Edwin's POV
Right after malaman ni James at lalong-lalo na ni Sabrina na dito muna ako nakatira ay kaagad na umalis ako sa lugar na ito. Pina-layo ko din muna si Pogs, para hindi nila kami madaling mahanap.
After 2 years ay ngayon ko lang ulit nakita si Sabrina. Ang laki ng ipinagbago niya. Lagi nang matalim ang mga tingin, tipong ayaw mo siyang lapitan dahil sobrang nakakatakot.
Siguro dahil sa pang-iiwan ko sa kaniya.
Pero hindi ko siya iniwan dahil lang sa wala. Iniwan ko siya dahil gusto kong kamuhian niya ako. Gusto kong magalit siya ng sobra sa akin. Tipong ayaw niya na sa akin. Gusto kong kapag nalaman niya ang totoo ay okay lang sa kaniya.
I know magulo pa sa ngayon. But time will pass and she will know everything soon. Alam kong malalaman niya lahat ng ginagawa ko pero muna sa ngayon.
"Hey, where are you going?", tanong sa akin ni Aira, pababa kasi ako ng hagdan at naka-bihis pa.
"Kay Lola." sabi ko. At napansin ko din namang naka-bihis siya. Saan naman ang punta nito? May date siya? "Ikaw?"
"Anong ako?", taka niyang tanong.
"Saan naman punta mo?", tanong ko sa kaniya. Kabago-bago dito sa Manila eh, may kalandian kaagad.
Ah. Kay David lang." sabay ngiti niya na akala mo nanalo sa lotto.
"At bakit?"
"Wala lang."
"Mahal na mahal mo talaga siya 'no?", tanong ko pa.
"Duh. Remember our deal right?"
At natawa ako.
"Sige, una na ako." at sabay na kaming bumaba sa hagdan at naghiwalay kaagad ng daanan sa kalye.
Medyo malapit lang naman ang subdivision ni Lola kaya nakarating ako nang mabilis.
Pero bago pa man ako makalapit mismo sa bahay ni Lola ay nakita kong may naka-hinto na kotse sa harap ng niyon. Kaya hindi na muna ako bumaba at tiningnan ko iyon. Matagal bumaba ang nasa kotse niyon. Pero nang may bumaba ay babae iyon at sila ate Andrea iyon. Hindi nila kasama si-
At bumaba si Sabrina at tiningnan ang bahay na may nakasulat na 'House For Sale'. Kaya nag-usap-usap sila doon.
Anong pinag-uusapan nila? Bakit sila nandito? Anong ginagawa nila dito?
Maya-maya ay lumabas si Lola at nilapitan nila ito. Pero hindi ko narinig ang pinag-uusapan nila. Ano naman kaya iyon?
Pabalik na sila sa kotse nila nang makita ko si Sabrina na akala mo kay nag-iisip pa din siya ng sobrang lalim.
Hindi naman nagtagal ay umalis na sila.
Hindi ko kayang layuan si Sabrina. Sa loob ng 2 years, lagi ko siyang sinu-sundan. Dahil gusto kong makita ang mga ngiti na hindi ko na nagagawa sa kaniya. Gusto kong bumalik ang dating Sabrina na sobrang masiyahin. Pero, iniwan lang siya nong David na iyon. Kaya ayon lalong naging tahimik si Sabrina.
Gustuhin ko mang balikan si Sabrina ay alam kong hindi pa puwede at alam kong hindi na mangyayari iyon. Because I know that when the time goes by, I'm not the guy whom fall in love with her.
Madami nang nagbago kay Sabrina. Yes, gumanda siya. Pero unti-unti na siyang nilalamon ng galit. Alam ko yon, dahil kilala ko si Sabrina. Kilala ko siya nang buo. Kaya kahit isang galaw niya lang ay alam ko na kung ano iyon.
But this time, yong galit niya. Hindi mo alam pero galit na galit talaga siya. Yeah, I know galit siya on me dahil iniwan ko siya nang walang pasabi. Pero I know meron pang ibang mga dahilan na dahilan ng mga galit niya.
Nang makalayo-layo na sila ay kaagad na dumiretso sa bahay ni Lola. Yong bahay na iyon ay iyong may nakalagay na House For Sale at pinuntahan nila Sabrina kanina. Kaagad naman na ako'y bumaba sa kotse ko. Alangan naman na hindi ako bumaba. Ano naman gagawin ko doon?
"Lola, anong sinabi nila?", tanong ko sabay mano sa kaniya.
"Tinanong kung nasaan daw yong nakatira dito noon na nangangalang Edwin, sabi ko walang Edwin na nakatira dito. Kaya ayon umalis na sila."
"Opo Lola. Tara pasok na tayo sa loob." bago pa man kami makapasok ay ti tinanggal ni Lola ang sign na House for sale. Hindi naman talaga ito ibe-benta eh. Ito yong bahay na ipinagawa ko para dito na kami tumira ni Sabrina balang araw. Pero baka after ng malalaman niya. I'm sure na ayaw niya na sa akin.
"Apo, bakit hindi niya na ako maalala?", tanong ni Lola sabay bigay sa akin ng hot chocolate.
"Nino lola?", tanong ko.
"Ni Sabrina." lungkot niyang sabi sabay umupo sa tapat ko at humigop din si lola ng hot chocolate.
"Siguro kasi Lola, madami lang siyang iniisip." lungkot kong sabi.
"At ang daming nagbago sa kaniya ah." suggest naman ni Lola.
"Kaya nga Lola eh." sabi ko. "Sorry Lola ah, naaapektuhan ka sa amin." lungkot ko ulit na sabi.
"Apo, bakit kais hindi mo na lang sabihin sa kaniya ang totoo?"
"Lola, kapag sinabi ko sa kaniya lahat, alam kong hindi lang siya magagalit sa akin."
"Sa tingin mo ba kapag hindi mo sinabi, hindi na siya magagalit? Apo, magagalit pa din siya, nawala ka na parang bula. At alam kong unfair yon kay Sabrina." at doon ako napaisip.
"Anong gusto mong mangyari? Papaniwalain mo siya sa kasinungalingan? Apo, kapag lalo mo pang pinatagal, lalong masasaktan si Sabrina."
Ayokong nakikitang nasasaktan si Sabrina.
Pero ano ba itong ginagawa ko sa kaniya ngayon?
Ayokong sabihin sa kaniya kung ano nga ba ang totoo. Pero ayoko ding mag-mukhang tanga si Sabrina.
Huminga ako ng malalim.
Sasabihin ko sa'yo ang lahat Sabrina.
Pero hindi pa sa ngayon.
David's POV
After ng class namin ay kaagad na akong umuwi sa bahay. Nagpahatid na lang ako kila Potpot. Tinakasan ko pa nga si Loren.
You know what guys, hindi ko naman talaga siya gustong maging girlfriend eh.
It's been weeks since naging kami ni Loren. At ang masasabi ko lang.
Nakakapang-gulat.
It's just that one day, kami na. Nagulat nga din sila Potpot eh. Bigla na lang daw naging kami... Ulit. Ex ko na kasi siya last year yata or nong last last year pa. She's a friend of Virgie and Kristine. At ang masasabi ko lang ay napaka-pangit maging jowa si Loren. Ayoko naman kasi talaga siyang maging girlfriend.
You know what the reasons behind all of this?
Here we go, I'll tell you why.
* Flashback *
"Sir, may naghahanap po sa inyo." sabi ni Manang.
"Sino daw ho Manang?", tanong ko. Sino namang maghahanap sa akin. Siguro si Pot-
"Loren daw po ang Pangalan." kaya taka akong tiningnan si Manang.
"Bakit daw siya nandito?", taka kong tanong.
"Gusto ka daw niya makausap sir." sabi niya.
Ano namang sasabihin ng babaeng iyon?
"Ahh sige Manang, papasukin mo." sabi ko.
Maya-maya ay nakita ko na naman ang mukha niyang ngiting-ngiti.
Baliw na ba siya?
"What do you want?", sabi ko kaagad.
"Hindi mo ko aayain umupo?", hindi ko siya sinagot at umiwas ng tingin. "Oh okay." at naupo siya sa tapat ko.
"Do you want coffee or juice?", tanong ko.
"No need. Sandali lang ako dito." sabi naman kaagad ni Loren.
"Sige Manang, iwan niyo muna kami." at kaagad namang umalis si Manang.
"Why are you here?", diretsong tanong ko.
"I'll straight to the point. I want you to be my boyfriend." nagulat naman ako sa sinabi niya.
Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Hindi ko sasabihin ito pero I need to say.
"Napaka-desperada mo naman." sabi ko. Totoo naman.
"I know. But this is the only way para maging akin ka ulit." sabay ngiti niya.
"Paano kung ayaw kong pumayag?", tanong ko.
"Madali lang naman akong kausap."
"Kung hindi ka papayag, mamamatay siya." sabi ko.
At naguluhan ako sa sinabi niya. Sinong siya? Sino ang mamamatay?
Lumapit si Loren at bumulong sa tenga ko.
"If you don't want to. Sabrina will be dead." at bumalik siya sa upuan niya.
"What the..."
"Oops, don't say bad words." ngiting sabi na naman ni Loren.
"You know what?!? You're crazy." at tumayo ako.
"Simple lang naman akong kausap." ngiti na naman niyang sabi at tumayo. "Magiging boyfriend kita o mamamatay si Sabrina? Go on, choose."
Bakit ang hirap naman ng choices? Wala na bang ibang choice?
Putang-ina naman...
Pero ayaw kong mapahamak si Sabrina. Kahit naman galit na galit pa din siya sa akin ay siya pa din ang mahal ko. At wala nang makakapag-pabago doon.
I'm sorry Sabrina. This is for you.
"Puma-payag na ako..." at tumingin kaagad siya sa akin. "Na maging boyfriend mo." at ngumiti na naman siya na akala mo nanalo siya sa lotto.
"I love you boyfie." at hinalikan niya ako sa pisngi. "See you tomorrow at school." at umalis na ako.
Ano ba puwede kong gawin sa ngayon?
* End Of Flashback *
Naka-rating ako sa bahay na nandito si Tita Luz.
Ayan na naman ang konsenysa ko. Sa tuwing nakikita ko si Tita Luz ay gustong-gusto kong sabihin sa kaniya ang totoo. Kung sino ang pumatay talaga kay Tito Romeo. Hindi maatim ng konsenysa ko ang mag-sinungaling.
"Naka-uwi ka na pala David, halika, mag-meryenda tayo." sabay lapit ko kay Tita.
Napaka-bait sa akin ni Tita, tapos ito ang isusukli ko sa kaniya? Hindi puwede. Dapat may gawin ako.
"Oh David, lalim yata ng iniisip mo? Si Sabrina ba? Wag kang mag-alala, mahal ka n'on." at ngumiti lang ako.
I'm sorry Sabrina, pero ito ang tama.
"Tita, I need to tell you the truth." sabi ko.
"What do you mean?", kunot-noong tanong niya.
You need to tell her David. Para matahimik na ang konsensiya mo.
I gaved a sigh.
"Hindi si Diego ang pumatay kay Tito Romeo..."
"Edi sino?", curios na tanong ni Tita.
"Si Sabrina po." at ayan nasabi ko na.
"Pero sabi mo, Si Diego ang pumatay?"
"Sorry po kung nag-sinungaling ako."
"But, why did she do that?"
"Makakabuti po Tita kung si Sabrina na po ang tatanungin niyo." at pumunta na ako sa kuwarto ko.
Mapatawad mo pa sana ako Sabrina.
Sabrina's POV
Habang nasa kotse kami pauwi nang Manila ay tahimik lang kaming lahat.
After ng pag-uusap kanina ay wala nang nagsalita pa. Nanatili na lang kaming tahimik. Walang gustong magsalita. Parang nagpapakiramdaman lang kami. Or maybe, they just gave me space and the silence that I wanted.
Pero tangina talaga eh, bakit umalis na naman doon si Edwin. Wala din si Pogs. Where the hell is they again?!? Damn.
Habang nag-iisip ako ay biglang nag-ring ang phone ko. Si kuya Red.
"Yes kuya?", tanong ko.
(You need to go home)
"Why? Is there something wrong?"
(Basta. Umuwi ka kaagad.)
"Sige kuya, pauwi na."
Sinabi ko naman kaagad sa kanila iyon at nagmadaling nagmaneho si Andrea.
Nang makarating naman kaagad kami sa tapat ng bahay namin ay kaagad na bumaba ako. At bumaba ako at pumasok sa Gate.
Bakit parang kinakabahan ako?
Nararamdaman kong may nangyari.
Nang makapasok ako sa bahay ay nakita ko sila kuya at James s living room at seryoso silang nakatingin sa akin. Maglakad na sana ako nang magsalita si Momny.
"Bakit mo pinatay si Romeo?", nagulat kaming lahat sa tanong ni Mommy.
Shiit... How did he know?
"What?!?", kunot-noo kong tanong.
"I'm talking to you. Why did you kill Romeo?", seryosong tanong ni Momny.
"Answer me?!?", pasigaw na sabi ulit ni Mommy.
"You want to know?!?", malakas na sabi ko.
At sinampal ako ni Mommy.
"Sabrina don't tell her." sabi ni kuya Red.
"She needs to know." sagot ko.
"Because he's a gangster... At kung hindi namin siya pinatay ay papatayin niya si kuya Red. Papatayin niya kami isa-isa!", sabi ko.
"What?!?", naguguluhang tanong ni Mommy.
"Tito Kobe is already dead. At ang pumatay niyon ay si Romeo, na boyfriend mo."
"No! You're lying. Hindi niya nagagawa iyon!"
"He already did." sabi ko.
"He's a gangster. At susunod niyang papatayin si Kuya Red, pero mukhang hindi ka naniniwala. Mas pinapanigan mo pa si Tito Romeo. Okay, fine." sabi ko.
"Si David ba nagsabi niyan?", emotionless kong tanong.
"Sabrina."
"James tawagin mo si David at punta kayo sa likod. I want to talk to him." at umakyat ako sa kuwarto ko.
Pasensyahan na lang tayo David.