng tingin sa akin. "Yung nagpadeliver po pala ay si Mr. Kalyx Gutierez? Kilala niyo po?" Aniya ni Kuya.

"Opo. Ano po bang delivery?" Tanong ko.

May ipinakitang plastic si Kuya na may logo ng panda. "Lugaw po at may gamot po, e hindi ko alam kung anong gamot."

"Ahh... Bayad na po ba?" Tanong ko. Baka mamaya hindi pa pala 'to bayad. Jusko wala akong pambayad.

Tumingin ulit si Kuya sa cellphone niya. "Opo, bayad na."

"Ganon po ba? Akin na po 'yan," aniya ko sabay kuha dun sa plastic. "Salamat Kuya, a. Ingat po kayo!"

"Wala pong anuman. Sige po, Sir alis na ako," paalam ni Kuyang Delivery Man bago siya naglakad paalis.

Nang makitang kong lumabas na ng gate si Kuya ay isinara ko na ang pinto tapos iika-ikang naglakad ako papunta sa may mini table ko. Naupo ako sa may upuan tapos inalis ko sa plastic yung laman niyong lugaw na nasa styrofoam na mangkok at yung gamot na sinasabi ni Kuyang Delivery Man. Binasa ko kung ano yung gamot at pain killer pala iyon.

Napangiti ako. Nag-aalala ba sa akin si Kalyx kaya niya ako pinadalhan ng mga ito? Alam ba niya na naghihirap ako ngayon? Alam ba niya na baka kapag nagkita kami ay pektusan ko siya junjun niya? Punyemas siya!

Speaking of junjun. Bigla akong namula ng maalala ko yung junjun ni Kalyx. Jusko! Ano bang naisip ko kagabi at pinayagan ko siyang tuhugin niya ako niyon? Iyan tuloy at hirap ako maglakad ngayon!

Kinain ko na yung lugaw at pagkatapos uminom ako nung pain killer. Tapos naligo na ako. Nang makapagbihis na ako at handa ng umalis ay umalis na ako ng apartment ko at tumungo sa university. Ang aga ko ngayon at infairness effective yung pain killer na binigay ni Kalyx. Medyo nawala na yung sakit banda roon pero iika-ika pa rin ako maglakad tapos minsan ay bigla-bigla na lang sasakit ng sobra yung pang-upo kaya napapatigil ako sa paglalakad at napapaungot.

Tumambay muna ako sa may mga gazebo dahil mamaya pa naman ang start ng una kong klase. Nag-chat ako kay Aira na nasa school na ako at nagreply siya sa akin na himala raw ang aga ko at malapit na raw siya. Sinabi ko na nasa may gazebo ako at nagreply siya ng 'okay'.

Habang hinihintay ko si Aira ay para akong bata na palingon-lingon kung saan-saan. At nung mapatingin ako sa building ng Engineering Department ay sakto namang naglalakad palabas doon si Kalyx at ang mga kaibigan niya. Namula ako ng maalala ko na naman lahat ng mga nangyari sa amin kagabi. Hindi ko inaasahan na titingin siya sa may gawi ko kaya nagulat ako. Nag-iwas ako ng tingin at tumalikod ng upo.

Shit! Naaalala niya rin kaya lahat ng mga nangyari sa amin kagabi? Siyempre oo! Pinadalhan ka nga niya ng lugaw at pain killer kagabi, e!

"Hey..."

Nanigas ako ng marinig ko yung boses na 'yun. Dahan-dahan akong pumihit paharap at hindi ako tumingin kay Kalyx.

"Uyy," usal ko ng nakatingin lang sa kulay puti niyang sapatos.

"Are you okay?" Tanong niya.

Tumango ako ng hindi pa rin tumitingin sa kanya. Jusko! Nahihiya ako sa kanya!

"Does it hurt?" Tanong niya pa.

Tumahimik lang ako at hindi siya sinagot. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya na sobrang sakit. Nakakahiya!

"Did you drink the pain killers?" Tanong na naman niya.

Napakagat labi ako at tumango.

" Good." Sabi niya tapos nagsimula na siyang maglakad paalis. Nang makalayo na siya ay tsaka lamang ako nag-angat ng tingin. Likod niya lamang ang nakikita ko at hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero biglang pumasok sa isip ko yung hubad na likod ni Kalyx.

Jusko! Yung utak ko!

"Hoy!"

Napapiksi ako ng bigla akong gulatin ni Aira.

"Gagi ka! Muntik na akong atakihin sa puso! Wag mo na nga akong gulatin!" Singhal ko kay Aira.

Tinawanan niya lang ako tapos naupo siya sa may tabi ko. Inikutan ko lang siya ng mata. Nang tumigil siya sa pagtawa ay naging pangchismosa ang kanyang mukha.

"Uyy, ano yung nakita ko? Anong pinag-uusapan niyo ni Kalyx, ha?" Usisa ni Aira.

" Wala! May tinanong lang siya sa akin! " Hindi makatinging sabi ko kay Aira.

"E, ano ngang sinabi niya? —Teka! Ano 'yan?" Sabi ni Aira sabay turo sa may leeg ko.

Napatingin ako sa kanya ng may pagtataka. "Ha? Alin?" Sabi ko habang nakahawak sa may leeg ko na itinuturo ni Aira.

"Iyan! Ito! Ito! Hala! Ang dami!" Aniya ni Aira habang itinuturo niya yung kung ano man yung mga nasa leeg ko." Best, don't tell me... mga... kiss mark yan?" Napatakip pa ng bibig si Aira dahil sa kanyang sinabi.

Kinabahan ako dahil kay Aira kaya agad na kinuha ko yung salamin ko sa bag tapos tinignan ko yung leeg ko. Ganon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata ng makita ko mula sa salamin na punong-puno ng mga kiss mark yung leeg ko. Tsaka ko lang narealize na kaya pala ganon na lamang ang tingin sa akin ng mga tao kanina sa jeep dahil sa leeg ko. Shit!

"Lagyan natin nito," napatingin ako kay Aira na naglabas nung liquid foundation na palagi niyang ginagamit.

Hindi ako naglalagay ng mga cosmetic product sa balat ko dahil minsan nung nilagyan ako ng make-up noong nasa high school ako para sa concept ng sayaw namin ay biglang nairita yung balat ko at namula. Pero kailangan kong gumamit ng foundation ngayon dahil iyon lamang ang paraan para maitago ko itong mga kiss mark sa buong leeg ko.

"Best, saan mo nakuha 'tong mga chikinini sa leeg mo? At 'wag mong sabihing kagat 'to ng lamok dahil hindi ganito ang kagat ng lamok! Magsabi ka ng totoo," sabi ni Aira sa akin habang nilalagyan niya ng foundation yung leeg ko.

"Umm...ano...kasi..." Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo kay Aira pero bakit hindi? Bestfriend ko naman siya at alam ko naman na hindi na lalabas sa bibig niya yung sasabihin ko pero kinakabahan ako sa sasabihin sa akin ni Aira. Baka isipin niya ang kati-kati ko.

"Best," tumingin ako ng seryoso sa mga mata niya. Itinigil niya ang paglalagay ng foundation sa leeg ko. "Sa atin lang dalawa 'tong sasabihin ko, a?" Tumango si Aira. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. " Okay. Hindi ko rin inaasahan na mangyayari pero," pumikit ako. "nagsex kami ni Kalyx."

Pagmulat ko ay nakita ko agad ang gulat na gulat na mukha ni Aira. Tinakpan niya ang nakabukang bibig tapos tumayo siya at naglakad sa may gitna gazebo area at doon ay umirit ng pagkalakas-lakas. Lahat ng mga tao ay napatingin sa kanya. Nang matapos siyang sumigaw ay bumalik na siya sa tabi ko. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.

"Seryoso?" Tanong sa akin ni Aira. Nagpipigil siya ng ngiti.

Tumango ako.

Hinampas ako ni Aira ng malakas sa braso. "Omg! Masarap?" Tumango ako." Malaki?" Tumango ako. "Waaaaaaa!"

"Ms. Flores pinapatawag ka sa guidance office," biglang may dumating na lalaki na sa pagkakaalam ko ay kasali sa student council.

"Bakit?" Tanong ni Aira.

"Tinatanong mo pa? Baka nakakalimutan mong sumigaw ka lang naman ng pagkalakas-lakas habang may nagkaklase." Sabi nung lalaki kay Aira.

Inikutan naman ni Aira ng mata yung lalaki tapos tumingin siya sa akin. "Best, mamaya mo na ituloy ang kwento mo ,a." Sabi sa akin ni Aira.

" Let's go, Ms.Flores," pagtawag pa nung lalaki.

" Oo! Excited much? Pektusan kita diyan, e!" Singhal ni Aira dun sa lalaki bago sila umalis.

Tawang-tawa ako kay Aira. Sigaw-sigaw pa siya, a! Guidance ka tuloy!

Buti nga!


Mabilis na natapos lahat ng mga klase ko. Kahit na iniinda ko yung sakit ng aking pang-upo ay himala namang nakayanan ko. Papunta na ako ngayon sa waiting shed sa labas ng university para mag-abang ng masasakyang jeep pauwi sa apartment ko. Aabsent muna ako sa trabaho ko ngayon. Kailangan ko munang ipahinga 'tong katawan ko.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Nang lingunin ko kung sino iyon ay nakita ko si Kalyx. Naglalakad na siya palapit sa akin. Namula na naman ang mukha ko. Hindi ko na 'ata mapipigilan pang mamula kapag nakikita ko si Kalyx, palagi ko kasing naalala yung nangyari sa amin kapag nakikita ko siya.

"B-bakit?" Nakaiwas ang tinging tanong ko kay Kalyx.

"Pauwi ka na ba?" Tanong niya sa akin.

Umiling ako. "Hindi pa. Bakit?"

"Umm, gusto sana kitang ihatid. Papunta ka ba sa trabaho mo?" Tanong niya ulit.

Napatingin na ako sa kanya. " B-bakit gusto mo akong ihatid?"

Siya naman ang nag-iwas ng tingin. " I know you're hurting," sabi niya. Hindi ko alam kung namumula ba yung mukha niya o dahil lang 'yun sa sikat ng papalubog na araw na tumatama sa mukha niya.

"Paano mo naman nasabi? Okay kaya ako! Tignan mo," sabi ko tapos naglakad-lakas ako kaso biglang umatake yung sakit kaya biglang nanghina yung tuhod ko at muntik pa akong matumba mabuti na lang at agad na rumesponde si Kalyx at inalalayan niya ako.

Namula akong muli. Naghurumentado yung puso ko. Nang magdikit ang aming mga balat ay tila napaso ako. Bigla akong nabingi at nung pagtingin ko kay Kalyx ay parang bumagal ang kanyang paggalaw.

"Are you alright?"

Nabalik lamang ako sa reyalidad nang tanungin ako ni Kalyx. Napatayo ako ng tuwid.

"Ahh, oo! Ayus lang ako!" Sagot ko sa kanya.

"Huwag ka na muna pumasok sa trabaho mo. Just go home for today and rest," tila nagaalalang turan niya.

"Yun na nga sana ang balak ko," sabi ko.

"Let me drive you home. Ako naman ang may dahilan kaya ka naghihirap ngayon, e. Let me take responsibility," seryosong aniya ni Kalyx.

Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Bakit ganon yung pagkakasabi niya? Bakit parang nagaalala talaga siya sa akin? Hindi ko tuloy maawat yung pagtakbo ng mabilis ng puso ko.

"S-sige," pagpayag ko sa alok ni Kalyx.

Nagsimula na kaming maglakad. Nakahawak si Kalyx sa balikat ko para alalayan ako sa paglalakad. Feeling ko tuloy may sakit ako dahil sa ginagawa niya.

Nang makarating kami sa parking lot ng university ay dumiretso kami sa kotse niya at sumakay doon. Naging mabilis lang yung byahe namin at agad kaming nakarating sa may kanto nung lugar ko. Sa buong byahe namin ay walang nagsalita sa amin.

"S-salamat sa paghatid," pagpapasalamat ko kay Kalyx.

"No worries," aniya. "Umm, by the way Hiro...about what happened to us last night...can you just forget about it? Like nothing ever happened to us?"

Nagulat ako. Hindi ko iyon inaasahan. Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong nalungkot at nainis.

"Ahh, okay," sagot ko kay Kalyx.

Lumabas na ako ng kotse niya tapos tumingin ulit ako sa kanya. "Salamat ulit. Ingat ka pauwi," pagpapaalam ko sa kanya.

" Yeah," sagot niya lang.

Nginitian ko siya tapos isinara ko na yung pinto ng kotse niya. Hindi muna ako naglakad paalis, hinintay ko muna na umandar at makaalis yung kotse ni Kalyx papalayo.

Napangiti ako ng pagak.

"Sana nga makalimutan ko agad..."




Continue Reading

You'll Also Like

423K 6.1K 24
Dice and Madisson
1M 34.7K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.