Taking Chances (Seasons of Lo...

By theflowerlistener

542 17 0

Seasons of Love Series #3 Aika Patricia doesn't have much choice but to mature in her early age. As the oldes... More

Taking Chances
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
Sincerely, Sam🍂

PROLOGUE

24 1 0
By theflowerlistener

"Doon, sakanila mo itanong."

Tinuro sa akin ng isang studyante ang isang table kung saan may nagkukumpulan na mga studyante rin. Mukhang sila ang officers dito kaya lumapit na ako roon.

Maayos akong pumila pero hindi ko maiwasan sumilip dahil sa lakas ng boses ng dalawang babae na nakaupo roon. Hindi naman sila pinapakialaman ng ibang officers, minsan ay natatawa pa nga sila.

Kinukulit ng dalawang 'yon ang mga bagong studyante na katulad ko, minsan ay nakikipag kulitan pa sila kaya lalong tumatagal. Ang nakakapag taka ay wala man lang nag rereklamo, o ako lang 'yon na hindi makapag hintay?

"Hello! Ang ganda naman ng pangalan mo, Hailee Enya Ricarte," sumilip akong muli dahil sa ingay nung babaeng nakalugay ang mahabang buhok, mukha siyang inosente. Agad naman sumegundo 'yung katabi niya, maiksi ang buhok niya at may kalakihan ang pisngi.


"Huwag mo naman harass-in! Bago 'yan oh," saway niya pero tumatawa. Hindi ko narinig ang sagot nung Hailee, pero napahagalpak ang dalawa sa sinabi nito. Naiiling nalang ang mas matatandang studyante na naroon sakanila.


Tinitignan ko ang ibang studyante rito, marami sakanila ay magkakakilala na. Maingay ang mga hallways, at rinig na rinig ang bukas sara ng mga classroom. Medyo kabado pa nga ako dahil ito ang unang beses na lumipat ako ng school.

"Hello, ako si Erika, student council" masayang bati nung babaeng mahaba ang buhok.

Ngumiti naman ako sakaniya, "ahm, sabi sa 'kin sainyo raw kukunin ang schedule?"

Tumango naman siya, "anong pangalan mo?"

"Aika," wala sa sarili kong sagot dahil nailang ako sa pag tingin ng isang grupo ng kalalakihan sa likod nila. Nakita kong lumingon din 'yung katabi ni Erika maiksi ang buhok sa tinitignan ko sabay tingin sa 'kin ulit.

Wala naman napansin si Erika kasi busy sa paghahanap ng pangalan ko, nakakunot pa ang noo. "Ate girl, surname? Apat kayong Aika rito e, syempre hindi ikaw 'tong nasa grade six, so sino ka rito sa tatlo."

"Sinabi mo kasi pangalan lang, 'di mo naman sinabi na full name," pambabara ng katabi niya.

"Parehas lang 'yun Sab, 'wag ka nga riyan," pagtatanggol naman ni Erika sa sarili.

"Balmez, Aika Patricia," pag sabad ko sakanila bago pa humaba ang pag uusap nila.

Agad naman hinanap ni Erika ang schedule ko, lumaki pa ang ngiti niya pagkakita niya ng schedule ko.


"Classmates tayo," ngisi nito, "pirma ka nalang dito tapos pwede ka na pumasok sa room. Ayun ang room natin," tinuro niya ang pangalawang room sa isang hallway pagkatapos kong pirmahan ang pinapa pirmahan niya.

"Thank you," ngumiti lang ako at lumakad na paalis. Pumasok naman ako sa room na tinuro nila sa 'kin, kaunti palang ang taong naroon at halos lahat ay nag uusap usap tungkol sa bakasyon nila. Naupo nalang ako sa pinaka dulo, katabi nung Hailee.

Pinapanood ko lang ang mga taong narito, nagulat pa lahat sa biglang pagbukas ng pinto, sa lakas ay umuntog pa ito sa pader. Niluwa nito ang mga lalaking tinitignan ako kanina, anim silang magkakasama. Sunod sunod naman silang naupo sa harapan ko, nung una ay patay malisya lang silang lahat at kunwaring nag uusap usap, maya maya pa ay isa sa kanila ang humarap sa 'kin.

"He—" nagulat ako sa paglitaw ni Erika kasama si Sav? Sad? Sab? Mas nagulat ako sa ginawa niya, dinikit niya ang palad niya sa mukha nung lalaki at tinulak palayo.

"Tigilan mo 'yang transferee, bumalik na nga kayo sa room niyo," maangas niyang sabi.


"Sab naman!" Reklamo nila.


Ah. Sab pala, "oh ano? Aalis o aalis?" Pang hahamon niya pa.

Kakamot kamot naman sila sa ulo bago tumayo, isa isa nila ginulo ang buhok ni Sab bago sila tuluyan umalis.


"Pasensiya ka na ha, mahilig kasi sila mang trip ng mga transferee, 3rd year na ang mga 'yon, mga tropa nitong si Sab," pagkausap ni Erika sa 'kin. Tumango lang ako at ngumiti, hindi niya naman na ako pinansin at si Hailee na ang ginulo.


Magmula noon ay kami na ang magkakasama parati, kahit hindi pa ako pumapayag ay hinihila na ako ni Eka kung saan sila pupunta. Magka vibes sila ni Hailee dahil halos parehas sila ng ugali samantalang si Sab naman ang ka vibes ko.


"Excuse lang ah," pagpapaalam ko sakanila nang makita kong may tumatawag sa 'kin.


"Hi love! Uuwi ako next week!" Bungad niya kaagad.


Agad naman lumapad ang ngiti ko, "talaga? Magtatagal ka ba?" Tanong ko.


"Isang linggo lang e, sasabay lang ako sa kaibigan ko," malungkot niyang sabi.

"Ano ka ba, think positive, at least magkikita tayo 'di ba?" Pagpapagaan ko ng loob niya, naging masaya naman kaagad ulit ang boses niya. Binaba na rin niya ang tawag, binalita niya lang na uuwi siya. Bumalik na ako sa table namin sa tabi ni Sab nang makatanggap ako ng text galing sakaniya.


From: Mr. Advance

Can't wait to see you, Miss Crush.

——————————————————————————-                             🍂

Continue Reading

You'll Also Like

137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
1.9M 24.5K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...