The Sparks of Our Stars (Vars...

By kotarou-

54.6K 2.4K 159

VARSITY BOYS SERIES #1: THE SPARKS OF OUR STARS Content Warning: The Varsity Boys Series features a BL (Boys... More

VARSITY BOYS SERIES #1: THE SPARKS OF OUR STARS
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
TSOS: PLAYLIST
VARSITY BOYS SERIES 2: THE LOVE ENCOUNTER

Chapter 16

1.2K 53 2
By kotarou-

Chapter 16

All I care is you


"Date me."



Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang tinuran. Hindi isang beses lamang ako napalunok habang nakatitig sa kaniyang mga matang punong-puno ng pagsusumamo.



Date him?



"W...what did you say?" Tanong ko na parang magulong bugtong ang kaniyang binigkas. Malinaw ko iyong narinig ngunit nais ko pang muli niya iyong sambitin upang makasigurado akong hindi ako dinadaya ng aking pandinig.



Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay.



"Date me Ryu. I know you like me too. I can see it. Please just give me one chance, pangako hindi ko iyon sasayangin." Ssabi niya.



Kinagat ko ang aking pangibabang labi.




Hindi na ako magpapaka-impokrito. Aaminin kong gusto kong subukan. Gusto kong subukan ang isang bagay na ngayon ko palang naramdaman ngunit marami ang alinlangang pumipigil sa akin.




Sina Papa, Mama, Kuya, Kyo at mga kaibigan ko. Natatakot ako sa maari nilang maging reaksiyon kapag nalaman nila ito. Ayokong ma-disappoint sila sa akin. Isa pa, paano ang repustasyon ni Jasper sa University? Paano kapag nalaman nila ito?



Natatakot akong baka hindi nila iyon matanggap at maging sanhi ma iyon ng pagkasira ng kaniyang pangalan. Hindi ko maisip na ako pa ang maging sanhi ng bagay na iyon!



"Are you sure about this Jasper? Paano yung parents mo? Paano mga kaibigan mo? Anong iisipin nila tungkol sa iyo?" Natataranta kong tanong.



Ngumiti siya sa akin.




"My parents know about you. I already told them before I came back here. And my friends, I don't really about them though." Sagot niya na lubha ko namang ikinagulat. Alam ng mga magulang niya at pinayagan siyang bumalik rito? Ibig bang sabihin non ay tanggap siya ng mga ito?



"Ryu, look at me."



Tumingin ako sa kaniya.




"I don't care what other people will think about me. They are the last of my worries. What I care the most is you. You are the reason why I came back here."



Sobrang lakas ng pagkabog ng aking dibdib. Heto na ang mga sagot sa lahat ng katanungan ko nitong mga nagdaang araw. Nakaka-overwhelmed ang ipinaparamdam sa akin ni Jasper.




Ako pala iyong ma-swerteng taong aking kinaiingitan noong nakaraan. Masaya ako. Pero natatakot. Posible palang maramdaman ang dalawang bagay na iyon sa parehong oras.



"I...I appreciate you Jasper. Really but I...I can't decide now. Maraming bagay ang gumugulo pa sa aking isipan at ayokong magbigay ng sagot na hindi ko lubos napagisipan." Sagot ko.



Mabigat para sa akin iyon. Pero iyon ang totoo. Ayokong magbigay ng sagot na maari kong pag-sisihan sa huli. Gusto ko munang pagisipan ito ng mabuti. Mabait si Jasper at ayoko siyang masaktan at ma-disappoint.




"I...I understand. I can wait, don't worry. Hihintayin kita hanggang sa maging handa kana." Puno ng lambing ang kaniyang boses saka marahang pinisil ang aking kamay nakaniyang hawak. "..pero sana hayaan mo akong alagaan kita."



It's so warm. Ganito pala yung pakiramdam na may taong nagmamahal sa iyo. Totoo pala yung mga nababasa at napapanood ko sa mga romance film. Sobrang sarap sa pakiramdam at ang saya lang.




Sabay kaming bumaba ni Jasper mula rooftop dahil lumalalim na rin ang gabi. I suddenly feel awkward, habang naglalakad kami sa hallway pabalik sa mga unit namin. Ngayon na alam kong may gusto siya sa akin, parang bigla akong naging conscious sa aking kilos.



"Sabay tayong pumasok bukas." Sabi niya nang nasa tapat na kami ng aming mga pintuan.



Humarap ako sa kaniya. Nanduon pa rin ang kaniyang mga ngiti.



"Bakit?" Tanong ko.




Lumapit siya sa akin ng isang hakbang saka yumukod ng kaunti at ipinantay sa aking tainga ang kaniyang bibig.



"Starting tonight, I will start courting you."



Nanlaki ang aking pisngi sa kaniyang sinabi. Malawak ang kaniyang ngisi nang lumayo siya sa akin.



"Pero diba sabi ko hindi pako ready?" Tanong ko.




"Yeah, I know. But still, I want to court you and you can't say no because I am not asking for your permission." Sabi niya.




Napa-awang ang aking bibig at napaikot ng mata. Here he goes again! The bossy Jasper!



"Whatever! Papasok na ako, goodnight!" Sabi ko sa kaniya saka na siya tinalikuran. Narinig ko pa ang kaniyang paghalakhak.



"Goodnight, mi amor."



Pinamulahan pa ako ng pisngi sa huling salitang kaniyang sinabi. Tsk. Kumaway pa siya nang isara ko ang pintuan. Nginusuan ko lamang siya saka bago ko tuluyan itong sinara.



Para akong tangang nakangiti lamang habang ginagawa ang aking night routine. Hanggang sa mahiga ako sa kama ay nakangiti pa rin ako.



*Beep* *Beep*



Patulog na ako nang mag-vibrate ang aking phone dahil sa na-received nitong text message.



'Can't wait for tomorrow.'



Iyon ang laman ng kaniyang text message na labis kong ikinatawa.



'Matulog kana Felix!'



Hindi ko na hinintay ang kaniyang ire-reply at natulog na ako. Late na rin at maaga ang pasok ko bukas. Hindi nawala ang takot sa aking kalooban sa kabila ng saya na aking nararamdaman.




Bukod sa ito ang unang pagkakataon na magkagusto ako sa isang tao, sa kapwa ko pa na lalaki. Ang daming dilemma ang aking naiisip. Makakaya ko bang harapin ang mga problemang paparating? Makakaya ba namin iyon lagpasan ni Jasper?



Sina Mama paano kung hindi nila ako matanggap, paano kung itakwil nila ako? Si Kyo paano kung husgahan niya ako at layuan? Sina Athena at iba ko pang kaibigan? Paano kung sa gitna nito ay dumating ang araw na kailanganin kong pumili sa pagitan nina Jasper at ng mga taong mahahalaga sa akin.



Malinaw sa akin na ang mga taong mahahalaga sa akin ang pipiliin ko ngunit ang isiping masasaktan ko si Jasper ay tila patalim na tumutusok sa aking dibdib. He told me how he admires me for nine-years and he came back here just to take a chance on me. I don't want to hurt him. He's so kind and he deserve nothing but happiness.


Will I be able to give him the happiness he deserve?



"Good morning."


Ang maaliwalas na mukha ni Jasper ang sumalubong sa akin pagbukas ko ng aking pintuan. Napakaliwanag ng kaniyang ngiti, tila nilusaw noon ang lahat ng maitim na ulap sa aking isipan.



Nginitian ko rin siya at pabirong sinutok sa kanang dibdib.



"Good morning." Sabi ko sa kaniya saka na naunang maglakad nang mailock ko ang pintuan.



Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin.



"Hey, may problema ba?"



Tanong niya nang nasa parking na kami ng building. May mga ilang estudyante ang nanduon na kumukuha ng kanilang mga sasakyan.



Umiling ako. "Wala naman." Sagot ko. Nasa tapat na kami ng kaniyang kotse. Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng passenger seat nito ng pigilan nito ang aking kamay.



"Ryu tell me, what's wrong?"



Sumulyap ako sa kaniya. Ang kaniyang mga mata ay nangungusap sa akin.



Humigop ako ng hangin saka yumuko.



"I'm just thinking, what if in the end, I figure out that I don't feel the same way about you? What if I hurt you?..." I bit my lower lip. "...Jasper, you deserve better, you deserve more and I am not sure if I can give you more." Sabi ko saka siya sinulyapan.



Nakita ko ang pag-guhit ng sakit sa kaniyang mga mata ngunit kaagad din iyong nawala.



Ngumiti lamang siya saka pinisil ang kamay kong hawak niya.



"I accept whatever you can give, whether it's love or pain I will accept it whole heartedly without questions..." Huminga siya ng malalim. "Kung iyon lamang ang kaya mong ibigay, wala naman akong magagawa. Kung masasaktan ako, ayos lang, hindi kita pipilitin na ibigay ang isang bagay ng hindi mo kaya."



His eyes are full of sincerity. Napaka lambing ng kaniyang boses.



"I don't care what I deserve, all I care is you." Dugtong pa nito.




Tipid akong ngumiti at maagap na pinunasan ang tumakas na luha sa gilid ng aking mata.



"Tsk. Tama na nga." Sabi ko sa kaniya.



Tumango siya saka siya na ang nagbukas ng pintuan ng kotse. Nanatili kaming tahimk buong biyahe, ngunit hindi katulad kanina ay gumaan ang aking pakiramdam.



Binibigyan niya ako ng mga ngiti sa tuwing napapadako sa kaniya ang aking tingin. Gayun din naman ang aking ginagawa, at kung minsan ay natatawa at umiiling nalamang ako.



We stayed like that for a week. Sabay kaming pumapasok, laging nakikipag text sa isa't isa at sa gabi ay sabay kaming kumakain sa rooftop ng building. Sa bawat araw na dumaraan ay mas lalo ko siyang nakikilala. At sa bawat araw na iyon, lagi niyang ipinaparamdam sa akin na espesyal ako.



Masarap sa pakiramdam ngunit nagiingat ako. Marami pa ang bagay na dapat kong masiguro bago ako tuluyang magpadala sa nangyayari sa amin ni Jasper.



Weekends nang mapagdesisyonan kong umuwi sa amin dahil wala namang pasok ng Monday. Hindi ko kasamang umuwi si Kyo dahil magte-training sila ng eteam. Nagpaalam ako kay Jasper, alam kong wala pa naman kami pero pakiramdam ko lang na kailangan kong magpa-alam sa kaniya.


'I will miss you.'



Iyon ang laman ng mensahe niya sa akin habang nasa kalagitnaan ako ng biyahe. Wala sa sarili naman akong napangiti.



'Lol ang cheesy mo masyado Felix! Kaka-umay!'



It's not true. Sa totoo nga niyan ay natutuwa ako sa ganitong side ni Jasper, para siyang teenager na naguumpisa palang manligaw!



'Cheesy na kung cheesy, I don't care.'



Tuluyan na akong natawa sa aking kinauupuan. Ginugol ko ang oras ng biyahe sa pakikipag-usap sa kaniya.




Hapon na nang makarating ako sa bahay.



"Ryu! Mabuti naman at umuwi kang bata ka!"



Masaya akong sinalubong ni Papa na nasa day off nang araw na iyon, sa gate ng bahay namin. Nginitian at niyakap ko rin siya.



"Namiss kita Pa!" Sabi ko rito. Ginulo niya ang buhok tulad ng ginagawa niya sa akin noon. "Tsk. Ang tangkad na ng bunso ko. O siya, punt ana sa kusina at ng makapag miryenda ka ako na magdadala ng gamit mo sa itaas." Sabi niya. Tumango ako saka sinunod ang kaniyang sinabi.



"Ma," Tawag ko kay Mama na nasa kusina.



"Ryu, hay naku mabuti at nadito kana. Maupo kana at ng makakain ka."



Humalik ako kay Mama at niyakap siya. Naupo ako sa mesa at kinain ang mieyendang kaniyang hinanda. Matapos kong makakain ay nagpaalam akong aakyat sa aking silid upang makapagpahinga muna.



Nahiga lamang ako pagkapalit ko ng damit. Hindi na nireplayan ni Jasper ang huling mensahe ko, malamang ay nasa practice na iyon, kaya naman natulog nalamang ako.

Continue Reading

You'll Also Like

308K 16.6K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.6K 159 22
A not so typical love story where present the love between two same gender that the society neglected. Is this kind of love could work?
7.8M 228K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...