The Sparks of Our Stars (Vars...

By kotarou-

54.8K 2.4K 159

VARSITY BOYS SERIES #1: THE SPARKS OF OUR STARS Content Warning: The Varsity Boys Series features a BL (Boys... More

VARSITY BOYS SERIES #1: THE SPARKS OF OUR STARS
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
TSOS: PLAYLIST
VARSITY BOYS SERIES 2: THE LOVE ENCOUNTER

Chapter 13

1.1K 58 6
By kotarou-

Chapter 13

I'm Worried 


Gumawa ng malaking ingay ang Instagram story ni Jasper kagabi sa University. Pag-gising ko ay iyon ang nakita ko sa aking news feed. Kakaunti lamang ang followers ni Jasper sa Instagram kaya alam kong kaunti lamang ang nakakita noon ngunit nakuha pa rin noon na kumalat sa ibat-ibang social media.



"Luh! Kawawa naman si Giselle!" Sabi ni Athena.




Nasa classroom na kami at nagiintay nalang ng professor namin para sa una naming subject. Kanina pa siya nag scroll sa facebook niya at kanina pa rin niya paulit-ulit na sinasabi iyon. Wala naman akong imik at nanatili lamang akong nakikinig sa kaniya.




"Anong kawawa e hindi naman din inamin ni Jasper na sila hindi ba?" Mataray na tugon ni Beatrice sa kaniya, classmate din naming. "Ay true girl! Wala namang confirmation sa 'relasyon' daw nila kaya, walang kasalanan si Jasper." Segunda ni Ferlaine.



Napailing nalang ako sa kanilang pagtatalo. Ano bang mapapala nila kung pagtalunan nila ang tungkol roon? Tsk.



Itinuon ko nalang ang aking atensyon sa pagbabasa ng manga na final season ng Attack on Titan, habang nagiintay sa aming professor.



"E kahit na! Dahil sa hindi niya pag-amin ay umasa si Giselle! Tsk. Mga lalaki nga naman mga paasa!" Hesterya ni Athena na parang siya ang pinaasa. "Ikaw Ryu! Tama naman ako hindi ba? Paasa si Jasper?!" Sumulyap ako sa kaniya nang tawagin niya ang aking pangalan.



"Huh?" Kunwaring hindi ko nadinig ang kaniyang sinabi, "Ang sabi ko ay hindi ba, pagpapa-asa ang ginawa ni Jasper kay Giselle?" Ulit nito.



Sumandal ako sa aking upuan at nagkibit balikat. "Hmm, I don't know. Pero sa tingin ko, hindi naman pagpapa-asa ang hindi pag confirm or pag-deny sa ganong bagay." Sabi ko. "Baka kaya hindi niya dine-ny ay wala lamang iyon sa kaniya at gayun din ang akala ni kay Giselle. Kung umasa si Giselle na wala namang ibinibigay na motibo si Jasper na meron silang, relasyon tingin ko ay kasalanan niya na iyon." Nagkibit balikat ako.




Nakita kong nag-smirk sina Beatrice at Ferlaine kay Athena na ngumuso lamang sa akin. Natawa nalang ako at itinuloy ang pagbabasa.



Hindi ba ay totoo naman iyon? Kung walang sapat na motibong ibinibigay ang isang tao na may gusto ito sa iyo at umasa ka ay ikaw na ang may kasalanan nun. Hindi naman sa ipinagtatanggol ko si Jasper, pero iyon ang aking pananaw.



Hindi rin naman masasabing motibo ang hindi pag-deny roon dahil marami ang ibig sabihin non. Dapat ay tinanong at nilinaw ni Giselle kung may gusto ba si Jasper sa kaniya o wala bago siya mag post ng ganon o umasa.




May ilang mga estudyante ang nagpakita ng saya sa post na iyon ni Jasper ngunit mayroon din mga nagpakita ng simpatya. Ang kanilang fans club n amabilis nabuo noong nakaraang lingo ay pinupush parin silang dalawa.




"Okay, so here's the schedule of the photoshoot. Paki inform nalang ang mga naka-assign sa inyo." Anunsiyo ni Claire nang hapong nagkita-kita kami sa HQ ng Org.



Inilagay niya sa bulletin board ng HQ ang dalawang araw na schedule ng photoshoot para sa magazine. Hapon ang sa basketball team at kasama naroon si Jasper kaya kaagad ko iyong sinabi sa kaniya.




Pagkatapos ng meeting ay dinismiss na rin kami ni Claire. Malakas na kulog at sinamahan ng pag-guhit ng kidlat ang sumalubong sa amin paglabas ng HQ. Madilim na ang paligid kahit mag-aalas singco palang ng hapon.




"Shit! Mukang uulan pa!" Bulong ko habang papunta sa parking ng University.



Nagmadali akong kuhanin ang bike ko para maka-alis nab ago pa ako maabutan ng ulan. Sinubukan kong bilisan ngunit naabutan pa rin ako ng pag-ambon na kalaunan ay tuluyan naging ulan.





"Argh! Kapag minamalas ka nga naman!" Inis kong bulong habang tinatahak ang daan pauwing apartment. Mabuti nalang at iniwan ko ang mga importanteng gamit ko sa locker kaya confident akong walang mababasa at masisira sa gamit kong nasa bag.




Basang basa ako pagdating ko building. Binati pa ako ni Mang Teroy, ang security ng building kung bakit ko raw sinugod ang malakas na ulan. Ngumiti lamang ako at nagtuloy na sa pagpasok dahil nilalamig na ako.




Kaagad akong nagbalot ng tuwalya pagagdating ko sa unit at naginit ng tubig para maibsan ang lamig. Nagpahinga ako pagkatapos kong makapag linis ng katawan at kumain.




Kinagabihan nang makaramdam ako ng pananakit ng katawan at ulo. Nakadama rin ako ng matinding panlalamig kaya naman binalot ko ang aking sarili sa comforter at pinilit matulog sa kabila ng hindi magandang pakiramdam. Wala rin naman akong lakas na tumayo para uminom ng gamot.




Kinabukasan ay naramdaman ko ang mataas na temperature sa aking katawan. Hirap man ay sinubukan kong bumangon para magluto ng pagkain at uminom ng gamot.




Late na ako nagising at sa kalagayan kong ito ay hindi na ako makakapasok kaya tinext ko si Athena na may sakit ako at siya na ang bahalang mag excuse sa akin sa klase at huwag sasabihin kay Kyo na may sakit ako dahil paniguradong mag-aalala iyon at susugod iyon dito.




Sanay naman akong magkasakit mag-isa kaya alam kong kaya kong alagaan ang sarili ko. Pagkainom ng gamot ay natulog lamang ako para makapag-pahinga.




Sabi na at tama ako. Kaunting pahinga lamang ay baba na ang masamang pakiramdam na aking nararamdaman. Kaunting sakit ng ulo nalamang ang aking iniinda na ininuman ko naman na ng gamot.



Ngayon ang photoshoot para sa magazine at kailangan kong pumunta para tumulong sa preparation. Pagkaligo ko ay dumiretso na kaagad ako sa event hall ng University na venue ng photoshoot.




Naka set-up na ang mga gagamitin ng mga Film student na mula sa Schools of Multi-Media Arts ng University, na magiging phographer.



"Good morning!" Bati ko sa kanila nang makarating ako.



Naroon na silang lahat at ako pinaka huling dumating.



Ang unang sasalang sa photoshoot ay ang soccer team. "Pwede na tayong mag simula." Anunsiyo ni Kit, isang Film student ng SOMMA at isa sa magiging photographer ngayong araw. Tumango si Claire at kinausap ang mga unang sasalang sa photoshoot.



"Rave! Bakit ngayon ka lang!" Sita ni Claire sa team captain ni soccer team na kakadating lamang.



Tamad itong tumingin kay Claire. "Don't shout okay? May dina-anan lang ako." Sabi nito saka dumiretso sa wardrobe section para magbihis.



*scoffs*



Napatingin ako kay Kit at kita ko ang pagka-disgusto sa kaniyang mukha habang sinusundan ng tingin si Rave.




Lihim nalang akong natawa at umiling.



Nag umpisa na ang photoshoot. Inunang kuhaan ng solo picture ay si Rave. Habang nagpi-picture siya ay kita ko ang pagkairita sa mukha ni Kit.



"Umayos ka nga pwede ba?!" Asik ni Kit kay Rave sa pangatlong ulit ng isang pose nito.



"Ano bang ayos ang gusto mo ha? Mayos naman ah! Tsk. Pasenya na ha, hindi naman ako kasi professional model na kagaya mo!" Ganting bulyaw nito kay Kit.



"Kahit hindi modelo ay kayang gawin ang simpleng instructions sinasabi ko!" Iritadong ganti ni Kit.



"Ohmyghad. Eto na naman sila." Naiiling-iling na sabi ni Claire.



"Ah, so anong gustong palabasin mahina akong makaintindi ha?!" May panghahamon sa boses ni Rave. Kinakabahan na ako dahil baka bigla silang magkagulo roon.




"That's not what I meant! Argh! Bwisit! Fine! Last na ito." Sabi ni Kit at muling binigyan ng instructions si Rave.



Nakita kong nagtatawanan ang mga teammates ni Rave sa naging argumento ng dalawa. Nang matapos ang mga solo pics at ang group photo naman.



Kahit papaano ay na-enjoy ko naman ang paga-assist sa mga sumalang sa photoshoot. Nang mga ilang oras na ang lumipas ay nakaramdam muli ako ng pananakit ng ulo. Uminom ako ng gamot nang makapag lunch ako.




Dumating ang hapon at dumating na ang mga susunod na sasalang. Ang basketball team.




"Bakit hindi ka pumasok kahapon?" Tanong sa akin ni Kyo habang nag-iinatay siya na mag umpisa ang photoshoot.



Umiling ako. "Wala lang, nalate ako ng gising at tinamad na akong pumasok." Sagot ko. That's a flawed lie. Alaman ni Kyo na wala sa bukabularyo ko ang salitang 'tinatamad pumasok'




"Tinatamad? Huh, kailan kapa tinamad pumasok Ryu?"




Just like what I thought so. Hindi iyon kakagatin ni Kyo. Nangangapa ako ng pwedeng idahilan pero napagod ako sa kakaisip mabuti nalang ay nag-tawag na si Claire na maguumpisa na kaya nakawala ako sa pagtatanong ni Kyo.



Nakita ko si Jasper sa grupo nina Apollo na nakikipag-kwentuhan habang nagiintay. Ngumiti ito sa akin nang makita ako. Tumango at ngumiti rin ako sa kaniya pabalik.




Sa kalagitnaan ng photoshoot ay mas lalong sumama ang pakiramdam ko. Nakaradaman ako ng pagkahapo at panginginig ng aking katawan dahil sa lamig na biglang bumalot sa akin. Nilalamig ako pero mataas ang aking temperatura.



Tumayo ako sa upuan ko para kumuha sana ng tubig sa dispenser dahil pakiramdam ko ay parang biglang natuyo ang aking lalamunan.




I feel dizzy when I get up. I tried to calm myself and walk straight but my strength failed me.



"Ryu!"



Ang huling bagay na naalala ko ay ang pagsigaw nila sa pangalan ko bago ko maramdaman ang pagtama ng aking likod sa malamig na tiles ng even hall.




Puting kisame ang unang bumungad sa akin pagmulat ng mga mata ko. Narinig ko ang tila tunog ng isang pang-ospital na aparato sa aking gilid. Maingat kong iginala ang aking mata at natagpuan ko sina Claire, Lester at Kyo sa loob.




"He's awake." Anunsiyo ni Claire nang mapansin niya ang aking pag-gising.



"Ryu! Anong nararamdaman mo? Okay ka lang ba? Tatawagin ko ang doktor!" Natatarantang sabi ni Kyo.




"Kyo! I'm fine okay? Maayos na ang pakiramdam ko." Sagot ko sa kaniya.




Ngunit si Kyo ito at hindi noon naibsan ang labis na pag-aalala sa kaniyang mata.




"You always say you're fine but always end up getting injured! I told you, kung ayaw mong makitang nag-aalala ako ingatan mo ang sarili mo!" Frustrated niyang pangaral sa akin.




"Calm dawn, Kyo. Ang sabi naman ng doktor ay maayos na siya. Nabinat lamang daw siya, pahinga lamang ay bubuti nang tuluyan ang kaniyang pakiramdam." Sabi ni Claire.



"Don't worry about the photoshoot, Ryu kami na ang bahala roon. Just take a rest okay?" Tumango ako sa sinabi ni Claire.




Ilang minuto pa silang nanatili roon bago nag-paalam na. Naiwan si Kyo na kanina pa tahimik.



"I'm sorry. Nag-aalala lamang ako." Sabi niya matapos ang ilang minutong katahimikan.



"I know and I'm sorry for worrying you again. I think, I am really a failure taking care of myself." Natatawa kong sabi sa kaniya.



Tumawa siya saka tumango. "Yeah right." Sang-ayon niya. Nagtawanan kaming dalawa na parang mga sira.




This moment reminds of the time after my surgery. Siya rin kasi nagpresintang magbantay sa akin noon at hindi ako iniwan hanggang sa full recovery ko.




"Lalabas lang ako saglit para bumili ng pagkain. May gusto ka ba?" Paalam niya. Umiling ako. "Kahit ano nalang. Ikaw bahala." Sabi ko. Tumango siya saka na lumabas ng silid.



Ilang sendo lang ay narinig kong bumukas itong muli. "Kyo may nakalimutan kaba- Jasper!" Nagulat ako nang makita si Jasper na pumasok.



"Ryu!" Mabilis itong lumapit sa akin.



"A-anong ginagawa mo rito?" Nataranta kong tanong sa hindi ko malamang dahilan. Bakit naman ako nataranta bigla!




"I'm so worried about you!" Bakas ang pag-aalala sa kaniyang boses. Kumalabog ang puso ko sa mga halo-halong emosyong naramdaman ko dahil duon at sa kaniyang mga matang punong-puno ng paga-alala. 

Continue Reading

You'll Also Like

163K 7.6K 72
Kieffer, a senior high school student, specifically in STEM strand, is madly in love with his schoolmate Dhenver, also a STEM student but from anothe...
1.6K 159 22
A not so typical love story where present the love between two same gender that the society neglected. Is this kind of love could work?
313K 16.9K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
7.8M 229K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...